You are on page 1of 19

Pelikulang Panlipunan

Inihanda ni:
NELMER N. PAMANIAN, LPT

Graphics and Design:


LENDI G. LABUAC, LPT
Mga Teorya sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

MODYUL 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Mga Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

MODYUL 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . ….

Isyung Pangkasariaan: Everything About Her

MODYUL 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Isyung Pampamilya: Filipinas

MODYUL 4 . . . . . . . . . ... . . . . . . . . . . . . 8

Isyung Pangdiaspora o Migrasyon: Caregiver

MODYUL 5 . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . 13

SANGGUNIAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19
ANG KURSO
Kowd : GE126
Deskripsiyon : Sinesosyedad o Pelikulang Panlipunan
Yunits : 3
Taon : 3rd
Semester : Una

Ang SINESOSYEDAD ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan

sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang

makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay

inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng

kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw

sa panitikan bilang transpormatibong pwersa.


Ang Modyul na ito ay nilikha para sa lahat ng mga mag-aaral sa Filipino na
kumukuha ng asignaturang Sinesosyedad o Pelikulang Panlipunan.

Layunin ng Modyul na ito na pag-aaralan ang mga paraan kung paano


malikhaing nabubuo ng mahusay at maayos ang isang pelikula sa pamamagitan
ng mga mabusising pagsasaalang-alang ng iba’t ibang mga anggulo, galaw ng
kamera at mga pag-iilaw.

Nilalayon din ng Modyul na ito na pag-aralan, kilatisin at suriin ang iba’t ibang
mga pelikulang panlipunan upang higit itong maunawaan at mabatid ng lubos
ang mensaheng nais nitong ipabatid. Sa modyul na ito ay makatutuklas ang mga
mag-aaral ng mga dunong o karunungan na magiging makabuluhan kung
isasapuso at makatutulong kung gagamitin upang makapag-ambag ng mga
pagbabago sa lipunan. Sa pamamagitan ng mga pelikulang bibigyang-pansin sa
modyul na ito ay madadagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
mga kultura, at mararanasan ang mga magkahalong damdamin ng mga
karanasan sa buhay ng isang tao.

Inaasahan sa modyul na ito na matutuhan ng mga mag-aaral ang makibahagi sa


lipunan pagkat sila’y kasapi rito. Sa pamamagitan ng mabusising
paghihimay-himay ng mga nilalaman ng bawat paksa ay magagawang mahasa
ang isipan ng mga mag-aaral upang mamulat ang mata sa pagkabulag sa mga
kaganapan sa paligid, mapukaw ang damdaming naiidlip dahil sa hindi
pakikialam sa mga pangyayaring dapat na bigyang-pansin, marinig ang tinig na
may kaniya-kaniyang nananawagan na sadyang hindi lamang pinakikinggan at
higit sa lahat ay mapuna ang katotohanan sa kasinungalingan at matimbang ang
tama sa mali sa lipunang pinamumugaran.

Ang Modyul na ito naglalayong maisakatuparan ng mga mag-aaral ang


inaasahang pagganap (culminating performance) bilang patunay na natamo ang
kakailanganing pag-unawa sa bawat gawain.
Ang bawat aralin sa modyul na ito ay nahahati sa apat na
magkakaugnay na bahagi:

Panimulang Gawain
Ang bawat aralin ay may panimulang gawain na lilinang sa dating kaalaman o
prior knowledge at kasanayan ng mga mag-aaral.

Paglinang/ Pagtalakay
Ito ay naglalaman ng mga babasahin kaugnay sa aralin na pagaaralan ng mga
mambabasa.

Pagtataya
Sa bahaging ito pinagtitibay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa arali. Dito
pinagyayaman ang sariling pag-unawa na may kinalaman sa mga tinalakay.

Paglalapat

Dito isinagawa ang Inaasahang Pagganap sa bawat aralin upang masiguro ang
lubos na pagkatuto sa bawat aralin.
MGA BILANG NG MUKAHING ORAS
SA BAWAT MODYUL
Makikita sa talahayanan ang mga gawaing pampagkatuto na
nilalaman ng Modyul na ito kasama ng bilang ng oras na
inaasahang matatapos ang mga ito.

Bilang ng
Araw ng
MODYUL Mga Gawaing Pampagkatuto Mungkahing
Pagpasa
Oras

Panimulang Gawain 15m


Pagtalakay 1h
MODYUL 1
Pagsagot 1h
Paglalapat 45m

Panimulang Gawain 15m

Pagtalakay 1 at 15m
MODYUL 2 Pagsagot 1h at 15m

Paglalapat 45m

Panimulang Gawain 25m

Pagtalakay 45m
MODYUL 3
Pagsagot 1h at 30m

Paglalapat 20m
MGA BILANG NG MUKAHING ORAS
SA BAWAT MODYUL
Makikita sa talahayanan ang mga gawaing pampagkatuto na
nilalaman ng Modyul na ito kasama ng bilang ng oras na
inaasahang matatapos ang mga ito.

Bilang ng
Araw ng
MODYUL Mga Gawaing Pampagkatuto Mungkahing
Pagpasa
Oras

Panimulang Gawain 15m


Pagtalakay 1h at 15
MODYUL 4
Pagsagot 30m
Paglalapat 30m

Panimulang Gawain 10m


Pagtalakay 1h at 30
MODYUL 5 Pagsagot 1h

Paglalapat 20m
Sinesosyedad

“Sa Pamilya nagsimula


Sa pamilya rin magtatapos.”
Layunin
Nakapagbabahagi ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng isang pamilya;

Nasusuri ang mga Kulturang Pilipino sa napanood na pelikula;

Napahahalagahan ang relasyon ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng


isang p ho to essay.

Introduksyon
Alam Mo Ba?

Ang Pamilya ay siyang tinuturing pinakasentro ng isang lipunan. Sa sariling pamilya


nagsisimula ang pagkakahubog ng pagkatao at pag uugali ng isang tao. Sa pamilya natin
maranasan kung paano magmahal at mahalin. Sa nating pamilya rin natin unang
mararanasan ang mapagalitan dahil sa isang pagkakamali at ituwid ang nagawang
kamalian. Sa kabuuan, ang ating buong pagkatyao at pag-uugali ay nagsimulang mahubog
sa pamilyang ating pinagmulan.
Panimulang Gawain
Panimulang Gawain
Buksan ang Isipan!

PANUTO: Magbigay ng mga salitang maaaring maiugnay tuwing naririnig ang


salitang PAMILYA. Isulat ang mga salita sa loob ng Freed o m Bo x sa ibaba

Pagtalakay
Ang mga Pilipino ay isa sa mga tinatawag na fam ily o riented na mga tao. Lubos ang
ating pagpapahalaga ating pamilya. Buong-puso nating iniingatan ang relasyon ng bawat isa
upang hindi lumuwag ang taling nagbubuklod bilang isang pamilya. Sa kabila ng ating
pagpapahalaga sa ating pamilya ay minsa’y hindi rin maiwasan ang pagkakaroion ng mga
hidwaan bunga ng maraming dahilan. Maaring hindi nakakasundo sa isang bagay,
nag-aagawan sa lupa at bahay, nagpapataasan ng lipad, naiinggit sa buhay na tinatamasa ng
iba at maraming pang iba. Ngunit tandaan na baliktarin man ang mundo at iwanan tayo ng
ibang tao ang pamilya natin ay mananatiling pamilya parin at hindi na iyon magbabago.

Sa modyul na ito ay ating bibigyang-tuon ang pelikulang pinamagatang “Filipinas” na


pumapaksa sa kultura at pag-uugali mayroon ang mga Pilipino. Masasaksihan kung ano ang
mga kalimitang pinagmumulan ng hidwaan ng pamilyang Pilipino at sa kung anong
pagkakataon sa buhay muling nagkakasundo-sundo ang bawat isa mula sa mga hindi
pagkakaintindihan. Ito ay pelikulang tunay na repleksyon ng pamilyang Pilipino.

Panoorin ang Pelikulang Filip inas sa ibaba sa maaaring hanapin din ito sa iba ang
social media sites. https://www.youtube.com/watch?v=m-aG3GYpTu8

Pagtataya
Palawakin Natin!

GAWAIN:

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

A. Ibigay ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa pelikula at kung ano ang
maaring maging epekto nito positibo man o negatibo sa relasyon ng isang pamilya

MGA KULTURANG PILIPINO EPEKTO SA RELASYON NG PAMILYA

B. Sa panahon ngayon ng pandemya at nasa kasagsagan tayo ng krisis papaano niyo


pinahahalagahan ang inyong relasyon bilang isang pamilyang pilipino ngayon sa
gitna ng pandemya.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Paglalapat
Halina’t Pagyamanin !
PANUTO: Bumuo ng isang p h o to e ssay na may 10-15 na mga larawang kakikitaan sa
kung papaano ninyo pinahahalagahan ang inyong pamilya.

PAMANTAYAN

Nilalaman

(maganda, nakapupukaw ng interes, at nakapagbibigay ng motibasyon at 40%


inspirasyon, at akma ang larawan sa sinulat na sanaysay)
Organisasyon ng mga kaisipan at wastong gramatika

(maayos na nailahad ang mga kaisipan, naiintindihan ang nais ipahiwatig, 30%
ramdam ang emosyong nais ipadama, angkop na paggamit ng salita at
gramatika)
Pagkamalikhain
(masining, malikhain, at malinis ang pagkakabuo 20%

Tamang oras o hindi ipinagwalang bahala ang panahon ng pagsumite


10%
(timeliness)

KABUUAN 100%
Sinesosyedad

“Ang pangingibang bansa ay hindi biro sapagkat buhay


ay kalayaan mo ay nakapako.”.”
Layunin
Makapagbahagi ng sariling pananaw sa pamamagitan ng isang liham;

Matukoy ang mga isyung panlipunan na nakapaloob sa pelikula;

Makabuo ng isang maikling vid eo p resentatio n ng sariling adbokasiya na


nangangalaga sa karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Introduksyon
Alam Mo Ba?

Ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) ay isa sa mga itinuturing na mga bagong
bayani sa kasalukuyang panahon. Buong tapang silang sumasagwan sa maalong dagat ng
buhay sa ibayong-dagat. Sila ay lubos na nagsasakripisyo sa pagbabanat ng buto para
mabuhay. Buong puso nilang ginagampanan at tinitiis ang kanilang mga trabaho para sa
pamilya pati na rin ng kanilang pinagmulang bansa.
Panimulang Gawain
Panimulang Gawain
Buksan ang Isipan!

PANUTO: : Sumulat ng isang liham na naglalaman ng kahit anong paksa para sa


iyong kakilala, kaibigan, kapamilya o kapwa pilipino na patuloy na nagbabanat ng
buto at nagsisikap sa pagtatrabaho sa ibang bansa upang tustusan ang iniwang
pamilya sa gitna ng pandemya. Sa simpleng paraang ito ay madama nilang may
naghihintay at nasasabik na sila’y muling makasama.

Pagtalakay
Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging sagana nito sa mga likas na yaman. Ang mga likas
na yamang ito ay siya nang bumubuhay sa halos lahat ng mga Pilipino. Bagamat sagana ay
hindi pa rin ito nagiging sapat para sa iilan para sa kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan.

Dahil sa pag-iiba ng panahon samu’t saring mga hamon din ang kinahaharap ng mga
Pilipino makahain lamang ng pantawid sa kalam ng sikmura ng kani-kanilang mga pamilya.
Dumarami ang bayarin, marami na rin ang pinaglalaanan ng pera para sa kung ano-anong
mga bagay na nag-uudyok sa iilan na mangibang bansa o magtungo sa ibayong dagat
upang makipagsapalaran.
Ang mga taong ito ay itinuturing na mga bagong bayani sa kasalukuyang panahon o
mas kilala bilang mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ang mga OFW ay masasabi mong
matatapang sapagkat kinakaya nilang magtiis ng mahabanag panahon ng pamumugad sa
ibang bansa alang-alang sa kapakanan ng pamilya. Hindi madali at masasabing biro ang
kanilang ginawang paglisan, maliban sa ito’y higit na makatutulong sa kanila sapagkat ayon
sa kanila ay mas kikita sila ng malaki roon ay batid din na ramdam nila ang labis na
kalungkutan at pangungulila sa iniwang pamilya sa bawat pagsibol ng araw hanggang sa
paglitaw ng buwan.

Sa kabilang banda, para sa mga magulang na OFW na may iniwang mga anak ay
masasabing isa sa masakit na pakiramdam maliban sa kapaguran sa pagtatrabaho ay ang
pagiging mailap ng kanilang mga anak sa kanila dahil sa hindi ang mga ito sanay na kasama
sila. Isa pa sa nagpapahirap sa kanila ay ang mentalidad ng tao o maging ng ilang kapamilya
na dahil abro ad sila ika nga nila ay milyunaryo at bilyunaryo na. Maaari rin naman sa mga
iilan na naging mapalad sa buhay, ang iba sakto lang subalit hindi naman lahat.

Dagdag pa sa paghihirap ng mga OFW ang pagmamaltrato ng kanilang mga amo sa


kanila, pangmomolistya, at ang pagmamaliit sa kanila. Sadyang hindi madali ang
pangingibang bansa.

Kinakailangan mong maging matiisin, matapang, marunong at iba pang mga


katangian upang makayanan mong masikmura at malampasan ang mga pagsubok na
susunggab sa iyo anumang oras at pagkakataon.

Sa modyul na ito ay ating bibigyan ng katarungan ang pelikulang Caregiver na


pumapaksa sa karanasan ng mga OFW , kung paano sila nagsaripisyo para sa kanilang
pamilya, papaano sila nanindgan sa kanilang mga desisyon sa buhay, paano sila sumugal sa
mga bagay na walang kasiguraduhan, paano nila binigyan ng kalutasan ang bawat suliranin
sa kanilang buhay, paano sila nakipagsapalaran sa isang mundong hindi nila nakasanayan,
paano nila hinarap ng buong tapang at lakas ang mga hampas ng alon ng buhay, kung paano
nila napapasiklab ang kanilang determinasyon at pagmamahal sa kanilang trabaho at higit sa
lahat ay kung paano nila npagtagumpayan ang lahat ng ito.

Panoorin ang Pelikulang Caregiver sa link sa ibaba o maaaring maghanap din sa iba pang
social media sites. https://www.youtube.com/watch?v=S3lmt0MfErI
Pagtataya
Palawakin Natin!

GAWAIN:

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

A. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng tauhan sa pelikula at paano niya ito
binigyan ng kalutasan

MGA SULIRANIN SOLUSYON

B. Ano-ano ang mga isyung panlipunan ang iyong nasaksihan sa pelikula at ano ang
iyong mungkahimg solusyon para lutasin ang mga ito

MGA ISYUNG PANLIPUNAN MUNGKAHING SOLUSYON


Paglalapat
Halina’t Pagyamanin !
PANUTO: Bumuo ng isang maikling vid e o p re sentation na may habang 3-5 minuto
na nagpapakita ng sariling adbokasiya na nangangalaga sa karapatan ng mga OFW.

PAMANTAYAN

Nilalaman
(maganda, nakapupukaw ng interes, at nakapagbibigay ng motibasyon 40%
at inspirasyon, at napapanahon)
Mahusay at maayos ang kalidad ng binuong video presentation
25%
Pagkamalikhain
25%
(masining, malinis, at malinaw ang pagkakabuo)
Tamang oras o hindi ipinagwalang bahala ang panahon ng pagsumite
(timeliness) 10%

KABUUAN
100%
Amog, Maybel V., Tulaylay, Mercedes D.L., Espiritu, Clemencia C. Kawil III, Aklat sa
Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Kultura, 2002. Rex Book Store.

https://www.slideshare.net/jeseccabacsa7/anggulo-ng-kamera

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%
2Fjankyerakino%2Fmga-elemento-ng-pelikula-at-gabay-sa-
pagsulat&psig=AOvVaw20vw8mnokJ-

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.uokpl.rs%2Frsvi%
2FTiRbJhJ_transparent-filming-png%

https://www.cinesite.com/wp-content/uploads/2015/04/HP7A-TR2-027.jpg

https://qph.fs.quoracdn.net/main-qimg-1fcffe666b27918c7a6ccbb0a0970c68.webp

https://www.facebook.com/100013231093032/videos/124494991334870/

https://www.youtube.com/watch?v=m-aG3GYpTu8

You might also like