You are on page 1of 9

KOMUNIKASYON REBYUWER SA

PINAL NA MAHABANG PAGSUSULIT


1. Isa sa mga layunin ng bansa ay ang pagpapayabong ng kurikulum sa iba’t ibang
antas ng edukasyon, alinsunod nito ay ang patakarang paggamit ng iba’t ibang wika.
Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi ng WASTO hinggil sa sitwasyong
pangwika sa edukasyon?
- Wikang Filipino at Ingles ang pangunahing ginagamit sa lahat ng antas.
- Kinakailangan aralin ng lahat ng kurso sa kolehiyo ang ibang wika katulad ng
Nihonggo at Mandarin.
- Ang Filipino ay ibinaba na lamang sa Senior High School at inalis nang tuluyan sa
kurikulum ng kolehiyo.
- Itinuturo ang Mother Tongue mula kinder hanggang baitang 3, itinuturo naman sa
susunod na baitang ang Filipino at Ingles.*

2. Ang wika ay nagiging dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya at kalakalan mula sa


mga kompanya hanggang sa pagpapakilala ng kanilang mga produkto sa telebisyon
at social media. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi ng WASTO hinggil sa
sitwasyong pangwika sa kalakalan?
- Gumagamit ng iba’t ibang wika katulad ng Nihonggo at Mandarin.
- Filipino ang gamit sa pagbebenta ng produkto at sa mga patalastas ng mga
naturang kompanya upang maakit ang mga mamimili.
- Gumagamit ng Code switching at nananatiling Wikang Filipino ang kanilang mas
ginagamit sa loob at labas ng kanilang kompanya.*
- Wikang Ingles ang mas higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking
kompanya at korporasyon lalo na sa mga pagmamay-ari ng mga dayuhan.

3. Sa paggamit ng social media platforms kalimitang Ingles-Filipino ang ginagamit.


Ito ay pagpapalit-wika na madalas gamitin o maging suliranin na rin sa
pakikipagkomunikasyon, ano ang tawag sa paghahalinhinan ng gamit ng dalawang
wika sa isang diskurso o usapan?
- Lingua franca - Kulturang Popular
- Code switching* - Sitwasyong Pangwika

4. Ang mga pahayag sa ibaba ay dahilan kung bakit nananatiling lingua franca ang
Wikang Filipino sa telebisyon (teleserye, dokumentaryo, gameshow, noontimeshow,
dokumentaryo, patalastas atbp) MALIBAN sa isa.
- Dahil ito rin ay nagsisilbing libangan ng mga Filipino
- Pilipino ang pangunahing tumatangkilik at nanunuod
- Gusto ito ng mga artista at istasyong gumagawa ng mga palabas.
- Upang mas madaling maunawaan at tangkilikin ng mga mamimili o manunuod.*
5. Ang pahayagan ay bahagi na ng ating buhay, kadalasang binabasa at ginagamit
ito ng nakatatanda, may dalawang uri ng pahayagang gumagamit ng wikang Ingles
at Filipino. Ano ang tawag sa pahayagang ang midyum ay Ingles, mas mataas ang
presyo at hindi pang masa?
- Broadsheet* - Magasin
- Komiks - Tabloid

6. Paunti ng paunti ang bumibili sa mga pahayagan dulot na rin ng pag-unlad ng


teknolohiya, ngunit ang ilan ay patuloy na tinatangkilik ang pahayagang Pilipino.
Ano ang tawag sa babasahing pang masa, mura at ang mga salitang ginagamit ay
iba’t ibang barayti ng wikang Filipino?
- Broadsheet - Magasin
- Komiks - Tabloid*

7. Wikang Filipino pa rin ang lingua franca sa telebisyon, radyo, diaryo, at pelikula
gayundin sa mga tabloid sa ating bansa. Sa kulturang popular naman katulad ng
fliptop, hugot lines at pick-up lines ay Filipino pa rin ang madalas gamitin. Ano ang
ibig sabihin ng salitang lingua franca?
- Tinatangkilik ng manunuod
- Pangunahing ginagamit ng mga estasyon
- Ginagamit at nauuunawaan ng karamihan*
- Pangalawang wika na gamitin bukod sa Ingles

8. Ang pelikula ay bahagi na ng ating kultura ito rin ay pagpapakita ng pag-unlad ng


wika. Sa anong pelikula nakilala ang mga linyang “She loved me at my worst. She
had me at my best, at kahit isang beses, hindi niya binalewala ang lahat… And she
never chose to break my heart.”?
- Milan - One More Chance*
- My Amnesia Girl - Starting Over Again

9. Naging bahagi na sa buhay nating mga Pilipino ang panunuod ng pelikula at dula.
Ito ay nagpapakita ng lingguwistiko at kultural na antas ng ating bansa. Ang mga
pahayag sa ibaba ay wasto hinggil sa sitwasyong pangwika sa pelikula at dulang
Pilipino MALIBAN sa isa.
- Kadalasan ang wika ay nagiging impormal at hindi sumusunod sa pamantayan*
- Madalas tayong makaririnig ng inimbentong salita na nakasanayang gamitin na ng
karamihan
- Wikang Filipino pa rin ang kadalasang ginagamit ngunit minsan ang pamagat ay
nakasulat sa wikang Ingles
- Tinatangkilik na ng karamihan kung ang mga pelikula mula sa ibang bansa ay
ipalalabas na sa estasyon gamit ang orihinal nitong wika
10. Isa si Vice Ganda sa mga karakter ng sikat na pelikula tuwing pasko o tinatawag
ding MMFF na binubuo ng mga pelikula mula sa mga sikat at kilalang director at
artista. Ang mga salitang keri, sinetch itech, at unkabogable ay ilan lang sa mga
salitang ginagamit sa kaniyang pelikula, ano ang tawag sa mga ito?
-Dayalek -Gay Linggo*
-Sosyolek -LGBTQ language

11. Ang paggamit ng iba’t ibang barayti ng wikang Filipino ay nakatutulong sa pag-
unlad nito ngunit kinakailangang alam natin kung saan dapat lamang ito gamitin.
Aling pahayag ang WASTO hinggil sa kahalagahan ng pagsussuri ng wika sa mga
pelikula at dulang Pilipino?
- Upang maintindihan ang pelikula at dula
- Maiiwasan ang maling enterpretasyon sa kahulugan ng bawat pahayag
- Maitatama ang iba kung sakaling iba ang kanilang pag-unawa sa wika at sa
pelikula o dula
- Mas maiintindihan natin ng barati ng wikang Filipino at matutukoy natin kung
saang sitwasyon lamang nararapat itong gamitin*

12. Karaniwang paksa na ng mga pelikula ay ang buhay ng mga tao, gayundin ang
mga kilalang bayani ng ating bansa. Sa anong pelikula nakilala ang mga linyang
“Bayan o sarili, pumili ka.”?
- Supremo - Rizal sa Dapitan
- Heneral Luna* - Bonifacio: Ang Unang Pangulo

13. Ang mga pelikulang Pilipino ay nagpapakita ng ating kultura at wika kaya naman
ang ilan sa pelikula ay kilala rin sa iba’t ibang bansa. Sa anong pelikula nakilala ang
mga linyang “Am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?... Then, why?!”
- She’s the One - Just the Way You Are
- My Ex and Whys* - Every day I Love You

14. Ang pelikulang Pilipino ay patuloy na umuunlad kaya naman ang mga linya rito
ay kumikintal sa isipan ng mga Pilipino. Sa anong pelikula nakilala ang mga linyang
“Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako
because that is what I deserve."?
- The Hows of Us - Hello, Love, Goodbye
- Crazy Beautiful You - Barcelona: A Love Untold*

15. Nak, pakidala nga rito sa aking mesa ang mga banghay-aralin, class record at
Form 138 ninyo,” utos ng guro. Ang mga terminong nabanggit ay saang kabilang na
disiplina?
- media - abogasya - enhinyera -pagtuturo*
16. Lumabas na nakakain na ng dumi ang bagong panganak na sanggol. Inilagay
siya sa inkyubeytor at binigyan ng isang linggong antibiotic upang mawala ang
impeksyon sa loob ng katawan. Ang mga teknikal na salitang nabanggit ay saang
kabilang na larangan?
-Negosyo -medisina* -abogasya -enhinyera

17. Naghain ng mosyon ng rekonsiderasyon ang akusado upang ilatag ang kaniyang
mga ebidensiya nang sa gayon ay maabswelto siya sa kasong inihain sa kaniya ng
naghahabla. Ang mga terminong nabanggit ay saang kabilang na disiplina?
- abogasya* - enhinyera - medisina - negosyo

18. Nagpost ang aking kaibigan sa kaniyang Facebook account dahil sumali ang
kaniyang kapatid sa patimpalak. Pusuan ko raw at i-like ang larawan saka i-share sa
iba. Ang mga teknikal na salitang nabanggit ay saang kabilang na larangan?
- abogasya - enhinyera - pagtuturo - social media*

19. Para sa mga plantito at plantita, maraming bagong labas na mga pothos at
aglaonema sa Cartimar. Mura lang mabibili ang mga ito. Saang kabilang na larangan
ang salitang may salungguhit?
- abogasya - agrikultura* - edukasyon - medisina

20. May mga bagong labas na ng cellphones, laptop, at computer na higit na mas
mataas ang ROM/Ram o ang specs nito kaya lubos na makatutulong sa mga mag-
aaral at sa negosyon. Ang mga jargon na salitang nabanggit ay saang larangan
kabilang?
- agham - edukasyon - teknolohiya - social media*

21. Isa ang social media sa plataporma na nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit ng wika mula sa mga posts, memes, captions, at komento ng mga tao. Ano
ang wikang gamitin pagdating sa social media?
-Ingles -Filipino - Code Switching* -Foreign Languange

22. Madalas din nating mabasa ang hugot lines at pick-up lines sa social media
platform at isa ito sa anyo ng wika na nagpapakita ng pag-unlad at pagbabago. Ano
ang wikang karaniwang ginagamit sa pick-up lines at hugot lines?
- Taglish* - Lingua Franca
- Filipino - Iba pang wika o diyalekto

23. Ang panunuod sa telebisyon ay nakatutulong sa ating pagkatuto hinggil sa


angkop na paggamit ng salita. Ang mga palabas sa telebisyon ay maaari na ring
mapanuod sa social media kaya naman mahalaga ang mapanuring pag-iisip sa
wastong gamit ng mga salita. Ano ang mali sa pahayag na “Isang libong piso pa din
ang natanggap ng mga magsasaka sa kanilang produkto.”?
- Din* - ng mga - kanilang - Isang libo
24. Mahalagang masuri natin ang tamang paggamit ng mga salita sa social media
at telebisyon upang mas maayos ang komunikasyon at pag-unawa sa mga
mensahe. Ano ang mali sa pahayag na “Nagmamadaling lumabas sa pinto ang
babae.”?
- pinto* - ang babae
- Lumabas - ang babae Nagmamadali

25. “Dalawang bangkay, pinatay daw sa Cavite.”, pahayag mula sa telebisyon na


nagbabalita. Ano ang mali sa pangungusap?
- Sa Cavite
- Paggamit ng daw*
- Wala sa nabanggit
- Dalawang bangkay na pinatay

26. Mahalagang matutuhan ng bawat mag-aaral ang kakayahang pangkomunikatibo


at ang kahusayang gramatikal ang nangunguna rito. Maraming mga termino ang
kailangang aralin at higit na dapat itong maisagawa sa paraang pasulat o pasalita.
Anong termino ang naaayon sa mga tuntunin ng wika na tumutukoy sa kakayahan
ng tao na umunawa at bumuo ng istruktura ng wika batay sa mga tuntunin ng
gramatika?
- Lingguwistik* - Morpolohiya - Semantika - Ponolohiya

27. Ang morpema ay pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.


Ito ay maaaring isang salitang-ugat, isang panlapi o morpemang binubuo ng isang
ponema. Ano ang terminong tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng morpema?
- Lingguwistik - Morpolohiya - Semantika* - Ponolohiya

28. Kinakailangan din sa pag-aaral ng gramatika ang pagkilala sa mga kahulugan ng


salita upang mas maunawaan ang bawat pahayag. Ano ang terminong tumutukoy
sa pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika?
- Lingguwistik* - Morpolohiya - Semantika - Ponolohiya

29. Ang ponema ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan


ng salita. Pinag-aaralan din dito ang punto ng artikulasyon tulad ng panalabi,
pangngipin, panggilagid, pangngala- ngala, velar at glottal. Anong termino ang
tumutukoy sa pag-aaral ng ponema?
- Lingguwistik* - Morpolohiya - Semantika - Ponolohiya

Para sa bilang 30-33.

“Sa isang shopping center sa Cebu sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog


Festival, may dalwang turistang tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang
dalawang turista sa isang mamimili kung saan sila makakukuha ng taxi
papuntang Basilica Del Santo Nińo.”
30. Ayon kay Dell Hymes, kailangang isaalang-alang ang akronim na SPEAKING
upang maging mabisa ang komunikasyon. Batay sa pahayag saan naganap ang
usapan (Setting)?
- Pamilihan - Sa loob ng taxi*
- Sinulog Festival - Shopping center sa Cebu

31. Kinakailangang maintintihan ng nagsasalita at nakikinig ang paksa ng pinag-


uusapan. Batay sa pahayag sa itaas ano ang paksa ng usapan (Norms)?
- Pagbili ng souvenir* - Pagpunta sa Basilica
- Pagtatanong ng direksyon -Saan makakukuha ng masasakyang taxi

32. Sa bawat diskurso ay mayroong tagapagsalita at tagapakinig. Batay sa pahayag


sa itaas, sino ang nag-uusap (Patticipants)?
- Mamimili at tindera - Turista at mamimili*
- Turista at taxi driver - Mamimili at taxi driver

33. Ang bawat pakikipagkomunikasyon natin sa kapwa ay may tiyak na layunin


upang maisakatuparan ng maayos ang komunikasyon. Ano ang layunin o hangarin
ng usapan sa pahayag sa itaas (Ends)?
- Makahanap ng makakasama sa Cebu
- Makipagkomunikasyon sa iba pang mamimili
- Makahanap ng sasakyan papunta sa isang lugar
- Malaman ng turista kung saan makakukuha ng taxi na sasakyan*

Para sa bilang 34-38.

“Palusot ko lang na pupunta ako sa mall. Ayokong ihatid niya ako sa bahay.
Dahil maliban sa maaawa na naman ako sa mga kapitbahay ko kung paano sila
bubuo ng istorya dahil may magandang kotse na naghatid sa akin, ayoko ring
bukas-makalawa ay kumatok siya sa bahay at magpasama na naman. At least kung
di niya alam ang amin, sa susunod na tawag niya, pwede ko nang sabihing wala ako
sa bahay.”
mula sa It’s Not That Complicated ni Eros Atalia

34. Batay sa pahayag, ayaw ng pangunahing tauhan na _______.


- sumama sa kaibigan - patuluyin ang kaibigan
- ipaalam ang tinitirhan - isama ang kaibigan sa outing*

35. Ano ang iniiwasan ng pangunahing tauhan?


- ipakita ang tahanan - makita sila ng magulang*
- ipakilala sa kaibigan - maging sentro ng usap-usapan

36. Ano ang mahihinuha sa pangunahing tauhan?


- tiwala sa kapwa - pagpapahalaga sa kapwa
- simpatiya sa sarili - suliranin sa pakikipagkaibigan*
37. Ang kakayahang pangkomunikatibo ng bawat isa ay kinakailangang mahasa
upang magamit ito sa pakikipagtalastasan kaya naman marapat na paunlarin ang
kakayahan ng tao sa paggamit ng iba’t ibang diskurso bukod sa kaniyang mga
kaalaman sa wastong gamit ng gramatika ng kaniyang wikang sinasalita o sinusulat.
Anong kakayahang pangkomunikatibo ang tinutukoy sa pahayag?
- Diskorsal* - Linguwistika
- Istratedyik - Sosyolingguwistik

38. Maituturing na mahusay na komunikasyon bukod sa mga sinasabi ay


naiintindihan mo rin ang mga hindi sinasabi ng kausap. Ang wika nga sa wikang
Ingles ay “read between the lines” na maaari mong hindi sabihin ngunit
naiintindihan ka ng iyong kausap. Anong kakayahang pangkomunikatibo ang
tinutukoy sa pahayag?
- Diskorsal - Linguwistika
- Istratedyik* - Sosyolingguwistik

39. _________ Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay sistematiko, kontrolado,


empirikal at kritikal na pagsisiyasat ng isang haypotetikal na proposisyon hinggil sa
isang ipinalalagay na ugnayan sa isang natural na penomena. Ano ang wastong
salitang dapat gamitin sa pahayag?
- Batay sa - Sinabi ni
- Ayon sa - Ayon kay*

40. _________, ang paraan ng pagtuturo ng guro sa literatura at gramatika ay


nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaya naman hinihikayat ang lahat na
muling aralin ang kurikulum at bigyang pansin ang kagamitang pampagtuturo at iba
pang pangangailangan upang maitaas ang kalidad ng edukasyon. Ano ang wastong
salitang dapat gamitin sa pahayag?
- Sapagkat - Sa kabuuan*
- Samantala - Sa kabilang banda

41. Higit na natututo ang mga mag-aaral sa Face-to-face na modality _________ sa


kanilang interaksiyon sa kanilang guro at kapwa mag-aaral, nakatuon ____ ang
kanilang pansin sa pag-aaral sa paaralan at hindi nagiging sagabal ang mga gawaing
bahay. Ano ang wastong salitang dapat ilagay upang maayos na maipahayag ang
mensahe?
- dahil, din* - dahil, rin
- ngunit, rin - sapagkat, din

42. Patuloy ang pagbabagong dulot ng climate change sa ating kapaligiran kaya
madalas ang mga sakuna katulad ng lindol, bagyo, pagguho ng lupa, at iba pa.
________ DOST PAG-ASA dahil sa LPA ay makararanas tayo ng pag-ulan. Ano ang
wastong salitang dapat gamitin?
- Batay sa* - Batay kay - Ayon kay - Sabi ng
Para sa bilang 43-45.
Lebel ng Kasanayan sa Bokabularyo sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Senior
High School
Ang isang malawak na bokabularyo ay palaging isang lubos na pinahahalagahan
na kasanayan sa komunikasyon ng isang tao, dahil isinasaalang-alang na
ipinakikita nila ang katalinuhan, antas ng edukasyon at background ng kultura.
Sa kahulugan na ito, karaniwan na ang isa sa mga isyu na binibigyang diin ng
mga guro ay ang unti-unting pagtaas ng bokabularyo ng kanilang mga mag-aaral.
Mahalaga ang malawak na bokabularyo sa iba’t ibang kasanayan ng bawat mag-
aaral na kanilang mapakikinabangan sa parang pasulat at pasalita hindi lamang
sa paaralan kundi sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Binigyan-diin ni
McCarthy (binanggit ni Gu, 2003) ang bokabularyo sa pagiging isang napakalaking
bahagi ng kahit anong wika, na kapag walang sapat na bokabularyo, ang tao ay
magkakaroon ng problema sa pag-intindi ng kahulugan na inihatid sa kanya.
Bunga ng pagbabago ng panahon at pag-unlad ng pamumuhay ay nababago
rin ang wika dahil dito nagkaroon ng ideya at pagnanais ang mananaliksik na
saliksikin at alamin ang lebel ng bokabularyo ng mga mag-aaral sa Senior High
School nang sa gayon ay maitaas ang lebel ng bokabularyo ng mga mag-aaral na
nagsisilbing pundasyon sa maayos at malinaw na pakikipagtalastasan sa paraang
pasalita at pasulat hindi lamang sa paaralan kung hindi pati na rin sa kanilang
pamumuhay.
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa lebel ng kasanayan sa bokabularyo ng
mga mag-aaral, salik na nakaaapekto rito, mga hakbang upang maitaas/mapabuti
ang ang lebel ng bokabularyo
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang lebel ng kasanayan sa
bokabularyo ng mga mag-aaral sa Senior High School, gayundin ang pagtukoy sa
mga salik na nakaaapekto rito at magkaroon ng mga posibleng solusyon upang
maitaas ang antas na ito.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral, guro, paaralan upang
mas maintindihan ang antas ng kasanayan ng bokabularyo, kahalagahan nito sa
pakikipagtalastasan at mga salik na nakaaapekto rito upang magkaroon ng
kaalaman hinggil din sa posibleng solusyon upang mapataas ang antas ng
kamalayan at kaalaman.

43. Ano ang pangunahing paksa ng pananaliksik sa itaas?


- Lebel ng kasanayan sa bokabularyo
- Kahalagahan ng bokabularyo sa pagkatuto
- Kasanayan ng bawat mag-aaral sa paraang pasulat at pasalita*
- Pananaliksik na makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral

44. Ano ang layunin ng pag-aaral?


- Malaman kung epektibo ba ang kurikulum sa antas na ito ng edukasyon
- Matukoy ang lebel ng kasanayan ng bokabularyo ng mga mag-aaral sa SHS*
- Upang alamin ang mga epektibong kaparaanan sa pagtuturo sa SHS
- Alamin kung may kinalaman ba ang lebel ng kasanayan sa bokabularyo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral
45. Sino ang magbebenepisyo sa pag-aaral na ito?
- Paaralan - Mag-aaral at Guro
- Mananaliksik - Lahat ng nabanggit*

Para sa bilang 46-50. Isalin sa pangungusap ang mga petsa sa ibaba.

Halimbawa:
1. December 15, 2023 = Ika-labing lima ng Disyembre taong dalawang libo’t
dalawampu’t tatlo.
2. 1997 = Isang libo siyam naraan siyam na pu’t pito.

46. January 01, 2024 (Enero isa taong dalawang libo’t dalawang pu’t apat
47. 2017 (Dalawang libo’t labing pito)
48. December 25, 2023 (Disyembre dalawang pu’t lima taong dalawang libo’t
dalawang pu’t tatlo)
49. 2022 (Dalawang libo’t dalawang pu’t dalawa)
50. 1959 (Isang libo syam naraan limang pu’t syam)

You might also like