You are on page 1of 2

“Wala Kang Katulad”

“If you want something, work for it.”Ako ay may kilalang


tao na itinuturing bilang isang hagdan, patungo sa magandang
kinabukasan. Siya ay isa sa mga nagbibigay susi upang
makamit namin ang aming mga makukulay na pangarap.
Tinutulungan niya kami kung paano umakyat at para mabuksan
ang pintuan para sa magandang haharapin.

Itinuturing din namin siya bilang aming pangalawang


magulang, dahil halos lahat ng oras namin, siya ang aming
kasama. Nagbubunyag din siya ng mainit na pagmamahal at
bukas palad na mga kamay. Ginagabayan niya rin kami tulad
ng tunay naming magulang. Istrikto nga siya minsan ngunit
naibabahagi naman niya nang maayos ang kaniyang mga
aralin at minsan naman napapatawa niya kami sa
pamamagitan ng pagpapa-ulan niya ng mga mabubulaklak na
biro. At higit sa lahat binibigyan niya kami ng mga asignatura
na kaya naman naming gawin at tapusin. Kung may problema
man tungkol sa mga kompyuter o teknolohiya, siya ang aming
nilalapitan.

Mahalaga ang kaniyang ginagampanan sa pang-araw-


araw naming buhay, sapagkat, siya ang kahawak namin
patungo sa landas papuntang, maginhawa, makulay, at
maliwanag na umaga. Siya ay naniniwala sa kasabihang “Kung
gusto mo ang isang bagay, pagtrabahuan mo.” Ito ang
kaniyang pinanghawakan sa pagtupad ng kaniyang pangarap
na sa kahit anong hadlang, hindi niya ito binitawan. Siya ay
isang gurong lalaki sa paaralang Vigan National Highschool
West. Siya ay dalawang pu’t walong taong gulang. Ipinanganak
noong oktubre 26 1994. Nakatira siya sa Bulala Centro Vigan
City. Hawak niya ang subject na ICT. Sino kaya siya?
Kasama pa rin sa buhay ang pagkakaroon ng inspirasyon,
kaya hinding-hindi rin mawawalan ng inspirasyon si,Sir! Siya
lang naman ang isa sa mga pinakamagandang guro at
pinakamagaling na magtuturo sa paaralan ng Vigan National
Highschool West. Siya ay si gurong Maricor Anyog.

Walang katulad na guro si, Sir. Sapagkat siya lang naman


ang nag-iisang Edison Jimenez Palacpac.
By: Joan Ujerio and Roxanne Maligsa

You might also like