Professional Documents
Culture Documents
Tle Ia 4
Tle Ia 4
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
BAIRAN ELEMENTARY SCHOOL
Bairan City of Naga, Cebu
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang paraan upang malaman ang tamang sukat ng isang bagay.
A. Pagsusukat B. Pagluluto C. Pagtatahi D. Paglilinis
2. Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa
pagsusukat.
A. Tama B.Mali C. A at B D. Wala sa nabanggit
3. Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang kagamitan. Ano ang ginagamit sa pagguhit at
pagsukat ng tuwid na linya sa papel?
A. Tape measure o Medida C. Ruler
B. Protraktor D. Metro
4. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa paggawa ng pabilog na hugis ng isang bagay na may digri.
A. Protraktor C. Meterstick
B. Tape Measure o Medida D. Metro
5. Alin sa mga sumusunod na kasangkapang panukat ang angkop gamitin sa pagkuha ng sukat ng taas
ng pinto?
A. Tape Measure o Medida C. Iskuwala
B. Meterstick D. Zigzag Rule o Metrong Tiklupin
6. May dalawang sistema ng pagsusukat, ang sistemang ingles at ang sistemang metrik. Alin sa
sumusunod na sukat ang sistemang ingles?
A. pulgada B. kilometro C. sentimetro D. millimetro
7. Ang ruler na kasangkapang pansukat ay may habang 1 piye o talampakan sa sistemang ingles at
may katumbas na _________ sa sistemang metrik.
A. 30 sentimetro B. 30 millimetro C. 30 metro D. 30 kilometro
8. Ang bawat yunit ng sukat ay may simbulo. Ano ang simbulong sukat ng yunit
na yarda?
A. “ B. yd. C. ‘ D. dm.
9. Kung ang isang yarda ay katumbas ng 3 piye o talampakan, ang __________na piye o talampakan
ay katumbasng 3 yarda.
A. 10 B. 11 C. 9 D. 8
10. Ang pagleletra ay ginagawa sa pamamagitan ng kamay. Iba’t-iba ang uri at disenyo nito ayon sa
gamit at paggagamitan _____ ang tawag sa uri ng letrang simple at pinakagamitin.
A. Roman B. Script C. Gothic D. Text
11. Ang _______ ay mga aletrang may pinakamaraming palamuti o dekorasyon at ginagamit sa
pagleletra ng mga sertipiko at diploma.
A. Script B. Gothic C. Roman D. Text
12. Aa Bb Cc Dd Ee ay mga letra noong unang panahon na ginagamit sa Kanlurang Europa na sa
kasalukuyan ay kilala sa tawag na _________.
A. Script B. Gothic C. Roman D. Text
13. Ang nakalarawan ay isang produkto ng gawain na maaaring pagkakitaan. Ano ang kakayahan at
kaalaman ng taong gumagawa ng tulad ng nasa larawan?
14. Alin sa mga sumusunod ang ginagamitan ng basic sketching, shading at outlining upang maging
makulay at magmukhang tunay?
A. landscaping B. pagaalaga ng hayop C. Painting D. paggawa ng palayok
16. Ang sumusunod ay uri ng hanap buhay o negosyo ng mga tao sa pamayanan na gumagamit ng
kasanayan sa basic sketching, shading, at outlining maliban sa ____.
A. Fireman B. Pintor C. Guro D. Artista
17. May pagkakatulad ang inhinyero at pintorbago sila gumawa at sa paghahanda ng kanilang gawain.
Ito ay ang paggawa ng __________ at_________.
A. Kasuotan at sasakyan C. Bahay at pagkain
B. Outline at sketch D. Mesa at upuan
19. Ang mga sumusunod na kagamitan ay ginagamit sa basic sketching maliban sa isa. Ano ito?
A. Lapis B. Pantasa ng lapis C. papel D. krayola
20. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang alang sa pagsasagawa ng basic sketching?
A. Gumamit ng lapis na akma sa pagguhit.
B. Hayaang magkaroon ng mantsa ang iginuguhit upang makadagdag sa shading nito.
C. Kontrolin ang paghawak ng lapis kapag gumuguhit.
D. Gumamit ng lighter strokes kapag nagsisismula pa lang sa pagguhit
21. Mahalaga ang paggawa ng disenyo ng proyekto bago pasimulan ang pag-gawa. Ang _________
ang nagsisilbing gabay sa paggawa o pagbuo ng isang proyekto.
A. linya B. hugis C. kulay D. disenyo
22. May tatlong paraan ng pagsasalarawan ng disenyo ng proyekto. Alin sa mga hugis ang nagpapakita
ng ortographic na disenyo?
. 10cm.
2cm 6cm.
A B C D
2 cm 6 cm
A. B. C. D.
24. Ang pagguhit o paggawa ng dibuho o krokis ay gumagamit ng iba’t ibang kagamitan upang maging
maayos at tama ang pagkagawa. Ano ang karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagleletra?
A. lapis B. ballpen C. crayon D. charcoal
25. Ito ay yari sa kahoy o plastic, ginagamit ito sa pag gawa ng mga linyang pahiga
at pahilis. Ito ay _________.
A. ruler B. T-square C. trianggulo D. compass
26. Anong kasangkapan ang angkop gamitin sa paggawa ng mga bilog at arko?
A. protractor B. ruler C. compass D. divider
27. Ginagamit sa pagkuha ng mga anggulong hindi masusukat ng alin mang trianggulo?
A. compass B. t-square C. divider D. protractor
28. Kapag iginuhit ng sama- sama sa isang krokis ang mga hugis sa ibaba, ano ang mabubuong
proyekto?
TAAS TAGILIRAN
HARAP 6cm.
4cm.
6cm. 2cm.
29. Bakit mahalaga ang wastong paraan ng pagguhit ng disenyo o krokis ng isang proyekto?
A. Upang maipakita ang tatlong tanawin
B. Upang maging wasto ang sukat
C. Dahil ito ang utos ng guro
D. Upang maipakita ang larawan at ayos ng proyekto
30. Kapag ang disenyo o krokis ng proyekto ay nag papakita ng tatlong tanawin upang maipakita ang
kabuuang hugis ng proyekto, ito ay_________.
A. ortographic B. prespective C. outline D. isometric
31. Nais mong lagyan ng magandang background ang disenyo ng iyong proyekto. Anong application sa
computer ang dapat mong gamitin?
A. E-mail B. Ms Excel C. Ms Word D. Ms Paint
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo maaaring gamitin sa pagkukulay saiyong disenyo gamit ang
Ms Paint?
A. color boxes B. Fill with color C. color piker D. pencil tool
33. Ano ang maaari mong gamitin sa application na Ms Paint sa paglikha ng mga pakurbang linya?
A. line tool B. pencil tool C. brushes D. curve tool
34. Ang Ms Paint ay isang _____________ na maaaring gamitin sa paglikha ng mga drowing gamit ang
isang computer.
A. graphic editing tool C. word processing tools
B. artistic brushes D. electronic mail
35. Sagana ang ating bansa sa iba’t ibang katutubong materyales na matatagpuan sa ating pamayanan
na angkop sa mga proyekto sa gawaing kamay. Ano ang pangunahing materyales sa paggawa ng
mesa, upuan, at cabinet?
A. kawayan B. niyog C. kahoy o tabla D. abaka
38. Uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging na ginagamit sa paggawa ng basket, tsinelas at iba
pa.
A. Niyog C. rattan
B. Abaka D. buri