You are on page 1of 49

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon

Rehiyon ng Caraga

Sangay ng Surigao del Norte

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MAINIT

Quezon, Mainit, Surigao del Norte

PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL NG MAINIT NATIONAL HIGH


SCHOOL SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA PAGTUTURO

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignatura sa Filipino 11


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Inilahad kay:
NIKKA MAYER M. SABANDAL
Guro sa Filipino

Inilahad nina:
MURCILLA, MARIEL P.
ESTOR, DANAH LOUIENNE
GAMBA, EARL GABRIEL S.
BALBERAN, JORONNIA P.
ADLAON, CHENAMY C.
PLACEROS, PRINCESS KYLA
ESTOCE, NIKKO P.
TRAJANO, KARL MICHAEL

HUNYO 2023
ii

Mainit National High School

Mainit, Surigao del Norte

PASASALAMAT

Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong

upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang ginawang pananaliksik.

Una, nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal dahil hindi ito magagawa at

matatapos kung wala ang Kanyang patnubay. Binigyan Niya din ng lakas ng

loob ang mga mananaliksik at sa lahat ng ginagawa, nandoon ang kanyang

presensya. Pangalawa, sa aming mga magulang na walang sawang

sumusuporta sa pangangailangan, lalong-lalo na sa problemang

pangpinansyal at oras na binibigay upang magawa ang pananaliksik.

Pangatlo, sa guro na si Ginang Nikka Mayer Sabandal, na gumabay mula sa

simula ng pananaliksik hanggang ito’y matapos at nagbigay ng mga ideya

upang mas mapalawak ang pamanahong papel. Pang-apat, sa mga kamag-

aral na tumulong sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa paksa, nagbigay

suporta. Higit sa lahat, lubos ang pagpapasalamat sa mga respondenteng

pumayag na maging bahagi sa pag-aaral. Buong puso kaming

nagpapasalamat dahil kung wala ang mga taong ito, di magiging epektibo,

kasiya-siya, makabuluhan, magiging maayos, organisado, at kapani-

paniwala ang aming pamanahong papel.

- Mga Mananaliksik
iii

Mainit National High School

Mainit, Surigao del Norte

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng

wikang Filipino sa pagtuturo. Sa kasalukuyang panahon, mayroong patuloy na pagbabago at

pag-unlad sa sistema ng edukasyon, kabilang na ang mga diskusyon tungkol sa wikang

ginagamit sa pagtuturo. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ay may malalim at

makabuluhang epekto sa mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga

opinyon, saloobin, at karanasan ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng wikang Filipino bilang

midyum ng pagtuturo. Isinagawa ang pagsasaliksik sa pamamagitan ng pagpapamahagi ng

mga talatanungan sa mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan. Sa pamamagitan ng mga

talatanungan, nakuha ang mga saloobin ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng wikang

Filipino. Matapos ang pagsusuri ng mga datos, natuklasan na may iba't ibang mga opinyon at

pananaw ang mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng wikang Filipino. May mga mag-aaral na

naniniwala na mahalaga ang wikang Filipino bilang bahagi ng kanilang kultura at

pagkakakilanlan. Napagtanto rin na ang persepsyon ng mga mag-aaral ay maaaring

impluwensyahan ng iba't ibang mga kadahilanan tulad ng language orientation, hilig,

sikolohikal, at teknolohikal. Ang mga mag-aaral na nakapag-aral sa mga paaralang

nagsusulong ng wikang Filipino bilang pangunahing midyum ng pagtuturo ay mas malamang

na magkaroon ng positibong pananaw at pag-unawa sa kahalagahan nito. Sa kabuuan, ang

pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng

wikang Filipino sa pagtuturo ay may malaking epekto sa kanilang pag-unlad at pagkatuto.

Mahalagang bigyan ng atensyon at malaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral upang

maipatupad ang mga nararapat na hakbang tungo sa mas magandang sistema ng edukasyon

na nagpapahalaga sa wikang Filipino bilang isang mahalagang bahagi ng ating kultura at

identidad.
iv

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT i
PASASALAMAT ii
ABSTRAK iii
v
TALAAN NG NILALAMAN iv-v
TALAAN NG TALAHANAYAN vi
TALAAN NG PIGURA vii
TALAAN NG PLATES viii
KABANATA ix
KABANATA
1 ANG SULIRANIN AT ANG SURING BASA NG LITERATURA
Panimula 1-2
Suring-Basa ng mga Kaugnay na Literatura 3-5
Balangkas Konseptwal 6
Paglalahad ng Suliranin 7-8
Kahalagahan ng Pag-aaral 8-9
Saklaw at Limitasyon 9
Katuturan ng mga Katawagan 10-11
2 PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik 12
Kaligiran ng Pananaliksik 12-13
Mga Tagatugon 13-15
Instrumento 15
Pag-aanalisa ng mga Datos 16
3 RESULTA AT PAGTATALAKAY
Resulta 17-23
Pagtatalakay 24-25

4 BUOD, MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

Buod 26
Mga Natuklasan 27-28
Konklusyon 29
Rekomendasyon 30

5 TALASANGGUNIAN 31
6 APPENDICES 32
7 PERSONAL NA DATOS 33
vi

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN


Talahanayan
1 Distribusyon ng mga Tagatugon 14-15

2 Profayl ng mga Respondente (Grade 7) 17

3 Profayl ng mga Respondente (Grade 8) 18

4 Profayl ng mga Respondente (Grade 9) 19

5 Profayl ng mga Respondente (Grade 10) 20

6 Palagay ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Wikang Filipino 21

sa iba’t-ibang Asignatura.

7 Mga Salik na Nakakaapekto sa Pananaw ng mga Mag-aaral 22

sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo.

8 Pananaw ng mga Mag-aaral sa pagiging epektibo ng 23

Pagtuturo ng Wikang Filipino.


vii

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

TALAAN NG PIGURA
Pigura
1 Konseptwal na Balangkas ng Pananaliksik 6

2 Sarbey-Kwestoneyr 32
viii

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

TALAAN NG PLATES
Plate
1 Mapa ng Mainit National High School 13
1

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SURING-BASA NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng kultura na nagpapakita ng ating

pagkakakilanlan bilang isang bansa. Sa larangan ng edukasyon, ang wikang

Filipino ay may malaking papel sa pagbubog ng kaalaman at pagpapahalaga ng mga

mag-aaral. Gayunpaman, mayroon pa ring ilang mga mag-aaral na may iba’t-ibang

persepsyon sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Upang maunawaan ang

perspektiba ng mga mag-aaral ng Mainit National High School hinggil sa paggamit

ng wikang Filipino sa pagtuturo, isinagawa ang pananaliksik na ito.

Sa gitna ng patuloy na pagbabago ng teknolohiya at lipunan , nananatiling

mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa ating bansa. Ayon kay De

Guzman (2019), ang wika ay nagbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakakilanlan ng

isang bansa. Sa kabila ng pagsulong ng teknolohiya, mahalaga pa rin na mapanatili

ang ating wika upang maipagpatuloy natin ang ating kultura at tradisyon.

Sa larangan ng edukasyon, mahalagang masigurong may tamang paggamit ng

wikang Filipino sa pagtuturo. Ayon kay Lauder (2018), ang paggamit ng Filipino sa

edukasyon ay nakakatulong sa pagpapalawak ng bokabularyo at pagpapahalaga ng

mga mag-aaaral sa kanilang sariling wika. Gayunpaman, may mga mag-aaral pa rin

na may iba’t-ibang pananaw sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo.


2

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Sa kasalukuyang panahon, may iba’t-ibang pananaw at opinion hinggil sa

paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Ayon kay De Guzman (2019), ang

debate sa paggamit ng Filipino sa edukasyon ay patuloy na nangunguna sa mga

usaping tungkol sa wika sa bansa. May mga nagtutulungan na dapat pang

palawigin ang paggamit ng Filipino sa edukasyon, samantalang may iba naming

naniniwala na hindi sapat ang paggamit ng Filipino upang masiguro ang

magandang edukasyon para sa mga mag-aaral.

Lahat ng suliraning ito ay maaaring maiugnay sa paaralan. Sa Mainit

National High School, bilang isang institusyon ng edukasyon na nakabase sa

Pilipinas, mahalagang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng

wikang Filipino sa pagtuturo. Ang relasyon ng mga nabanggit na problema sa

paggamit ng wikang Filipino ay maaaring makita sa pagkakaroon ng iba’t-ibang

antas ng kaalaman sa wika ng mga mag-aaral. Ayon kay Domingo (2020), ang mga

mag-aaral ay may malaking papel sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa

pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga opinion at pananaw. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas magiging malinaw sa atin kung paano natin

mapapabuti ang pagtuturo ng wikang Filipino sa MNHS. Kung kaya naman, nais

matuklasan ng mga mananaliksikang persepsyon ng mga piling mag-aaral ng

MNHS sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo.


3

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Suring-Basa Ng Mga Kaugnay Na Literatura

I. Kahulugan ng Wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika

ng Pilipinas. Nagsimula ito sa pagsusulat ng Baybayin, isang uri ng skripto na

ginagamit ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila (Alva, 2019). Ayon kay

Francisco (2019), ang kahalagahan ng wika sa kolehiyo ay pwedeng gamitin sa

pang-akademiko, pampolitika, pangnegosyo, at iba pang domain. Ngunit sa mga

ASEAN integration, meron mga paksa na Philippine Studies, Singaporean Studies,

Malaysian Studies at iba pa.

II. Wikang Filipino sa loob ng Paaralan. Batay sa pag-aaral naman ni Garcia et al.

(2020), ang paggamit ng wikang Filipino ay lumilikha ng ugnayan sa pagitan ng

mga guro at mag-aaral sa pagpapahayag ng mga ideya at kaisipan. Dahil dito,

iminumungkahi ng mga mananaliksik na dapat isaalang-alang ng mga guro ang

paggamit ng Filipino sa kanilang paraan ng pagtuturo upang matulungan ang mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral at mapabuti ang kanilang mga marka.

Ayon sa pag-aaral nina Bolatin et al. (2019), upang matukoy ang epekto ng

paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles sa larangan ng pagtuturo at

pagkatuto, ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan o sarbey

questionnaire para sa mga piling mag-aaral lamang na magsasagot. Karamihan

naman sa mga mag-aaral ay pabor na gamitin ang wikang Filipino na may 23.3%

sa pagkatuton particular na sa Matimatik at Agham at kaunti naman sa wikang

Ingles na may 67.6%.


4

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Sa tesis na isinagawa ni Acelejado (1996), masasabing wala paring resulta ang

iba’t-ibang pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting

midyum sa matematiks at wala paring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng

mga mag-aaral ng matematiks; gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag

Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa

matematiks. Sa ngayon, isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng mga pinagtuunan ng

pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng

wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng

mananaliksik na ito at ilan pang guro sa matematiks, kung dadating ang mga

pagkakataong di maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin sa itinuro sa

wikang Ingles, ito ay ipapaliwanag nila sa wikang Filipino.

Iminumungkahi ng pananaliksik nina Civan at Coskun (2016), negatibong

nakakaapekto ang pagtuturo ng Ingles ang akademikong tagumpay ng karamihan ng

mga mag-aaral. Ito ay naaayon sa naunang pag-aaral sa panitikan na nagpapakita ng

iba’t-ibang negatibong aspeto ng pagtuturo ng hindi katutubong wika sa mga mag-

aaral. Ang epektong ito ay pinakamtaas sa freshman year ngunit ito ay bumababa sa

paglipas ng panahon, bagaman hindi nawawala.

III. Mga Hamon na Kinakaharap ng Wikang Filipino sa Kasalukuyan. Nakasaad sa

pag-aaral nina Ayop et al. (2021), ang pagkawala ng sariling wika ay hindi maiiwasan.

Maraming mga kadahilanan ang nagpapatuloy hinahamon ang pagkakaroon ng isang

wika. Nakakaapekto rin ang pagpili ng wika ng mga tao sa mga katutubong wika, at

ang kabiguan na maipasa ang sariling wika ay isa sa dahilan sa pagkawala nito.
5

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

at ang kabiguan na maipasa ang sariling wika ay isa sa dahilan sa pagkawala nito.

Ayon kay Bajar (2018), kahit mas magiging komportable at madali ang

kanyang pagtuturo gamit ang Filipino, hindi pwedeng palaging gamitin ang wikang

ito sa pagtuturo dahil ang iba sa kanyang mga mag-aaral ay mas marunong sa

wikang Ingles. Ang tanging dahilan kung bakit maraming salitang Ingles ang wala

pang katapat o katumbas na salitang Filipino sapagkat sa loob ng matagal na

panahon ay itinigil ang paggamit nito.

Sinuri nila Ballantine at Rivera (2014), ang pagganap na mga kandidato sa

International Baccalaureate Diploma Program (IBDP) na kumuha ng pagsusulit sa

isang wika. Natagpuan nila na ang mga mag-aaral na kumuha ng mga pagsusulit sa

mga hindi katutubong wika (ang karamihan kung saan ang mga kurso sa paaralan

ay isinagawa rin sa isang hindi katutubiong wika) ay mas matagumpay kaysa sa iba.

Gayunpaman, ang kanilang pamamaraan ay hindi nagpapahintulot sa kanila na

paghiwalayin ang iba pang mga kadahilan na nakakaimpluwensya pagganap ng

pagsusulit.
6

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Balangkas Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa wikang Filipino at ang persepsyon ng mga

mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Makikita sa unang kahon

ang pamagat ng pananaliksik na ito “Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Mainit

National High School sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo”. Makikita ang

mga aspeto ng ikalawang kahon, ang mga sumusunod na aspeto ay persepsyon

batay sa propayl, paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sa iba’t-ibang

asignatura, at paggamit ng wikang Filipino sa paglalahad ng ideya tuwing oral

recitation.
Persepsyon batay sa Propayl

a) Edad
b) Kasarian
c) Grade level
PERSEPSYON NG d) Track/Strand
MGA MAG-AARAL
Mga suliraning dapat Paggawa o
NG MAINIT masagot:
NATIONAL HIGH Pagpapaunlad ng
SCHOOL SA 1. Paggamit ng wika sa Programa sa
PAGGAMIT NG pagtuturo sa iba’t-ibang Pagtuturo ng
WIKANG FILIPINO asignatura:
Wikang Filipino
SA PAGTUTURO a) Matematika
b) Siyensiya
c) MAPEH
d) Research

2. Paggamit ng Wikang
Filipino sa paglalahad ng
Figure 1: Konseptwal na Balangkas ng
Ideya tuwing oral recitation.
Pananaliksik
7

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Paglalahad Ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa Persepsyon ng mga mag-aaral ng Mainit

National High School sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo. Ito ay ang mga

potensyal na katanungan sa pananaliksik ng pag-aaral na ito ay kinabibilangan ang

mga sumusunod:

1.Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:

1.1. Edad

2.2 Kasarian

3.3 Baitang

4.4 Academic Program

2. Ano ang palagay ng mga mag-aaral ng MNHS sa paggamit ng wikang Filipino sa

pagtuturo ng iba’t-ibang asignatura?

3.Ano-anong ang mga salik sa nakaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa

paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo batay sa mga sumusunod na aspeto:

3.1 Language Orientation

3.2 Hilig

3.3 Sikolohikal

3.4 Teknolohikal
8

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

4.Paano tinitingnan ng mga mag-aaral ang pagiging epektibo ng pagtuturo ng

wikang Filipino?

5. Ano-ano ang maaaring gawing mga hakbang o programa para sa pagpapaunlad

ng wikang Filipino sa pagtuturo?

Kahalagahan ng Pag- Aaral

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay impormasyon sa persepsyon ng

paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo na kung saan sinisikap ng mga

mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mahasa ang

kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino para narin mahimok

ang kanilang natutulog na kaisipan ukol sa pag-unawa rito. Malaki rin ang

benepisyo nito dahil magkakaroon sila ng sapat na kaalaman ukol sa pagpuna rito.

Sa mga guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga guro upang

malinang nila o mahubog ang mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng wika at iba pang

usapin nakapaloob dito, maaari rin nilang isulong ang pagkakakilanlan ng wikang

Filipino para maipakilala ang mga sarili at ang kulturang kinagisnan

Sa kagawarang pang-edukasyon. Sa pag-aaral na ito ay mabibigyan sila ng ideya

sa pagpapaunlad ng interpretasyon sa wikang Filipino at nakakatulong ito sa


9

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

sa pagpapaunlad ng interpretasyon sa wikang Filipino at nakakatulong ito sa

pagpapalakas at pagkakaisa ng mga Pilipino bilang isang bansa.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring gawing

sanggunian ng mga susunod na mananaliksik ukol sa paksang ito. At isa pa maaaring

magbigay oportunidad sa tamang paggamit ng wika sa pagsulat o isaayos ang mga

tesis at disertasyon.

Saklaw At Limitasyon

Pokus. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na junior high

sa Mainit National High School bilang mga respondente.

Tagatugon. Ang mga tagatugon o mga respondente ay kinabibilangan lamang nga mga

mag-aaral ng Mainit National High School na nasa junior high na pumayag na maging

kalahok sa pananaliksik.

Lugar at Panahon. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Mainit National High

School sa Lungsod ng Mainit, Probinsya ng Surigao del Norte sa 2 nd semester 4th

quarter.
10

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Katuturan Ng Mga Katawagan

Narito ang mga katawagan sa pananaliksik tungkol sa persepsyon ng mga

mag-aaral ng Mainit National High School sa paggamit ng wikang Filipino sa

pagtuturo kasama ang kanilang kahulugan:

Persepsyon - ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at

kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

Wikang Filipino - ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit ng mga

Filipino kung saan ito ang itinuturing na pambansang wika.

Pagtuturo - ito ay tumutukoy sa pagbabahagi natin ng kaalaman. Layunin nito na

turuan ang isang indibidwal tungkol sa isang paksa.

Mag-aaral - ang mga indibidwal na mag-aaral sa isang institusyon o paaralan.

Pananaliksik - ang sistematikong pag-aaral ng isang tiyak na paksa upang

makakuha ng mga datos at impormasyon tungkol dito.

Kaugnayan - ang koneksyon o ugnayan ng isang bagay o sitwasyon sa iba pang

mga konsepto o ideya.

Wika - isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito

ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnat na bantas upang maipahayag ang nais

sabihin ng kaisipan.

Epekto - ang bunga o resulta ng isang bagay o sitwasyon.


11

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Pamamaraan - Ang paraan o proseso ng pag-aaral o pagpapakita ng impormasyon.

Kultura - ay ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa kanilang

lipunan.

Paggamit- ay ang proseso ng paggamit ng isang bagay o gawain ng isang bagay

upang matupad ang isang layunin o tungkulin

Bokabularyo - ay ang tumutukoy sa lahat ng mga salita ng isang wika, o sa mga

salitang ginamit ng isang partikular na tao o grupo.


12

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

KABANATA II

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay naglalaman ng disenyo, kaligiran ng pananaliksik,

tagatugon, instrument ng pananaliksik, at pag-aanalisa ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik kwantitatib at kwalitatib. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik,

ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research

Design, na gumagamit ng talatanungan (Survey Questionnaire) para makalikom ng

datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa

paksang nais pag-aaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula

sa mag-aaral ng Mainit National High School.

Kaligiran Ng Pananaliksik

Gagawin ang aming pananaliksik sa Mainit National High School. Ang paaralan

ay matatagpuan sa lungsod ng Mainit, Probinsya ng Surigao del Norte. Ang paaralan

ay may kabuuang 2.49 hektars. Binubuo ito ng apat (4) gusali para sa senior high

school. At sa junior high school gagawin ang pananaliksik ito ay may limang (5) na

gusali. Mayroon itong limang (5) silid para sa baitang 7, lima (5) na silid para sa

baitang 8, anim (6) na silid para sa baitang 9, anim (6) na silid para sa baitang 10.

Bawat pangkat ng baitang 7 ay may 41,41,41,40,43, baitang 8 ay may 29,40,39,41,41,


13

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

baitang 9 ay may 29,38,36,33,39,36, baitang 10 ay may 29,43,39,31,45,36 na mga

mag-aaral.

Plate 1. Mapa ng Mainit National High School.

Samantala ang senior high school naman ay binubuo ng limang (5) silid para

sa baitang 11 at anim (6) para sa baitang 12 na mga mag-aaral. Ang paaralan ay may

isang administrative office at limang (5) na faculty. Ito ay binubuo ng mga teaching

personnel at non-teaching personnel. Ang paaralan ay pinamumunuan ng

kasalukuyang punong guro na si Gng. Gregoria T. Villamor.

Mga Tagatugon

Ang mga tagatugon sap ag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na

kinabibilangan ng mataas nap ag-aaral na ito ay mula sa baitang 7 hanggang 10.

Ang bawat baitang ay may lima hanggang anim na pangkat at upang malaman ang

kanilang persepsyon sa paggamit ng wika sa pagtuturo.


14

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Talahanayan 1. (Distribusyon ng Respondente)

Baitang 7-10

SEKSYON/PANGKAT BILANG NG MAG-AARAL RESPONDENTE

GRADE 7

Gratitude 41 5

Simplicity 41 5

Charity 41 5

Honesty 40 5

Patriotism 43 5

GRADE 8

Industry 29 5

Obedience 40 5

Cooperation 39 5

Chastity 41 5

Prosperity 41 5

GRADE 9

Self-Reliance 29 5

Cleanliness 38 5

Solidarity 36 5

Courtesy 33 5

Loyalty 39 5

Wisdom 36 5
15

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

GRADE 10

Humility 29 5

Integrity 43 5

Hope 39 5

Patience 31 5

Punctuality 45 5

Trustworthy 36 5

KABUOHAN 830 110

Makikita sa Talahanayan 1 ang distribusyon ng mga respondente. Kumuha

lamang ang mga mananaliksik ng piling mag-aaral sa apat na baitang nag tig

lilimang mag-aaral sa bawat pangkat. Ang kabuohan ng mga respondente sa

paaralan ng Mainit basi sa aming pananaliksik ay 110.

Instrumento Ng Pananaliksik

Ang ginamit na instrument ng mga mananaliksik ay talatanungan


16

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Pag-Aanalisa Ng Mga Datos

Ang mga sumusunod na istadistika ay ginagamit sap ag-aaral nito.

Bilang ng Bahagdan

Ang mga ito ang ginagamit upang malaman ang propayl ng mga tagatugon ayon

sa kanilang kasarian at program.

Mean at Standard Deviation

Ang mga ito ang ginagamit upang malaman ang persepsyon ng mga mag-aaral

sa paggamit ng wikang Filipino bilang pagtuturo sa Mainit National High School.

Paghanap ng Mean:

x =Total sum of the sample or population

n =The number of x or set

∑ x 1+ x 2 ⋯ = mean ( μ ¿
n

Paghanap sa standard deviation:

x= the specific number or group

x = the mean of the sample

√ ∑ ( x −x )2 = Standard Deviation of the Sample


n−1
17

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

KABANATA III

RESULTA AT PAGTATALAKAY

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tatalakayin ang resulta ng nakalap na

impormasyon tungkol sa persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang

filipino sa pagtuturo.

Resulta

Talahanayan 2. Propayl ng mga Respondente (Grade 7)

GRADE 7 PROGRAM KASARIAN TOTAL PERCENTAGE

SPA STE REG M F M F

Gratitude  2 3 5 40% 60%

Simplicity  3 2 5 60% 40%

Charity  2 3 5 40% 60%

Honesty  2 3 5 40% 60%

Patriotism  4 1 5 80% 20%

Makikita sa Talahanayan 2 ang propayl ng mga respondente. Makikita sa unang

column ang lahat ng pangkat sa baitang 7. Sa ikalawang column naman makikita

ang program ng bawat pangkat. Sa column 3, makikita ang kasarian at bilang ng

mga babae at lalaki na respondente sa bawat pangkat ng baitang 7. Ang baitang 7

ay mayroong 13 na lalaking respondente at 12 na babaeng respondente. Kumuha


18

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

mayroong 13 na lalaking respondente at 12 na babaeng respondente. Kumuha ang

mga mananaliksik ng 5 respondente sa bawat pangkat.

Talahanayan 2.1. Propayl ng mga Respondente (Grade 8)

GRADE 8 PROGRAM KASARIAN TOTAL PERCENTAGE

SPA STE REG M F M F

Industry  2 3 5 40% 60%

Obedience  2 3 5 40% 60%

Cooperation  1 4 5 20% 80%

Chastity  2 3 5 40% 60%

Prosperity  2 3 5 40% 60%

Makikita sa Talahanayan 2.1 ang propayl ng mga respondente. Makikita sa

unang column ang lahat ng pangkat sa baitang 8. Sa ikalawang column naman

makikita ang program ng bawat pangkat. Sa column 3, makikita ang kasarian at

bilang ng mga babae at lalaki na respondente sa bawat pangkat ng baitang 8. Ang

baitang 8 ay mayroong 9 na lalaking respondente at 16 na babaeng respondente.

Kumuha ang mga mananaliksik ng 5 respondente sa bawat pangkat.


19

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Talahanayan 2.2. Profayl ng mga Respondente (Grade 9)

GRADE 9 PROGRAM KASARIAN TOTAL PERCENTAGE

SPA STE REG M F M F

Self-Reliance  1 4 5 20% 80%

Cleanliness  2 3 5 40% 60%

Solidarity  2 3 5 40% 60%

Courtesy  2 3 5 40% 60%

Loyalty  1 4 5 20% 80%

Wisdom  3 2 5 60% 40%

Makikita sa Talahanayan 2.2 ang propayl ng mga respondente. Makikita sa

unang column ang lahat ng pangkat sa baitang 9. Sa ikalawang column naman

makikita ang program ng bawat pangkat. Sa column 3, makikita ang kasarian at

bilang ng mga babae at lalaki na respondente sa bawat pangkat ng baitang 9. Ang

baitang 9 ay mayroong 11 na lalaking respondente at 19 na babaeng respondente.

Kumuha ang mga mananaliksik ng 5 respondente sa bawat pangkat.


20

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Talahanayan 2.3. Propayl ng mga Respondente (Grade 10)

GRADE 10 PROGRAM KASARIAN TOTAL PERCENTAGE

SPA STE REG M F M F

Humility  2 3 5 40% 60%

Integrity  2 3 5 40% 60%

Hope  0 5 5 0% 100%

Patience  3 2 5 60% 40%

Punctuality  1 4 5 20% 80%

Turstworthy  0 5 5 0% 100%

Makikita sa Talahanayan 2.3 ang propayl ng mga respondente. Makikita sa

unang column ang lahat ng pangkat sa baitang 10. Sa ikalawang column naman

makikita ang program ng bawat pangkat. Sa column 3, makikita ang kasarian at

bilang ng mga babae at lalaki na respondente sa bawat pangkat ng baitang 10. Ang

baitang 10 ay mayroong 8 na lalaking respondente at 22 na babaeng respondente.

Kumuha ang mga mananaliksik ng 5 respondente sa bawat pangkat.


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

Talahanayan 3. Palagay ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Wikang Filipino sa

iba’t-ibang Asignatura.

Aspeto Mean Score Standard

Deviation

Malinaw at Organisado ang paksa na itinuro. 40 23.62

Nagagamit ng mga guro ang mga kagamitan at 17.5 10.18

teknolohiya para sa pagtuturo ng Wikang Filipino.

Mayroong pagkakataong magbahagi ng opinyon, 15.5 9.04

ideya, at karanasan sa klase.

Maayos ang pagsasagawa ng mga gawain, takdang 16.5 9.78

aralin, at pagsusuri.

Composite 22.375 13.155

Batay sa nakalap na datos, ang average ng 40 na mag-aaral ay

nagpapahiwatig na ang paggamit ng wikang filipino sa pagtuturo ay nakakatulong

upang maging malinaw at mas organisado ang paksang tinatalakay.


22

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Talahanayan 3.1. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa

Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo.

Aspeto Mean Score Standard

Deviation

Language Orientation 38.5 22.25

Hilig 19 11.83

Sikolohikal 6.5 3.4

Teknolohikal 14.5 9.64

Composite 19.625 11.78

Batay sa datos, kadalasan sa mga respondente ay nagpahayag na ang uri ng

wikang ginagamit sa pagtuturo ay nakakaapekto sa pag-unawa sa mga gawain, na may

average na 38.5 at standard deviation na 22.25.


23

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Talahanayan 3.2. Pananaw ng mga Mag-aaral sa pagiging epektibo ng

Pagtuturo ng Wikang Filipino.

Aspeto Mean Score Standard

Deviation

Pagpapalakas ng pagsasalita at pakikinig. 32.5 19.82

Pagpapahalaga sa pagsulat. 16 9.42

Paggamit ng teknolohiya. 11.5 7.05

Pagsasagawa ng paligsahan at gawain sa Wikang 13.5 8.35

Filipino.

Pagsasanay at paghuhusay ng mga guro. 12.5 10.25

Composite 17.2 10.958

Batay sa datos, may average na 32.5 na respondente ang nagpahayag na ang

paggamit ng wikang filipino bilang midyum sa pagtuturo ay may positibong epekto

sa mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay mas nagiging masigasig sa pakikinig dahil

mas naiintindihan ang paggamit Wikang Filipino sa pagtuturo kaysa sa paggamit ng

ibang lengguwahe.
24

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Samakatuwid, ang mga resulta at pagtatalakay na nabanngit sa unahan ay

nakakatulong upang makabuo ng interpretasyon ang mga mananalliksik tungkol

sa persepyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo.

Sa pag-aaral na ito, tinalakay Ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga

mag-aaral ng Mainit National High School ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa

pagtuturo. Natuklasan ng mga mananaliksik na may iba't ibang mga pananaw at

opinyon ang mga mag-aaral ukol sa usaping ito. Isa sa aming natuklasan ay ang

positibong pananaw ng ilang mag-aaral ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa

pagtuturo. Ayon sa kanila, nakakatulong ito sa kanilang pag-unawa at

komunikasyon, lalo na sa mga araling kultura at panitikan. Nakikita rin nila ito

bilang isang paraan ng pagpapahalaga sa kanilang sariling wika at pambansang

pagkakakilanlan. Ilang mag-aaral ang nagsabi na nahihirapan sila sa pag-intindi at

pagganap ng mga gawain sa ibang wika. Napansin din ng mga mananaliksik na ang

kapaligiran ng paaralan at ang relasyon ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro ay

maaaring makaapekto sa kanilang pananaw. Sinabi ng ilang mag-aaral na kung

ang kanilang guro ay magaling sa pagtuturo at kahusayang gumamit ng wikang

Filipino, mas naging positibo ang kanilang pananaw. Sa kabaligtaran, ang

kakulangan ng suporta at pagpapahalaga mula sa guro ay maaaring magresulta sa

negatibong pananaw. Kaya mahalagang bigyang-pansin ang pananaw ng mga mag-

aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Maaaring mag-organisa ng mga

paaralan ng mga aktibidad na nagpo-promote ng paggamit ng wikang Filipino sa

iba't ibang larangan ng pag-aaral upang palakasin ang positibong pananaw nila.
25

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

larangan ng pag-aaral upang palakasin ang positibong pananaw nila. Ang pagtuturo

ng kultura at panitikan ng Pilipinas gamit ang wikang Filipino ay makakatulong sa

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang ito. Mahalaga rin na magbigay ng

suporta at pagsasanay sa mga guro upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan

sa pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino. Sa pamamagitan nito, mapapalawak

natin ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa pambansang wika at

mapalalim ang pagpapahalaga dito bilang isang mahalagang bahagi ng kanilang

edukasyon at kultura.
26

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

KABANATA IV

BUOD, MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Buod

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang persepsyon ng mga mag-

aaral ng Mainit National High School sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo.

Matutugunan ang hinahanap sa nasabing pag-aaral sa pamamagitan ng Profayl ng

mga tagatugong mag-aaral na kinapapalooban ng kanilang Kasarian, Baitang, at

napiling Programa.

Gumamit ng Sarbey Kwestyoneyr bilang instrument ng mga mananaliksik sa

pagkuha ng datos mula sa Baitang 7-10 sa Mainit National High School. Kabuuang

bilang na may 206 na mag-aaral sa Baitang 7, tanging 25 lamang ang respondente

na kukuhanin bilang tagatugon, sa Baitang 8 naman ay may bilang na 190 na mag-

aaral ay tanging 25 lamang ang napiling respondente, sa Baitang 9 naman na may

bilang na 211 na mag-aaral tanging 30 lamang ang napiling respondente, sa Baitang

10 naman ay may 223 bilang ng mag-aaral, tanging 30 lamang ang napiling

respondente. Ang ginamit sa pagkuha ng Data Analysis ay Porsyento/Bahagdan, ito

ay ginagamit sa paglalahad ng bilang sa kabuuan. Ang kabuuang respondente ay

110.
27

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Mga Natuklasan

1. Propayl ng mga Estudyante

1.1 Kasarian

Mas marami ang respondenteng babae kaysa sa mga lalaki.

1.2 Baitang

Sa apat na baitang natuklasan ng mga mananaliksik na may isang

daang respondente.

1.3 Uri ng Programa

Nakita sa pananaliksik na mas maraming regular na program kaysa

mga specialized na program.

1.4 Pagpapahalaga ng mga respondente sa Wikang Filipino

Ayon sa natuklasan ay mas maraming respondente na mas sang-ayon

sa paggamit ng Wikang Filipino.

2. Antas ng Pagpapahalaga ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino

2.1 Interes/Kawilihan sa Asignatura

Mataas ang antas ng kawilihan ng mga respondente sa asignaturang

Filipino. Nagpapakita lamang na nagkakaroon ng interes ang mga


28

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Filipino. Nagpapakita lamang na nagkakaroon ng interes ang mga estudyante

sa asignatura dahil sa pagkakaroon ng isang magandang interaksyon gamit

ang iba’t-ibang mga gawaing inihanda ng guro ngunit hindi nila masyadong
29
itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino.

2.2 Motibasyon sa Pag-aaral

Natuklasan na mataas ang lawak ng motibasyon ng mga respondente sa

pag-aaral ng Filipino dahil naiinganyo silang making sa kanilang klase dahil

ang kanilang guro ay may kaaya-ayang katauhan at puno ng buhay sa

kanyang pagtuturo. At higit sa lahat sila’y naaliw sa pag-aaral ng asignatura

dahil gusto nilang makuha ang malaking marka.

Nangangahulugan lamang ang resultang ito na mas nagkakaroon ng mga

matataas na motibasyon ang pag-aaral ng mga estudyante.

2.3 Paggamit ng Wikang Filipino

Nauunawaan ng mga respondente ang mga paghihirap na dinanas

ng mga bayaning Pilipino, makamit lamang ang pagkakakilanlan ng mga lahing

Pilipino. Upang mapanatili ang ating identidad bilang isang bansa

Sa kabuuan, napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng mga

respondente sa paggamit ng Wikang Filipino.


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

Konklusyon

Mula sa mga resultang napatunayan, nabuo ang sumusunod na kongklusyon:

1. Profayl ng mga Respondente

Natuklasan na mas marami ang respondenteng babae kumpara sa lalaki.

2. Persepsyon ng mga Respondente sa paggamit ng Wikang Filipino sa

Pagtuturo

Natuklasan ang iba’t-ibang persepsyon ng mga respondente sa paggamit ng

Wikang Filipino sa pagtuturo

3. Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Wikang

Filpino

Natuklasan na may katamtamang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng

pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang

akademik performance.
30

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Rekomendasyon

Mula sa mga napatunayan sa pag-aaral na ito, malugod na iminumungkahi

ng mananaliksik ang mga sumusunod:

1) Maaring gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo upang maibahagi ng

mga mag-aaral ang kahalagahan ng Wikang Filipino.

2) Nararapat na gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo upang maitagaya

ang pagpapalago ng Wikang Filipino.

3) Nararapat na panatilihin ng mga Guro ang pagtuturo ng wikang Filipino

upang hindi nila makalimutan ang Wikang Filipino at mahasa sila sa paggamit ng

wika, dahil nakakatulong ito sa lawak ng kawilihan at pagpapahalaga ng mga

estudyante sa asignatura.

4) Mainam din na bihasa ang mga guro sa paggamit ng Wikang Filipino sa

pagtuturo upang mas kawili-wili ng mga talakayan.


31

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Talasanggunian

Acelajado, M. (1996). Epekto ng mga Wikang Filipino at Ingles bilang Midya sa


Pagtuturo ng Aljebra sa Antas ng Pagkatuto at Atityud ng mga Mag-aaral sa
Kolehiyo. Malay, 13(1).
De Guzman, J. A., & Abagon, B. S. KAKAYAHAN NG MGA GURO SA
PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG
FILIPINO NG SENIOR HIGH SCHOOL.
Dominguez, D. K. (2022). Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo sa
Larang ng Agrikultura. Mountain Journal of Science and Interdisciplinary
Research (formerly Benguet State University Research Journal), 82(1), 20-32.
Fajilan, W., & Zafra, R. B. G. (2015). Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang
Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III.
HASAAN, 2(1), 1-1.
Gallego, M. K. (2016). Isang Pagsusuri sa Korpus Ukol sa Pagbabago ng Wikang
Filipino, 1923-2013. Philippine Social Sciences Review, 68(1).
Nagaya, N. (2022). Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa
Japan. Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at
Kulturang Filipino, (10), 56-63.
Peña, J. M. I. D. (2023). PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO. EPRA International Journal of
Multidisciplinary Research (IJMR), 9(2), 65-80.
Timbreza, F. T. (1987). Mga Suliranin At Iba Pang Mga Balakid Sa Paggamit Ng
Filipino Sa Pagtuturo. MALAY, 6(1), 1-1.
Tolentino, R. (2015). Wika at Diwang Filipino sa Media at Komunikasyon sa
UP. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, (2).
Zafra, G. S. (2016). Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang
Filipino (Konteksto ng K-12). Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika,
Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, (1).
32

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

Appendices

Sa bahaging ito, makikita ang larawan na naglalaman ng sarbey-kwestyoner

na ginamit sa pananaliksik na ito. Ang kwestyoneyr na ito ay mahalagang bahagi ng

pagsasagawa ng pananaliksik upang makuha ang mga datos mula sa mga

respondente.

Figure 2. Sarbey-Kwestyoneyr
33

Mainit National High School


Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

DANAH LOUIENNE ESTOR


danahlouienneestor@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : Mayo 31, 2006

Lugar ng Kapanganakan : Cebu City

Tirahan : Mainit, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : N/A

Ina : Elishebah G. Estor

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : Academia de San Isidro Labrador

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

MARIEL PARIOL MURCILLA


mayiimurz@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : October 21, 2005

Lugar ng Kapanganakan : Mainit, Surigao del Norte

Tirahan : Matin-ao, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Victorio N. Murcilla Jr.

Ina : Vivian P. Murcilla

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : Matin-ao Central Elementary School

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

EARL GABRIEL SALVADOR GAMBA


earlgamba12@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : September 3, 2005

Lugar ng Kapanganakan : Mainit, Surigao del Norte

Tirahan : Mainit, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Geonivick I. Gamba

Ina : Elgin S. Gamba

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : Mainit Central Elementary School

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

JORONNIA PARIAN BALBERAN


leon.kile04@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : April 23,2006

Lugar ng Kapanganakan : Mainit, Surigao del Norte

Tirahan : Mainit, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Ronald L. Balberan

Ina : Johanna P. Balberan

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : Quezon Elementary School

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

CHENAMY CABILIN ADLAON


Chenamyadlaon09@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : April 2,2006

Lugar ng Kapanganakan : Mainit, Surigao del Norte

Tirahan : Mainit, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Renerio L. Adlaon

Ina : Ednaluna C. Adlaon

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : San Francisco Elementary School

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

PRINCESS KYLA MONTANER PLACEROS


kylaplaceros701@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : February 14,2006

Lugar ng Kapanganakan : Mainit, Surigao del Norte

Tirahan : Mainit, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Sallie T. Placeros

Ina : Gloria M. Placeros

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : San Francisco Elementary School

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

NIKKO PETALLO ESTOCE


nikzestoce@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : December 31,2005

Lugar ng Kapanganakan : Mainit, Surigao del Norte

Tirahan : Mainit, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Joselito T. Estoce

Ina : Anacorita P. Estoce

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : Siana Elemantary School

Sekondarya : Mainit National High School


Mainit National High School
Mainit, Surigao del Norte

PERSONAL NA DATOS

KARL MICHAEL TRAJANO


karlmichaeltrajano@gmail.com

PERSONAL NA DATOS

Petsa ng Kapanganakan : July 17,2005

Lugar ng Kapanganakan : Tubod, Surigao del Norte

Tirahan : Tubod, Surigao Del Norte

Civil Status : Single

Ama : Rizaldo M. Trajano

Ina : Sheila T. Trajano

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementarya : Marga Elementary School

Sekondarya : Mainit National High School

You might also like