You are on page 1of 54

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Mga Suliranin sa Pagsulat ng Pananaliksik ng mga Mag-aaral ng Baitang 11 sa


Lipa City Senior High School: Mungkahing Solusyon

Isang Panimulang Pananaliksik na iniharap kay


Binibining Jelian D. Fallarcuna
ng Lipa City Senior High School

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan


ng Asignaturang Filipino, Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino

Ipinasa nina:
Matias, Ruahne Arvie E.
Panaligan, Princess Mae L.
Rabino, Angelou P.
Tapire, Trisha Mhae P.

Enero 2024

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
II

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, ang panimulang

pananaliksik na ito na pinamagatang Mga Suliranin sa Pagsulat ng Pananaliksik ng

mga Mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School: Mungkahing

Solusyon ay inihanda at iniharap ng mga mag-aaral mula sa ABM 11-MORGAN.

RUAHNE ARVIE E. MATIAS PRINCESS MAE L.


PANALIGAN

ANGELOU P. RABINO TRISHA MHAE P.


TAPIRE

________________________________________________________________
Tinanggap sa ngalan ng Lipa City Senior High School bilang isa sa mga

pangangailangan sa asignaturang Filipino, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino.

JELIAN D. FALLARCUNA
Guro sa Pananaliksik

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
III

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na

indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribosyon at/o suporta tungo

sa matagumpay na reyalisasyon ng panimulang pananaliksik na ito:

Bb. Jelian F. Dayawon, na aming guro sa Filipino, Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, na buong pusong naglaan ng oras upang

gabayan kami at magbigay ng suhestiyon sa aming pananaliksik;

G. Nelson V. Evangelista, ang punong-guro na nagbigay rin ng suporta at

direksyon sa mga mananaliksik upang maging maayos ang kalalabasan nito;

Mga awtor, editor at mga mananaliksik, ng mga akdang pinaghanguan namin

ng mahahalagang impormasyon na ginamit sa pagsulat ng una hanggang ikalawang

kabanata ng pananaliksik na ito;

Mga respondente, na naglaan ng kanilang panahon upang mabuo ang mga

datos, ebidensya o pruweba na kinakailangan upang mapunan ang pangangailan ng

pananaliksik na ito;

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
IV

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Mga kamag-aral, na nasa ika-11 baitang ng ABM Morgan sa Akademikong Taon

2023-2024 para sa kanilang walang sawang suporta, pagmamahal, at tulong na naging

kontribusyon upang makaahon sa pamanahong papel na ito;

Aking pamilya, ng mga mananaliksik na nagbigay ng pinansyal na tulong upang

maimprenta ang pamanahong papel at nagbigay ng lakas ng loob at moral na suporta

na nakatulong para matapos namin nang buong katatagan ang pananaliksik. At higit sa

lahat, sa;

Poong Maykapal, na siyang nagbibigay sa amin ng talino at lakas upang gawin

ang pananaliksik na ito. Sa Kanya nanggagaling ang katatagan ng loob at mahabang

pasensya na gawin nang buong makakaya ang bawat kabanata na nakapaloob sa

pananaliksik.

Nagpapasalamat kaming lahat sa inyo ng buong puso at sa inyo ay utang namin

ang bawat pahina ng pag-aaral na ito, mula simula hanggang sa huling papel na

bumubuo rito.

- Mga Mananaliksik

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
V

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng Pamagat i
Dahon ng Pagpapatibay ii
Pasasalamat iii
Talaan ng Nilalaman v

Kabanata I: ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO


Rasyonal at Kaligiran ng pag aaral 1
Paglalahad ng Suliranin 2
Layunin at Kahalagahan ng pag aaral 3
Rebuy ng kaugnay na Literatura 4
Teoritikal na Gabay at Konseptual na Balangkas 12
Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral 13
Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit 14

Kabanata II: METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN


Disenyon at Pamamaraan ng Pananaliksik 16
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik 19
Kasangkapan sa paglikom ng Datos 19
Paraan sa paglikom ng Datos 20
Paraan sa pagsusuri ng Datos 20

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
VI

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Kabanata III: RESULTA AT DISKUSYON


Talahanayan 1 22
Talahanayan 2 23
Talahanayan 3 24
Talahanayan 4 25
Talahanayan 5.1 26
Talahanayan 5.2 28
Talahanayan 6 29
Kabanata IV: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom ng mga Natuklasan 31
Kongklusyon 34
Rekomendasyon 35

Talasanggunian 37
Apendiks A 38
Apendiks B 40
Pansariling Tala ng Mananaliksik 44

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
1

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pagsusuri sa mga suliranin sa pagsulat ng pananaliksik ng mga mag-aaral

sa baitang 11 sa Lipa City Senior High School ay naglalayong maunawaan at

masolusyonan ang mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang pagsusuri

at pagsulat ng mga akademikong papel.Ito ay naglalaman ng mga pangangailangan

para sa mataas na antas ng edukasyon at pagpapaunlad ng kasanayan sa

pagsasaliksik ng mga estudyante .Ang konteksto ng pagsusuri ay naglalarawan ng

sitwasyon sa Lipa City Senior High School, kung saan matatagpuan ang mag-aaral ng

baitang 11.Ang konteksto ng pagsusuri ay may kaugnayan sa lokal na sitwasyon ng

edukasyon at sa mga pagbabago sa lipunang kinabibilangan ng mga mag-aaral.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay makakalap ng mahalagang

impormasyon ukol sa mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa

Lipa City Senior High School sa aspeto ng pagsulat ng kanilang pananaliksik. Sa

pamamagitan ng pagsasagawa ng pananaliksik, layunin nito na makapagbigay ng

mungkahing solusyon o paraan upang matugunan ang mga suliraning ito. Sa ganitong

paraan, naglalayon ang pananaliksik na maging gabay sa pag-unlad at pagpapaunlad

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
2

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat at sa pangkalahatan, sa

kanilang akademikong pagganap.

Ang batayang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang mga suliranin sa

pagsusulat ng pananaliksik ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Lipa City Senior High

School at naglalaman ng mga mungkahing solusyon. Binibigyang pokus nito ang mga

pangunahing hamon na maaaring kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbuo ng

kanilang mga pananaliksik. Ang layunin ng pag-aaral ay mapabuti ang kalidad ng mga

pananaliksik ng mga mag-aaral sa naturang baitang sa pamamagitan ng pagtukoy sa

mga suliraning madalas mapagtagumpayan sa paraang mungkahi o solusyon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang bahaging ito nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa

bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pinapaksa o pamagat ng

saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuoan ng pag-aaral. Sa

madaling salita, ito ang pinakapuso ng saliksik sapagkat dito nakabatay ang lahat ng

bahagi ng saliksik.

Nilalayon ng pananaliksik na ito na malaman ang mga suliranin sa pag-sulat ng

pananaliksik ng mga mag-aaral ng baitang 11 Ang pananaliksik na ito ay nais bigyan ng

kasagutan ang mga sumusunod:

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
3

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

1. Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ng baitang 11 sa

Lipa City Senior High School hinggil sa pagsulat ng kanilang pananaliksik?

2. Ano-ano ang mga epekto ng mga suliranin sa pagsulat ng pananaliksik sa mga

mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School?

3. Paano masosolusyonan ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng

Baitang 11 sa Lipa City Senior High School sa pagsulat ng kanilang Pananaliksik?

Layunin at Kahalagahan

Naglalayon ang pag-aaral na ito na upang bigyang gabay o kaalaman ang mga

mag-aaral sa baitang 11 sa Lipa City Senior High School sa mga posible o maging

suliranin sa pagsulat ng kanilang pananaliksik. Ang makikinabang sa pag-aaral na ito

ay ang mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral - mapabuti ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng pananaliksik, pati na rin ang magbigay ng suporta at gabay sa mga guro.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman hinggil sa proseso ng

pagsasagawa ng pananaliksik, nais nito tulungan ang mga mag-aaral sa pagpapalawak

ng kanilang kaalaman sa pagsusuri ng datos at pagbuo ng argumento.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
4

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Sa mga Guro - naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman upang maging

mas epektibo silang gabay sa kanilang mga mag-aaral. Bukod dito, maaaring maging

batayan ang natuklasan para sa pagbuo ng mga best practices sa pagtuturo ng

pagsusulat ng pananaliksik.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap – inaasahan ding maging inspirasyon ang

pag-aaral para sa iba pang mananaliksik, na maaaring magdulot ng masusing

pagsusuri at pagsulong ng diskurso sa larangan ng pagsusulat ng pananaliksik.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ayon kay Almario et al (2016), sa paaralan, pangunahing layunin ng kurikulum

na magdulot ng isang organisado’t komprehensibong patnubay upang maisaloob ng

mag-aaral ang isang matatawag na kultura ng saliksik. Makabuluhan ding maipakilala

ang kabuuang programang pampananaliksik sa panimulang baiting upang magamit

kahit paano ng mag-aaral kahit umalis siya ng paaralan bago matapos ng

elementarya. Ang ibig sabihin, ang pagtuturo ng mga batayang simulain at

pamamaraan sa saliksik ay hindi dapat antalahin at ipaghintay ng sekondaraya. Sa

halip, dapat na itong maipasok sa mga leksiyon –sa mga anyong simple at praktikal –

pagkatapos maihasik sa unang baiting. Sa gayon, ang silbi ng dagdag na mga baiting

sa pag-aaral ay tungo sa higit na komplikadong gawain at proyektong nangangailangan

ng higit na mahabang panahon ng pagtitipon ng datos at pagsisiyasat.Ayon kay Jocson

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
5

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

(2016), isang komprehensibong gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisado at

sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong

impormasyon na magagamit sa buhay ng isang indibiduwal. Base naman kina Bautista,

et al. (2015), ang pananaliksik ay isang kontroladong sitwasyon para sa layuning

prediksyon at pagpapaliwanag ang gawaing pananaliksik. Ayon naman kay Calderon at

Gozales [4], malayunin at sistematikong proseso sa pagkuha, pag-aanalisa,

klasipikasyon, organisasyon, presentasyon at interpretasyon ng mga datos para sa

solusyon ng problema, maaaring prediksyon, imbensyon pagdiskubre ng

katotohanan, o kaya ay para sa ekspansiyon o berepikasiyon ng mga kaalaman

upang maiharap at mabago ang kalidad ng buhay.

Alinsunod sa pahayag ni Palispis (2008), isa sa mga pamantayan ng

akreditasyon sa pagtatasa ng pag-unlad ng may kakayahang propesyonal ang

pananalisik. Gayundin, sa pagsusuri ng mga programa at institusyon na nauugnay sa

accreditation, ang elemento ng pananaliksik ay isa sa mga lugar na nasuri ng mga

akreditor. Kinokontrol ang kakayahan ng unibersidad upang makagawa ng pananaliksik

na bubuo ng kaalaman para sa pagiging produktibo ng mga institusyonPinatunayan din

ni Torrendon (2017) sa kanyang pag-aaral na kadalasan, ang mga paghihirap

nang mga mag-aaral ay nakatuon sa mga salungatan sa pamamahala ng oras. Bilang

karagdagan, ang pagkakaroon ng hindi sapat na kaalaman o pagkatuto sa kaligiran ay

isa ring kadahilanan na nakakaapekto sa kanila dahil ang pagpili sa isang paksa ng

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
6

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

pananaliksik ay magiging madali kung naobserbahan mo nang mabuti at nakikinig sa

mga talakayan. Ayon sa sanaysay ni Arao (2010) na binanggit ni Santos (2021), “Ang

wikang Filipino raw ay pangkubeta na lang”. Diumano ay hindi nagagamit ang wikang

Filipino sa intelektuwal na pakikipagtalastasan maging sa mas malalim na pananaliksik.

Hindi mapasusubalian ang pahayag na ito dahil noon pa man ay mababa na ang tingin

sa wikang Filipino. Kinakitaan nang pagbagal na pag-usad ng wikang Filipino ay noong

mapasinayaan ang paggamit ng Filipino bilang pamalit sa Ingles na naitalka sa

Executive Order No. 335 s, 1988. Mas bumagal pa ang pagsulong nito noong

ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210 serye 2003, na nagpahintulot sa

wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Nakakalungkot isipin na patuloy ang

pamamayagpag ng Ingles at naiiwan ang wikang kinagisnan. Subalit, hindi mapapalitan

ng Ingles ang Filipino hanggat hindi napatutunayan ang wikang Filipino ay

naintektwalisa. Magiging hakbang sa pag-intelektwalisa ng wika ang pagbuo ng

pananaliksik at paglimbag ng mga mga dyornal sa mahalagang larangan. Dagdag pa

rito, isang hakbang pasulong ang maitatak ang salitang istandardisasyon ng wika upang

patuloy na maisulong at magkaroon ng iisang sistema sa paggamit ng wika sa

anumang larangan. Radikal ang pagbabago sapagkat nakasalig ito sa katwirang sosyo-

pulitikalkultural (Fortunato, 2021). Nakatitiyak tayo na ang reporma ay tutugon sa

pangangailangan ng bagong panahon at uri ng mamamayang gagamit ng binagong

wikang panlahat.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
7

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Ang pagpapalaganap ng kultura ng pananaliksik sa wikang Filipino ay patuloy na

pagsubok. Ayon kay Batan (2015), ang pagsusuri sa paggamit ng wikang lokal at

Filipino sa pananaliksik ay may malaking importansya bilang bahagi ng

pagpapalaganap ng Sosyolohiya na nagmumula sa mga pinagmulan ng datos. Sa

talaan ni Demeterio III at Mariz (2015), nabigyan-diin ang ugnayan ng wika,

pananaliksik, at internasyonalisasyong akademiko. Inilahad nila ang hindi kanais-nais

na reputasyon na kinukuha ng mga Pilipinong institusyon sa mataas na edukasyon sa

global na ranggo ng mga pamantasan sa Asya at iba pang mga bansa. Inihayag din ni

Petras (2016) ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang isang midyum ng

komunikasyon para sa mga Pilipino, anuman ang kanilang lokasyon sa loob o labas ng

bansa. Binanggit din niya na may mga bansa tulad ng Hapon, Estados Unidos, Pransya,

at Rusya na may mga programa para sa pag-aaral ng wikang Filipino. Dahil dito,

mahalaga na simulan ang pananaliksik sa Wikang Filipino at ang pagtutok nito sa iba't

ibang disiplina bilang pundasyon ng interdisiplinaryong pagsasaliksik. Kapansin-pansin

rin na sumunod na naging suliranin matapos ang koneksyon ng internet ay ang interes

ng mga estudyante at ang kakulangan ng kaalaman ng guro sa pananaliksik. Mula sa

depinisyon ng mahusay at epektibong pagtuturo nina Acheson at Gall (2003) na

binanggit sa pag-aaral ni Superville, L. K. (2017); sinabi nila na ang guro ay may

kakayahang magbigay ng impormasyon at kaalaman na tutulong na magkaroon ng

malawak na kabatiran, kakayahan at pag-unawa sa aralin na nakasunod sa layunin ng

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
8

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

kurikulum ang mga mag-aaral. Ang kakulangan ng kaalaman sa pananaliksik ng ilang

mga guro ay binigyan ng katwiran. Ilan sa mga ito ang kawalan nila ng panahong

gumawa ng pananaliksik.

Ang modelo ng pamantasang pansaliksik ay inimbento ni Humboldt noong unang

dekada ng ika-19 na dantaon, kung kailan itinatag niya ang Pamantasan ng Berlin sa

estado ng Prussia. Sa ilalim ng modelo ng pamantasang pansaliksik, ang pananaliksik

ay naging metodo na sa pagtuturo. Ang mga guro ay inaasahang magturo sa

pamamagitan ng pagpapakita sa mga mag-aaral ng aktuwal na proseso ng paglikha ng

kaalaman, at sa pamamagitan ng kolaborasyon sa nasabing mga mag-aaral (Tingnan

sa Hohendorf 20). Naniniwala si Humboldt na habang nananaliksik ang mga mag-aaral

tungkol sa mundo, magkakaroon sila ng sariling transpormasyon, magiging mas mature,

at mas mauunawaan nila ang kanilang sarili. Dati-rati, ang transpormasyong ito ay

nakadepende sa malalayang sining. Kaya sa tradisyonal na pamantasan kukuha ng

ilang kursong kabilang sa malalayang sining ang mga mag-aaral kasabay sa kanilang

mga propesyonal

na kurso. Sa pamantasang pansaliksik, hindi na kinakailangan ang mga kursong

kabilang sa malalayang sining, maliban na lamang kung ang espesyalisasyon ng isang

mag-aaral ay nasa disiplinang kabilang sa malalayang sining. Para makamtan ang

pinakamataas na antas ng pagkatuto sa pamamagitan ng sama-samang paglikha ng

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
9

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

kaalaman, dapat umiral sa loob ng pamantasang pansaliksik ang kalayaan sa

pagkatuto (Lernfreiheit) sa panig ng mga mag aaral at kalayaan sa pagtuturo sa panig

ng mga guro. Dapat respetuhin ng simbahan at ng estado ang mga kalayaang ito. Para

mapanatili ang mga kalayaang kinakailangan ng pamantasang pansaliksik, ipinakita ni

Humboldt sa estado ang kabutihang makukuha ng estado kapag patuloy nitong

nirerespeto ang mga nasabing kalayaan, na walang iba kung hindi ang mga kaalaman

atideyang nililikha ng pamantasang pansaliksik na magiging batayan ng panlipunang

kaunlaran. Dahil sa paggamit ng pananaliksik bilang pedagohiya hindi mura ang

pagpapatakbo ng isang pamantasang pansaliksik. Nangangailangan ang modelong ito

ng maliit na bilang ng mag-aaral sa bawat klase, mas maraming guro, pondo para sa

aktuwal na pananaliksik, magandang silid aklatan, maraming laboratoryo at limbagan.

Malinaw para kay Humboldt na ang pamantasang pansaliksik ay dapat na isang

publikong pamantasang suportado ng estado. Ngunit, para hindi mapakialaman ng

estado ang mga kalayaan ng pamantasang pansaliksik sa pamamagitan ng pag-ipit sa

pondong kinakailangan ng nasabing institusyon, iminungkahi ni Humboldt na sa halip

na taunan ang pagbibigay ng estado ng pondo sa nasabing institusyon ay gawin na

lamang ito na isang bagsakan sa feudal na anyo ng lupain. Hindi nasagap ng ating

bansa ang ideyang ito dahil noong unang umusbong ito sa Alemanya at lumaganap sa

Europa at sa iba’t ibang bahagi ng mundo, tayo ay nasa ilalim pa ng kolonyal na

pamamahala ng Espanya at Amerika. Magkakasalungat ang mga prinsipyo ng

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
10

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

kolonisasyon at pamantasang pansaliksik. Malabong maisip ng mga kolonista na

magtatag ng isang tunay na pamantasang pansaliksik sa isang kolonya dahil malaking

banta para sa kanila ang mga kalayaang dapat umiral sa mga institusyong ito, at lalo na

ang mga kaalamang sama-samang lilikhain ng mga guro at mag-aaral. Nang lumaya

tayo sa pananakop ng mga Amerikano, kinapos

naman tayo sa pondo, naging abala sa pagsasaayos sa pinsalang dulot ng Ikalawang

Digmaang Pandaigdig, at naipaubaya na natin ang malaking bahagi ng tersiyaryong

edukasyon sa pribadong sektor, at naging masyadong politisado na ang pamunuan ng

ating kagawaran ng edukasyon. Kaya hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na mapag-

usapan man lamang ang rebolusyong edukasyonal na pinasiklab ni Humboldt.

Habang patuloy na wala tayong kamalayan sa modelong Humboldtiyano,

modelong Aleman, ng pamantasang pansaliksik, mabilis na uminog ang nasabing

modelo tungo sa iba’t ibang mas kontemporanyong anyo ng pamantasang pansaliksik.

Nangunguna rito ang modelong Oxbridge ng Inglatera, ang modelong Amerikano, ang

modelong Asyano at ang tinatawag ngayong umuusbong na modelong global.

Makatutulong sa hangarin ng papel na ito na unawain ang konsepto ng pamantasang

pansaliksik kapag isa-isang sinuri

ang mga pagbabago at modipikasyong taglay ng nasabing mga modelo. Ang modelong

Oxbridge ng Inglatera ay nakabatay sa Humboldtiyanong pagbibigay-diin sa

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
11

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

pananaliksik habang pinanatili ang Socratikong papel ng mga guro sa pedagohiya. Sa

modelong Oxbridge ng pamantasang pansaliksik, indibidwal na ginagabayan ng mga

guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong, kagaya ng ginawa ni

Socrates noon sa Athena sa kanyang mga tagasunod at katunggali kaya matatagpuan

sa modelong Oxbridge ang elemento ng distansiya at hirarkiya na wala sa modelong

Aleman. Pinanatili rin ng modelong Oxbridge and pagdepende sa malalayang sining

para makamtan ang transpormasyon ng mga mag-aaral. Taliwas ito sa lubusang

pagtalikod ng modelong Aleman sa mga kurso ng malalayang sining bilang paraan sa

humanistikong paghubog ng mga mag-aaral. Ipinataw ng Amerikano ang modelong

Aleman ng pamantasang pansaliksik sa kanilang gradwadong edukasyon habang

patuloy nilang sinunod ang tradisyonal na modelong Oxbridge sa kanilang edukasyong

andergradweyt. Kaya ang modelong Amerikano ng pamantasang pansaliksik ay isang

mestisong modelo ng ika-17 dantaong modelong Oxbridge ng pamantasang panturo at

ng ika-19 na dantaong modelong Aleman ng pamantasang pansaliksik. May bentahe

ang ganitong modelo dahil maaari nitong sagutin ang may kamahalang gastusin ng

gradwadong edukasyon gamit ang bahagi ng matrikula mula sa edukasyong

andergradweyt.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
12

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Teoritikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa mga suliranin ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng pananaliksik. Sa proseso, ang mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey

upang matukoy ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagsulat ng pananaliksik. Ang

awtput ay maaaring matukoy ang mga resulta sa paggawa ng pananaliksik. Sa

madaling salita, ito ay naglalayong masusing suriin ang mga hamon na kanilang

kinakaharap sa proseso ng pagbuo at pagsasagawa ng sariling pananaliksik. Ang

malalimang pagsusuri ay maglalabas ng mga datos at impormasyon na magsisilbing

pundasyon sa pagbuo ng mga mungkahing solusyon upang matugunan ang mga

nasabing suliranin.

Sa paggamit ng mga umiiral na teorya at modelo, hinihimok ng pagsusuri ang

pag-unlad ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat ng pananaliksik. Ipinakikita ng

mga ito ang mga hakbang at proseso na maaaring magdulot ng kahinaan sa pagbuo ng

mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa teorya at modelo, nagiging mas

handa ang pagsusuri na magbigay ng konkretong solusyon para sa bawat aspeto ng

suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
13

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

INPUT PROSESO OUTPUT


Ano-ano ang mga
suliranin na kinakaharap ng Sarbey-
mga mag-aaral ng baitang 11
sa Lipa City Senior High
palatanungan Lagom
School hinggil sa pagsulat ng
kanilang pananaliksik? Interbyu Konklusyon
Rekomendasyo
Ano-ano ang mga
Pagbibigay
epekto ng mga suliranin sa n
pagsulat ng pananaliksik sa
mga mag-aaral ng Baitang 11
interpretasyon at
sa Lipa City Senior High pagsusuri sa mga
School?
datos
Paano
masosolusyonan ang mga
suliraning kinakaharap ng
mga mag-aaral ng Baitang 11
sa Lipa City Senior High
School sa pagsulat ng
kanilang Pananaliksik?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga suliranin sa pagsulat ng

pananaliksik ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang 50 mag-aaral na nasa baitang 11 ng

Lipa City Senior High School sa akademikong taon 2023-2024.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at mga mag-aaral sa baitang 12.

Ang mga nakalap na datos ay gagamitin upang mapatunayan na ang pag-aaral na ito

sa taong pampaaralan 2023-2024 ay lehitimo.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
14

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Akademiko - nauugma o may kinalaman sa konteksto ng edukasyon, paaralan, o

institusyon ng higher learning. Naglalayong magbigay ng malinaw na pagsasaad o

paglilinaw hinggil sa isang konsepto, termino, o ideya.

Konteksto - tumutukoy sa kasaysayan, sitwasyon, o kapaligiran na nagbibigay

kahulugan o interpretasyon sa isang tiyak na pangyayari, ideya, salita, o gawain.

Nagbibigay-linaw o naglalatag ng pangkalahatang kapaligiran kung saan isinasagawa

ang pagsusuri. Ito ay nagbibigay ng masusing pag-unawa sa mga elemento o

kondisyon na maaaring makaapekto sa pagsulat ng pananaliksik.

Pananaliksik – isang sistematikong proseso ng pagsusuri at pagsaliksik sa isang

partikular na paksa o isyu upang makuha ang mga impormasyon, datos, at kaalaman.

Ang pananaliksik ay may layuning maunawaan ang mga suliranin na hinaharap ng mga

mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School kaugnay sa pagsulat ng

pananaliksik. Ito'y naglalaman ng mga hakbang tulad ng pagpaplano, pagkolekta ng

datos, pagsusuri, at pagsusuri ng mga resulta, na may layunin na makapagbigay ng

konkretong mungkahing solusyon sa mga nasabing suliranin.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
15

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Sarbey - isang pamamaraan ng pagsusuri o pag-aaral kung saan isang grupo ng tao ay

tinatanong o inoobserbahan upang makuha ang kanilang mga opinyon, karanasan, o

impormasyon hinggil sa isang partikular na paksa. Makakuha ng mga opinyon,

karanasan, at impormasyon mula sa mga mag-aaral hinggil sa kanilang mga suliranin

sa pagsulat ng pananaliksik. Ang sarbey ay maaaring maging kasama sa pangunahing

instrumento ng iyong pagsasaliksik upang masusing masuri ang mga pangangailangan,

kakulangan, at hamon na kinakaharap ng iyong target na populasyon.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
16

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

KABANATA II
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Sa kabanatang ito matatagpuan ang disenyo ng pananaliksik, mga kalahok sa

pag-aaral, instrumentong gagamitin, paraan ng pagkalap ng datos at istatistiks o

tritment na gagamitin sa saliksik.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng sarbey o talatanungan bilang

paraan ng pangangalap ng datos. Ang pananaliksik na ito ay kwalitatibo, gumamit ng

Google Form o online survey bilang pangunahing instrumento para sa pagkuha ng

impormasyon mula sa mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School.

Ang layunin ng sarbey na ito ay maunawaan ang mga suliranin na kinakaharap ng mga

mag-aaral sa pagsulat ng pananaliksik at magbigay ng mungkahing solusyon batay sa

kanilang mga opinyon, karanasan, at pangangailangan.

Ang kuwantitatibong aspeto ng pananaliksik ay naka-focus sa pagkuha ng mga

numerikal na datos mula sa mga respondente, na magiging batayan para sa masusing

pagsusuri at interpretasyon. Ang Google Form ay nagbibigay ng kahalagahan sa

sistematikong pagsusuri ng mga kategorya ng datos, mula sa pinakamalaking suliranin

hanggang sa mga posibleng solusyon. Sa pamamagitan ng mga kuwantitatibong

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
17

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

resulta, magiging mas maihahambing at masusuri nang masusing ang mga aspeto ng

suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral.

Ang metodolohiyang ito ay nagbibigay daan para sa masusing pagsusuri ng mga

numerikal na resulta ng sarbey, na magiging pundasyon para sa pagbuo ng masusing

paglalahad ng suliranin at mungkahing solusyon sa pag-sulat ng pananaliksik ng mga

mag-aaral sa Lipa City Senior High School.

Para sa porsyento %=f/n * 100

% = porsyento

F = respondente sa bawat tanong

N = kabuuang bilang ng respondente

Samantala, ang mga datos na ang hinahanap ay antas ng pagsang-ayon

paggamit ay gagamitan ng weighted mean at interpretasyon base sa nakuhang

weighted mean.

Weighted Mean = [( * 4) + ( * 3) + ( * 2) + ( * 1)]/

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
18

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

4 = Lubos na sumasang-ayon/Madalas na ginagamit

3 = Sumasang-ayon/Madalas na madalas ginagamit

2 = Di-gaanong sumasang-ayon/HIndi gaanong madalas na

ginagamit

1 = Hindi sumasang-ayon/Hindi madalas ginagamit

4 = Lubos na Nakakaapekto/Madalas na ginagamit

3 = Nakakaapekto/Madalas na madalas na ginagamit

2 = Di-gaanong nakakaapekto/Hindi gaanong madalas na

ginagamit

1 = Hindi nakakaapekto/Hindi madalas na ginagamit

= respondente sa bawat tanong

= kabuuang bilang ng respondente

Kukunin din namin ang composite mean ng bawat datos na may

kinuhanan ng weighted mean at bibigyan din namin ito ng interpretasyon.

Composite Mean = /

= kabuuang bilang ng weighted mean

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
19

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

= bilang ng mga aytem sa talahanayan

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang napiling mga kalahok sa isasagawang pananaliksik ay ang mga mag-aaral

ng baitang 11 sa Lipa City Senior High School. Ang mga respondente ay mga mag-

aaral paaralang Lipa City Senior High School sa taong akademiko 2023-2024. Binubuo

ito ng 50 mag-aaral.

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga sarbey o talatanungan upang

makapaglikom ng mga mahahalagang impormasyon na magiging kritikal sa pagbuo at

pagsuporta sa kasalukuyang ginagawang pananaliksik. Ang disenyo at pamamaraan ng

instrumento ay mahalaga sa pagsasagawa ng sarbey. Sa disenyo nito, titiyakin ng mga

mananaliksik na ang mga tanong ay malinaw, naaangkop sa layunin ng pananaliksik, at

naglalaman ng mga aspeto ng pagsulat ng pananaliksik. Ang pamamaraang gagamitin

ay maaaring maging online survey, at ito ay isasagawa gamit ang Google Forms. Sa

pamamagitan ng online survey, magiging madali ang pagkuha at pagsusuri ng mga

sagot mula sa mga mag-aaral sa Baitang 11 sa Lipa City Senior High School. Ang

instrumento ay naglalaman ng mga tanong ukol sa mga suliranin sa pagsulat ng

pananaliksik, ang kanilang mga pangangailangan, at mga ideya para sa mungkahing

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
20

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

solusyon. Sa pagkakaroon ng maayos na disenyo at pamamaraan, magiging epektibo

ang instrumento sa pangangalap ng datos para sa pagsusuri.

Paraan sa Paglikom ng Datos

Ang paghahanda ng Google Form para sa pananaliksik tungkol sa mga suliranin

sa pagsulat ng pananaliksik ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High

School ay mag-uumpisa sa paghingi ng pahintulot mula sa mga partisipante, kung saan

malinaw na ipapaliwanag ang layunin ng pananaliksik at ang kanilang mahalagang

kontribusyon sa pamamagitan ng kanilang mga sagot sa sarbey. Isusunod ang maikling

introduksyon na naglalaman ng pagsasanay ng layunin ng sarbey at kung paano

makakatulong ang kanilang mga sagot sa pag-aaral. Ito ay susundan ng mga

demograpikong tanong upang magkaruon ng konteksto sa resulta. Sa pangunahing

bahagi ng sarbey, ilalatag ang mga tanong na naglalayong makuha ang kanilang

opinyon, karanasan, at hinanakit ukol sa pagsulat ng pananaliksik. Sa huli, ipararating

ang pasasalamat sa kanilang partisipasyon, at itatapos ito sa pagbibigay ng mga

hakbang para sa mga interesadong partisipante o sa karagdagang impormasyon na

maaaring kailanganin mula sa kanila.

Paraan sa Pagsuri ng Datos

Sa tulong ng Google Forms, magkakaroon ng mas detalyadong pagsusuri sa

mga sagot ng mga respondente. Matapos ang pagpapasa ng mga tanong, maaaring

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
21

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

suriin ang mga datos upang hanapin ang mga pattern at tema. Maaari itong gawin sa

pamamagitan ng pagbuo ng mga grafiko o tableng nagpapakita ng distribusyon ng mga

sagot sa iba't ibang kategorya. Halimbawa, maaaring pag-aralan kung may mga

pagkakaiba sa mga sagot batay sa edad, kasarian, o iba pang mga kinakailangang

impormasyon ng mga respondent. Sa ganitong paraan, mas magiging malinaw ang

pag-unawa sa mga sagot at mas maaaring magamit ito upang gumawa ng mas

makabuluhang konklusyon o rekomendasyon. Ang Google Forms ay isang

napakahalagang kasangkapan sa pagsasaliksik na maaaring magbigay ng malaking

tulong sa pagkolekta at pagsusuri ng mga datos.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
22

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

KABANATA 3

RESULTA AT DISKUSYON

Ang bahaging ito ang tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa

suliraning inilahad. Dito maingat na inihahanay, isinasaayos nang may organisasyon sa

pamamagitan ng kategorisasyon, at sinusuri ang mga patunay upang patunayan o

pasubalian ang haypotesis ng pag-aaral. Bawat numero o bílang na lumabas sa

tabyular at grapikal na paglalahad ay binibigyang paliwanag at pag-uugnay-ugnay para

sa malinaw na kinalabasan.

Ang kabanatang ito ay natutungkol sa paglalahad at pagsusuri ng mga datos na

nakalap upang malaman ang epekto ng Mga Suliranin sa Pagsulat ng Pananaliksik ng

mga Mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School: Mungkahing Solusyon.

Ang mga datos ay inilahad sa talahanayan o tabyular at tekstwal na presentasyon at

ang pagtatalakay ay iniayos sa pagkakasunod-sunod ng suliraning inihayag.

TALAHANAYAN 1
Profayl ng mga Respondene Batay sa Edad
Profaly ng mga Mga Mag-aaral
Respondente sa Baitang 11 Porsyento Rango
Batay sa Edad
15-17 40 80% 1

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
23

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

18 pataas 10 20% 2

Sa Talahanayan 1. Makikita ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente batay sa edad. Ipinapakita sa datos na mula sa limampung (50)

respondente, apatnapu (40) o walongpung bahagdan (80%) ang nasa edad

labing lima (15) hanggang labing pito (17). Habang nasa sampu (10) o

dawalangpung bahagdan (20%) ang nasa edad labing walo (18).

Dahil dito, masasabing karamihan sa mga naging respondente ng pag-

aaral ay nasa edad labing lima (15) hanggang labing pito (17).

TALAHANAYAN 2
Profayl ng mga Respondene Batay sa Kasarian

Profayl ng mga Mga mag-aaral Porsyento Rango


Respondene Batay sa Baitang 11
sa Kasarian
a. Lalaki 15 30% 2
b. Babae 35 70% 1

Sa Talahanayan 2. Inilahad kung ilan ang bilang ng mga kasarian ng mga

respondente sa Lipa City Senior High School. Batay sa datos, malaki ang agwat ng

kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral. Ang babae ay tatlongput lima (35) o pitongpung

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
24

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

bahagdan (70%) habang ang lalaki naman ay binubuo ng labing lima (15) o tatlongpung

bahagdan (30%).

Ipinapakita sa talahanayan 2 na karamihan sa mga respondenteng

nagsipagsagot ay babae.

TALAHANAYAN 3
Profayl ng mga Respondene Batay sa Pangkat

Profayl ng mga Mga mag-aaral Porsyento Rango


Respondene Batay sa Baitang 11
sa Pangkat
a. Taylor 20 40% 2
b. Aristotle 25 50% 1
c. Edison 5 10% 3

Sa Talahanayan 3, Makikitang hindi patas ang bilang ng mga respondente sa

tatlong pangkat ng Lipa City Senior High School. Ang pangkat Aristotle ay may

dalawamput lima (25) o limangpung bahagdan (50%) na bilang ng mga respondente ,

sumunod ang pangkat Taylor na may dalawangpu (20) o apatnapung bahagdan (40%)

na bilang ng mga respondente, samantalang ang pangkat Edison naman ay may lima

(5) o sampung bahagdan (10%) na bilang ng mga respondente.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
25

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Ipinapakita sa talahanayan 3, na hindi patas ang bilang ng mga respondente sa

bawat pangkat mula sa Lipa City Senior High School

TALAHANAYAN 4

Mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa


Lipa City Senior High School hinggil sa pagsulat ng
kanilang pananaliksik?

Suliranin na kinakaharap Weighted mean Berbal na Interpretasyon


ng mga mag-aaral

Kakulangan sa sumasang-ayon
pagkukunan ng 3.44
impormasyon

Pagpili ng pag-aaralan o 3.42 sumasang-ayon


paksa

Kakulangan sa 3.38 sumasang-ayon


kakayahang teknikal na
pagsulat

Limitadong oras at 3.48 sumasang-ayon


resuso

Composite Mean 3.43 sumasang-ayon

Sa Talahanayan 4, inilahad ang mga suliranin na kinakaharap ng mga

mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School hingil sa pagsulat ng

kanilang pananaliksik. ipinapakita na ang “Limitadong oras at resuso” ang may

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
26

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

pinaka malaking weighted mean (3.48), ipanapakita rin na ang “Kakulangan sa

pagkukunan ng impormasyon” (3.44) ang sumunod na may malaking weigthed

mean. Ang “Pagpili ng pag-aaralan o paksa” naman ang ikatlo na may (3.42)

weighted mean. Makikita rin na ang “Kakulangan sa kakayahang teknikal na pag

sulat” ang pinaka maliit na weighted mean (3.38)

Ipinapakita rin sa talahanayan 4 na ang lahat ng aytem ay may kabuuang

composite mean na 3.43 at may interpretasyong sumasang ayon.

TALAHANAYAN 5.1
Positibong epekto ng mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral

ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School sa pagsulat ng

kanilang pananaliksik.

Positibong epekto ng Berbal na Interpretasyon


mga suliranin na Weighted mean
kinakaharap ng mga
mag-aaral

Paglinang ng kakayahan 3.24 sumasang-ayon


sa pagsulat ng
pananaliksik

Pag-unlad ng analitikal 3.46 sumasang-ayon

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
27

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

na pag-iisip

Pagpapalawak ng 3.5 labis na sumasang-ayon


kaalaman sa isang
partikular na paksa

Papapaunlad ng 3.4 sumasang-ayon


disiplina sa sarili

Composite Mean 3.4 sumasang-ayon

Sa Talahanayan 5.1. Makikitang ang “Pag-unlad ng analitikal ng pag-iisip”

ang may pinaka madaming sumasang-ayon na may (3.46) weighted mean.

Sumunod naman ang “Paglinang ng kakayahan sa pagsulat ng pananaliksik” na

may (3.24) weighted mean. Samantala, ang “Pagpapalawak ng kaalaman sa

isang partikular na paksa” ang ikalawang may pinaka maliit na weighted mean na

may bilang (3.5). At sa huli, ang “Pagpapa-unlad ng disiplina sa sarili” ang may

pinaka maliit na weighted mean (3.4).

Ipanapakita rin sa talahanayan 5.1 na ang lahat ng aytem ay may

kabuuang composite mean na 3.4 ay may interpretasyong sumasang-ayon.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
28

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

TALAHANAYAN 5.2

Negatibong epekto ng mga suliranin na kinakaharap ng mga

mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School

sa pagsulat ng kanilang pananaliksik.

Negatibong epekto ng Weighted mean Berbal na Interpretasyon


mga suliranin
nakinakaharap ng mga
mag-aaral

Pagkabigo o prustrasyon 3.34 sumasang-ayon

Stress 3.54 labis na sumasang-ayon

Paghina ng kumpiyansa 3.36 sumasang-ayon


sa sarili

Limitadong produktibong 3.38 sumasang-ayon


oras

Composite Mean 3.41 sumangsang-ayon

Sa talahayang 5.2, na ang mukahing "Stress" ang may pinaka mataas na

weighted mean na bilang (3.54). Sumunod naman ang mukahing "Limitadong

produktibong oras" na may katumbas na bilang na (3.38) weighted mean. Ang

mukhahing may pangalawa sa pinaka maliit na bagahgdan ay ang "pang hina ng

kumpansya sa sarili" na may katumbas na bilang (3.36) na weighted mean. At

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
29

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

ang may pinaka maliit na bahagdan na mungkahing "Pag kabigo o prustrasyon"

ay may angkop na bilang na (3.34)weighted mean.

Ipinakita rin sa talahayan 5.2 na ang lahat ng aytem ay may kabuuang

composite mean na 3.40 at may interpretasyong sumasang ayon.

TALAHANAYAN 6

Solusyonan sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng Baitang 11


sa Lipa City Senior High School sa pagsulat ng kanilang pananaliksik

Solusyonan sa mga
suliraning kinakaharap Weighted mean Berbal na Interpretasyon
ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng kanilang
pananaliksik

Pagpapalawak ng 3.38 sumasang-ayon


access sa resources

Gabay at suporta mula 3.48 sumasang-ayon


sa guro

Pagtutok sa time 3.48 sumasang-ayon


management

Paglinang ng kritikal na 3.44 sumasang-ayon


pag-iisip

Composite mean 3.45 sumasang-ayon

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
30

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Sa Talahayan 6. Makikita na ang mungkahing paraan na "Gabay at

suporta mula sa guro" at ang "Pag tutok sa time management" ay may pantay na

bilang na (3.48) weighted mean. Pangalawa sa may mataas na bilang ay ang

"Pag linang ng kritikal na pag iisip" na may bilang na (3.44) weighted mean. Ang

may pinaka maliit na bilang na mungkahing paraan ay ang "Pag papalawak jg

resources" na may bahagdan na (3.38).

Ipinapakita rin sa talahayan 6 na ang lahat ng aytem ay may kabuoang

composite mean na 3.44 at may interpretasyong sumasang ayon.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
31

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

KABANATA 4
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDSYON

Ang pagsusuri sa mga suliranin sa pagsulat ng pananaliksik ng mga mag-aaral sa

Baitang 11 ng Lipa City Senior High School ay layuning mahanap ang mungkahing

solusyon upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa akademikong larangan. Sa pag-

unawa sa mga hamon ng pananaliksik, maaaring matukoy ang mga potensyal na

suliranin tulad ng kakulangan sa kaalaman sa oras pamamahagi, pagsusuri ng

sanggunian, at kawalan ng kumpiyansa sa sariling kakayahan. Bilang tugon, maaaring

isulong ang pagsasanay at workshop ukol sa tamang pagbuo ng pananaliksik, kabilang

ang teknik sa oras pamamahagi at pagsasanay sa pagsusuri ng sanggunian.

Isinusulong din ang mentorship program para sa mga mag-aaral, kung saan ang mga

guro o eksperto ay maaaring magbigay ng gabay at suporta. Sa pagtatapos, layunin ng

pagsusuri na magbigay ng konkretong hakbang at sistema upang mapabuti ang

pagsusuri at pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 11, naglalayong mapaigting ang

kanilang kakayahan sa pagsasaliksik ng mga akademikong suliranin.

Lagom

Ang layunin ng pagsusuri ay muling maipakilala upang malinawang maiparating

ang pangunahing layunin nito. Sa pangunahin, ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
32

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

ang makahanap ng mungkahing solusyon upang mapabuti ang kakayahan sa pagsulat

ng pananaliksik ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Lipa City Senior High School. Ang

pangangatwiran sa mga suliranin na kanilang kinakaharap sa pagbuo ng makabuluhang

pananaliksik ay kritikal sa pag-unlad ng kanilang kasanayan sa pagsusuri at pagsulat.

Ang mga kalahok o respondent sa pagsusuri ay kinilala bilang mga mag-aaral ng Lipa

City Senior High School na nasa Baitang 11.

Ang pagsusuri na ito ay naglalayong maunawaan ang mga suliranin at epekto na

kinakaharap ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Lipa City Senior High School kaugnay

ng kanilang pagsulat ng pananaliksik. Binibigyang katanungan ito sa pamamagitan ng

pagsagot ng mga katanungang tulad ng (1) Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap

ng mga mag-aaral ng baitang 11 sa Lipa City Senior High School hinggil sa pagsulat ng

kanilang pananaliksik? (2) Ano-ano ang mga epekto ng mga suliranin sa pagsulat ng

pananaliksik sa mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School? (3)

Paano masosolusyonan ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng Baitang

11 sa Lipa City Senior High School sa pagsulat ng kanilang Pananaliksik?

Sa unang katanungan na inilahad, buong pagsusuri ang isinagawa ng mga

mananaliksik upang malalimang maunawaan ang mga pangunahing suliranin na

kinakaharap ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Lipa City Senior High School sa

larangan ng pagsulat ng kanilang pananaliksik. Isinailalim sa masusing pag-aaral at

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
33

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

pagsusuri ang mga aspeto ng kanilang kasanayan at kakulangan upang masusing

maingat na mailahad ang mga kritikal na aspeto ng pagsusulat. Karamihan sa mga

respondente ay nahihirapan sa suliraning “pagpili ng pag-aaralan o tamang paksa”. Sa

pangalawang katanungan, ibinukas ng mga mananaliksik ang mga positibo at

negatibong epekto ng nasabing suliranin sa pagsusulat ng pananaliksik sa mga mag-

aaral. Ipinakita nila kung paanong ang mga suliraning ito ay nakaaapekto sa kabuuang

pagganap ng mga mag-aaral at kung paanong ang mga ito ay maaaring magdulot ng

masusing implikasyon sa kanilang akademikong tagumpay. Sa ikatlong katanungan,

nilahad ng mga mananaliksik ang kanilang mga natuklasan mula sa pagsusuri at

nagbigay ng mga mungkahing solusyon at pamamaraan upang malunasan o maibsan

ang mga suliraning inilarawan. Binigyang-diin ang potensyal na pag-unlad at

pagpapaunlad ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng pananaliksik sa pamamagitan ng

mga rekomendasyon at hakbang na maaaring isakatuparan sa kanilang aktwal na

karanasan sa pag-aaral.

Sa ilalim ng disenyong kuwantitatibo, isinagawa ng mga mananaliksik ang isang

Google Form upang lumikha ng sarbey-kwestyuner at makakuha ng mga sagot mula sa

50 na respondente. Ang pananaliksik na ito ay naglaan ng dalawang buwan mula

Disyembre 2023 hanggang Enero 2024 para sa pagkuha ng datos mula sa mga

respondente.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
34

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Konklusyon

Batay sa masusing pagsusuri ng mga datos mula sa pananaliksik, napagtanto na

ang demograpikong kalagayan ng mga respondente mula sa Lipa City Senior High

School ay nagpapakita ng isang malinaw na larawan ng kanilang populasyon. Ang

karamihan sa mga respondenteng sumagot (80%) ay matatagpuan sa edad na labing

lima hanggang labing pito, na nagpapahiwatig ng pagiging representatibo ng mga mag-

aaral sa naturang paaralan. Bukod dito, ang pagkakaroon ng mas maraming babae

(70%) kaysa lalaki (30%) sa mga sumagot ay nagpapakita rin ng isang mahalagang

aspeto ng demograpikong makeup ng paaralan.

Sa pangkalahatan, ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita rin ng mga hamong

kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng kanilang pananaliksik. Ang limitadong

oras at resurso, kakulangan sa pagkukunan ng impormasyon, at pagpili ng paksa ay

mga pangunahing suliraning kinakaharap, na may mataas na antas ng kahalagahan at

pangangailangan para sa solusyon. Ang mga ito ay hindi lamang nagpapakita ng mga

personal na hamon ng mga mag-aaral, ngunit pati na rin ng mga sistema at istraktura

sa paaralan na maaaring naglalagay ng mga hadlang sa kanilang pag-unlad.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
35

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Sa pagsulong ng mga mag-aaral, ang pag-unlad ng analitikal na pag-iisip ay

nangunguna bilang isang pangunahing layunin. Gayunpaman, ang mga aspeto tulad ng

pagpapalawak ng kaalaman sa isang partikular na paksa at pagpapa-unlad ng disiplina

sa sarili ay hindi dapat balewalain. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na

suporta at gabay mula sa guro, pati na rin ang pagtutok sa time management at

paglinang ng kritikal na pag-iisip, maaaring makamit ng mga mag-aaral ang kanilang

potensyal at masugpo ang mga hamon sa kanilang pag-aaral.

Rekomendasyon

Para sa mga Mag-aaral, mahalaga ang pagsasanay sa pamamahagi ng oras

para sa masusing pagbuo ng pananaliksik. Ang pag-unlad ng kasanayan sa

pamamahagi ng oras para sa bawat bahagi ng pagsusulat ay makakatulong sa

pagtamo ng maayos na timeline. Pakikipag-ugnayan sa mga eksperto at guro sa

pagsulat ng pananaliksik ay magbibigay ng gabay at payo para sa mas magandang

resulta. Ang paglinang ng analitikal na kakayahan, tulad ng pagsusuri at interpretasyon

ng mga datos, ay mahalaga rin para sa masusing pagsusuri ng mga sanggunian.

Para sa mga Hinaharap na Mananaliksik, ang mga hinaharap na mananaliksik ay

dapat magkaruon ng pagsasanay sa research ethics, na naglalaman ng tamang

pagtrato sa mga respondent at pagsunod sa ethical guidelines. Mahalaga rin ang

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
36

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

masusing pagsasanay sa iba't ibang metodolohiya ng pagsasaliksik upang

magtagumpay sa kanilang larangan. Ang pagsasanay sa pagsusuri ng data ay

nagbibigay daan para sa mas matalim na pang-unawa at maayos na presentasyon ng

mga resulta ng kanilang pananaliksik.

Para sa mga Guro, ang mga guro ay dapat maging modelo sa pagiging bukas sa

continuous learning sa larangan ng pagsusulat ng pananaliksik. Ang pagsuporta sa

mga mag-aaral sa kanilang pagsasanay sa pamamahagi ng oras at analitikal na

kakayahan ay magbibigay daan sa mas mahusay na pagganap sa pagsulat. Dapat din

silang maging guro na nagbibigay inspirasyon at suporta sa kanilang mga mag-aaral

upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
37

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

TALASANGGUNIAN

B. Di-naitalang Pananaliksik

Andrei, P., & Agojo, N. (2019). Mga Suliranin na Kinakaharap ng mga Mag-aaral sa
Pagbuo ng Papel Pananaliksik. Lyceum of the Philippines University - Manila. 11 pages.
De Jesus, L. F., Javier, N. L., & Mendiola, A. V.2023). Programang Pampananaliksik
Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. International Journal of
Multidisciplinary Educational Research and Innovation, 1(4), 213-227.
De Jesus, L., Javier, N. L., & Mendiola, A. V. (2023). Programang Pampananaliksik
Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. International Journal of
Multidisciplinary Educational Research and Innovation. 1(4), 213-227.
https://doi.org/10.17613/h3sc-n058.

C. Sangguniang Elektroniko

https://www.studocu.com/ph/document/capitol-university/education/pananaliksik-final-
pdf/44060657
https://www.slideshare.net/NicoleGala/kabanata-1-sa-pananaliksik-suliranin-at-kaligiran
https://www.academia.edu/10450127/KABANATA_2_Mga_Kaugnay_na_Literatura_at_
Pag

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
38

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

APENDIKS A

SULAT PARA SA PUNONGGURO

Enero 5, 2024

NELSON V. EVANGELISTA
Punongguro II
Lipa City Senior High School

Ginoo:

Magandang araw po!


Kami po ay mga mag-aaral mula sa baitang 11 ng ABM stand sa ating paaralan.
Nagsasagawa po kami ng pananaliksik na pinamagatang, “Mga Suliranin sa Pagsulat
ng Pananaliksik ng mga Mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School:
Mungkahing Solusyon”. Ito po ay bahagi ng aming pangangailangan sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino.
Kaugnay po nito ay ang paghingi naming sa inyo ng pahintulot na makapamahagi ng
mga sarbey-kwestyuneyr sa limampung (50) mag-aaral sa baitang 11 sa pamamagitan
ng google form.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong positibong tugon sa bagay na ito.
Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

RUAHNE ARVIE E. MATIAS


Lider ng Pangkat

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
39

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Ipinabatid:
JELIAN F. DAYAWON
Guro sa Pananaliksik

Pinagtibay ni:
NELSON V. EVANGELISTA
Punongguro II

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
40

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

APENDIKS B

KWESTYUNEYR

Sa bahagyang katuparan ng mga hinihingi para sa Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino nagsasagawa kami ng isang pananaliksik
na pinamagatang “Mga Suliranin sa Pagsulat ng Pananaliksik ng mga Mag-aaral
ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School: Mungkahing Solusyon”. Ang ang
pag-aaral ay naglalayong matukoy kung ano ang mga Suliranin sa Pagsulat ng
Pananaliksik ng mga Mag-aaral. Sa bagay na ito hinihiling namin na mahingi ang
inyong kaunting oras upang punan ang mga katanungan sa ibaba, at sisiguraduhin na
ang lahat ng datos at impormasyon na inyong ibibigay ay papanatilihin na lihim at
gagamitin lamang para sa mga layunin ng pananaliksik. Ang iyong pakikipagtulungan
ay lubos naming pinahahalagahan.
_____________________________________________________________________

Pangalan(opsyonal): Strand:

15-17 gulang 18 pataas na gulang


Edad:

Kasarian: Babae: _____ Lalaki: _____

1. Mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ng baitang 11 sa Lipa City Senior


High School hinggil sa pagsulat ng kanilang pananaliksik

Suliranin na Labis na Sumasang Di-gaanong Hindi


kinakaharap ng mga sumasang- -ayon sumasang- sumasang
mag-aaral ayon ayon -ayon

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
41

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

1. Kakulangan sa
pagkukunan ng
impormasyon

2. Pagpili ng pag-
aaralan o paksa

3. Kakulangan sa
kakayahang teknikal
na pagsulat

4. Limitadong oras at
resuso

2. Ano-ano ang positibong mga epekto ng mga suliranin sa pagsulat ng pananaliksik sa

mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa City Senior High School.

Positibong epekto ng Labis na Sumasang Di-gaanong Hindi


mga suliranin na sumasang- -ayon sumasang- sumasang
kinakaharap ng mga ayon ayon -ayon
mag-aaral

1. Paglinang ng
kakayahan sa
pagsulat ng
pananaliksik

2. Pag-unlad ng
analitikal na pag-iisip

3. Pagpapalawak ng
kaalaman sa isang

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
42

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

partikular na paksa

4. Papapaunlad ng
disiplina sa sarili

2.2 Mga negatibong epekto ng mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ng

Baitang 11 sa Lipa City Senior High School sa pagsulat ng kanilang pananaliksik?

Negatibong epekto ng Labis na Sumasang Di-gaanong Hindi


mga suliranin na sumasang- -ayon sumasang- sumasang
kinakaharap ng mga ayon ayon -ayon
mag-aaral

1. Pagkabigo o
prustrasyon

2. Stress

3. Paghina ng
kumpiyansa sa sarili

4. Limitadong
produktibong oras

3. Solusyonan sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Lipa

City Senior High School sa pagsulat ng kanilang Pananaliksik.

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
43

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Solusyonan sa mga Labis na Sumasang Di-gaanong Hindi


suliraning sumasang- -ayon sumasang- sumasang
kinakaharap ng mga ayon ayon -ayon
mag-aaral sa
pagsulat ng kanilang
pananaliksik

1. Pagpapalawak ng
access sa resources

2. Gabay at suporta
mula sa guro

3. Pagtutok sa time
management

4. Paglinang ng
kritikal na pag-iisip

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
44

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Kurikulum Vitae
Pangalan: Ruahne Arvie E. Matias
Tirahan: Mataas na Lupa Lipa, City Batangas

Personal na Datos
Edad: 16
Petsa ng kapanganakan: September 3, 2007
Lugar ng Kapanganakan: Mataas na Kahoy, Batangas
Kasarian: Babae
Relihiyon: Katoliko
Lahi: Pilipino
Wika/Diyalektong Sinasalita: Filipino/Ingles

Edukasyong Natamo
Sekondarya: (Lipa City National High School)
(Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas)
(2022-2023)

Elementarya: (San Sebastian Elementary School) (Balagbag, Lipa City) (2018-2019)

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
45

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Kurikulum Vitae

Pangalan: Princess Mae L. Panaligan


Tirahan: Azalea Vista, Pangao Lipa City

Personal na Datos
Edad: 16
Petsa ng kapanganakan: 2007
Lugar ng Kapanganakan: Manila, Mandaluyong
Kasarian: Babae
Relihiyon: Born Again
Lahi: Pilipino
Wika/Diyalektong Sinasalita: Filipino/Ingles

Edukasyong Natamo
Sekondarya: (Prenza National High School)
(Marilao, Bulacan )
(2022-2023)

Elementarya: (Tilaga Elementary School)


(Tulos, Rosario Batangas) (2018-2019)

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
46

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Kurikulum Vitae

Pangalan: Angelou P. Rabino


Tirahan: Brgy. Rizal, Lipa City

Personal na Datos
Edad: 17
Petsa ng kapanganakan: December 3, 2006
Lugar ng Kapanganakan: Lipa City, Batangas
Kasarian: Lalaki
Relihiyon: Katoliko
Lahi: Pilipino
Wika/Diyalektong Sinasalita: Filipino/Ingles

Edukasyong Natamo
Sekondarya: (Rizal Integrated National High School)
(Antipolo del Sur, Lipa City)
(2022-2023)

Elementarya: (Rizal Elementary School )


(Balagbag, Lipa City)
(2018-2019)

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
47

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

Kurikulum Vitae

Pangalan: Trisha Mhae Tapire


Tirahan: Antipolo del Norte Lipa City

Personal na Datos
Edad: 16
Petsa ng kapanganakan: August 23, 2007
Lugar ng Kapanganakan: Lipa City, Batangas
Kasarian: Babae
Relihiyon: Katoliko
Lahi: Pilipino
Wika/Diyalektong Sinasalita: Filipino/Ingles

Edukasyong Natamo
Sekondarya: (Lipa City National High School)
(Interior B morada Ave, Lipa City)
(2022-2023)

Elementarya: (Jose K Obando Memorial Elementary School)


(Antipolo del Sur, Lipa City)
(2018-2019)

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas
48

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

LIPA CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Int. B. Morada Ave. Brgy.1, Lipa City, Batangas

You might also like