You are on page 1of 2

TULALANG (EPIKO NG MANOBO)

Sa bayan ng Kulaman ay may mag-asawang mahirap ang katayuan sa buhay. Sila ay may tatlong anak. Ang panganay ay
si Tulalang . sa murang edad ay makikita na sa kanya ang pagiging responsible. Siya ang nangunguna sa paghahanap ng
kinabubuhay ng kanyang pamilya.

Isang umaga ay natungo si Tulalang sa gubat upang manguha ng ubod ng yantok upang sila ay may makain. Hindi lingid
sa kaalaaman ni Tulalang ay may isang matanda palang nagmamasid sa kanya. Ang matanda ay naawa sa kalagayan ni
Tulalang. “Huwag ka ng mag-alala sa inyong pagkain, simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin
nyo ay mapapasainyo.” Wika ng matanda, parang isang bula ay naglaho ang matanda. Simula noon ang pamilya ni
Tulalang ay naging masagana ang pamumuhay. Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag.
Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa iba’t ibang tribu ang
nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.

Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan o palasyo. Ang palasyo ay
napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga
alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin.Ang
magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid na babae na inilagay sa
pinakamalalim na bahagi ng palasyo na nasa pitong patong na buslo na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay
hiyas ng magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang mag-anyong iba’t-ibang hugis na
naisin niya. Siya ay gadaliri lamang habang nasa loob ng buslo. Siya ay nananatili sa loob ng buslo kung wala siyang
ginagawa. Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago tumanghali ay
namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay nangangahulugang may darating na kaaway sa
kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang bulaklak na rosas. Isang araw ay dumating si Agio ang
pinakamayabang na heneral at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. “Tulalang, kung hindi mo ko lalabanan ay
sasakupin ko ang buo mong kaharian” wika ni Agio.Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inalis ni Tulalang ang
singsing sa kanyang daliri at inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang singsing.
Lumaban ito at maraming napatay na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang
singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at naging singsing na muli. Muling
hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging
sundalo at muli na namang pumuksa ng mga kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang balaraw
lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na naging sundalo, at ito ay bumalik sa dati nitong anyo na isang balaraw.
Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga tauhan ni Agio. Ang kapatid na
babae ni Tulalang ay napanood ang buong pangyayari, kaya’t upang makatulong dali dali syang kumuha ng langis at
binuhusan ang mga ito at ang dalawang kampo ay nakatulog at dahil na rin ito sa pagod sa maghapong labanan. Sa
kanilang paggising nalaman na lamang nila na sila ay magpinsan kung kaya’t nahinto ang labanan.

Isang g araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na nakadapo sa sanga ang dumumi sa
kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak na may darating na isang napakalaking higanteng
kumakain na tao. Sinabi rin sa kanya kung paano ito matatagpuan. Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay
nakakita siya ng isang kubong may nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at
sa magandang dilag na bihag nito.Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae.
Ang bahay ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging na tumubo sa ilalim nito. Natutulog ang higante at
nakakulong ang dalaga sa hawla nang siya’y dumating. Nagising ang higante. “Sino ang nariyan?”ang sigaw ng higante.
Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa aking pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot ni Tulalang. Ako ay taong
kagaya mo. Kinuha ng higante ang panggarote at ang dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang
kamay, dalawang paa at ulo ng higante.Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang
pangalan ng magandang babae ay Macaranga. Dahil pagod, si Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang
iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga, ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito
at nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa tahanan ng higante at sumakay sa kanyang musala. Nagtanong
siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro ng mga ito. Napag-alaman niya na si
Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit
ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga.
Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang makauwi sa
kalangitan.Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay namatay na. Sa
gayon, ang kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag siyang magpakasal kay Tulalang. Umuwi muna si
Tulalang sa kanilang kaharian bago ikasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang
Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan
niya ang pangako kay Macaranga.Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway. Ang hari
ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita.
Nagapi ng kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae naman ay dinala sa kaharian nito. Nang
malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at tinungo ang kuweba ng hari ng mga Bagyo. Nag-anyo
siyang sibat at pumasok sa kuweba ngunit ang hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng paraan upang makapasok sa
kaharian. Nagbalatkayo naman siyang isang bata at sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo at naging alila. Siya ay
nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang kanyang kapatid na babae. Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang
kapatid. Naghinala ang hari na ang batang alipin ay si Tulalang, kaya ipinasya niyang lusubing muli ang Kulaman. Bago
umalis ang hari ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay hiniling muna ng hari na huminga sila sa isang bote at takpang
mahigpit at ibitin sa loob ng palasyo. Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag may
napapatay silang kaaway ay napapalitan kaagad ng dalawa mula sa dugo nito. Lalong dumarami ang kaaway habang
marami silang napapatay. Tinungo niya kaagad ang kaharian ng mga Bagyo. Gumawa siyang muli ng paraan upang
makuha ang boteng pinag-iwanan ng kaluluwa ng hari at mga kawal nito. Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay
tumayo siya sa beranda ng palasyo at binalaan ang hari at mga kawal nito. “Kung hindi kayo susuko ay babasagin ko ang
boteng ito upang mangamatay ang inyong kaluluwa.” Napilitang sumuko ang Hari at mga kawal nito at napaalipin kay
Tulalang.

Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na ang sarimbar na galing sa langit ay darating na upang
silang lahat ay kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na buwan upang pagdating sa langit ay
magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal beings).Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip
na malakas na hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang manggagaling sa Silangan
upang silain ang mga tao sa Kulaman at isang higante ang haharang sa sarimbar pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na
lakas ni Tulalang ay napatay niya ang baboy ramo at higante. Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa
nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay hugis bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa
langit. Isa pang higante ang nagtangkang pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni Tulalang. Ang mga
kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.

You might also like