You are on page 1of 10

Lordan, John Lester M.

BPED – Block 3

MODYUL 1
GAWAIN 1: Pagsusuri at Pagpapaliwanag

PANUTO: Panoorin ang pelikulang “WAY BACK HOME” ni Kathryn Bernardo at


Julia Montes. Suriin kung anong teorya ang iyong makikita rito at ipaliwanag. Gawin
ito sa paraang sanaysay.

Sa aking pinanood na pelikulang “Way Back Home”, makikita rito ang Teoryang
Realismo. Sa pelikula, binigyang tuon ang buhay ng isang pamilya o ang mga nangyayari
sa isang tipikal na pamilya. Kung ating iisipin, maraming mga manonood na sobrang
maiintindihan ang kwento nito dahil maaaring nangyari na din ito sa kanilang pamilya.
Ang pinaka naging problema ng pelikula ay ang pagkawala ng isang anak nina Amy.
Nagkaroon sila ng isang outing ng kanilang pamilya nang iwan ng Ama ang magkapatid
na sina Joanna at Jessica sa dalampasigan at dito na nawala ang anak nilang si Joanna.
Ang kanilang ina na si Amy ang kahit kailan man ay hindi matanggap na nawala ang
kaniyang anak kaya’t patuloy niya itong hinanap, umaasa pa rin siyang makikita niya ito.
Hanggang sa naging iba na ang buhay o pakikitungo nila sa isa’t-isa lalo na ng inang si
Amy sa anak nitong si Jessica, hindi niya man ito sinasabi ngunit ito ang sinisisi niya sa
pagkawala ng kaniyang bunsong anak. Ang nangyari na ito sa pamilya nila ay hindi
maipagkakailang naranasan na sa totoong buhay ng isang pamilya. Madalas na
nawawala ang atensiyon ng mga magulang sa kanilang mga anak kapag nasa labas ng
kanilang tahanan, hindi nagiging atentibo ang isang magulang kaya’t hindi maiwasan na
madisgrasya o mawala ang kanilang maliit na anak. Sa tingin ko madaming pamilya ang
nakaranas ng mawalay sa kanilang mga anak, kung hindi ito dahil sa pagkawala ng anak,
ito din ay maaaring umalis ang magulang upang makapagtrabaho sa malayong lugar.
Kaya’t makikita sa pelikulang ito ang kaugnayan nito sa realismo.

Ang pelikulang “Way Back Home” ay nagpakita ng mga karanasan ng isang


babae, ina, anak, kapatid, at ng isang pamilya. Makikita na meron itong Teoryang
Realismo na naglalahad ng mga katotohanang nangyayari sa bawat isa at Teoryang
Feminismo na nagpakita ng mga kayang gawin ng isang babae para sa kaniyang
pamilya.
Rubriks sa pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan 4 3 2 1 Punto
s
1. Organisasyon Napakalinaw ang Mainaw ang hindi gaanong Walang
kaisipang inilahad, kaisipang maayos at kaayusan ang
maayos na maayos inilahad, malinaw ang paglalahad ng
ang pagkakasunod- maayos ang paglalahad ng kaisipan
sunod ng mga pagkakasunod- kaisipan
inilahad na kaisipan sunod ng mga
inilahad na
kaisipan
2. Nilalaman Gumamit ng sanhi at Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit
bunga at paghahambing sanhi at bunga at ng sanhi at
paghahambing sa sa pagbuo ng paghahambing sa bunga at
pagbuo ng talata at talata pagbuo ng talata paghahambing
naayon ang ngunit hindi sa pagbuo ng
nilalaman sa paksa. naayon ang talata at naayon
nilalaman sa ang nilalaman sa
paksa. paksa.
3. Kakintalan Nag-iwan ng malalim Nag-iwan ng Hindi gaanong Walang
na impresyon sa malalim na nag-iwan ng kakintalan
isipan ng impresyon sa malalim na
mambabasa upang isipan ng impresyon sa
mahikayat ito. mambabasa isipan ng
upang mambabasa
mahikayat ito. upang mahikayat
ito.
4. Kawastuhang Wastong wasto ang Wasto ang Hindi gaanong Walang
Gramatikal gamit na bantas, gamit na wasto ang gamit kawastuhan
baybay ng mga salita bantas, baybay na bantas,
at pagkakagamit ng ng mga salita baybay ng mga
maikling letra at salita at
pagkakagamit pagkakagamit ng
ng maikling maikling letra
letra
Kabuuang Puntos

Katumbas: 16--------------100 12-13- -----------90 8-9-----------------80

14-15--------- 95 10-11------------ 85 7 pababa---------75


GAWAIN 2: Panonood at Pagsusuri

Panuto: Panuorin ang pelikulang “Pasang Krus” ni Rosanna Rocess. Suriin ang pelikula
at ibigay ang bahagi o eksena na nagpapakita ng teoryang Marxismo, Feminismo,
Realismo at Pormalismo.

TEORYANG MARXISMO TEORYANG FEMINISMO

EKSENA: EKSENA:

Makikita ang feminismo sa


pelikula dahil ang pangunahing
Ang Teoryang Marxismo ay tauhan ay si Susan Roces bilang
naipakita sa eksena na kung saan Herminia. Isa siyang ina na
sinabi na si Abel ang panganay na kayang gawin ang lahat para sa
anak ni Herminia, na nang siya ay kaniyang mga anak. Lahat ng
mawalay sa kaniyang ina at mga paghihirap ay kaniyang dinanas
kapatid ay mag nag-alaga sa upang mabuhay niya ang
kaniyang magsasaka. Ginawa ni kaniyang mga anak at kahit ano
Abel lahat ng kaniyang makakaya mang pagsubok ang dumating ay
para makamit ang hustisya. Ngunit patuloy siyang lumalaban.
pinakita pa rin sa pelikulang ito na Naipakita ang kalakasan at
hindi nanaig ang hustisya sa mga kakayahan ng isang in ana
taong mayroong kapangyarihan. nagsilbi ding ama sa kaniyang
mga anak.
TEORYANG REALISMO TEORYANG PORMALISMO

EKSENA: EKSENA:

Nailarawan o napakita ang


Teoryang Realismo nang
nakagawa ng krimen ang
dalawang anak ni Herminia na si
Jess at Lucas, sila ay nasangkot Ang pagkuha ng anggulo sa
sa isang krimen dahil sa pelikula ay tila nangyayari sa
kagustuhan nilang matulungan buhay ng mga tao sa araw-araw at
ang kanilang ina. Marami sa ating may pagkakatulad sa mga
bansa ang ganito ang paraan nangyayari sa buhay ng mga
upang mabuhay dahil sa manonood.
kahirapan karamihan sa mga
Pilipino ay kumakapit sa patalim
upang mabuhay. Kaya’t hindi
maipagkakaila na ang ipinakita sa
pelikula ay nangyayari rin sa
totoong buhay.
GAWAIN 3: Pagsulat ng Kritisismo

Panuto: Magsulat ng isang kritisismong pampelikula sa pelikulang “Pasang Krus” ni


Rosanna Rocess. Gawing gabay sa pormat ng pagsulat ang balangkas sa ibaba.

I. Pamagat: Pasang Krus

II. Direktor: Neal “Buboy” Tan

III. Tauhan
A. Papel na ginagampanan sa pelikula
➢ Rosanna Roces bilang Herminia – Ang pangunahing tauhan
na ina nina Abel, Jess, Adora, Lucas at Marco. Maraming
pagsubok na napagdaanan sa pelikula simula ng umalis
sakanilang tahanan at mawalay sa kaniya ang dalawang anak.
➢ Joross Gamboa bilang Abel – Ang panganay na anak ni
Herminia na nawalay sa kaniya.
➢ Christian Burke bilang Marco – Ang pangalawang anak ni
Herminia na napatay ang kaniyang sariling asawa.
➢ Ketchup Eusebio bilang Jess – Ang pangatlong anak ni
Herminia na siyang naging magnanakaw.
➢ Empress Schuck bilang Adora – Ang pang-apat at nag-iisang
anak na babae ni Herminia, ito din ang isang anak na nawalay
sa kaniya.
➢ Beejay Morales bilang Lucas – Ang bunsong anak ni
Herminia na lagi niyang kasama at nasangkot sa isang krimen
sa kagustuhan may maibigay sa kaniyang ina.
B. Karakterisasyon
a. Panloob
Sa pelikula, maayos at mahusay na naipahayag ng bawat
aktor ang karakter na kanilang ginagampanan. Mahusay nilang
ipinakita na pawang nangyayari ito sa kanilang tunay na buhay.
b. Panlabas
Ang mga artistang gumanap ay mapapansing mga
mahuhusay na mga aktor kaya’t maayos at maganda nilang
naiparating ang bawat mensahe ng pelikula. Hindi
maipagkakailang makuha nila ang damdamin ng mga
manonood.
c. Kamalayan
Makikita na buong pusong ginampanan ng bawat aktor
ang karakter ng nasa pelikula. Kaya’t napakagandang pelikula
ang kanilang nagawa at naipakita sa bawat manonood ang
hirap na kanilang dinanas upang mapagtagumpayan ito.

IV. Tagpuan
A. Oras
Ang mga eksena na naipakita ay nasa iba’t-ibang oras
dahil ito ay nakatuloy-tuloy sa isang buong araw.
B. Lugar
Ang lugar na madalas makita sa pelikula ay ang iskwater
sa Maynila.

V. Suliranin/Tunggalian
A. Tao laban sa Tao
Nang patayin ang asawa ni Herminia at habulin silang
mag-iina upang patayin rin sana. Ipinakita dito kung gaano
kalaki ang kapangyarihan ng mga taong gustong gumawa nito
sa pamilya nila na walang kalaban-laban.
B. Tao laban sa sarili
Mayroong eksena na pilit na iniiwasan ng ibang karakter
ang masamng gawain na nakapalibot sa kanila at nakikita nila
sa pang-araw-araw na buhay.
C. Tao laban sa lipunan
Sa pelikula, malinaw na ipinakita dito na ang lipunan din
ang nag-uudyok sa mga karakter ng pelikula na gumawa na=g
mga bagay na hindi maganda. Ipinakita dito ang pagpapalitan
ng droga, pagbenta ng mga illegal at pagnanakaw na hindi
matutunan ng isang tao kung hindi nakikita sa kaniyang paligid.

VI. Buod (Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari)


Isang araw may pumuntang tauhan ng isang pulitiko sa
tahanan nina Herminia at walang awang pinaslang ang
kaniyang asawa kaya’t siya kasama ang kaniyang mga anak ay
nagmadaling tumakas. Habang silang mag-iina ay tumatakas ,
nawalay sa kaniya ang kaniyang dalawang anak, ang kaniyang
panganay na si Abel at ang nag—iisa niyang babaeng anak na
si Adora. Sa kakatakas nila napadpad sila sa Maynila at dito
sila nanirahan mag-iina. Ginawa ni Herminia ang lahat upang
mabuhay ang kaniyang mga anak lahat ng paghihirap at
pagdurusa ay kaniyang naranasan. Nang lumaki na ang
kaniyang mga anak, nadawit ito sa mga krimen. Ang anak
niyang si Jess ay naging magnanakaw, Lucas naman ay
nadawit sa droga at ang kaniyang anak na si Marco ay
napaslang ang kaniyang sariling asawa. Sa pinasok ni Jess,
siya ay napaslang nang subukan siyang habulin ng mga pulis
dahil sa kaniyang ginawa. Sa kabila nito, natagpuan ni
Herminia ang kaniyang anak na si Adora na nagkaroon ng sakit
at kinakailangan ang kaniyang tulong upang ito ay mapagamot.
Ang mga nangyayari sa kaniyang buhay ay hindi naging
hadlang na magdasal at patuloy na manalig sa Diyos.
Natagpuan niya rin ang kaniyang anak na si Abel na nagsikap
na makapg-aral at makapgtapos uang maipaglaban ang
hustisya na gusto nilang makamit noong una pa lamang.
Tinulungan nito na makabangong muli sa hirap ang kanilang
pamilya. Nawalan man sila ng Ama at ng isang kapatid, patuloy
pa rin ang kanilang mga buhay at namuhay sila ng masaya at
kuntento sa isa’t-isa.

VII. Pagsusuri
A. Pinapaksa:
Ang paksa ng Pasang Krus ay ang kahirapan na
nararanasan ng isang ina.
B. Kaisipang Pinalulutang:
Ang kaisipang pinalulutang ay ang pagkawala ng
hustisya na gustong makamit ng maraming tao ngunit hindi ito
possible lalo na kung mataas o malaki ang kapangyarihan ng
taong binabangga mo. Mariing ipinakita ang kapangyarihan
mayroon ang isang pulitiko kumpara sa isang simpleng
pamilya.
C. Talingha at simbolismong ginamit:
Ang krus ang simbolo na ang problema ni Herminia ay
kaniyang pasan-pasan. Ito ang mabigat niyang dala, na
nagpapahiwatig din na ito ang kaniyang mga anak na
nagpahirap lalo sa kaniyang buhay dahil sa mga kinasangkutan
nito.
D. Kamalayan at karanasan
Ang pelikula ay pawang nasa reyalidad na nangyayari sa
ating lipunan.

E. Implikasyon sa Lipunan
Bilang mamamayan, imulat natin ang ating mga mata sa
mga taong namumuno o gustong mammuno sa ating bansa.
Hindi marahil may naibigay sa iyo ay mayroon ding malaking
maitutulong sa lipunan. Wag tayong magbulag-bulagan at
ibukas ang ating mga mata sa mga posibleng mangyari sa ating
lipunan.
RUBRIKS SA PAGSULAT NG KRITISISMO
Pamantayan 4 3 2 1 Puntos
1. Organisasyon Napakalinaw Mainaw ang hindi gaanong Walang
ang kaisipang kaisipang maayos at kaayusan ang
inilahad, inilahad, malinaw ang paglalahad ng
maayos na maayos ang paglalahad ng kaisipan
maayos ang pagkakasunod- kaisipan
pagkakasunod- sunod ng mga
sunod ng mga inilahad na
inilahad na kaisipan
kaisipan
2. Nilalaman Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit
sanhi at bunga paghahambing sanhi at bunga ng sanhi at
at sa pagbuo ng at bunga at
paghahambing talata paghahambing paghahambing
sa pagbuo ng sa pagbuo ng sa pagbuo ng
talata at talata ngunit talata at
naayon ang hindi naayon naayon ang
nilalaman sa ang nilalaman nilalaman sa
paksa. sa paksa. paksa.
3. Kakintalan Nag-iwan ng Nag-iwan ng Hindi gaanong Walang
malalim na malalim na nag-iwan ng kakintalan
impresyon sa impresyon sa malalim na
isipan ng isipan ng impresyon sa
mambabasa mambabasa isipan ng
upang upang mambabasa
mahikayat ito. mahikayat ito. upang
mahikayat ito.
4. Kawastuhang Wastong wasto Wasto ang Hindi gaanong Walang
Gramatikal ang gamit na gamit na wasto ang kawastuhan
bantas, baybay bantas, baybay gamit na
ng mga salita ng mga salita bantas,
at at baybay ng
pagkakagamit pagkakagamit mga salita at
ng maikling ng maikling pagkakagamit
letra letra ng maikling
letra
Kabuang Puntos

Katumbas: 16--------------100 12-13- -----------90 8-9-----------------80

14-15--------- 95 10-11------------ 85 7 pababa---------75


Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Gawing komprehensibo ang sagot
o pagpapaliwanag tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pelikula sa iyong sariling pananaw?


Sa aking pananaw, ang pelikula ay isang presentasyon ng mga totoong
nangyayari sa ating buhay o maaari ring kathang-isip lamang ng direktor na
magpapakita sa atin ng mga pangyayari na makakaantig ng ating mga damdamin.

2. Gaano kahalaga ang panunuod ng pelikula sa bawat mag-aaral na katulad mo? Ipaliwanag.
Ang panonood ng pelikula ay makatutulong sa akin na ibukas o imulat ang
aking mga mata sa mga nangyayari sa aking paligid. Maaaring may mapulot akong
aral na makatutulong sa akin bilang isang mag-aaral at bilang isang tao na kinikilala
pa lamang ang mundo.

3. Naniniwala ka ba na ang pelikula ay maaaring maging salamin ng lipunan? Bakit?


Para sa akin, ang pelikula ay maaaring maging salamin ng lipunan dahil ang
mga pelikula na ating napapanood ay kadalasang may koneksiyon sa nangyayari sa
ating lipunan. Ito ay maaaring iminumulat tayo ng mga gumagawa nito sa mga
nangyayari sa ating lipunan o di kaya’y gusto nilang matuto ang mga manonood at
mas maintindihan ang nangyayari sa bawat lipunan.

4. Sa mga pelikulang iyong napanood, ano ang maituturing mong pelikula na sa iyong pananaw
ay sumasalamin sa ating lipunan?
Ang pelikulang “Pasang Krus” ang halimbawa na sumasalamin sa ating
lipunan. Ipinakita dito kung gaano kalakas ang mga makapangyarihan kung
ikukumpara sa mga taong simple lang na namumuhay.

5. Sa mga pelikulang iyong napanood, Ano ang maituturing mong pelikula na nagpabago sa
pananaw mo sa buhay?
Sa Pasang Krus, nabago nito ang aking pananaw na kahit ano mang mangyari
sa ating mga buhay patuloy pa rin tayong lumaban at magtiwala sa Panginoon dahil
siya lang din ang makakatulong sa atin. Ano mang pagsubok ang dumating matuto
tayong bumangon dahil lahat ay makakaya natin kung mayroon tayong tiwala
Sakaniya.

You might also like