You are on page 1of 1

Patulin, Quezza Phola S.

FIL102 A4-2

ALAMAT NG BUTUAN

Noong unang panahon sa maunlad na kaharian ng “City of Gold”, may isang


makapangyarihang hari na walang sino man ang lumalabag sa kanya dahil sa kanyang
kagalingan sa pamumuno. Ang haring ito ay nagngangalang "Haring Chipako," na kahit bata
pa lang ay alam na niya na ang buhay ay hindi puro kasiyahan at katuwaan.
Sa kanyang kabataan, si Haring Chipako ay isang masayahing bata at palagi siyang
naglalaro kasama ng kanyang mga magulang. Ngunit sa isang maulan at mahangin na gabi
pagkatapos ng selebrasyon ng kanilang kaharian, may mga masasamang loob na nagtatago at
nakaisip ng masamang plano. Pagkatapos ng selebrasyon, sa kadiliman ng maulan at
mahangin na gabi, nilusob ng mga ito ang kaharian at pinatay ang Hari at Reyna, ang mga
magulang ni Haring Chipako.
Napakalungkot para kay Haring Chipako na makita ang kanyang mga magulang na
pinatay at ang kanyang kaharian na nasira. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang
mawalan ng pag-asa. Sa halip, ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang maging isang
malakas at mabuting lider na makakatugon sa mga pangangailangan ng kanyang kaharian.
Nang siya ay tumungtong sa tamang edad, pinalago niya ang ekonomiya at pinaganda
ang buhay ng kanyang mga nasasakupan. Ngunit mayroon pa ring mga masasamang loob na
nagtatago sa dilim at nagsusumikap na sirain ang kaharian.
Isang araw, sa kasamaang palad, nagsimula ang pag-aalsa ng mga ito, na
pinangungunahan ni Alap-alap, anak ng sumakop sa kastilyo noon na si Dodong. Si
Alap-alap ay kilala sa kanyang kahusayan sa pakikipaglaban, na dahilan ng pagbansag sa
kanya bilang isa sa pinaka-maimpluwensyang mandirigma sa rehiyon. Gayunpaman, sa
kabila ng kanyang mga tagumpay sa pakikipaglaban, mayroon siyang matinding poot sa
kanyang puso. Naniniwala siya na pinatay ng Haring Chipako si Dodong at ang kanyang ina
sa bilangguan bilang ganti sa nangyari noon.
Ang kilusan na ito, sa pangunguna ni Alap-alap, ay nagdala at ng digmaan sa pagitan
ng mga mamamayan at ng mga masasamang loob. Sa gitna ng kaguluhan, may isang
magiting na binatang lalaki na lumaban mismo kay Alap-alap. Nagalit siya nang makita ang
kanyang ina na pinaslang ni Alap-alap, kaya nagsimulang siyang lumaban upang protektahan
ang kanyang mga kasama at ang kanyang kaharian. Ang matapang na binatang ito ay
nagngangalang “Butuan”. Sa kabila ng lakas ni Alap-alap, hindi niya napigilan ang
pagkakapagod sa patuloy na pakikipaglaban kay Butuan. Siya ay nabigo, at sa pagkatalo ay
nangako siya na hindi na babalik sa City of Gold. Ang pangkat ng mga mandirigma na
pinamumunuan ni Alap-alap ay sumuko rin at umalis sa lugar.
Matapos ang digmaan, ang lungsod ng City of Gold ay nanatili pa ring nakatayo,
malayo sa kapahamakan. Di kalaunay pinangalanang Butuan ang lugar dahil sa lakas at
tapang na ipinamalas ng binatang tumalo kay Alap-alap. Hanggang sa kasalukuyan, ang
alaala ng digmaan ay nananatiling buhay sa mga alaala ng mga mamamayan ng Butuan at
kailanma’y hinding-hindi ito mawawala sa kanilang puso’t isipan.

You might also like