You are on page 1of 15

EPP- IA

Mga Kagamitan
sa Pagsusukat
Mga Kagamitan sa
Pagsusukat at Gamit Nito
Iskuwalang Asero- Ito ay
ginagamit sa pagsusukat
sa malalaki at malalapad
na gilid ng isang bagay.
Halimbawa, gilid ng kahoy,
lapad ng tela, lapad ng
mesa, at iba pa.
Zigzag Rule- kasangkapang
yari sa kahoy na ang haba
ay umaabot ng anim na piye,
at panukat ng mahabang
bagay. Halimbawa,
pagsusukat ng haba at lapad
ng bintana, pintuan at iba
pa.
Meter Stick- Ito ay
kasangkapang
ginagamit sa pagsukat
ng mga bagay na mas
malaki kaysa sa piraso
ng papel.
Pull-Push Rule- Ito ay yari sa metal
at awtomatiko na may haba na
dalawampu’t limang (25) pulgada
hanggang isang daang (100)
talampakan. Ang kasangkapang ito
ay may iskala sa magkabilang tabi.
Ang isa ay nasa pulgada at ang isa
ay nasa metro
Protraktor- Ito ay
ginagamit sa pagkuha
ng digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga
anggulo sa iginuguhit
na mga linya.
Ruler at Triangle- Ang ruler
at triangle naman ay
ginagamit sa pagsusukat
ng mga linya sa
pagdodrowing at iba pang
maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat
T-Square- Ito ay ginagamit
sa pagsusukat ng
mahabang linya kapag
nagdodrowing. Ginagamit
din ito na gabay sa
pagguhit ng mga linya sa
mga drowing na gagawin.
Tape Measure- Ito ay isang
kasangkapan sa pagsusukat na
ligtas at madaling gamitin kahit ng
mga bata, magaan at maaaring
dalhin kahit saan. Maaari itong
gamitin sa mga pakurbang bahagi
dahil ito ay nababaluktot. Maaari
nitong sukatin ang laki at ang
distansya sa pagitan ng dalawang
bagay.
Tukuyin ang angkop na panukat nang mga
sumusunod na bagay. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
___________1. tuwid na guhit o linya sa papel
___________2. pabilog na hugis ng isang bagay
___________3. taas ng pinto
___________4. kapantay ng ibabaw na bahagi ng
mesa
___________5. laki at distansya sa pagitan ng
dalawang bagay.
Isulat kung ano ang panukat na dapat gagamitin sa
bawat bilang

1. Ginagamit sa pagsusukat ng laki at distansya sa


pagitan ng dalawang bagay.
2. Ginagamit sa pagsukat ng mahabang linya
kapag gumuguhit.
3. Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga linya sa
drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailan ng sukat.
4. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa
pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iguguhit na
mga linya.
5. Ito ay kasangkapan na ginagamit sa
pagsusukat ng mga bagay na mas malaki
kaysa sa piraso ng papel.

You might also like