You are on page 1of 8

lOMoARcPSD|10717446

Aralin 7 Posisyong Papel

Basic Education (Colegio San Agustin – Bacolod)

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by mommie aj and evan's journey (vanessaflorfrancisco@gmail.com)
lOMoARcPSD|10717446

La Consolacion College
(Formerly: Sacred Heart Academy)
Bais City, Negros Oriental
FILIPINO SA PILING LARANGAN
MODYUL SA FILIPINO
Inihanda ni: Bb. Baby Mae Veriña

09365729366
ARALIN 7 POSISYONG PAPEL

Pamantayang Pangnilalaman: Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating


akademiko
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na
nakabatay sa pananaliksik
Layunin ng pagkatuto:

 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng


mga binasang halimbawa. CS_FA11/12PB-0m-o-102
 Makasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng Posisyong Papel.
 Matukoy ang kahalagahan ng pagsulat ng Posisyong Papel
 Makasulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang Posisyong Papel

Pangalan: Baitang:

Petsa: Iskor:

PANIMULANG GAWAIN:
Humanap ng iyong kapareha at makipagdiskuyon sa isa pang magkaparehang kaklase
tungkol sa mga paksa sa ibaba. IBAHAGI SA BUONG KLASE ANG IYONG NABUONG
DISKUSISYON. (ORAL)
Pumili lamang ng isa:
1. Anti-Terror Bill
2. Mass Testing
3. Academic Freeze

Downloaded by mommie aj and evan's journey (vanessaflorfrancisco@gmail.com)


PAGTALAKA

POSISYONG PAPEL
Ayon kay (Austero, et al., 2018), dinidesenyo ang posisyong papel upang sabihin ang
posisyon ng tao, grupo o organisasyon sa isyu. Maaaring ang isyu ay lokal, nasyonal,
internasyonal. Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang
katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng
magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mda tao (Juan, 2019).
Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na pumanig sa
pinaniniwalaan ng awtor. Mahalagang makita ng mga mambabasa na katanggap-tanggap at
may katotohanan ang sinasabi ng awtor.

GAOD-KAISIPAN

Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo ng Paninindigan sa Posisyong Papel


Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng
mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at mga
katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o
katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina
lamang, upang mas madaling itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat
silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
Maraming dahilan kung bakit makabuluhang sumulat ng posisyong papel. Sa panig ng
may-akda, nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim ang pagkaunawa
niya sa isang tiyak na isyu. Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng datos, organisahin
ang mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o usapin. Sa
pamamagitan din ng posisyong papel, naipakikilala niya ang kaniyang kredibilidad sa komunidad
ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.
Mahalagang pagtuunan ang dalawang salitang paulit-ulit na gagamitin sa araling ito
katuwiran at paninindigan. Mas magandang gamitin ang katuwiran kaysa sa argumento; ang
paninindigan kaysa sa posisyon. Ang salitang katuwiran ay maaaring galing sa salitang tuwid na
nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos, may direksiyon, o layon. Ang paninindigan naman
ay maaaring galing sa tindig na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at
maaari ding pagiging tama. Mayaman ang kahulugan ng mga salitang katuwiran at paninindigan
sa konteksto ng wika at kulturang Pilipino. Muli nitong pinatutunayan ang kahalagahan ng
paggamit pambansang wika sa diskursong Filipino.

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Tiyakin ang paksa
May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una
puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa,
puwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
Sa una, karaniwang ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa isang
napapanahong usapin na pinagtatalunan, Halimbawa, ang legalisasyon ng marijuana. Noon,
hindi sumagi sa isip ng marami na gawing legal ang paggamit nito. Ngunit nang matuklasan ang
medikal na benepisyo ng marijuana, nagkaroon ng dalawang makatuwirang panig sa isyu. Sa
isang panig, naroon ang mga magulang at simbahan na di pabor sa legalisasyon ng paggamit ng
marijuana. Sa kabilang banda naman, naroon ang mga magulang din ng mga may malubhang
karamdaman at ilang doktor na pabor sa legalisasyon. Maaaring sumulat ng posisyong papel
para suportahan ang alinman sa dalawang panig at sumangkot sa kasalukuyang debate tungkol
sa usapin.

Sa pangalawa, maaari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod ng isang napansing
problema sa kagyat na kapaligiran o lipunan, Halimbawa, ang pagbabalik ng death penalty.
Maaaring hindi naman ito mainit na pinagtatalunan, pero kung may nakapansin na lumalala na
naman ang krimen sa lipunan, maaaring pasiglahin ang pagtatalo hinggil sa pagbuhay ng
parusang kamatayan. Hindi man ito talaga pinagtatalunan sa kasalukuyan, maaari pa ring
bumuo ng posisyong papel para lamang ipaliwanag ang magkasalungat na posisyon tungkol sa
death penalty, gayundin ang posisyon ng may-akda tungkol dito.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang
isyu, maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtatanong tanong nhg opinion sa mga taong may
awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkakaunawa sa usapin. Sikaping maging bukas muna
ang isip para makabuo ng matalino at ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para
mapalalim ang pagkaunawa makatuwirang posisyon. Iwasan munang kumiling sa isang panig na
maaaring humadlang para makita ang iba't ibang pananaw sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang
dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan
para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. Maaari ding pagtapat-tapatin ang
bawat katuwiran at kontra-katuwiran makita kung alin ang walang katapat o hindi pa nasasagot.
Tandaan na hind pahabaan ng listahan ng katuwiran. Kailangan pa ring timbangin ang bigat at
halaga bawat isa. Batay sa paglilista at pagtitimbang, bumuo ng sariling paninindigan.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Matapos matiyak ang sariling paninindihan sa isyu, maaaring magsagawa ng mas malawakan
at malalimang saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring pagtuunan na ang mga
katuwiran para sa panig na napiling panindigan. Maaaring sumangguni sa mga aklat at
akademikong journal. Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang
pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan, NGO,
pribadong organisasyon, pahayagan, at magasin upang makapagtampok ng napapanahon mga
datos o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas
Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksiyon ng
pagsulat ng posisyong papel. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na huwaran:
• Introduksiyon
Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maaari na ring banggitin
dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.
• Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
Isa-isang ihanay dito ang mga katuwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag nang bahagya ang
bawat katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng katuwirang ito---mga
dokumento, memorandum, interbyu, at iba pa.
• Mga Sariling Katuwiran
Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran
ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito, maaari ding magbigay ng iba pang katuwiran kahit
wala itong katapat. Sa gayon, maipakikita ang kalamangan ng sariling paninindigan.
• Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay dito
ng karagdahang ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran.
• Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang
pinakamabuti at pinakakarapat-dapat.
Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos
Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling pahayag ang paninindigan.
Sikaping gawing maikli, malinaw, at madaling tandaan ang mga huling pahayag na ito. Maaari
ding dito sabihin ang mungkahing pagkilos na hinihikayat sa babasa ng posisyong papel.
(Isang halimbawang huwaran lang ito. Maaaring subukan ang iba pang paraan ng pagsasaayos
ng posisyong papel.)
6. Sulatin ang posisyong papel
Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel. Kailangang
buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa
mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinasabi sa posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at
awtoridad sa usapin. Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

7. Ibahagi ang posisyong papel


Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaaring magparami
ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao,
ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at iba
pang daluyan. Maaari ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming
mambabasa.

LAYAG-DIWA
Basahin ang sumusunod na halimbawa ng isang posisyong papel.
Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman 18 Hunyo 2014
1. Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas matinding
tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang Filipino sa General
Education Curriculum ng Commission on Higher Education (CHE pamamagitan ng ipinalabas
na CHED Memorandum Order No, 20, Series of 2012 Naniniwala kaming ang panukala ng
CHED Memorandum Order No. 20, Serie 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa
kasaysayan, karunungan, at diwa ng mga Filipino. kasarinlang mahabang panahong
ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.
2. Narito ang aming batayan.
3. Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo.
Ang pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa ingles o Filipino ay
mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunit ang wikang Filipino,
inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo,
departamento, mga guro at mag-aaral, gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob at labas
ng akademiya. Ang kunwa'y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa
Filipino at Ingles ay likha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking
posibilidad ng pagpil sa Ingles dahil ito ang inimaheng "wika ng edukado” at "wikang susi ng
kaunlaran.”
4. Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong
dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang ang Filipino,
kahanay ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala ng ganitong
pagtingin ang integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng karunungan at isa
ring paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon, nag-aambag sa
pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.
5. Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang
pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan.
6. Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang wikang
pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa
maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970,
yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang
pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan-maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba't
ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan
gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika, Isa sa
mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang intelektuwalisasyon nito, Resulta ito
ng paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga
pinuniang kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior
high school ang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa
ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga
diskursong panlipunan sa iba't ibang disiplina.
7. Ang wikang Filipino ay identidad ng Filipino, Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Dahil
nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikalat di-pisikal na daigdig, hindi lamang usapin
ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka-Filipino. Sasaklawin
ng sabjek na Filipino ang ibat ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino na
magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad. Ito ang magiging
matibay na pundasyon ng mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa mabilis na
pagbabago ng kaayusang global ngayon.
8. Ang wikang Filipino ay susi ng kaalamang bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang
lokal - mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa
akademiya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng
dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas
tersiyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing
kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga
mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng
serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at
makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang
kaalaman.
9. Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng
karahasang pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at
kabihasnang tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag. Ang pagsisikap ng ating mga
ninuno sa pagkilala sa galing at integridad ng lahing Filipino ay mapapalis kung hindi ito
maipakikilala sa wikang nakauunawa ng pasakit at pakikipagsapalarang ibinuwis nila,
makamit lamang ang kasarinlan.
10.Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa nating
pagkilala sa wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang karunungang
matalas at nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Nasa wikang Filipino ang
karunungang makapagtutulos ng pagka-Filipino sa mabilis na nagbabagong daigdig.
11.Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education na
pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan at
tungkulin bilang Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing kasangkapan
para matamo ito-ang wikang Filipino ay buburahin ng institusyon na dapat sana'y
nagtataguyod at pumapanday nito.
12.Kaya kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino, kasama na
kaming mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang nagmamahal sa wika at
kaalamang Filipino ay naninindigang dapat ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa antas
tersiyarya.
13. Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!
14.Ibasura ang CHED Memorandum Order No. 20, Series of
2013!

Constantino,Zafra (2016),Filipino sa Pling Larangan (Akademik), Rex Book Store

Pangalan: Baitang:

Petsa: Iskor:
PANGALAWANG GAWAIN:

PANUTO: Suriin ang posisyong papel. Isaalang-alang ang mga sumusunod na gabay sa
pagsusuri.
1. Ano ang paksa o usapin ng posisyong papel?

2. Sino ang may kataliwas na paninindigan?

3. Ano ang paninindigan ng sumulat ng posisyong papel?

4. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para suportahan ang paninindigang ito?

5. Sa palagay mo, sapat ba ang paliwanag sa bawat katuwiran para paniwalaan ito?

6. Alin sa mga gabay sa Gaod-Kaisipan ang nasunod at di-nasunod sa halimbawang ito?

PANGWAKAS NA GAWAIN: DAONG-KAMALAYAN

Gawaing-pangkat:
Bumuo ng mga pangkat na may tatlo hanggang apat na miyembro bawat isa. Pagkasunduan
sa pangkat kung anong usapin ang nais gawan ng posisyong papel. Pagkatapos, sumulat ng
posisyong papel batay sa ipinaliwanag na mga hakbang sa Gaod-Kaisipan. Sikaping
maisakatuparan ang plano.

Pumili lamang ng isa:


1. Anti-Terror Bill
2. Mass Testing
3. Academic Freeze
4. Online Class

Sundin ang pormat na:


 Short bond paper  1.5 spacing
 Arial 12  Normal margin

You might also like