You are on page 1of 21

Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-

kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang


isinulat ng may akda o ng may entidad,
gaya ng isang partidong pulitikal.
Nilalathala ang posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang
dominyo. Ang balangkas ng isang
posisyong papel ay mula sa pinakapayak
tulad ng isang liham sa patnugot hanggang
sa pinakamagusot tulad ng isang
akademikong posisyong papel.
Ginagamit din ng malalaking organisasyon
ang mga posisyong papel upang
isapubliko ang kanilang mga opisyal na
pananaw at ng kanilang mga mungkahi.
SA AKADEMIYA

SA PULITIKA

SA BATAS
Ito ay nagbibigay daan upang talakayin
ang mga umuusbong na paksa nang
walang eksperimentasyon at orihinal na
pananaliksik na karaniwang makikita sa
isang akademikong pagsulat. Karaniwan,
pinagtitibay ng isang dokumento ang ga
kuro-kuro o mga posisyong iniharap
gamit ang ebidensya mula sa malawak at
obhetibong talakayan ng naturang paksa.
Pinakapaki-pakinabang ang mga posisyong
papel sa knteksto kung saan mahalagang
nakadetalye ang pag-unawa ng pananaw ng
isang entidad; sa gayon, karaniwan itong
ginagamit sa kampanya, organisasyong
pamahalaan, sa mundo ng diplomasya, at sa
mga pagsisikiap baguhin ang mga kuro-
kuro at branding ng mga organisasyon.
Mahalaga itong bahagi ng proseso ng
United Nations Model.
Sa pandaigdig batas ang mga
terminolohiyang ginagamit para sa isang
posisyong papel ay aide-Memorie. Ang
aide-Memorie ay isang memorandum na
naglalahad ng maliliit na punto ng isang
iminumungkahing talakayan o
dipinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo
na sa mga di-diplomatikong
komunikasyon.
2. Magsagawa ng
panimulang
pananaliksik hinggil
sa napiling paksa
3. Bumuo ng thesis
statement o pahayag
ng tesis
4. Subukan ang
katibayan o kalakasan
ng iyong pahayag ng
tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa
pangangalap ng mga
kakailanganing
ebidensya.
6. Buoin ang
balangkas ng
posisyong papel
I. PANIMULA
A.Ilahad ang paksa
B. Magbigay ng maikling paunang
paliwanag tungkol sa paksa at
kung bakit mahalaga itong
pagusapan.
C.Ipakilala ang tesis ng posisyong
papel o iyong Stand o posisyon
tungkol sa isyu.
II. PAGLALAHAD NG COUNTER
ARGUMENTONG TUMUTUTOL O
KUMUKONTRA SA IYONG TESIS
A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong
tesis.
B. Ilahad ang mga kinakailangang
impormasyon para mapasubalian ang
binanggit na counter argument.
C. Patunayang mali o walang katotohanang
mga counter argument ng iyong inilahad
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay
ang iyong ginawang panunuligsa.
III. PAGLAHAD NG IYONG POSISYON
O PANGANGATWIRAN TUNGKOL SA
ISYU
A. Ipahayag o ilahad ang unang punto
ng iyong posisyon o paliwanag
*Ilahad ang iyong matalinong pananaw
tungkol sa unang punto,
*Maglahad ng mga patunay at
ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang
punto ng iyong posisyon o ipaliwanag
*Ilahad ang iyong matalinong pananaw
tungkol sa ikalawang punto
*Maglahad ng mga patunay at
ebidensya sa hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong
punto ng iyong posisyon o ipaliwanag
*Ilahad ang iyong matalinong pananaw
tungkol sa ikatlong punto
*Maglahad ng mga patunay at
ebidensya sa hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.
Upang higit na maging
matibay ang iyong
pangangatwiran o posisyon,
sikaping maglahad ng tatlo o
higit pang mga puntos tungkol
sa isyu.
IV. KONGKLUSYON
A. Ilahad muli ang iyong
argumento o tesis
B. Magbigay ng mga plano ng
gawain o plan of action na
makakatulong sa pagpapabuti
ng kaso o isyu.
Ang pinakamabisang at
pinakasimpleng paraan ng
pagwawakas ng posisyong
papel ay sa pamamagitan ng
muling pagbanggit sa tesis sa
ibang paraan ng paglalahad
nito at pagtatalakay sa mga
magiging implikasyon nito.

You might also like