You are on page 1of 1

Tulalang (Epiko ng Manobo)Ito ang epiko ng mga Manobo na nagsasalaysay tungkol sa buhay ni

Tulalang.

EKSPOSISYON

Siya ang panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap. Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at
nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa
kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at sinabi na anuman ang naisin ninyo ay
mapapasainyo. Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain. Umunlad ang kanilang
kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng
magkakapatid na manirahan sa palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng
mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato.

Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at ang magandang dilag na bihag nito. Tinungo niya
agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Natutulog ang higante at
nakakulong ang dalaga sa hawla nang siya’y dumating. Nagising ang higante. Kinuha ng higante ang
panggarote at ang dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang kamay, dalawang
paa at ulo ng higante. Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. ang pangalan ng magandang babae
ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang pangalan. Naakit siya sa dalaga
kaya niyaya niya itong magpakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si Tulalang ay nakatulog.
Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga.
Nagtanong siya sa pitong babaeng nananahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro ng mga ito.
Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad ang Kulog, ngunit ang
babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo siya sa
langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga. Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig
ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang makauwi sa kalangitan. Nakauwi ang dalaga sa
kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay namatay na. Sa gayon, ang
kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si
Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na
muli ang Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid
hanggang sa makalimutan niya ang pangako kay Macaranga. Lumipas ang ilang araw, biglang may
humihip na malakas na hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang
manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa Kulaman at isang higante ang haharang sa
sarimbar pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay napatay niya ang baboy ramo at
higante. Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar na nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay hugis
bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa langit. Isa panghigante ang
nagtangkang pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni Tulalang .Ang mga kapatid ni
Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang
hanggan

You might also like