You are on page 1of 10

EPP 4 INDUSTRIAL ARTS

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Natatalakay ang mga kagamitan ng pagsusukat;
b. Napapahalagahan ang iba’t ibang kagamitan sa pagsusukat;
c. Naisasagawa ng wasto paggamit ng kagamitan sa pagsusukat.

II. PAKSANG ARALIN

Topiko: Kagamitan ng Pagsusukat


Reperensiya: Curriculum Guide EPP 4IA-0a-1
EPP-IA4_q1q2_mod1_Mga-Kaalaman-at-Kasanayan-sa-Pagsusukat_v2.pdf (depedtambayan.net)

Instructional Materials Tools Materials

● Laptop ● Ruler ● Kwaderno


● Powerpoint Presentation ● Iskwalang Asero ● Papel
● Mga Larawan ● Protractor ● Botelya ng Tubig
● Push Pull Rule ● Pintoan
● Tape Measure ● Bintana
● Meter Stick ● Pisara

III. PAMAMARAAN

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating talakayan
ngayong araw ay nais ko sanang tawagin
si Ralph upang pangunahan ang ating
pambukas na panalangin.
(Pinangunahan ni Ralph ang panalangin.)

Maraming salamat sa iyong magandang


panalangin Ralph.

B. Pagbati
Magandang umaga mga Bata!
Magandang umaga din po, Ginoong Lagrada.
Bago kayo mag siupo ang lahat, pakisuyo
na pulutin ang mga kalat sa ilalim ng
inyong mga mesa. Pagkatapos ay lagyan
ang inyong mga kamay ng alcohol.
(Pinulot ng mga bata ang mga kalat at pagkatapos
ay nilagyan ng alcohol ang kanilang mga kamay.)
Maraming Salamat mga bata.

C. Pagtawag ng mga Pangalan


Ngayon, tatawagin ko ang lahat na inyong
mga pangalan upang malaman natin kung
sino ang lumiban sa klase at kung sino
ang meron. (Present ang lahat na mga bata)

Magaling at walang lumiban sa klase,


dahil jan ay bigyan natin ng Dionisa Clap
ang ating mga sarili. (1-2-3, 1-2-3, Very good, very good, very good!)

Magaling mga bata!

D. Balik-Aral

Ngayon mga bata, sino naman sa inyo ang


makapagbibigay ng mga leksyon na ating
tinalakay sa nakaraan nating talakayan?
Yes, Mary?
Ang tinalakay po natin noong nakaraan ay ang
pagsusukat.
Tama! Salamat Mary.

Sa tinalakay natin noong nakaraang araw,


nalaman natin na ang pagsusukat ay isang
paraan upang malaman natin ang angkop
ng sukat ng isang bagay.

Maliwanag ba mga bata?


Opo Sir!
Magaling.

E. Pagganyak

Sa umagang ito bago tayo tumuloy sa


ating talakayan ay meron akong ipapakita
sa inyo na mga larawan at obserbahan
niyo ang ipinakita sa larawan.

Handa na ba kayo mga bata? Handa na po Sir!

Okay. Ano sa palagay ninyo ang


ginagawa sa unang larawan? Angel?
Nagsusukat po ng kahoy.
Magaling Angel.

Ano naman sa palagay ninyo ang


ginagawa sa ikalawang larawan? Patty?
Nagsusukat po sa sahig.
Magaling Patty.

Ano naman sa palagay niyo ang ginagawa


sa panghuling larawan. Yes George?
Nagsusukat po ng damit.
Magaling George.

Ngayon, sa nakikita ninyong mga


larawan, nakikita niyo na ba ang mga
kagamitan na pangsukat sa inyong mga
tahanan?
Opo.
Magaling.

Sino sa inyo ang nakakaalam sa mga


bagay na ginamit sa pagsukat sa unang
larawan? Yes, Antonette?
Ruler po.
Magaling.

Sino naman ang makapagbigay ng


pangalan ng kagamitan na pangsukat sa
ikalawang larawan? Jessa?
Push-Pull Rule po.
Magaling Jessa.

Sino naman ang makapagbigay ng


pangalan ng kagamitan na pangsukat sa
panghuling larawan? Yes, John?
Tape Measure po.
Magaling! Lahat na inyong mga sagot ay
tama.

F. Gawain
Ngayon mga bata, bago tayo dadako sa
ating pormal na talakayan, meron muna
tayong gawain sa umagang ito. Hahatiin
ko kayo sa tatlong grupo. Magbilang ng
isa, dalawa, hanggang tatlo.
(Nagbilang ang mga bata hanggang tatlo.)
Ngayon, pumunta na kayong lahat sa
inyong mga grupo, dito ang group 1, dito
ang group 2, at doon ang group 3.

Makinig ng mabuti para sa ating gawain


ngayong araw. Bibigyan ko kayo ng word
puzzle kada-grupo at bilogan ninyo ang
mga salita na inyong nakikita sa word
puzzle.

Handa na ba kayo mga bata?


Handa na po Sir Philip.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto
upang gawin ito. Simulan niyo na mga
bata.

G. Pagsusuri
Ngayon, tapos na ba ang lahat mga bata?
Opo Sir.
Okay! Ating alamin kung tama ba ang
inyong mga sagot.

Hahanapin natin ang mga salita na nandito


sa word puzzle natin.

Anu-ano nga ba ang mga salita na nandito


sa word puzzle ng group 1:
Ruler
Protractor
Tape Measure
Iskwalang Asero
Push Pull Rule
Anu-ano nga ba ang mga salita na nandito
sa word puzzle ng group 2:
Ruler
Protractor
Tape Measure
Iskwalang Asero
Push Pull Rule
Anu-ano nga ba ang mga salita na nandito
sa word puzzle ng group 3:
Ruler
Protractor
Tape Measure
Iskwalang Asero
Push Pull Rule
Maraming Salamat at tama ang lahat na
inyong mga sagot. Dahil dyan, bigyan
natin ng fireworks clap ang ating mga
sarili?
(Ginawa ang fireworks clap)
Anu-ano nga ba ang mga salitang inyong
binilogan sa word puzzle natin ngayong
umaga? Yes, Mark?
Ang mga salitang binilogan natin ay ang mga
kagamitan sa pagsusukat.
Tama! Lahat na ito ay ang mga kagamitan
sa pagsusukat.

Bakit mahalaga na malaman natin ang


mga kagamitan sa pagsusukat? Yes
Patricia?
Upang malaman natin ang mga panukat sa iba’t
ibang kagamitan o bagay.
Magaling Patricia!

H. Panghahalaw
Sa oras na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang
limang gamit na panukat. Tandaan,
makinig ng mabuti upang malaman natin
ang mga kagamitan sa pagsukat.

Maliwanag ba mga bata?


Opo Sir.
Magaling!

Ang unang panukat natin ay ang Ruler.

Pakisuyong basahin ang depinasyon ng


Ruler mga bata.
Ruler - Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa
paggawa ng mga linya sa drawing at iba pang
maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
Salamat mga bata.

Madalas natin nakikita ang ruler sa


paaralan kasi ito ang ginagamit natin sa
paggawa ng straight na mga linya.

Bakit mahalaga ang ruler? Yes Julianne?


Mahalaga ito upang sukatin ang mga maikli at
mga mahabang bagay.
Tama. Salamat Julianne.

Ang ruler ay ginagamit sa mga papel,


kartolina, kawayan, kahoy at iba pa.

Ang susunod naman ay ang Protractor.


Pakibasa nga kung ano ang protractor mga
bata.
Protractor - Ang kasangkapang ito ay ginagamit
sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga
Salamat sa pagbasa mga bata. linya.

Ito ang protractor, ang buong bilog nito


ang 360 degrees. Ang kalahati ay 180
degrees.

Maliwanag ba mga bata?


Opo Sir.
Ang pangatlo ay ang Tape Measure.

Pakibasa nga mga bata upang malaman Tape Measure - Ang kasangkapang ito ay
natin kung ano ang tape measure. ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay
ginagamit sa pagsusukat ng mga bahagi ng
katawan kapag tayo ay nagpapatahi ng damit.
Salamat mga bata.

Mahalaga ang tape measure upang


malaman ng mananahi kung para
matansiya tila ang gagamitin o gugupitin.

Maliwanag ba mga bata?


Opo Sir.
Magaling.

Dadako naman tayo sa Iskwalang Asero.

Pakibasa nga mga bata.

Iskwalang Asero - Ito ay ginagamit sa pagsusukat


sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.
Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad
Salamat sa pagbasa. ng mesa at iba pa.

Nakakita na ba kayo ng Iskwalang Asero


mga bata?

Tama mga bata. Ang gamit na ito ay Opo Sir. Ito po ay parang hugis ng baril.
ginagamit sa mga karpentero upang
sukatin mga gilid-gilid na mga bagay.

Maliwanag ba mga bata?

Ayos. Opo Sir.

Ang pinakahuling panukat ay ang


tinatawag na Push-Pull Rule.

Ano nga bata ito? Pakibasa nga mga bata.


Push-Pull Rule - ang kasangkapang ito ay yari sa
metal at awtomatiko na may habang dalawamput
limang pulgada hanggang isang daang
talampakan. Ang kasangkapang ito ay may
gradasyon sa magkabilang tabi, ang isa ay nasa
pulgada at ang isa ay nasa metro.
Salamat sa pagbasa mga bata.

Saan niyo ito madalas nakikita at saan ito


ginagamit? Yes, Mae?
Sa pagawa po ng bagay namin Sir, nakita ko ang
karpentero na gumamit ng push-pull rule.
Tama! Ito ay ginagamit sa pagsukat ng
mga kasangkapan o mga materyales sa
paggawa ng bahay.

At diyan nagtatapos ang ating talakayan


sa anim na kagamitan ng panukat.

Meron ba kayong mga tanong?


Wala na po.
(Kung meron, sasagutin ng guro ang mga
tanong)

Kung ganun, dadako na tayo sa ating mga


gawain ngayong araw.

I. Paglalapat
Ngayon, sa ikalawang gawain, bumalik
kayo sa inyong mga grupo. Sa gawaing ito
ay ipapakita ninyo sa akin at sa inyong
mga kaklase kung ano at paano gamitin
ang mga kagamitang pangsukat na
naaasayn sa inyo.

Maliwanag ba mga bata? Opo Sir

Group 1 - Ruler at Protractor


Group 2 - Tape Measure at Iskwala
Group 3 - Push Pull Rule

Maliwanag ba mga bata? Opo Sir

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto sa inyong


grupo upang pag-usapan ito. Pagkatapos,
bibigyan ko ng 3-5 minuto ang kada grupo
na magpresenta ng kanilang
demonstration.

Obserbahan ng maigi ang rubrics.

(Nasa Powerpoint ang Rubrics)

Meron pa ba kayong mga tanong? Wala na po Sir

Kung ganun, sisimulan na natin ang ating


gawain.
(Nagpresenta na ang tatlong grupo sa kanilang
mga gawain.)
Magaling mga bata at ako ay labis na
natuwa sa inyong pinapakita sa araw na
ito. Lahat kayo ay merong perfect score.

Palakpakan nga natin ang ating mga sarili.


(Pumalakpak ang mga bata)

J. Paglalahat
Tandaan natin ang anim na kagamitang
pangsukat. Anu-ano nga ba ang mga ito?

Una, si Jasmine ang sasagot.


Ikalawa, si Barry.
Ikatlo, si Precious.
Ikaapat, si Claire.
Ikalima si Rena at
Ikaanim si Mark.
Ruler - Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa
paggawa ng mga linya sa drawing at iba pang
maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.

Protractor - Ang kasangkapang ito ay ginagamit


sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga
linya.

Tape Measure - Ang kasangkapang ito ay


ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay
ginagamit sa pagsusukat ng mga bahagi ng
katawan kapag tayo ay nagpapatahi ng damit.

Iskwalang Asero - Ito ay ginagamit sa pagsusukat


sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.
Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad
ng mesa at iba pa.

Push-Pull Rule - ang kasangkapang ito ay yari sa


metal at awtomatiko na may habang dalawamput
limang pulgada hanggang isang daang
talampakan. Ang kasangkapang ito ay may
gradasyon sa magkabilang tabi, ang isa ay nasa
pulgada at ang isa ay nasa metro.

Maraming Salamat sa inyong


kooperasyon.

IV. EBALWASYON
Panuto: Kunin ang sukat ng mga kagamitan na nakasulat sa ibaba gamit ang mga kagamitan sa
pagsusukat.

Mga Kagamitan Ruler

1. Haba ng Kwaderno pulgada

2. Haba ng Papel pulgada

Mga Kagamitan Tape Measure

1. Nature Spring Bottle 1L pulgada

Mga Kagamitan Push-Pull Rule

1. Haba ng Pintoan pulgada

2. Haba ng Bintana pulgada

Mga Kagamitan Iskwalang Asero

1. Gilid ng Pisara sentimetro


Mga Kagamitan Protractor

1. Angulo ng pinapakita sa pisara degree

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga salita na ito at isulat sa inyong kwaderno.

1. Basic Sketching
2. Shading
3. Outlining

+`

Made by: PHILIP ANTHONY S. LAGRADA Approved by: MRS. DY SALAHID

Rubriks 10 points 5 points Total

Paghahatid ng Maayos na pagbigkas Hindi maayos na


Presentasyon ng eksplanasyon at pagbigkas ng
organisadong eksplanasyon at hindi
pagkakagawa ng masyadong
presentasyon. organisadong
pagkakagawa ng
presentasyon.

Kooperasyon Lahat na miyembro sa Walang kooperasyon


grupo ay na nangyari sa grupo
nagtutulungan. at isa o dalawa lamang
ang gumagawa ng
gawain.

Total

You might also like