You are on page 1of 1

Department of Education

Region V-Bicol
Schools Division Office
Tabaco West District A
BUHIAN ELEMENTARY SCHOOL
Buhian Tabaco City

Banghay- Aralin sa EPP IV


Hulyo 06, 2018

 Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang ornamental
bilang isang gawaing pagkakakitaan

 Pamantayan Sa Pagganap

 Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani at pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa


masistemang pamamaraan
 Pamantayan sa Pagkatuto
 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim
pagdidilig,pagbubungkal ng lupa, paglalagay ng abono, paggawa ng abonong organiko atbp
(EPP4AG-0e-8)

I. Layunin
A. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo o pagtatanim ng mga halamang ornamental
B. Naipapakita rin ang tamang paghahanda ng taniman

II. Nilalaman
Paksa: Pagpaparami ng Halamang Ornamental
Pagpapahalaga: kahalagahan ng wastong paraan ng pagpaparami ng halaman

III. Kagamitang Panturo


Masayang Paggawa , Maunlad na Pamumuhay pp 46-51
larawan at tsart

IV. Pamamaraan
A. Pagganyak
Sino ba sa inyo ang mahilig magtanim? Paano ninyo ba inaalagaan ang inyong pananim?
B. Paglalahad
 Ang guro ay mayroong ipakikilalang panauhin na magtuturo sa mga mag-aaral ukol sa
wastong pangangalaga sa mga pananim.
 Ipakikilala ng guro si Gng. Analiza Botor.
D. Pagpapalalim ng Kaalaman
 Pagtuturo ng panauhin ng tamang pangangalaga sa mga pananim
 Pagsasagawa ng tamang pangangalaga sa mga pananim
 Pagkatapos, tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang natutunan sa panauhin.
E. Paglalahat
Paano ang wastong pangangalaga sa mga pananim?
F. Pagtataya
Isasagawa ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan ukol sa wastong pangangalaga sa mga
pananim.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

You might also like