You are on page 1of 43

Talaan ng Nilalaman

Pamagat i
Pasasalamat ii
iii
Paghahandog iv
Abstrak v

Kabanata I. Ang Suliranin at Kaligiran 1

Panimula 1
2
Paglalahad ng Suliranin 3

Kahalagahan ng Pananaliksik 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5

Depinisyon at/Kahulugan ng mga Terminolohiya 5


6
Kabanata II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 7

Banyagang Literatura 7
8

Literaturang Lokal 8
9

Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 10

Disenyo ng Pananaliksik 10

Paraan ng Pananaliksik 10

Mga Respondente 11

Teknik sa Pagpili ng mga Respondente 11

Mga Instrumentong Pananaliksik 12

Tritment ng Datos 13
Kabanata IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 14

Talahanayan 1 14

Talahanayan 2 14

Talahanayan 3 15

Talahanayan 4 16

Talahanayan 5 16

Talahanayan 6 17
Talahanayan 7 18

Talahanayan 8 18

Talahanayan 9 19

Talahanayan 10 20

Talahanayan 11 20
21

Kabanata V. Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon 22

Lagom ng Natuklasan
22
Konklusyon
23
Rekomendasyon
24

Talasanggunian 25
26
27
28
29
Kurikulum Bitey 30
31
32
33
34
Republika ng Pilipinas
Lokal ng Consolacion
Consolacion Community College

Pag-aaral Online: Tulong sa mga Mag-aaral o Tulak sa Matinding Pagod

Bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng Asignaturang

FILIPINO 19
(Intro ng Pananaliksik-Wika at Panitikan)

Ipiniprisinta Nina:
Jenive Alilin
Maribel Aranaz
Lesly Ann Arcelo
Felix Jr. Cadorna
Liezyl Garbo
Leslie Judaya
Gerald Labao
Raissa Rellon
Reavelle Sta. Ana

i
PASASALAMAT

Taos puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging

parte o bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta at kontribusyon

upang maisagawa nang maayos, maging epektibo at maging matagumpay ang

pananaliksik na ito. Nang dahil sa kanila, mas napalawak pa ang aming kaalaman at

naging possible na magkaroon ng magandang resulata ang aming pag-aaral. Ang

tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang naming sa mga sumusunod.

Kay G. Lurimarc Alin, ang aming mahal na guro na siyang gumagabay at

nagpalawig ng aming pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang

pag-unawa at pagtulong sa amin sa pamamagitan ng pagtama ng aming mali habang

isinasagawa naming ang aming pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng iyong

kaalaman ukol dito dahil kung hindi dahil sa inyo ay walang kalidad ang aming

pananaliksik na na magagawa.

Sa mga respondente sa kursong edukasyon ng Consolacion Community College

na naglaan ng kanilang oras na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa aming

kwestyuner, at pagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa

pananaliksik na ito, maraming maraming salamat po sa inyong hindi matawanang

kabaitan sa pagtugon sa aming mga katanungan. Kung wala ang inyong kooperasyon

at kahandaang sagutin ang aming katanungan ay maaring hindi mabuo ang

pananaliksik na ito.

Sa aming kapwa mag-aaral na tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ideya at

kaalamn tungkol sa aming pananaliksik, maraming salamat sa inyong pagbibigay ng

suporta upang matapos naming ito.

Sa aming mga pamilya na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa

aming mga pangangailangan, maraming salamat po sa inyo. Kami ay nagpapasalamat

sa inyong pag-intindi sa amin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng aming

ii
pananaliksik at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na tulong, pagmamahal at

inspirasyon sa amin.

At higit sa lahat, kami po ay lubusang nagpapasalamat sa Poong Maykapal na

pumapatnubay sa bawat hakbang na aming isinasagawa mula sa pangangalap ng mga

datos hanggang sa ito ay matapos. Kami ay nagpapasalamat sa inyo sa pagbibigay sa

aming grupo ng sapat na kaalaman, lakas ng loob at determinasyon upang maisagawa

at maisakatuparan ang pag-aaral na ito, at sa pagdinig sa aming mga panalangin

lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa

takdang panahon.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

iii
Paghahandog

Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihahandog unang una

sa mahal na Panginoon na Siyang nagbigay ng lakas at walang sawang gumagabay sa

mga taong nasa paligid namin lalong-lalo na ang mga kabilang sa pananaliksik na ito.

Pangalawa, sa aming mga pamilya na walang sawang sumuporta sa amin sa pang-

pinansyal na pangangailangan. Sa malawakang pag-unawa sa amin tuwing kami’y

abala sa paggawa ng aming pananaliksik.Sa aming Guro na si G. Lurimarc Alin, na

siyang gumabay at tumulong sa amin habang nasa proseso kami ng aming

pananaliksik at sa mga mag-aaral Consolacion Community College na nagsilbi naming

inspirasyon upang tapusin ang pananaliksik na ito.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

iv
ABSTRAK

Bunsod ng pandemyang kinakaharap ngayon ng buong mundo ng COVID-19,

ito’y nagdulot ng malaking pagbabago ng anyo at sistema sa larangan ng edukasyon sa

Pilipinas. Binago ang pamamaraan ng edukasyon upang maisasakatuparan ang

pagkatuto ng sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa at dito umusbong ang

paraan ng pagkatuto sa pamamagitan ng online learning o pag-aaral online.

Ito’y isang napakalaking hamon ng mga institusyong pang-edukasyon at higit sa

lahat ng mga mag-aaral na siyang naging pinakasentro sa pagpapatupad ng sistemang

ito ng edukasyon dahilan upang ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang

malaman at suriin ang persepsyon at pananaw ng mga mag-aaral sa dagliang

pagbabago ng sistema ng edukasyon.

Ang pananaliksik na ito, ay naglalayong alamin kung ang pag-aaral online ay

nakatutulong basa mga mag-aaral o ito’y nagdudulot nga matinding pagod.

v
vi
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Nagdulot ng isang malaki at biglaang pagbabago ng buong mundo ang

paglaganap ng sakit na Coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ang Coronavirus

disease 2019 (COVID-19) ay isang nakakahawang sakit na unang nakilala sa lungsod

ng Wuhan, Lalawigan ng Hubei, Tsina noong Disyembre, 2019 bilang isang pneumonia

na hindi alam ang pinagmulan. Nang maglaon, kinilala ng internasyonal na komite sa

taxonomy ng mga virus (ICTV) ang causative agent ng COVID-19 bilang isang novel

coronavirus, severe acute respiratory syndrome coronavirus-2 (SARS-CoV-2). Ang

paglaganap ng COVID-19 ay mabilis na kumalat hindi lamang sa Tsina, kundi pati na

rin sa buong mundo. Samakatuwid, inihayag ito ng World Health Organization (WHO)

bilang pandemya noong Marso 12, 2020. Gayunpaman, maraming hakbang ang ginawa

ng gobyerno upang mapigilan ang panganib sa kumakalat na sakit. Kasama sa mga

hakbang sa gobyerno na ito ang paghihigpit sa pglalakbay, pagbabawal ng pagtitipon

sa pampublikong lugar, at pagsasara ng mga negosyo. Ang mga hakbang na ito ay

nagdulot ng negatibong epekto sa buong mundo sa negosyo, kalusugan, turismo at

edukasyon.

Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa lahat ng antas ng sistema ng

edukasyon. Ang institusyong pang-edukasyon sa buong mundo (sa 192 na mga bansa)

ay pansamantalang nagsara. Maraming unibersidad sa buong mundo ang ipinagliban o

kinansela ang lahat ng aktibidad sa campus para mabawasan ang pagtitipon

upangmaiwasan ang pagkalat ng sakit. Gayunpaman, napagdesisyonan ng

pamahalaan at ng mga institusyong pang-edukasyon na ipagpatuloy ang pag-aaral ng

mga estudyante sa sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng tinatawag na online

class o pag-aaral online. Ang online class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan

ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang mga mag-aaral ay hindi

na kailangan pang lumabas sa kani-kanilang mga tahanan upang magtungo nang

1
personal sa klase at makaharap ang guro at kamag-aral. Ginagamit ang internet upang

mapabilis ang pakikipag-usap ng mga mag-aaral at ng peer to peer na komunikasyon at

kinakailangan na ang mga kalahok ay magkaroon ng maayos at matatag na koneksyon

sa internet. Masasabing isang kaginhawaan para sa isang mag-aaral na matuto sa loob

ng kanilang mga tahanan sa kadahilanang ito’y iwas trapiko at ang mga mag-aaral ay

protektado sa pagkahawa sa sakit. Ang mga mag-aaral ay may mas maraming oras

upang gumawa pa ng ibang aktibidad at nakapagbibigay ng pagkakataon para sa

sariling pag-aaral. Sa kabilang dako, napakalaking hamon rin sa mga mag-aaral ang

pag-aaral online sa kadahilanang hindi lahat ay mayroong mga kagamitang magagamit

para rito, halimbawa na rito ang laptop o cellphone. Napakalaking problema rin ang

bagal ng internet connection at ang gastos sa palagiang pagbili ng load upang magamit

sa pag-aaral online. May mga mag-aaral na walang pribadong silid kung saan maari

silang dumalo sa klase ng Zoom o Goggle MEET at ilan ay hindi nagagabayan ng

kanilang mga magulang sa pag-aaral online at ang mga mag-aaral ay napapagod,

nawawalan ng motibasyon at interes sa pag-aaral na nakakaapekto hindi lamang sa

pisikal na aspeto kundi pati narin sa mental na aspeto ng kanilang buhay.

Kaugnay rito, ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman kung ang pag-

aaral onlineay nakatutulong ba sa mga mag-aaral o nagiging tulak sa kanila sa

matinding pagod.

2
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita namin ang mithiin at pananaw

ng mga pilingmag-aaral ng kursong edukasyon sa Consolacion Community College sa

taong panuruan, 2020-2021. Dito ipinapakita sa aming sarbey kwestyuner kung ang

pag-aaral onlineay nakatutulong ba sa mga mag-aaral o ito’y nagiging tulak sa

matinding pagod. Ang mga piling mag-aaral ay binibigyan namin ng mga katanungan

upang sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Mas napapadali ba ang pagkatuto sa pag-aaral online na pamamaraan?

2. Sang-ayon ka ba sa sistema ng pag-aaral onlinena ipinapatupad ng mga

institusyong pang-edukasyon?

3. Nakatutulong ba ang pag-aaral onlinesa paghubog ng iyong isipan?

4. Nagkakaroon ka ba ng motibasyon sa pag-aaral online na pamamaraan?

5. Dahil hindi mo personal na makakasama ang iyong mga kaklase sa pag-aaral

online, nakakaramdam ka ba ng pagkabagot?

6. Sa pag-aaral online, nakakaramdam ka ba ng pagkairita sa bagal ng iyong

internet connection?

7. Sa pag-aaral online, nakakaramdam ka ba ng pagod sa pag-aaral?

8. Ginagabayan ka ba ng iyong mga magulang o kasama sa bahay sa pag-aaral

online?

9. Nagiging komportable ba ang iyong pag-aaral sa loob ng bahay sa pamamagitan

ng pag-aaral online?

10. Nanaisin mo bang maibalik ang sistema ng harapang klase (face to face

learning) kaysa sa pag-aaral online.

3
Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. makakatulong ang pananaliksik na ito upang maliwanagan ang

mga hinaing ng mga mag-aaral sa pag-aaral online. Ito ay nagsisilbing gabay ng mag-

aaral upang magiging bukas ang kanilang mga isipan sa posibilidad ng pagbabago sa

pamamaraan ng pagkatuto.

Sa mga Guro. magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin at baguhin sa

pamamaraan ng pag-aaral online. Magiging isang malaking karangalan at tagumpay sa

isang guro na naging matagumpay ang kanilang mga estudyante sa hinaharap.

Sa mga Magulang. ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay

malaman ang mga dapat gawin sa paggabay ng kanilang mga anak sa pagkatuto sa

pamamaraan ng pag-aaral online.

Sa mga Administrasyon. makatutulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila

ng kaalaman kung ano ang maari nilang maibahagi sa mga mag-aaral sa pagbabago

ng pamamaraan ng pagkatuto upang mahikayat ang mga estudyante na mag-aral nang

mabuti.

Sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing instrumento upang maipalalam

sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga mag-aaral at kanilang malaman ang mga

impormasyon o datos na nakalakap ng mga mananaliksik. Sa pananaliksik na ito,

maaksyunan nila ang probelamang kailangang lutasin.

4
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad kung nakatutulong ba sa mga

mag-aaral ang pag-aaral online o tulak tungo sa matinding pagod sa mga piling mag-

aaralng kursong edukasyon sa Consolacion Community College sa taong panuruan,

2020-2021 sa Laray, Nangka, Consolasion Cebu.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga piling mag-aaral ng kursong edukasyon

sa Consolacion Community Collegesa taong 2020-2021. Hinahangad din ng pag-aaral

na ito na suriin ang pananaw at persepsyon ng mga mga-aaral sa pamamaraan ng

pagkatuto sa pag-aaral online. Sa huli, bibigyan ng mga mungkahing solusyon ang mga

persepyon ng mga mag-aaral sa bagong paraan ng pagkatuto.

Depinisyon/ Kahulugan ng mga Terminolohiya

Upang maging mas mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

kung paano ginamit ang bawat isa sa pananaliksik na ito:

Ang Internet ay isang sistemang ginagamit ng buong mundo upang

mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-

ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites at iba

pang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t

ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.

Ang online ay tumutukoy kapag ang isang elektronikong aparato ay nakabukas

at nakakonekta sa iba pang mga aparatos tulad ng computer, isang aparato o ng isang

printer.

5
Ang computer ay isang elektronikang gamit na patuloy na pinauunlad upang

mas mapadali ang pagproseso ng mga iba’t-ibang bagay gaya ng komunikasyon,

pagpapalaganap ng mga impormasyon at marami pang iba.

Ang google meet ay dating pinangalan na goggle hangouts meet, it ay isang

premium na bidyo conferenceing sa software ng Goggle. Ito ay katulad nng serbisyo ng

video chat at sumusuporta sa maraming kalahok.

Ang Zoom ay isang cloud-based na video na komunikasyon na nagbibigay-daan

upang e set-up ang virtual na bidyo at awdio conferencingf, live na chat, pagbabahagi

ng screen at iba pang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon.

6
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Banyagang Literatura

Ayon sa pag-aaral mula sa Universidad ng DeVry, na gumagamit ng isang

malaking bilang ng mga pag-aaral online na klase na may eksaktong parehong

istraktura tulad ng kanilang mga harap-harapan na klase (parehong tagapagturo,

parehong mga aklat, parehong, parehong mga materyales sa pag-aaral, parehong mga

pagsusulit, atbp.) Ang mga kundisyon ng pag-aaral online ay may mas mababang mga

GPAs para sa klase at mas mababa ang kasunod na mga GPAs sa mga susunod na

klase. Gayunpaman, ito ang pinakamababang pagganap na mag-aaral na nagtutulak sa

kalakarang ito. Sa pag-aaral na ito, ang pinakamababang pagganap na mag-aaral ay

pinaka naapektuhan ng online na format. www.the-learning-agency-

lab.com/thelearning-curve

Ayon naman kay Amy Bintliff, isang debelopmental psychologist at propesor sa

Unibersidad ng California, kagawaran ng edukasyon sa departamento ng San Diego ay

nagsasabing ang hindi pagtutugma sa pagitan ng inaasahan at katotohanan ay

maaaring maging mahirap para sa mga mag-aaral. Bahagi niyan ang mahalagang

bagay tulad ng pagtatapos, ay hindi maaaring mangyari sa paraang iniisip nila. Ang

mga mag-aaral ng tradisyunal na edad ay maaaring makipagpunyagi nang natatangi sa

pagkawala ng ilang mga karanasan sa darating na edad.

www.insidehighered.com/long-termonlinellearning

Mula naman sa bukas na Unibersidad ng Britain, nalaman nila na ang mga klase

sa online o kurso ay katumbas ng isang average na 90% mas kaunting enerhiya at 85%

na mas kaunting emissions ng CO2 bawat mag-aaral kaysa tradisyunal na pag-aaral.

www.dexway.com

7
Karamihan sa mga mananaliksik ay sumasang-ayon na ang mabisang online na

pag-aaral ay nangangailangan ng higit na pagkusa at pagsisikap kaysa sa

maihahambing na tagubilin sa harapang pag-aaral. Maaaring ito ang dahilan kung bakit

nahihirapan ang mga mag-aaral sa akademikong mga gawain dahil kulang ang

paggabay para sakasanayan sa pagsasaayos ng sarili upang masubaybayan ang

kanilang pag-unlad at disiplina ang kanilang mga sarili. www.the-learning-agency-

lab.com>the-learning-curve

Ayon naman kay Jordan James ang pag-aaral online sa pamamagitan ng

webinars, video conference at harapang video chat ay hindi nagiging interaktibo

sapagkat iba pa rin ang nasa silid-aralan na nakakausap at katabi ang kaklase at hindi

naiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili sa kapwa mag-aaral. Walang

makakapantay sa pag-aaral na nakakasama ang guro at magaaral ng personal.

www.zandax.com/business-blog/8-disadvantage-of-e-learning

Literaturang Lokal

Ayon kay Cathy Li ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online learning

kesa sa pag-aaral sa loob ng paaralan.

Mas matatandaan ng mag-aaral ang 25-60% ng kanilang natutunan online kumpara sa

8-10% lang kung sa silid-aralan ito intinuro. 40-60% ang nababawas na oras para

matutuhan ng bata ang isang aralin sa online learning. Ito raw ay dahil kayang balik-

balikan ng mga mag-aaral ang aralin, puwedeng lumaktaw at umabante sa ibang

konsepto batay sa sariling kakayanan ng bawat mag-aaral. Hindi nababagot ang

estudyante sa bagal ng pagtuturo ng guro sa silid-aralan.

Ayon naman kay Antonio Contreras, noong taon 2017, 80% ng mga Pilipino na

may edad na 18-24 ay nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na malaking hamon kung

paano mabubukasan ang isipan ng age group na ito na ang internet ay tagapaghatid

din ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng libangan, aliwan, at pakikipag-

8
ugnayan sa mga Fb friends at mga followers nila. Minungkahi niya na pagsamahin ang

edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa online at offline learning

sapagkat “learning should be fun.”

Ayon naman kay Alfred Mercier na dapat maging masayang karanasan ang

pag-aaral upang hindi makalimutan ng mga mag-aaral ang kanyang natutunan. Kung

susundin ng Dep Ed, CHED at TESDA ang mungkahi ni Contreras, hindi mababagot

ang mga mag-aaral ng pag-aaral online para matuto. Ang bagong normal sa edukasyon

ay dapat maging isang masayang karanasan ng mag-aaral at guro.

Ayon kay Bb. Andrea Nacor, isang part-time faculty sa Taguig City University,

mas magiging epektibo raw ang online classes kung may sapat na kagamitang panturo

ang mga guro at mag-aaral.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang sistemang ito ay maaaring makapagdulot sa

mga mag-aaral ng “feeling of isolation” o tila nakapuwesto sa isang lugar na kung saan

hindi maaaring umalis o lumabas pa ng bahay. Walang magaganap na maayos na

makikipag-usap o interaksyon sa mga kamag-aral gaya ng isang normal na buhay mag-

aaral.

Ayon naman sa svc ministry organization, ang pag-aaral online ay

nangangahulugang nakakakuha ka ng kaalaman mula sa internet. Maari din itong

tawagin na Pag-aaral ng distansya. Ngayon maraming channel sa youtube, mga

website ang nagbibigay ng materyal sa pag-aaral kung saan maari klang gumawa ng

wastong mga tala at magtanong din sa pagdududa. Nakukuha ang mga online na klase

sa malayong lokasyon.

9
Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga

paraang ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-

aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa ayon sa disenyong deskriptib-sarbey na

pamamaraan. Tatangkaing suriin sa pag-aaral na ito ng mga mag-aaral sa ikaapat na

antas ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino kung ang pag-aaral

online ay nakatutulong bao ito’ynagiging tulaksa matinding pagod ng mga mag-aaral.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay aming isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Ang isang online google form kwestyuner na link ay ibinahagi sa pamamagitan ng iba’t-

ibang mga social media na plataporma sa mga mag-aaral ng kursong edukasyon sa

Consolacion Community College at ang mga mananaliksik aygumagamit ng mga close-

ended questions na naglalayong makahanap ng nga impormasyon o datos upang mas

malaman ng mga mananaliksik kung ang pag-aaral online ay nakatutulong ba o ito’y

tulak tungo sa matinding pagod sa mga mag-aaral.

Magsasagawa rin ng pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon ang

mga mananaliksik sa iba’t ibang hanguan o sanggunian sa aklatan tulad ng mga aklat,

magasin, dyaryo, sa mnga balita na mapapanood sa telebisyon, sa mga impormasyon

na balita na maari ring sa radio lalong-lalo na sa mga internet websites na maaring

makatulong sa pagkuha ng mga impormasyon na makakatulong sa pagbibigay ng mga

kasagutan sa aming pananaliksik.

10
Mga Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral ng

kursong edukasyon sa Consolacion Community Collegesa taong panuruan, 2020-2021

sa Laray, Nangka, Consolacion Cebu.

Kami ay namahagi ng mga sarbey kwestyuner sa walumpu (80) respondent na

aming nakuha sa mga piling mag-aaral ng kursong edukasyonsa Consolacion

Community College sa taong panuruan, 2020-2021 sa Laray, Nangka, Consolacion

Cebu.

Teknik sa Pagpili ng mga Respondente

Ang ginamit bilang Teknik sa pagpili ng mga respondent ay Convenience

Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa

walumpung (80) mga mag-aaral at hindi buong populasyon ng mga mag-aaral sa

Consolacion Community College. Ang populasyon ay masyadong malaki at imposibleng

isama ang bawat indibidwal. Ito ang piniling teknik ng mga mananaliksik sapagkat ang

mga piling respondent ay batay lamang sa kanilang availability ateasy access.

11
Mga Instrumentong Pananaliksik

Ang sarbey kwestyuner o talatanungan ay ginamit upang maipakita ang mga

datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot ng mga piling

mag-aaral ng kursong edukasyon sa Consolacion Community College sa taong

panuruan, 2020-2021 sa Laray, Nangka, Consolacion Cebu.

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan tungkol sa nasabing suliranin:

1. Mas napapadali ba ang pagkatuto sa pag-aaral online na pamamaraan?

2. Sang-ayon ka ba sa sistema ng pag-aaral online na ipinapatupad ng mga

institusyong pang-edukayon?

3. Nakatutulong ba ang pag-aaral online sa paghubog ng iyong isipan?

4. Nagkakaroon ka ba ng motibasyon sa pag-aaral online na pamamaraan?

5. Dahil hindi mo personal na makakasama ang iyong mga kaklase sa pag-aaral

online, nakakaramdam ka ba ng pagkabagot?

6. Sa pag-aaral online, nakakaramdam ka ba ng pagkairita sa bagal ng iyong

internet connection?

7. Sa pag-aaral online, nakakaramdam ka ba ng pagod sa pag-aaral?

8. Ginagabayan ka ba ng iyong mga magulang o kasama sa bahay sa pag-aaral

online?

9. Nagiging komportable ba ang iyong pag-aaral sa loob ng bahay sa pamamagitan

ng pag-aaral online?

10. Nanaisin mo bang maibalik ang sistema ng harapang klase (face to face learning)

kaysa sa pag-aaral online?

12
Tritment ng Datos

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga piling mag-aaral

ng kursong edukasyon sa Consolacion Community College na tumugon sa

talatanungan ay ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at eksaktong

bilang ng mga mag-aaral na nakilahok ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na

ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga

resulta ay inalisa at ikinumpara ayon sa persepyon ng mga tumugon. Ang mga datos na

nakalap ay isasalarawan gamit ang talahanayan upang makamtan ng may kaayusan at

tamang resulta at upang makapagbigay ng malinaw at madaling pag-unawa sa mga

nagnanaisna makabasa ng nasabing pag-aaral. Ang pormularyong ginamit sa pagkuha

ng porsyento ng pagtugon sa bawat tanong ay:

Porsyento= _____Bilang ng Tugon_____ X100

Kabuuang Bilang ng Respondente

13
Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa piling mag-

aaral ng kursong edukasyon sa Consolacion Community College sa taong panuruan,

2020-2021 sa Laray, Nangka, Consolacion Cebu.

Talahanayan 1

KABUUANG BILANG NG MGA RESPONDENTE

DEPARTAMENTO BILANG NG MGA RESPONDENTE BAHAGDAN

SCHOOL OF

TEACHER 80 100%

EDUCATION

Kabuuang Bilang 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 1ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nasa

walumpu (80) at ito ay kinabibilangan ng mga piling mag-aaral ng School of Teacher

Education ng Consolacion Community College sa taong panuruan, 2020-2021 sa Laray,

Nangka, Consolacion Cebu

Talahanayan 2

1. Mas napapadali ba ang pagkatuto sa pag-aaral online na pamamaraan?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 19 23.7%

Hindi 61 76.3%

Kabuuan 80 100%

14
Ipinapakita sa talahanayan 2 na mayanimnapu’t isa (61) o 76.3% namga mag-

aaral ang tumugon ngHindi o hindi napapadali ang kanilang pagkatuto sa pag-aaral

online na pamamaraan samantalang nasa labinsiyam (19) o 23.8%lamangna mga

mag-aaral ang tumugon ng Oo o mas napapadali ang kanilang pagkatuto sa pag-aaral

online na pamamaraan sa kabuuang bilang na walumpu (80) o 100% mga mag-aaral

na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas maramingmag-aaral ang hindi sumang-ayon na mas

napapadali ang kanilang pagkatuto sa pag-aaral online na pamamaraan.

Talahanayan 3

2. Sang-ayon ka ba sa sistema ng pag-aaral online na ipinapatupad ng mga

institusyong pang-edukasyon?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 24 30%

Hindi 56 70%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 3 na may limampu (56) o 70% na mga mag-aaral

ang tumugon ng Hindi o hindi sila sang-ayon sa sistema na ipinapatupad ng mga

institusyong pang-edukasyon samantalang nasa dalawampu’t apat (24) o 30%lamang

na mga mag-aaral ang tumugon ng Oo o sang-ayon sila sa sistema na ipinapatupad ng

mga institusyong pang-edukasyon sa kabuuang bilang na walumpu (80) o 100% mga

mag-aaral na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas maraming mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa

sistema ng pag-aaral online na ipinapatupad ng mga institusyong pang-edukasyon.

15
Talahanayan 4

3. Nakatutulong ba ang pag-aaral online sa paghubog ng iyong isipan?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 33 41.2%

Hindi 47 58.8%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 4 na may apatnapu’t pito (47) o 58.8% na mga mag-

aaral ang tumugon ng Hindi o hindi nakatutulong ang pag-aaral online sa paghubog ng

kanilang isipan samantalang nasatatlumpu’t tatlo (33) o 41.2%lamang na mga mag-

aaralang tumugon ng Oo o nakatutulong ang pag-aaral online sa paghubog ng kanilang

isipan sa kabuuang bilang na walampu (80) o 100% mga mag-aaral na tumugon sa

katanungan.

Samakatuwid, higit na mas maraming mag-aaral ang hindi sumang-ayon na

nakatutulong ang pag-aaral online sa paghubog ng kanilang isipan.

Talahanayan 5

4. Nagkakaroon ka ba ng motibasyon sa pag-aaral online na pamamaraan?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 38 47.5%

Hindi 42 52.5%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 5 na may apatnapu’t dalawa (42) o 52.5% na mga

mag-aaral ang tumugon ng Hindi o hindi sila nagkakaron ng motibasyon sa pag-aaral

online na pamamaraan samantalang nasa tatlumpu’t walo (38) o 47.5%lamang na

16
mga mag-aaral ang tumugon ng Oo o nagkakaroon sila ng motibasyon sa pag-aaral

online na pamamaraansa kabuuang bilang na walumpu (80) o 100% mga mag-aanaral

na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas marami ang mga mag-aaral ang hindi nagkakaroon

ng motibasyon sa pag-aaral online na pamamaraan.

Talahanayan 6

5. Dahil hindi mo personal na makakasama ang iyong mga kaklase sa pag-aaral

online, nakakaramdam ka ba ng pagkabagot?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 58 72.5%

Hindi 22 27.5%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 6 na may limampu’t walo (58) o 72.5% na mga

mag-aaral ang tumugon ng Oo o nakaramdam sila ng pagkabagot dahil hindi nila

personal na makakasama ang kanilang mga kaklase samantalang nasa dalawampu’t

dalawa (22) o 27.5%lamangna mga mag-aaral ang tumugon ng Hindi o hindi sila

nakaramdam ng pagkabagot sa pag-aaral online kahit na hindi nila makakasama ng

personal ang kanilang mga kaklasesa kabuuang bilang na walumpu (80) o 100% mga

mag-aaral na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higitna mas marami ang mga mag-aaral na nakaramdam

ngpagkabagot dahil hindi nila personal na makakasama ang kanilang mga kaklase.

17
Talahanayan 7

6. Sa pag-aaral online, nakakaramdam ka ba ng pagkairita sa bagal ng iyong

internet connection?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 78 97.5%

Hindi 2 2.5%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 7 na may pitumpu’t walo (78) o 97.5% na mga mag-aaral

ang tumugon ng Oo o nakaramdam sila ng pagka-irita sa bagal ng internet connection

sa kanilang pag-aaral online samantalang nasa dalawa (2) o 2.5% lamang ang mga

mag-aaral ang tumugon ng Hindi o hindi sila nakaramdam ng pagkabagot sa bagal ng

internet connection sa kanilang pag-aaral online sa kabuuang bilang na walumpu (80)

o 100% mga mag-aaral na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas marami ang mga mag-aaral na nakaramdam ng

pagka-irita sa bagal ng internet connection sa kanilang pag-aaral online.

Talahanayan 8

7. Sa pag-aaral online, nakakaramdam ka ba ng pagod sa pag-aaral?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 62 77.5%

Hindi 22 27.5%

Kabuuan 80 100%

18
Ipinapakita sa talahanayan 8 na may animnapu’t dalawa (62) o 77.5% na mga

mag-aaral ang tumugon ng Oo o nakaramdam sila ng pagod sa kanilang pag-aaral

online samantalang nasa dalawampu’t dalawa (22) o 27.5% lamang na mga mag-

aaral ang tumugon ng Hindi o hindi sila nakaramdam ng pagod sa kanilang pag-aaral

online sa kabuuang bilang na walumpu (80) o 100% mga mag-aaral na tumugon sa

katanungan.

Samakatuwid, higit na mas marami ang mga mag-aaral na nakaramdam ng

pagod sa kanilang pag-aaral online.

Talahanayan 9

8. Ginagabayan ka ba ng iyong mga magulang o kasama sa bahay sa pag-aaral

online?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 32 40%

Hindi 48 60%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 9 na may apatnapu’t walo (48) o 60%na mga mag-

aaral ang tumugon ng Hindi o hindi sila ginagabayan ng kanilang mga magulang sa

kanilang pag-aaral online samantalang nasa tatlumpu’t dalawa (32) o 40% lamang na

mga mag-aaral ang tumugon ng Oo o ginagabayan sila ng kanilang mga magulang sa

kanilang pag-aaral online sa kabuuang bilang na walumpu (80) o 100% mga mag-aaral

na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas marami ang mga mag-aaral na hindi ginagabayan ng

kanilang mga magulang sa kanilang pag-aral online.

19
Talahanayan 10

9. Nagiging komportable ba ang iyong pag-aaral sa loob ng bahay sa

pamamagitan ng pag-aaral online?

Tugon Respondente Porsyento%

Oo 32 40%

Hindi 48 60%

Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa talahanayan 10 na may apatnapu’t walo (48) o 60% na mga

mag-aaral ang tumugon ng Hindi o hindi sila nagiging komportable sa kanilang pag-

aaral online sa loob ng kanilang bahay samantalang nasa tatlumpu’t dalawa (32) o

40% lamang na mga mag-aaral ang tumugon ng Oo o nagiging komportable sila sa

kanilang pag-aaral online sa loob ng kanilang bahay sa kabuuang bilang na walumpu

(80) o 100% mga mag-aaral na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas marami ang mga mag-aaral na hindi nagiging

komportable sa kanilang pag-aaral online sa loob kanilang bahay.

Talahanayan 11

10. Nanaisin mo bang maibalik ang sistema ng harapang klase (face to face

learning) kaysa sa pag-aaral online?

Tugon Respondente Kabuuan

Oo 79 98.8%

Hindi 1 1.2%

Kabuuan 80 100%

20
Ipinapakita sa talahanayan 11 na may pitumpu’t siyam (79) o 98.8%na mga

mag-aaral ang tumugon ng Oo o nanaisin nilang maibalik ang sistema ng harapang

klase (face to face learning) kaysa sa pag-aaral online samantalang nasa isa (1) o

1.2% lamangang mag-aaral na tumugon ng Hindi o hindi niya nanaising maibalik ang

sistema ng harapang klase (face to face learning) sa kabuuang bilang na walumpu (80)

o 100% mga mag-aaral na tumugon sa katanungan.

Samakatuwid, higit na mas marami ang mga mag-aaral na nagnanais na

maibalik ang sistema ng harapang klase (face to face learning) kaysa sa pag-aaral

online.

21
Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay nakapaloob ang pinakamahalagang detalye ng aming pag-

aaral, ang lagom, konklusyon at rekomendasyong nabuo batay sa nagging resulta ng

aming pananaliksik.

Lagom ng Natuklasan

Ang paglathala sa pag-aaral tungkol sa pag-aaral online kung nakatutulong ba sa

mga mag-aaral o ito’y nagiging tulak sa matinding pagod ay naganap. Ang pangunahing

layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman at suriin ang perspeyon ng mga piling

mag-aaral kung ang pag-aaral online ay nakatutulong ba o ito’y nagdudulot ng

matinding pagod. Walumpung (80) mag-aaral ng kursong edukasyon sa Consolacion

Community College sa taong panuruan, 2020-2021 ang binigyan ng mga sarbey

kwestyuner sa pamamagitan ng Convenience Sampling Teknik na pagpili at sumagot

sa mga close-ended questions na aming ibinigay. Ang mga sumusunod ay ang mga

resulta:

1. Karamihan sa mga respondente ay hindi sumang-ayon sa bagong sistema ng

institusyong pang-edukasyon ang pag-aaral online.

2. Karamihan sa kanila ay hindi napapadali ng pag-aaral online ang kanilang

pagkatuto at hindi rin nito nahuhubog ang kanilang mga isipan. Hindi sila

nagkaroon ng motibasyon sa pag-aaral at sila’y nakaramdam ng pagkabagot

dahil hindi nila personal na makikita ang kanilang mga kaklase. Ito rin ay

nagdudulot ng karamihan sa kanila ng pagka-irita sa bagal ng kanilang internet

connection at ito’y nagdudulot sa kanila ng matinding pagod.

3. Karamihan sa mga respondente ay hindi komportabling mag-aral online sa loob

ng kanilang bahay atmarami sa kanila ang walang magulang gumagabay sa

kanilang pag-aaral sa pamamgitan ng pag-aaral online na pamamaraan.

22
4. Mas malinaw na nanaisin ng karamihan sa mga kanila na ibalik ang harapang

klase (face to face learning) kaysa sa pag-aaral online.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na konklusyon.

1. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi napapadali ng pag-aaral online ang

kanilang pagkatuto at hindi rin nito nahuhubog ang kanilang mga isipan.

2. Mas marami ang mga mag-aaral na hindi nagkaroon ng motibasyon sa pag-

aaral at sila’y nakaramdam ng pagkabagot dahil hindi nila personal na

makikita ang kanilang mga kaklase. Ito rin ay nagdudulot ng karamihan sa

kanila ng pagka-irita sa bagal ng kanilang internet connection na nagdudulot

sa kanila ng matinding pagod.

3. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi komportabling mag-aral online sa loob

ng kanilang bahay atmarami sa kanila ang walang magulang gumagabay sa

kanilang pag-aaral sa pamamgitan ng pag-aaral online na pamamaraan.

4. Malinaw na mas nanaisin ng karamihan sa mga mga mag-aaral na ibalik ang

sistema ng harapang klase (face to face learning) kaysa sapag-aaral online.

23
Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos buong

pagkumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya, nararapat na pagtuonan ng pansin

ng pamahaalan ang mga materyal na gagamitin sa pag-aaral online upang

hindi mahirapan ang mga mag-aaral sa pagbabago ng sistema ng

edukasyon.

2. Bigyang pansin rin ng pamahalaan at ng pribadong sector na nangangasiwa

sa telekomunikasyon ng bansa ang koneksyon sa internet upang ito’y hindi

maging sagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

3. Mararapat na tutok sa pagsubaybay ang mga magulang para sa pag-aaral ng

kanilang mga anak sa panahon ng pandemya at gawing komportable ang

tahanan para sa matiwasay na may kasiyahan ang pagkatuto sa pag-aaral

online.

4. Inirererekomenda ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na mas

makabubuti pa rin ang pag-aaral sa paaralan kaysa sa pag-aaral online

ngunit dahil sa pandemyang kinakaharap mariing paalalahanan ang lahat na

matuto nang hindi nasasakrispisyo ang kalusugan at gawin ang mga

mabisang proteksyon para hindi mahawa sa sakit.

24
TALASANGGUNIAN

Jordan, James (2020), 8 Disadvantages of e-Learning from www.zandax.com/business-

blog/8-disadvantage-of-e-learning

Maksimovski, Brainlav (2020) UNICEF Young Reporeters from www.unicef.org

Pot, Justin (2020), A guide to goggle video and chat: Goggle Meet vs. Google Hangouts

vs. Goggle chat from www.zapier.com

De Jesus, Dittz Centeno (2020),Online Class angb bagong normal na pag-aaral ng mga

kabataan from www.akoaypilipinoi.eu

Montgomery College (2020), from www.montgomerycollege.edu

Rapisura, Vince (2020), Online Course: Makabago, epektibo at murang paraan ng pag-

aaral from www.vincerapisura.com

Svc Ministry Organization (2019), Offline at Online na Pag-aaral from

www.svcministry.org

Antonelli, William (2020), A comprehensive guide to widely popular video chatting

service for computers and smartphones from www.businessinsider.com

Gibert, Britanny (2015), Online Learning Revealing the Benefits and Challenges from

https://fisherpub.sjfc.edu//education_ETD_masters

Haleem, Abid (2020) Effects of Covid-19 pandemic in daily life from

www.ncbi.nlm.nih.gov

Gonzales, Ana (2020), Mas maganda nga ba ang? Ano ang blended learning approach

at paano ito gawin? www.smartparenting.com.ph

25
KURIKULUM BITEY

Pangalan: Jenive B. Alilin


Palayaw: Jen
Kapanganakan: April 23,1983
Lugar ng Kapanganakan: Tolotolo, Consolacion,Cebu
Tirahan: Purok Kalachuchi Katugasan Casili, Consolacion,Cebu
Paaralan ng Elementarya: Tolotolo Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Tolotolo National High School
Status: Married

26
Pangalan: Maribel D, Arañaz
Palayaw: Bingbing Kapanganakan: April 1,1998
Lugar ng Kapanganakan: BRGY. Buluangan San Carlos City Negros Occidental
Tirahan: Consolacion Cebu
Paaralan ng Elementarya: Bairan Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Consolacion National High School
Status: Single

27
Pangalan: Lesly Ann L. Arcelo
Palayaw: Ann
Kapanganakan: June 23, 1995
Lugar ng Kapanganakan: Cebu City Medical Center
Tirahan: Purok 5, Lower Tugbongan, Consolacion, Cebu
Paaralan ng Elementarya: Tugbongan Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Tugbongan National High School
Status: Single

28
Pangalan: Felix Jr. Cadorna
Palayaw: Paul John, JohnJohn, Lix
Kapanganakan: December 22, 1997
Lugar ng Kapanganakan: Puan, Vallehermoso Negros Oriental
Tirahan: Purok 6B, Nangka, Consolacion, Cebu
Paaralan ng Elementarya: Vallehermoso Central Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Vallehermoso National High School
Status: Single

29
Pangalan: Liezyl J. Garbo
Palayaw: Zyl
Kapanganakan: Sept.21,1989
Lugar ng Kapanganakan: Tayud,Lilo-an, Cebu
Tirahan:Tayud,Lilo-an, Cebu
Paaralan ng Elementarya: Tayod Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Tayod National High-School
Status: Married

30
Pangalan: Leslie B. Judaya
Palayaw: Les
Kapanganakan: Disyembre 6, 1996
Lugar ng Kapanganakan: Tayud, Consolacion, Cebu
Tirahan: Purok 1 Zinnia, Sun-ok, Tayud, Consolacion, Cebu
Paaralan ng Elementarya: Tayud Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Tayud National High School
Status: Single

31
Pangalan: Gerald C. Labao
Palayaw: Wala
Kapanganakan: November 9, 1995
Lugar ng Kapanganakan: Tugbongan, Consolacion, Cebu
Tirahan: Purok 7, Nangka Consolacion, Cebu
Paaralan ng Elementarya: Nangka Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: Tugbongan National High School
Status: Single

32
Pangalan: Raissa S. Rellon
Palayaw: Rai
Kapanganakan: April 26, 1987
Lugar ng Kapanganakan: Kibawe, Bukidnon
Tirahan: Lataban, Liloan Cebul
Paaralan ng Elementarya: Dampil Elementary School
Paaralan ng Sekundarya: Dampil National High School
Status: Married

33
Pangalan: Reavelle B. Sta.Ana
Palayaw: Ebing Kapanganakan: March 24 1999
Lugar ng Kapanganakan: Sandayao, Guihulngan City
Tirahan: Cansaga Consolacion
Paaralan ng Elementarya: Sandayao Elementary School
Paaralan ng Sekondarya: GHNS-P Sandayao Annex
Status: single

34

You might also like