Q3 - Gawain 2 - Pagsusuri NG Pelikula

You might also like

You are on page 1of 2

Gawain 2: Pagsusuri sa Maikling Pelikula

Panoorin ang maikling-maikling pelikulang pinamagatang, “Kay


Inay,” sa link na ito at sagutin sa ibaba ang mga tanong gamit ang
mga pang-ugnay:
https://www.youtube.com/watch?v=W1v8eZSQ0f4

Mga Gabay na tanong sa Pagsusuri (20 puntos)


1. Tauhan at Tagpuan (lagyan ng maikling paglalarawan) 4 pts.
2. Ilahad ang panimula ng pelikula-3 pts.
3. Ilahad ang kasukdulan at wakas- 5 pts.
4. Ano ang mensahe o kakintalang naiwan sa mga manonood?
- 3 pts.
5. Kahit ang pelikula ay tumagal lamang ng mahigit tatlong
minuto, masasabi bang nagging epektibo ang pagpaparating
ng mensaheng taglay nito? Patunayan.- 5 pts

1. Tauhan at Tagpuan (lagyan ng maikling paglalarawan) 4 pts.


- Ang mga tauhan ay ang inang may alzheimer's disease
at ang kanyang anak na OFW. Ang tagpuan naman ng
kwento ay nangyari sa kanilang tahanan.

2. Ilahad ang panimula ng pelikula-3 pts.


- Nagsimula ang kwento nang umuwi ang anak na OFW
upang alagaan ang kanyang ina. Pagdating niya ay
siya’y nagbalik-tanaw, inihayag ng bida na siya ay
naninibago sa mga naglalakihang gusali sa Maynila at
nasabi niya na lang na ang dami nang nagbago.

3. Ilahad ang kasukdulan at wakas- 5 pts.


- Ang kasukdulan ay noong naipakita kung paano
inalagaan ng anak ang kaniyang sariling ina. At ang
wakas naman ay nang kinanta ng anak ang awit na
kinanta sa kanya ng kanyang ina noong bata pa siya. At
simula noon ay unti-unting naalala na siya ng kanyang
ina.

4. Ano ang mensahe o kakintalang naiwan sa mga manonood?


- 3 pts.
- Ang mensahe ng maikling pelikula ay huwag nating
kakalimutan na ibalik sa ating ina o sa ating mga magulang
ang kanilang pagmamahal at pag aaruga na ating natangap.

5. Kahit ang pelikula ay tumagal lamang ng mahigit tatlong


minuto, masasabi bang nagging epektibo ang pagpaparating
ng mensaheng taglay nito? Patunayan.- 5 pts
- Oo, sapagkat ipinakita ng maikling pelikula kung
papaano iniwan ng anak ang kanyang trabaho sa
abroad upang umuwi at alagaan ang kanyang ina. Sa
pamamagitan nito ay naipabatid ng bida na dapat
nating suklian ang lahat ng pag aalaga na ating
natanggap mula sa ating magulang noong tayo ay bata
pa.

You might also like