You are on page 1of 1

Ang Dugo ni Haring Turbod Balroy

Noong unang panahon, sa isang nayon nakatira ang mga malalakas at magagaling na
mandirigma na kalian man ay hindi pa nakaranas ng pagkatalo sa mga digmaan nilang ma
daanan kaya sila ay kinatatakotan ng magkalapit na nayon. Pinamunoan ito ng haring si Turbod
Balroy. Mahaba ang kanyang buhok, matangos ang ilong, at madaming piklat sa mukha at
katawan na natamo nya dahil sa mga digmaan na kanyang nadaanan. Ipinanganak syang ma
itim ang dugo na nagbibigay din sakanya ng lakas at bilis sa pag galaw kaya siya napiling maging
hari at taga pamuno ng nayon ng mga mandirigma. Isang araw, naglakbay si haring Turbod
Balroy kasama ang limang malalakas na mandirigma upang mangalakal. Naglakbay sila
hanggang sa gumabi at napadpad sa gubat kaya sila’y nanatili munang magpahinga.
Pagkagising nila ay nagpatuloy silang maglakbay at sa wakas ay nakadating na din sila sa nayon
ng kalakalan. Pagkatapos nilang mangalakal ay bumalik na sila sa kanilang nayon dala-dala ang
kanilang kagamitan galing pangangalakal.Subalit pagdating nila sa kanyang nayon ay may grupo
ng mga mapuputi at matatangkad na tao. Sila ay mga kastilang may dalang sandata at baril na
may pagnanais agawin ang kanilang lupang tinitirhan. Saktong dumating ang hari at ibinalita sa
kanya ang nangyari subalit madami na ang nasugatan bago pa siya dumating. Dahil sa galit niya
naging makulimlim ang kalangitan na para bang sumabay sa galit ng haring si Turbod Balroy.
Nagsimula ang digmaan at ang mga mandirigma ay napalaban kasama ang kanilang hari. Sa
pagsapit ng dilim ay natalo nilang muli ang mga kastila ngunit marami na ang sugatan sa kanila
pati narin si haring Turbod Balroy na nagtamo ng maraming sugat at ang itim na dugo sa
kanyang katawan na bumubusilak na parang luha. Sa kasamaang palad, hindi na kayanan nin
haring Turbod Balroy at tuloyan ng nagpaalam sa mga mandirigma at sa nayon na kanyang
nasasakopan. Upang hindi siya makakalimutan tinawag nila ang nayon na “Turbod Balroy”
galing sa pangalan ng kanilang namayapang hari at sa kalaunan ay naging “Tubod baroy”

You might also like