You are on page 1of 9

TEORYANG

HISTORIKAL

RICHIE G. UMADHAY
BACHELOR IN SECONDARY EDUCATION
MAJOR IN FILIPINO
HISTORIKAL

• Sinasaklaw ng teoryang ito ang pagsusuri ng teksto na
nakabatay sa mga aspektong nagpapalutang sa isang
akda.
1. Talambuhay ng may akda
2. Sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda
3. Tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda.
HISTORIKAL

• Napakahalagang matuklasan sa dulog na ito ang puwersang
pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensiya sa buhay
ng manunulat.
• Sa dulog na historikal, may mahalagang papel na ginagampanan ang
institusyon sa pagbibigay-daan sa uri ng panitikang susulatin ng may-
akda kung kaya’t ang pagsusuri ay nakatuon sa puwersa o lakas sa
paraan at instruktura ng institusyon.
Dasalan at Tocsohan

MARCELO H. DEL PILAR
Dasalan at Tocsohan
(Amain Namin)

Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo
sa amin ang kasakiman mo , kitlin ang leeg mo dito sa lupa para nang
sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyong inaraw-araw
at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pagpapatua mo
kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong
manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.
Dasalan at Tocsohan
(Aba Guinoong
 Barya)
Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang
Fraile’l sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina higuit
sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.
Santa Baria Ina nang Deretso, ipanalangin mo kaming huag
anitan ngayon at cami ipapatay. Siya nua.
Dasalan at Tocsohan

 Ang Dasalan at Tocsohan ay isinulat ni Marcelo H. del Pilar noong
1888, panahon ng Kastila
 Ito ay isang akdang may temang pag-uuyam dahil ipinapakita dito
kung paano sobrang kaiba o kabaliktaran ang ginagawi ng mga
prayle noon sa kanilang mga sinasabi sa mga Pilipino.
 Kitang-kita dito ang matinding kabalintunaan ng pagiging banal ng
mga prayle noon sa Pilipinas.
Dasalan at Tocsohan

 Subalit sa isang banda, nakalulungkot din ang akda at kung
mababasa mo ito at ilalagay mo ang sarili mo sa kalagayang
panlipunan noon sa Pilipinas, masasabi mong nakapupukaw ito
ng isipan at damdaming mapanghimagsik dahil binigyan diin ng
akdang ito ang mga panlilinlang at pagsasamantalang ginawa
noon ng mga prayle sa Pilipinas.
Dasalan at Tocsohan

 Sa pagkakabasa ng mga parody na ito, masasabi natin na matindi
talaga ang pagbibigay diin ni Del Pilar sa mga pagsasamantalang
ginawa ng mga prayle noon sa mga Pilipino. At ayon nga sa aklat na
“CCP Encyclopedia of Philippine Art,” sinabi dito na ang mga akdang
katulad nito ay nakatulong sa pagpapabagsak ng “friarcracy” o ng mas
sukdulang pagpapasinaya ng mga Kastilang prayle ng mga
kumbentong patakaran imbes ng panggobyerno na di kalaunan nga ay
nagbunsod sa rebolusyon noong 1896.

You might also like