You are on page 1of 1

Mary Angel Diana Jamon

BSSW 1-C
MODYUL 6
7Nalulong sa K-Pop ang kabataan ni Rizal

Sa pagdodota animo’y mga hangal


Politika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.

Saknong 7 : Interpretasyon

Sa kasulukuyan, nabubura na ang kulturang kinagisnan ng ating mga magulang o ang mga
nakagawiang kultura ng mga Pilipino. Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan? Kung ibang
kultura ang pinag-aaralan at siyang tinatangkilik, pinapahalagahan pa rin ba nila ang kanilang
bayan?
Ang mga kabataan ay nahuhumaling na sa kulturang banyaga at mistulang adik sa
paglalaro ng online games. Hindi maikakaila na nagbibigay ito sa kanila ng kasiyahan at libangan
ngunit karamihan sa kanila ay nagwawaldas ng pera para sa kpop merchandise at pag gastos sa
computer shop upang maglaro nang pagkahaba habang oras. Ang kanilang pera at oras ay
naisasantabi at ang kailangang gawin ay nakakaligtaan. Ang iba pa ay isinasabuhay na ang
kultura ng kanilang mga iniidolo. Sa pagdodota animo’y mga hangal, kadalasan ay nag uugat ito
ng pakikipag-away sa mga makakatungali, hindi mawawala ang ‘trashtalk’ ng magkabilang
kupunan na siyang pinagmumulan ng away. Ang pagkakahumaling sa laro at kpop ay
nagkakaroon ng epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag iisip at pag uugali.
Nawawala rin ang kanilang konsentrasyon sa pag-aaral.
Nawa’y pagyamanin natin ang bayan at kulturang ipininaglaban ng ating mga bayani,
huwag kalimutan na isinakripisyo nila ang kanilang buhay upang maging malaya ang ating bayan
kaya’t huwag tayo papaalipin ulit sa kulturang banyaga. Hindi naman masama ang pagkilala sa
kultura ng iba ngunit huwag sana nating kaligtaan ang sariling atin, ang ating kultura at ang ating
wika na sumasalamin sa ating pagkatao.

You might also like