You are on page 1of 2

Alamat ng Lahug

Nico Rafael Borden








Makapalipas ang maraming taon, merong isang alamat na puno ng mga eksena. Sa
kaharian ng Visayas, merong nagngagalang Cebu, reyna ng kaharian , may dalawang distrito ang
kanyang kaharian, ang Hilagang Distrito at timogang Distrito. Isa sa mga paborito ng reyna ang
hilagang distrito dahil nandoon ang kanyang magiting na kawal na si Lahug, isa sa mga kanang
kamay ng hari.

Bago pa man namatay ang hari, dahil sa giyera ng mga tagalabas. Si Lahug ang kanyang
palaging kasama sa bakbakan. Binatilyo pa lamang si Lahug noon, at doon nakita ng hari ang
husay niya sa pakikipaglaban. Itinuring ng hari si Lahug na para niyang anak, lubos na pag-
aalagat pagsasanay. Isa siya sa mga paborito ng lahat ngunit hindi talaga maiiwasan ang inggit
ng ibang tao. Sa ngayon wala pang aksyon.

Binisita ng reyna si Lahug at kinamusta kung maayos ba ang lagay niya, labis ang
kanyang pag-alala dahil naalala niya ang hari sa pamamagitan ni Lahug. Si Lahug ay napakabait
na tao, masunurin at may pagmamahal sa kapwa. Isa sa mga maswerteng kawal si Lahug na
para bang nabisbisan ng kapangyarihan. Kahit na may bagyo, nagawa pa rin niyang
makipaglaban ng kahusayan. Habang nag-uusap ang reynat si Lahug, may isang kawal na puno
ng inggit dahil parang hindi na siya pinapansin, palaging si Lahug na lang. Dahil sa siya ay
naninibugho, umalis at sumama sa ibang kaharian, ang kaharian ng mga tagalabas. Nais niyang
makipag sanib-puwersa laban sa kaharian ng Visayas.

Makalipas ang ilang buwan, nagsimula na ang kababalaghang pangyayari. Ang mga
hayop ay unti-unting nauubos, ang mga tao at ibang kawal ay nagkakasakit. Si Lahug ay
matalinong tao, kaya inimbestiga niya ang mga nangyari. Nalaman niyang sinadya ang mga
pangyayari, maya-maya lamang, biglang tumunog ang trumpeta. Umakyat si Lahug sa tore at
nakita niya ang libo-libong mga kawal sa labas at nakita niya ang kanyang kaibagan na kinilala
ring kaliwang kamay ng hari. Bakit mo to nagawa?, bulong ni Lahug, nakita niyang galit sa
mata ang kanyang kaibigan. Naghanda ang mga kawal ng kaharian sa pagsalakay ng tagalabas,
nang biglang sumabog at bumukas ang tarangkahan. Sumugod na agad ang mga tagalabas,
hindi lang sa loob ng kastilyo kundi sa labas rin. Magagaling ang mga kawal sa loob ng kastilyo
at hindi basta-bastang makapasok ang mga tagalabas. Doon naisip ni Lahug ang kanyang bayang
pinanggalingan, ang bayang walang pangalan. Sumasakay ng kabayo si Lahug patungo doon, at
meron ding mga taong-nayon na nakikipaglaban. Nakikipaglaban din si Lahug, alam ng
tagalabas ang tungkol kay Lahug. Hawak ng tagalabas ang kanyang lolo at pinakita sa kanyang
harapan na pinaslang ng mabilis. Doon nagalit at pinatay din ni Lahug ang pumaslang. Lumuhod
at umiyak si Lahug sa kanyang lolo, ni hindi man lang niya nakausap sa huling hininga.


Parang wala sa sarili si Lahug at parang sabay gumuho ang kanyang mundo. Hindi niya
na malayan na may pumana sa kanya at natamaan sa dibdib, 3 panang puntirya. Tinapon niya
ang espada patungo sa tagabalas at napatay rin din naman. Dumating ang mga dagdag na mga
kawal sa bayan at nakita nila si Lahug na nakahiga sa lupa, humihinga pa ito at sinabing
Pagmamahal sa bayan, ating ipaglaban, naghihingalong salita ni Lahug, at binawian rin ng
buhay. Isang karangalan ng pagserbisyo sa iyong panig, sabi ng mga taga Timog Distrito.

Makalipas ang ilang taon nang natalo ang mga tagalabas, ipinahayag ng reyna ang ukol
sa magiting na mandirigma na si Lahug. Ideneklara din ng mahal na reyna na ang bayan na
walang pangalan ay pinangalanan ng Bayan ng Lahug, sa kasalukuyan Barangay Lahug.

You might also like