You are on page 1of 4

Learning Area EPP – INDUSTRIAL ARTS Grade Level 4

W1
Quarter Third Date

I. LESSON TITLE KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT


II. MOST ESSENTIAL LEARNING 1.1 Natatalakay ang mga kaalaman
COMPETENCIES (MELCs) at kasanayan sa pagsusukat EPP4IA-0a-1
1.1.1 nakikilala ang mga
kagamitan sa pagsusukat
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipapamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pangindustriya
at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Sa araling ito, ikaw ay inaasahang : (a) nakakikilala ang mga kagamitan sa
Panimula Day 1 pagsusukat; (b) makapagtatalakay ng mga kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat
Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang tamang sukat ng isang
bagay. Mahalaga na matutunan natin ang tiyak na laki, haba at kapal ng isang
disenyo o proyekto lalo na sa paggawa ng mga bagay na nais natin. Halimbawa
na ang pagbuo ng plano ng bahay, gusali, pamilihan, pagguhit ng larawan,
paggawa ng mga muwebles tulad ng mesa, upuan, kabinet, paggawa ng
bintana, pinto at marami pang iba.

May iba’t ibang kasangkapang panukat ayon sa kapal, lapad, at haba ng


isang bagay. Mayroon ding ginagamit sa mga guhit at linya, mga gamit panukat
sa arko o digri ng isang guhit.

Halina’t basahin natin ang isang maikling kwento ni Kai-kai, ang batang
karpintero!

“Tay! Tay! hali kayo rito, napakaganda ng nagawang drowing ni Papay


Jef, siguro po ay maganda din ang magiging itsura nito pag ito’y nagawa na
gamit ang kahoy” , buong pagmamalaking balitani Kai-kai. “Tama ka Kai-kai, lalo
na kung ito’y may tamang sukat gamit ang mga kagamitan sa pagsususkat”,
manghang banggit ng tatay habang tinitignan ang drowing ni Papay Jef.
“Wow Tay!, ito po ba yung mga ginagamit ninyo sa pagsukat sa
paggawa ng lamesa nung nakaraang linggo?”, patanong ni Kai-kai, “Oo anak”
sagot ng kaniyang tatay.
“Gusto mo bang malaman kung anu-ano ito?” sambit ng kanyang tatay
habang may kinukuhang tsart sa likod ng pintuan.
“Narito ang ilang kagamitan sa pagsusukat at ang gamit nito”.

Mga Kagamitan sa Pagsusukat at Gamit Nito


Protraktor-Ito ay ginagamit sa pagkuha ng digri kapag ikaw ay gumagawa ng
mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.

Ruler at Triangle-Ang ruler at triangle naman ay


ginagamit sa pagsusukat ng mga linya sa pagdodrowing
at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.

Zigzag Rule-kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na


piye, at panukat ng mahabang bagay. Halimbawa, pagsusukat ng haba at
lapad ng bintana, pintuan at iba pa.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Pull-Push Rule- Ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na
dalawampu’t limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan.
Ang kasangkapang ito ay may iskala sa magkabilang tabi. Ang isa ay nasa
pulgada at ang isa ay nasa metro.

Iskuwalang Asero-Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na


gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa,
at iba pa.

Tape Measure-Ito ay isang kasangkapan sa pagsusukat na ligtas at madaling


gamitin kahit ng mga bata, magaan at maaaring dalhin kahit saan. Maaari
itong gamitin sa mga pakurbang bahagi dahil ito ay nababaluktot. Maaari
nitong sukatin ang laki at ang distansya sa pagitan ng dalawang bagay.

T-Square-Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mahabang linya


kapagnagdodrowing. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa
mga drowingna gagawin.

Meter Stick-Ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsukat ng mga bagay na mas


malaki kaysa sa piraso ng papel.

“Napakadami po palang kagamitan sa pagsususkat tay, gusto ko pong makilala


at magamit ang bawat isa”, tuwang-tuwang sabi ni Kai-kai.

B. Development Day 2 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Pagpapaunlad Tukuyin ang mga sumusunod na kagamitan na maaring gamiting panukat ni Kai-
kai ayon tsart na ipinakita ng kanyang tatay sa kwento. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
___________1. tuwid na guhit o linya sa papel
___________2. pabilog na hugis ng isang bagay
___________3. taas ng pinto
___________4. kapantay ng ibabaw na bahagi ng mesa
___________5. laki at distansiya sa pagitan ng dalawang bagay
___________6. pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa sa piraso ng papel
___________7. mahabang linya sa pagdodrowing
___________8. pagsusukat ng maliliit na bagay
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
C. Engagement Day 3 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Pakikipagpalihan Naranasan mo na bang gumamit ng mga kasangkapang panukat na makikita
sa larawan sa itaas? Alin sa mga ito ang kilala mo na at alam ang kaniyang
gamit? Isalaysay at isulat ang iyong karanasan sa iyong sagutang papel.

KAGAMITAN NG PANUKAT KASANGKAPANG


PANUKAT
1. Ginagamit sa pagsusukat ng laki at distansya
sa pagitan ng dalawang bagay.
2. Ginagamit sa pagsukat ng mahabang linya
kapag gumuguhit.

3. Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga linya sa


drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailan ng sukat.
4. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa
pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iguguhit na mga
linya.
5. Ito ay kasangkapan na ginagamit sa
pagsusukat ng mga bagay na mas malaki kaysa
sa piraso ng papel.

D. Assimilation Day 4 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Paglalapat Basahin ang katanungan, isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pagkatapos mong malaman ang mga kagamitang panukat ay maaari mo


bang isulat ang mga kagamitang natandaan mo
2. Bakit mahalagang matutunan ang paggamit ng mga kagamitang panukat?

3. Makatutulong ba ito sa pang araw-araw nating pamumuhay? Sa papaanong


paraan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Tingnan ang mga kagamitang panukat na mayroon sa inyong tahanan.
Magpatulong sa magulang sa paggamit nito. Ilahad ang inyong karanasan
tungkol sa araling ito. Itala din ang mga mahahalagang dulot ng mga panukat
na inyong nasubukang gamitin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

V. ASSESSMENT Day 5 1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
a. Pull-push rule
b. Ruler at triangle
c. Protraktor
d. Zigzag rule
2. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot sa 6 na
piye at panukat ng mahahabang bagay tulad ng haba at lapad ng
bintana.
a. Meter stick
b. zigzag rule
c. Pull-push rule
d. T-square
3. Aling kagamitan ang ginagamit na panukat ng tela?
a. medida
b. triangle
c. T-square
d. Ruler
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
4. Ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba
pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
a. T-square
b. Triangle
c. Medida
d. protraktor
5. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing
ngagawin.
a. iskwala
b. meter stick
c. T-square
d. Zigzag rule
6. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag
ikaw ay gumagawa ng mga anggulo s iginuguhit na mga linya.
a. meter stick
b. protractor
c. medida
d. Pull-push ruler
7. Ginagamit sa pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa sa piraso ng
papel at kahoy.
a. Meter stick
b. Triangle
c. Pull-push rule
d. Iskwala
B. Paano ginagamitang mga susmusunod na panukat? GAwin ito sa
sagutang papel
1. Iskawalang asero
2. Protractor
3. T-square
4. Ruler
5. Pull-push rule
6. Tape measure
7. Triangle
8. Meter stick

VI. REFLECTION Day 5 Isulat ang iyong nararamdaman at realisasyon ayon sa iyong napag aralan.
Gamitin ang mga sumusunod na salita sa simula ng iyong pangungusap.

Nauunawaan ko na_______________________________________________________
Nabatid ko na ____________________________________________________________
Naisasagawa ko na _______________________________________________________

Prepared by: MARY JANE L. DAVE Checked by: JOEL D. SALAZAR

You might also like