Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Bayabas
Alamat NG Bayabas
Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng
mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay
inutusang magtipid upang makaalpas sa taghirap na kanilang nararanasan.
Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanyakanyang paraan upang makatipid maliban sa isang
tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod sa kanyang utos. Walang itong
pakialam na naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay ng
kanyang kayamanan sa mga walang kwentang mga bagay.
Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari
ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin. Iba’t ibang putahe ng iba’t ibang
mahal na klase ng pagkain ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya lamang
ang kakain ng mga pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang
kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain. Ang mga hindi niya
maubos ay hina hayaan lang niya hanggang sa tuluyan na itong masira at hinde na puwedeng
makain.
Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit na
isang matandang pulubi. Humihingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa
kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito.
Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.
Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang
leksiyong hindi niya makakalimutan. biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting
nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat.
Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman. Nakita ng
taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito.
Ito ay bilugan at may koronang Nakapatong. Ito na nga ang kanilang Hari na si Barabas na dahil
sa kasakiman ay naging isang halaman. At tinawag ito sa pangalang bayabas.