You are on page 1of 5

MGA

ALAMAT
ALAMAT NG BAYABAS
ALAMAT NG PAKWAN

IRISH NICELH A VIOLAN


GRADE 7-EARTH
MAAM PASCO

ALAMAT NG BAYABAS

TAUHAN:HARING BARABAS
MATANDANG PULUBI
TAGPUAN:SA ISANG BAYAN
KAILAN:NOONG UNANG PANAHON
BUOD:

Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang


sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng
kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian.
Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang
kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng
gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at
mag-aksaya ng kayamanan niya.
Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda
ang naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga
mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang magtipid upang
maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.
Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang
makatipid maliban sa isang tao. Ang mismong hari na si Barabas ay

hindi sumusunod sa kanyang utos. Walang itong pakialam na


naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa
paglustay ng kanyang kayamanan sa mga walang kwentang mga bagay.
Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw
kung kumain, ang hari ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang
mga alipin. Ibat ibang putahe ng ibat ibang mahal na klase ng pagkain
ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya lamang ang
kakain ng mga pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi
niya niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na
saluhan siyang kumain. Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang
niya hanggang sa tuluyan na itong masira at hindi na puwedeng
makain.
Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang
palasyo ay may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos
ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom
ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa
niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong
amoy ng pulubi.
Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay
bibigyan niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa
natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang
hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng
tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang
matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.
Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang
halaman ay may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may
koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na
dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.
Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni
Haring Barabas.

ARAL:WAG MASYADONG SAKIM SA IBANG


TAO.

ALAMAT NG PAKWAN
TAUHAN:JUAN
TIYO AT TIYA NI JUAN
KAILAN:NOONG UNANG PANAHON
ISANG ARAW
BUOD:

Noong unang panahon may isang bata na ang


pangalan ay Juan. Si Juan ay ulila na at wala na
s'yang mga magulang. Nakatira lamang siya sa
kanyang tiyo at tiya. Si Juan ay masipag at palaging
nagbanat nang buto. Malaki ang ulo ni Juan at palagi
siyang tinutukso sa kanyang mga kapwa. Ang tawag
sa kanya sa panunukso ay "Pak Juan"- ito ang
palaging sinasabi nang nanunukso sa kanya.Hindi pa
nakuntento ang mga tumutukso sa kanya. Siya ay

sinaktan at binabato.Umiiyak na lang si Juan at umaalis palayo sa tumutukso at nanakit


sa kanya.
Kapag ummuwi na nang bahay si Juan. Siya rin ang nagtatrabaho sa mga gawaing
bahay habang ang anak nang kanyang tiyo at tiya ay walang ginagawa.Halos arawaraw na lang naranasan ni Juan ang panunukso, pananakit, at pagpapahirap sa kanya
sa mga gawain.
Isang araw, hindi na matiis ni Juan ang hirap at sakit na kanyang kinikimkim. Kaya, sabi
niya na mas mabuti na lang na kunin siya nang poong maykapal.Palagi niya itong
sinabi at dinadasal. Kaya isang araw. biglang umuulan nang malakas na may
kasamang kidlat at kulog. Biglang nawala si Juan. At paghupa nang ulan. Hinanap si
Juan nang kanyang tiya at tiyo t nang ank nito. Ngunit hindi na nila ito makita. Ngunit
may nakita silang may tumutubo na halaman sa kanilang hagdanan. Ang halaman ay
may bunga na kahawig sa ulo ni Juan. Laking pagsisi nang kanyang tiyo at tiya at nang
anak nito. Kaya bilang patawad ay inaalagaan nila ang halaman at tinatawag nila itong
"Pak Juan". Sa paglipas nang maraming panahon at dekada. TInatawag na itong
"PAKWAN".
Mayroon po ba kayong ibang bersiyon sa alamat na ito. Pwede mo ring ipadala at ipublish sa site na ito. Basahin lang po ang impormasyon sa ibaba.
Linkwithin

ARAL: MAKUNTENTO KA SA KUNG


ANONG MERON KA

You might also like