You are on page 1of 4

MISAMIS ORIENTAL INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, INC.

Sta. Cruz Cogon, Balingasag, Misamis Oriental


Website: www.moist.ph Email: reynaldo.valmores@gmail.com Fb: www.facebook.com/moist.edu Contact #: 09173172641
Member: Philippine Association of Private Schools, College and Universities (PAPSCU)

Di-Masusing Banghay Aralin sa


Araling .Panlipunan 4
I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Nakakakilala ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng krokis o disenyo.
B. Napapahalagahan ang mga kagamitan na nakakatulong sa pag gawa ng disenyo.
C. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng krokis o disenyo.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa : Mga Kasangkapan at kagamitan na karaniwang ginagamit
sa paggawa ng krokis o disenyo
Sangguniang : Edukasyong Pangtahanan Pangkabuhayan(EPP), mga pahina 485-489
May-Akda :
B. Kagamitan : Mga larawan at Power Point.
C. Pagpapahalaga : Napahahalagahan ang mga kasangkapan na ginagamit sa pag disenyo.
D. Stratehiya : Kolaboratibong pagkatuto

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang gawain
1. Pagsasanay
Basahin ang mga salita mula sa screen.
- Kasangkapan
- Makinis
- Dulo
- Karayom

2. Balik-aral
- Sino ang may furniture shop o naka bisita na sa isang furniture shop?
- Ano-ano ang iyong nakikita na mga gamit?
- Alam mo ba ang lahat na ito?
- May kaalaman ka na ba sa paggamit ng mga ito?

3. Paghahawan ng mga balakid


● Kasangkapan - o kagamitan na ginagamit.upang makatulong
mapadali ang mga gawain.
● Makinis - makintab o makinis.
● Dulo - pinaka huli
● Karayom - maliit at matulis na bagay na ginagamit ng mananah

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
-Ano-ano ang gamit ng mga sumusunod na kagamitan?
-Alin sa mga ito ang nagamit mo na?
-Paano ito ginagamit?

2. Pagtatalakay
Ang mga Kasangkapan at Kagamitan na
Karaniwang Ginagamit sa Paggawa ng krokis at Drowing Mekanikal

Tabla o Mesang Pinagguhitan


Ito ay yari sa kahoy na karaniwang may sukat na 16x 22 pulgada
o 18 x 24 pulgada

T-square
Ito ay yari sa kahoy o plastik at binubuo ng dalawang
nakadugtong sa 90 degree anggulo ang ulo at talim o blade.

Trianggulo
Ginagamit ito sa paggawa ng mga patayo at pahilis na linya .Dalawang
uri ng trianggulo ang karaniwang ginagamit.(1) ang 45 degrees
na trianggulong may isang 90 degrees anggulo at dalawang 45 anggulo at
(2) ang 30 degrees x 60 degrees trianggulong may tig iisang 30,60 at
90 digring anggulo.

Protractor
Ginagamit ito sa pagkuha ng anggulong hindi masusukat ng
alinmang trianggulo.May anggulo itong 180 degree na masusukat
mula sa kanan pakaliwa.Ang panlabas na gilid ay nagsisimula sa 0 degree
sa kanan at nagtatapos ito sa 180 degrees sa kaliwa.

Compass
Ginagamit ang compass sa paggawa ng mga bilog at arko.
Up Kailangang lagimg matulis ang dulong may lapis ng compass.

Divider
Ginagamit sa paghahati-hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat.Hindi katulad
ng compass na may lapis ang isang dulo,tila karayom ang tulis
ng magkabilang dulo ng divider.
Lapis
Iba’t iba ang uri ng lapis ang ginagamit sa pagguhit.Ang HB
ang karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagleletra.Nauuri pa rin ang
lapis sa 6B,5B,2B,B,HB,H,1H,2H,3H,4H,5H,6H,7H,8H, at 9H.

French Curve
Ginagamit sa pagbuo ng mga komplikadong kurba.
3. Paglalahat
- Ano-ano qng mga Kasangkapan at Kagamitan na
Karaniwang Ginagamit sa Paggawa ng krokis at Drowing Mekanikal?
- Bakit mahalaga ang mga kagamitan o kasangkapan sa paggawa ng
disenyo?
- Bakit mahalaga na malaman natin ang wastong paggamit ng
mga kasangkapan o kagamitan na ito?

4. Paglalapat
Laro: Hulaan ang nasa larawan.
Hahatiin ng 3 grupo ang klase.Magpapakita ang guro ng mga larawan at kailangan na mahulaan
ang mga ito,kung sino ang pinaka maraming puntos ay ang grupong mananalo.
IV. PAGTATAYA
Panuto:Pagtambalin ang mga kagamitan ayon sa gamit nito.
Hanay A Hanay B
1.Ginagamit sa pagkuha ng mga anggulong a.T-square
hindi masusukat ng alinmang trianggulo.
2.Ginagamit sa paghahati-hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat b.Lapis
3. Ginagamit sa paggawa ng mga linyang pahiga. c.Trianggulo
4.Ginagamit sa paggawa ng mga bilog at arko. d.Divider
5.Ginagamit sa paggawa ng mga patayo at pahilis na linya. e. Protractor
f. Compass
V.TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumuhit ng dalawang kasangkapan o kagamitan na karaniwang ginagamit sa paggawa ng
krokis o disenyo.
Pamantayan:
Kalinisan -10 Puntos
Angkop ang bagay na iginuhit- 5 Puntos
Angkop ang paglalahad ng nilalaman sa konsepto na iginuhit - 5 Puntos
Inihanda ni:

REDAIZA NICA ODCHIGUE


Student teacher

Itinama ni:

NATASHA NICOLE B. VALMORES


Cooperating teacher

You might also like