You are on page 1of 10

REPORTER

TEORYANG
REALISMO
Michelle Jane B. Japson

Bsed-filipino 3

Lit 113
Ang teoriya ng realismo ay tumatalakay sa
katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa
lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita
ang mga karanasan at nasaksisan ng
may-akda sa kanyang lipunan.
Akda na makikitaan ng Teoryang realismo

Kuwento na isinulat ni Eros S. Atalia. Ang kuwento


ay isa nang pelikula at isang kalahok sa New Breed Full
Length Feature Category 2012 CINEMALAYA
INDEPENDENT FILM FESTIVAL AND COMPETITION.
Ang pelikula ay pinagbibidahan ni JM De Guzman kasama
na sina LJ Reyes at Joross Gamboa. Ito ay mula sa direksyon
ni Lemuel C. Lorca.
Buod ng
Kuwento
Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong
sa Kalye Marino sa lungsod ng Cavite. Tinatawag
siyang “Intoy Syokoy” ng mga tao dahil para nga raw
itong isang syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat
na parang may hasang ito tulad sa isda. At kahit
bagong ligo pa siya ng tabang na tubig , huwag lang
pagpawisan nang kaunti ay amoy dagat agad siya.
Pinaglilingkuran niya ang kaniyang amo na si Mang
Amor.
Isang araw ay tinamaan ng mga alig ang mga tahungan ng
mga tao sa kanilang lugar. Bilang magaling na manininisid at
bihasang magtatahong, si Intoy ang inaasahan ng mga taong
maglilinis at magsasalba sa kanilang tanging kabuhayan mula
sa pesteng alig na dumadalas na ang dalaw bitong mga
nakaraang taon.

Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig,


tiyak bukas at hangga’t sa mga susunod na araw ay maraming
may tahungang magpapalinis sa kaniya. Kikita siya nang
malaki. Ngunit malungkot siya, dahil bukas o sa mga susunod
na araw pa siya kikita…ngayon niya kailangan ng pera! At
ngayon sana niya aanihin ang sarili niyang tanim na tahong na
pasikreto niyang ginawa. Matatapos na sana ang kaniyang
paghihintay at magkakaayosnasana sila ni Doray.
Kursunada ni Intoy si Doray kahit noong
mga bata pa lamang sila kahit alam niya at
ng buong Kalye Marino ang trabahong
paglalako ng ‘tilapya’ o katawan ni Doray sa
mga parukyano at maging sa mga
mangingisda.

Nagustuhan niya ito dahil mabait si


Doray sa kaniya dahil maliban kay Berto ay
ito lang ang nagtitiyagang makinig sa
kaniyang mga kwento at pantasya.
Kaya siya namomroblema ngayon kung saan kukuha ng pera ay
dahil may usapan sila ni Doray. Gusto niyang dalihin ang ‘tilapya’ ni
Doray. Hindi niya alam kung gusto ba niyang mahalin o anuhin lang ang
babae. O baka naman mahalin at aanuhin din pagkatapos. Isang gabi ay
nakita niya si Doray na nilalako ang kaniyang ‘tilapya’ sa mga parukyano.
Gustong sumabay ni Doray sa kaniyang pag-uwi at pinagbigyan naman
niya ito.
Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay nasabi na ni Berto
dito ang tungkol sa kaniyang balak kay Doray. Hindi niya alam kung
matutuwa siya o magagalit sa kaibigang washer. Hindi rin niya alam kung
nakikipag-syota na ba sa kaniya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang
siya ng ‘tilapiya’ nito.Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang sabihin
ni Doray na pupuntahan siya nito sa bahay niya. Marami sana siyang
balak. Bibili sana siya ng makakain at aayusin ang sarili upang sa ganoon
ay hindi nakakahiya kay Doray. Ngunit ngayon ay pinatay nag mga alig
ang sagot sa mahabang pag-hihintay na iyon ni Intoy. Wala siyang pera.
Wala siyang ibabayad kay Doray. Ngunit paano kung gusto pala siya ng
babae at hindi ito nagpapabayad?
Gabi, salamat sa paunang bayad na isangdaang
piso sa kaniya ng amo, nakabili siya ng pandesal at
mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hindi pa
siya naliligo dahil sa mag-hapon na paglilinis sa
tahungan. Nakaupo siya at makikita ang mahapding
sugat sa kamay. Naramdaman niya bigla ang
langitngit ng tulay na kawayan. Nakita ni Intoy si
Doray na iniluwa ng dilim na bagong paligo.
Naikwento niya dito ang nangyari sa tahungan at ang
pesteng mga alig. Nagulat na lamang siya at
hinawakan ni Dorayang kaniyang kamay at sinuri
ang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya
paloob sa bahay.

You might also like