You are on page 1of 4

Naging Sultan Si Pilandok

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si


Pilandok. Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa
dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa
kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa
kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.
Nagtataka ang Sultan kung paanong nakabalik si Pilandok gayong ipinatapon na
niya ito sa gitna ng dagat habang nakakulong sa isang hawla, at ngayon nga ay
nakasuot pa ng magara. Sinabi ni Pilandok na siya ay iniligtas ng kanyang mga
ninunong naninirahan sa isang kahariang nasa ilalim ng dagat. Ayaw maniwala ng
Sultan sa mga kwento ni Pilandok.

si baego araga at ang sultan

Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay
matalino nguni't ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit.
Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang
nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang
pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung
kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo
sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng
kanyang anak.
Ibalon

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol.


Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang
mga taon at siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal sa mga tao roon
dahil sa siya’y maunawain, matapang at makatarungan.
Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na
pumuksa sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si
Baltog, ang bayaning katulad ni Beowulf, ay siyang pumatay sa higanteng baboy-
ramo. Nagbalik na muli sa Ibalondia ang katahimikan.
Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw,
mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan
doon ang sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay
niya sa tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag.

Tulalang

Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang


pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa kanilang
magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at ang wika: Huwag kang mag-
alala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom.
Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo. Simula noon, ang magkakapatid ay
nanagana sa pagkain.

Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang


kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa
iba’t ibang tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang
kapangyarihan.

Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan


o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng mga
ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa
pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa paligid ng
palasyo ay naaaliw rin.
Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at
mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit
naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang baywang.

Tuwaang

Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at


kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na
nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang
humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang.
Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging
Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai
sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si
Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang
karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya
ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y
nagmamadali.
Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si
Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay
kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa
lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay
halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman.
Bantugan

Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit
sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-
utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan.
Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan.
Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay
sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat.
Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila
kilala si Bantugan.
Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang
konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro
na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita
naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Labaw Donggon

Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay


napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang
pumayag lamang na makasal ang dalawa.
Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig
siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon.
Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.
At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong
Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung
Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.

You might also like