You are on page 1of 4

EPP IV

Pangkalahatang Panuto: Isulat ang ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang paraan upang malaman ang tamang sukat ng isang bagay.
A. Pagsusukat B. Pagluluto C. Pagtatahi D. Paglilinis
2. Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat.
A. tama B.Mali C. A at B D. Wala sa nabanggit
3. Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang kagamitan. Ano ang ginagamit sa pagguhit at pagsukat ng tuwid na linya sa papel?
A. tape measure o medida C. ruler
B. protraktor D. metro
4.Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa paggawa ng pabilog na hugis ng isang bagay na may digri.
A. Protraktor C. Meterstick
B. Tape Measure o Medida D. Metro
5. Alin sa mga sumusunod na kasangkapang panukat ang angkop gamitin sa pagkuha ng sukat ng taas ng pinto?
A. Tape Measure o Medida C. Iskuwala
B. Meterstick D. Zigzag Rule o Metrong Tiklupin
6. May dalawang sistema ng pagsusukat, ang sistemang ingles at ang sistemang metrik. Alin sa sumusunod na sukat ang sistemang
ingles?
A. pulgada B. kilometro C. sentimetro D. millimetro

7. Ang ruler na kasangkapang pansukat ay may habang 1 piye o talampakan sa sistemang ingles at may katumbas na _________ sa
sistemang metrik.
A. 30 sentimetro B. 30 millimetro C. 30 metro D. 30 kilometro
8. Ang bawat yunit ng sukat ay may simbulo. Ano ang simbulong sukat ng yunit
na yarda?
A. “ B. yd. C. ‘ D. dm.
9. Kung ang isang yarda ay katumbas ng 3 piye o talampakan, ang __________
Na piye o talampakan ay katumbasng 3 yarda.
A. 10 B. 11 C. 9 D. 8

10. Ang pagleletra ay ginagawa sa pamamagitan ng kamay. Iba’t-iba ang uri at disenyo nito ayon sa gamit at paggagamitan _____ ang
tawag sa uri ng letrang simple at pinakagamitin.
A. Roman B. Script C. Gothic D. Text

11. Ang _______ ay mga letrang may pinakamaraming palamuti o dekorasyon at ginagamit sa pagleletra ng mga sertipiko at diploma.
A. Script B. Gothic C. Roman D. Text

12. Aa Bb Cc Dd Ee ay mga letra noong unang panahon na ginagamit sa Kanlurang Europa na sa kasalukuyan ay kilala sa tawag na
_________.
A. Script B. Gothic C. Roman D. Text

13. Ang nakalarawan ay isang produkto ng gawain na maaaring pagkakitaan. Ano ang kakayahan at kaalaman ng taong gumagawa ng
tulad ng nasa larawan?

A. Pagpipinta B. Pagdidisenyo C. Paggawa ng painting D. Landscaping

14. Alin sa mga sumusunod ang ginagamitan ng basic sketching, shading at outlining upang maging makulay at magmukhang tunay?
A. landscaping B. pagaalaga ng hayop C. Painting D. paggawa ng palayok

15. Anong hanapbuhay ang gumagamit ng shading, basic sketching, at out-lining?


A. animation and cartooning C.Furniture/Sash Shop
B. Tailoring/dress making shop D. lahat ng nabanggit

16. Ang sumusunod ay uri ng hanapbuhay o negosyo ng mga tao sa pamayanan na gumagamit ng kasanayan sa basic sketching,
shading, at outlining maliban sa ____.
A. Fireman B. Pintor C. Guro D. Artista

17. May pagkakatulad ang inhinyero at pintor bago sila gumawa at sa paghahanda ng kanilang gawain. Ito ay ang paggawa ng
__________ at_________.
A. Kasuotan at sasakyan C. Bahay at pagkain
B. Outline at sketch D.Mesa at upuan

18. Kapag ang hanapbuhay na matatagpuan sa pamayanan ay gumagamit ng shading, sketching at outlining, ang pangunahing
kagamitan ng taong gumagawa ay________.
A. Iba’t ibang laki ng pait C. iba’t ibang uri ng lapis
B. Iba’t ibang kasuotan D. Iba’t ibang kasangkapan

19. Ang mga sumusunod na kagamitan ay ginagamit sa basic sketching maliban sa isa. Ano ito?
A. Lapis B. Pantasa ng lapis C. papel D. krayola

20. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang alang sa pagsasagawa ng basic sketching?
A. Gumamit ng lapis na akma sa pagguhit.
B. Hayaang magkaroon ng mantsa ang iginuguhit upang makadagdag sa shading nito.
C. Kontrolin ang paghawak ng lapis kapag gumuguhit.
D. Gumamit ng lighter strokes kapag nagsisismula pa lang sa pagguhit

21. Mahalaga ang paggawa ng disenyo ng proyekto bago pasimulan ang pag-gawa. Ang _________ ang nagsisilbing gabay sa
paggawa o pagbuo ng isang proyekto.
A. linya B. hugis C. kulay D. disenyo

22. May tatlong paraan ng pagsasalarawan ng disenyo ng proyekto. Alin sa mga hugis ang nagpapakita ng ortographic na disenyo?

. 10cm.

2cm 6cm.

A B C D

23. Batay sa mga larawan sa bilang 22, aling hugis o disenyo ang natutulad sa pagtingin sa riles ng tren?
A. B. C. D.

24. Ang pagguhit o paggawa ng dibuho o krokis ay gumagamit ng iba’t ibang kagamitan upang maging maayos at tama ang pagkagawa.
Ano ang karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagleletra?
A. lapis B. ballpen C. crayon D. charcoal

25. Ito ay yari sa kahoy o plastic, ginagamit ito sa pag gawa ng mga linyang pahiga at pahilis. Ito ay
_________.
A. ruler B. T-square C. trianggulo D. compass

26. Anong kasangkapan ang angkop gamitin sa paggawa ng mga bilog at arko?
A. protractor B. ruler C. compass D. divider

27. Ginagamit sa pagkuha ng mga anggulong hindi masusukat ng alin mang trianggulo?
A. compass B. t-square C. divider D. protractor

28. Kapag iginuhit ng sama- sama sa isang krokis ang mga hugis sa ibaba, ano ang mabubuong proyekto?
TAAS TAGILIRAN
HARAP 6cm.
4cm.

6cm. 2cm.

A. kahon B. alkansya C. pampukpok ng bawangD. palupalo

29. Bakit mahalaga ang wastong paraan ng pagguhit ng disenyo o krokis ng isang proyekto?
A. Upang maipakita ang tatlong tanawin
B. Upang maging wasto ang sukat
C. Dahil ito ang utos ng guro
D. Upang maipakita ang larawan at ayos ng proyekto

30. Kapag ang disenyo o krokis ng proyekto ay nag papakita ng tatlong tanawin upang maipakita ang kabuuang hugis ng proyekto, ito
ay_________.
A. ortographic B. prespective C. outline D. isometric

31. Nais mong lagyan ng magandang background ang disenyo ng iyong proyekto. Anong application sa computer ang dapat mong
gamitin?
A. E-mail B. Ms Excel C. Ms Word D. Ms Paint

32. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo maaaring gamitin sa pagkukulay sa iyong disenyo gamit ang Ms Paint?
A. color boxes B. Fill with color C. color piker D. pencil tool

33. Ano ang maaari mong gamitin sa application na Ms Paint sa paglikha ng mga pakurbang linya?
A. line tool B. pencil tool C. brushes D. curve tool

34. Ang Ms Paint ay isang _____________ na maaaring gamitin sa paglikha ng mga drowing gamit ang isang computer.
A. graphic editing tool C. word processing tools
B. artistic brushes D. electronic mail

35. Sagana ang ating bansa sa iba’t ibang katutubong materyales na matatagpuan sa ating pamayanan na angkop sa mga proyekto sa
gawaing kamay. Ano ang pangunahing materyales sa paggawa ng mesa, upuan, at cabinet?
A. kawayan B. niyog C. kahoy o tabla D. abaka

36. Kilala sa tawag na yantok at ginagamit sa paggawa ng muwebles.


A. buri C. rattan
B. nipa D. niyog

37. Isang uri ng puno na binansagang puno ng buhay.


A. Narra C. saging
B. Niyog D. bayabas

38. Uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging na ginagamit sa paggawa ng basket, tsinelas at iba pa.
A. Niyog C. rattan
B. Abaka D. buri

39. Ang magugulang na dahon ay ginagamit na pang-atip ng bahay.


A. nipa C. vetirer
B. damo D. pandan

40. Ano ang nararapat gawin sa mga kasangkapan o kagamitang sira?


A. ibenta sa magbabakal C. itapon
B. kumpunihin agad D. pabayaan lang

Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T sa patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
___ 41. Magtakda ng maaayos na lalagyan ng mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa.
___ 42. Gumamit ng kahit anong kasangkapan sa mga gawain.
___ 43. Iwanang nakasaksak ang mga de-kuryenteng kagamitan.
___44. Maglagay ng pananggalang sa mata, bibig, ilong kung kinakailangan.
___ 45. Gamitin ng buong ingat ang mga kasangkapang matutulis.
___46. Pagsama-samahin ang mga kasangkapan kahit saan.
___47. Maglaro habang gumagawa.
___48. Maghugas na mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa.
___ 49. Magsuot ng angkop na damit sa paggawa.
___50. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga kasangkapang gagamitin.

You might also like