You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MATEMATIKA 2

I. LAYUNIN
• Natutukoy ang mga bahagi ng pictograph.
• Nagagamit ang mga datos na inilalahad sa pictograph sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungan ukol dito.
• Naipakikita ang pakikilahok sa talakayan at sa pangkatang gawain.

II. NILALAMAN
Paksa: Pictograph
Sanggunian: Mathematics 2 4th Quarter Modyul 9 (Pictograph), Mathematics 2 Kagamitan ng
Mag-aaral Tagalog pahina 284-285
Kagamitang Panturo: Bolang papel, video, plaskard, mini garden, visual aid, powerpoint
presentation, envelopes, tarpapel, activity sheets

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Paghahandang Gawain
• Panalangin
Mga bata bago tayo magsimula ay (Tatayo ang lahat)
magsitayo muna ang lahat para sa
ating panalangin. ____ maaari mo
bang pangunahan ang ating
panalangin sa umagang ito? Opo mam.

Dear Jesus,
Bless our teacher that she will teach, help and
play with us through the day. Let this be a
harmonius and a fruitful day. Bless all of us as
we start this day. Amen.

• Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po mam, magandang
umaga sa aking mga kaklase at magandang
Kamusta naman ang inyong araw? umaga din po Jesus!
Nag-almusal ba ang lahat? Mabuti po naman.
Opo mam, nag almusal po kami.
• Pampasiglang Gawain
Ngayon, sino sa inyo ang gustong
maglaro? Mam! (lahat)
Upang pasiglahin at gisingin ang ating
isipan maglaro muna tayo ng “Paper
ball question”. Yehey!

Makinig na mabuti at ipapaliwanag ko


ang mga dapat gawin sa ating laro.

1. Ang paper ball ay binubuo o


napalaki ng pauulit-ulit na
pagbabalot ng mga papel na may
nakasulat na mga tanong.
2. Ito ay pagpapasa-pasahan ng mga
mag-aaral habang sumasabay sa
awiting “Si Mang Donald ay may
Bukid” na may paminsan-
minsang paghinto ng tunog.
3. Ang mag-aaral na matapat sa
paghinto ng awit ay kailangang
sagutin ang tanong na nakasulat
sa huling papel na nakabalot sa
bola.
4. Bawat mag-aaral na makasasagot
nang tama ay magkakaroon ng
gantimpala.

• Pagsasaayos ng Silid-aralan
Bago kayo maupo maaari bang
tingnan muna ninyo ang tabi at ilalim
ng inyong mga upuan, kung may kalat
na papel, balat ng kendi o nahulog na
gamit ay pakipulot na muna. Kung
wala na pakiaayos ang linya ng mga
upuan at maaari na kayong maupo.

• Pagtatala ng lumiban sa klase


Mayroon bang lumiban sa araw na
ito?
Magaling, at dahil nandito ang lahat
bigyan natin ang ating mga sarili ng
“Present clap”
1, 2, 3, 1, 2, 3 Present ako, matututo 1, 2, 3, 1, 2, 3 Present ako, matututo ako!
ako!

2. Pagsasanay
Mga bata mayroon akong inihandang mga
plaskard, basahin nga ng sabay-sabay ang
mga sumusunod salita.

pamagat leybel pamagat leybel


batayan datos batayan datos
pictograph kabuuan pictograph kabuuan

3. Balik-aral
Ngayon sino ang naka-aalala ng ating Mam!
nakaraang aralin sa Matematika?
(tumawag ng batang sasagot) Ang ating nakaraang aralin sa matemaatika ay
Magaling! Nakakatuwa naman at tungkol po sa tally chart.
natatandaan pa ang ating pinag-aralan
kahapon. Bigyan naman natin siya ng
“pakbet clap”.
Ready begin. 1, 2, 3, 1, 2, 3 Pak na pak! 1, 2, 3, 1, 2, 3 Pak na pak! Bet na bet!
Bet na bet!
Ano ba ang tally chart? Ang tally chart po ay uri ng chart na gumagamit
ng tally marks (I) upang ipakita ang datos o ang
bilang ng mga bagay.
Mahusay! Nagagalak ako na iyong
naipaliwag nang maayos kung ano ang
tally chart.
Ngayon upang masubukan kung talagang
natatandaan ang nakaraang aralin ay
sagutan natin ang maikling pagsasanay na
ito.

Panuto: Gamit ang mga larawan sa loob ng kahon ay


gumuhit ng mga tally marks para sa bawat disenyo.
Bilangin ang mga tally mark at isulat ang kabuuang
numero.
Sticker design Tally marks Number Sticker design Tally marks Number
6

Total: Total:
19

4. Pagganyak
Gusto ba ninyong makarinig ng isang Opo!
maikling kwento?
Makinig na mabuti sa aking kwento na
may pamagat na “Ang Hardin ni Peppa”

Ang Hardin ni Peppa

Si Peppa ay may hardin. Sa kaniyang


hardin ay makikita ang ibat-ibang uri ng
bulaklak na araw-araw niyang dinidiligan.
Mayroong rosas, gumamela, santan,
sunflower at sampaguita.

B. PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN

1. Paglalahad
Ngayon mga bata may ideya na ba kayo kung ano ang
ating aralin sa araw na ito. Upang matulungan kayong
malaman kung tungkol saan ang ating aralin ay
subukan ninyong buuin ang salita sa pamamagitan
pagbuo dito gamit ang mga letrang nawawala na nasa
loob ng kahon.

P_CT_GR_PH
A O I

Ano kaya ang mabubuong salita sa ating kapag Ang nabuo pong salita ay pictograph po mam!
nailapat na ang mga nawawalang letra?

Mahusay! Ang ating aralin sa araw na ito sa


Matematika ay tungkol sa pictograph.
Narito ang ibat-ibang uri ng bulaklak na matatagpuan
sa hardin ni Peppa.

Mga uri ng Bulaklak sa Hardin ni Peppa


Uri ng Bulaklak Bilang ng Bulaklak
Rosas

Gumamela

Santan

Sunflower

Sampaguita

Batayan: = 1 bulaklak.

2. Pagtatalakay

Pictograph – Isang uri ng graph o talahanayan na


gumagamit ng larawan o simbolo upang ipakita ang
impormasyon o datos. Ito ay isang paraan ng
pagrerepresenta ng isang bagay sa pamamagitan ng
mga larawan.

Bahagi ng Pictograph
1. Pamagat – ito ang nagbibigay ng maikling
impormasyon kung tungkol saan ang graph.
2. Leybel – ito ay maikling paglalarawan na
ginagamit upang makilala ang isang bagay o
tao.
3. Batayan – isang salita, parirala o bilang na
sinusulat sa larawan. Gumagamit tayo ng
batayan upang mabigyann kahulugan ang
isang pictograph.

Pamagat
Mga uri ng Bulaklak sa Hardin ni Peppa

Uri ng Bilang ng Bulaklak


Bulaklak
Rosas
Leybel B B B B B B
Gumamela
B c cB c c c
c B
Santan
B
c B c B B
c B
Sunflower
cB cB c c c
Sampaguita
cB B
c B B
Batayan: = 1 bulaklak
Bc c c c
Batayan
c
Sagutin ang mga tanong.

___ 1. Ilang uri ng bulaklak ang nasa pictograph?


Mam lima (5) ang uri ng bulaklak na nasa
pictograph po.
___ 2. Anong bulaklak ang may pinakakaunti ang Sunflower po ang siyang pinakakaunti ang
bilang? bilang.
_ 3. Anong bulaklak ang may pinakamaraming Mam rosas po ang pinakamaraming bilang.
bilang?
___ 4. Ilan ang dami ng rosas kaysa gumamela? 3 po mam ang dami ng osas kaysa calachuchi.
___ 5. Ilan lahat ang bilang ng mga bulaklak na nasa Ang bilang ng mga bulaklak sa kabuuuan po ay
hardin ni Peppa? 21 po lahat mam.
Magaling! Dahil diyan ay bigyan natin ang inyong
mga sarili ng “Very good ako, very good kayo!”
1, 2, 3 1, 2, 3 Very good ako, very good kayo! 1, 2, 3 1, 2, 3 Very good ako, very good kayo!

A. PINATNUBAYANG PAGSASANAY
Ngayon ay subukin natin kung nauunawaan na
ninyo ang pictograph. Mayroon akong isa pang
kwento na babasahin at mula dito ay maaari
tayong makabuo ng pictograph kasunod nito,
kinakailangang masagot natin ang mga
katanungan.

Ang Kaarawan ni Pilo

Magdaraos ng kaarawan si Pilo sa darating na


buwan. Itinatanong ng kanyang ina kung ano ang nais
niyang ihanda para sa kanyang mga kaibigan ngunit
hindi alam ni Pilo ang gusto ng mga ito. Sa kanyang
pagpasok sa paaralan ay tinanong niya ang kanyang
mga kaibigan.

Handa ni Pilo sa Kanyang Kaarawan

Mga Handa Bilang ng Kaibigan


Pansit

Spaghetti

Palabok

Sopas

Batayan: = 1 kaibigan

Tanong:
1. Ilang bata ang may gusto ng pansit? Ang batang may gusto po ng pansit ay 3 po.
2. Anong pagkain ang may pinakamaraming Ma’am spaghetti po ang may pinakamaraming
bilang na pinili ng kanyang kaibigan? may gusto.
3. Ilan ang batang may gusto ng palabok? Anim po ang may gusto ng palabok 2 po.
4. Anong pagkain ang may pinakakaunting Ma’am sopas ang pinakaunting bilang ng bata
bilang na pinili? ang may gusto.
5. Ilan ang batang pumili ng spaghetti at pansit? 9 po ang batang pumili ng spaghetti at pansit.
Mahusay! Dahil diyan ay palakpakan natin
ang inyong mga sarili. Gawin natin ang
Jollibee clap! 1, 2, 3, 1, 2, 3 Jollibee!
1, 2, 3, 1, 2, 3 Jollibee!

C. PANGKATANG GAWAIN
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain hahatiin
kayo sa tatlong pangkat. Ang unang hanay ay pangkat
1 at hanay 2 ang pangkat 2 ang hanay 3 ang pangkat 3. Opo mam.
Nauunawaan ba? Kung nauunawaan na ninyo ay (Susundin ang sinabi ng guro)
magsama-sama ang pangkat 1, gayundin ang pangkat
2 at pangkat 3.
Makinig sa panuto.
Panuto: Ang bawat grupo ay makatatanggap ng isang
envelope na may magkakaibang gawain na kailangang
tapusin sa loob ng limang (5) minuto.
Narito ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain.
1. Panatilihin ang katahimikan at kaayusan
habang isinasagawa ang gawain.
2. Iwasan ang pagtayo-tayo at paglilibot habang
ginagawa ang inyong gawain.
3. Gawin ng sama-sama ang gawain at
siguraduhing tumutulong ang lahat ng
miyembro ng grupo.
4. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawaan
pagkatapos ay bumuo ng isang yell bilang
tandan a tapos na ang inyong pangkat.
5. Idikit sa pisara ang inyong gawa at pumili ng
2 lider na siyang magpapaliwanag sa inyong
ginawa.

Pagkatapos ng gawain ay ipaliliwanag ng piniling mga


lider ang kanilang ginawa sa bawat pangkat.

Pangkat 1
Panuto: Punan ang patlang ng mga datos na kailangan
gamit ang pictograph.

Perang Naipon ng Magkakapatid

Pangalan
Perang Naipon
ng Bata
Bitog

Biday

Tino

Tina

Batayan: = 1 piso

1. Si Biday ay may _____ piso.


2. Ang perang naipon ni Bitog ay ay mas
kaunti ng _____ piso kay Tino.
3. Si _____ ay may dalawampung piso.
4. Ang pera ni Biday ay mas marami ng
_____ kaysa kay Tina.
5. Sa kabuuan sila ay may nakaipon ng
_____ piso.

Pangkat 2
Gamit ang pictograph sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Mga Regalong Natanggap ni Yhurie sa kanyang


Kaarawan
Mga Taong Nagregalo Bilang ng Regalo
Nanay at tatay

Tito at tita

Kaibigan

Ninong at ninang

Lolo at lola

Batayan: = 1 regalo
Tanong
1. Ilang regalo ang natanggap niya mula sa
kanyang tatay at nanay? ______
2. Ilan naman ang regalong kanyang natanggap
mula sa kanyang tito at tita? ______
3. Ilang regalo ang nagmula sa kanyang mga
kaibigan? ______
4. Ilan ang dami o lamang ng regalong
natanggap niya mula sa kanyang mga
kaibigan sa regalong natanggap niya mula sa
kanyang ninong at ninang? ______
5. Ilan lahat ang regalong kanyang natanggap
mula sa kanyang tatay at nanay, lolo at lola?
______

Pangkat 3
Suriin ang pictograph at sagutin ang mg mga tanong.

Bilang ng mga Damit na Natatahi

Araw Tala
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes
Batayan: = 1 damit

Panuto: Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at naman kung mali.

1. Tatlong damit ang natatahi tuwing Lunes.


2. Araw ng Huwebes ang may pinakamaraming
damit na natatahi.
3. Pinakakaunting damit ang natatahi kapag
araw ng martes.
4. Tatlumpu ang dami ng damit ng natatahi
kapag huwebes kaysa Biyernes.
5. Pitumput lima ang natatahing damit mula
Lunes hanggang Martes.

D. PAGLALAHAT
1. Ano ang pictograph? Ito ay isang graph na gumagamit ng larawan o
simbolo upang ipakita ang impormasyon o datos.
Ito ay isang paraan ng pagrerepresenta ng isang
bagay sa pamamagitan ng mga larawan.

2. Ano ang tatlong bahagi ng Mam pamagat po,leybel at batayan.


pictograph?

3. Ano-ano ang ibig sabihin ng 3 bahagi Pamagat - nagbibigay ng maikling


(pamagat, leybel ,batayan) ng impormasyon kung tungkol saan ang graph.
pictograph?
Leybel - ginagamit upang makilala ang isang
bagay o tao.

Batayan – isang salita o bilang na sinusulat sa


larawan. Gumagamit tayo ng batayan upang
mabigyan kahulugan ang isang pictograph.
Pagpapahalaga: Mahalaga ba ang pictograph? Ang pictograph ay mahalaga sapagkat sa
Paano ito nakakatulong sa ating pang araw-araw na pamamagitan nito ay naipapakita at naoorganisa
pamumuhay? natin ang mga impormasyon tungkol sa bilang ng
ibat-ibang tao, bagay, hayop at lugar.

IV. PAGTATAYA
Basahin at unawain ang kwento.
Pag-aralan ang pictograph at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.

Mga Alagang Hayop ni Lolo Pepe

Si Lolo Pepe ay may mga alagang hayop sa bukid.


Ang bilang ng mga alagang hayop ni Lolo Pepe ay
makikita sa pictograph sa ibaba.

Mga Alagang Hayop ni Lolo Pepe

Alagang Hayop Bilang ng Hayop

Kabayo

Baka

Baboy

Manok

Batayan: 1 hayop

Tanong:

1. Ilang uri ng hayop ang nasa pictograph? _________


2. Anong hayop ang may pinaka kaunting bilang? _________
3. Anong hayop ang may pinakamaraming bilang? _________
4. Ilan ang dami ng manok kaysa baboy? _________
5. Ilan lahat ang bilang ng mga hayop na alaga ni Lolo Pepe? _________

IV. TAKDANG ARALIN


Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

batayan pamagat pictograph leybel

Ang 1. __________ ay isang uri ng graph na gumagamit ng lawaran o simbolo upang ipakita ang

impormasyon o datos.

Ang mga bahagi ng pictograph ay 2. __________, 3. __________, 4. __________.


Inihanda ni: Iniwasto nina:

JORINA B. VILLANUEVA CAROL P. PIADOZO


Practice Teacher Master Teacher

MARIBEL T. ATLAS
Cooperating Teacher

Binigyang pansin ni:

AIRENE C. SAN GABRIEL


Principal

Inihanda para kina:

DR. ANTHONY C. ORTEGA


Institute Dean

ALLAN B. SARMIENTO
BEED Program Chair

You might also like