You are on page 1of 2

“SA MINIMITHING PAGAPAUNLAD NG EKONOMIYA NG BANSA, ANO ANG HIGIT NA

KAILANGAN – INGLES O WIKANG PAMBANSA (FILIPINO)?”

Lakandiwa: Sa ating Guro na si Ginang Pabilona, mga Kalahok at kapwa ko kamag-aral Isang
magandang hapon sa lahat. Ako nga po pala si Raiza Jane Millosa, ang tatayong lakandiwa sa
debating ito. Nandito po tayo upang masaksihan ang pag dedebate ng dalawang Kalahok
patungkol sa paksang “SA MINIMITHING PAGAPAUNLAD NG EKONOMIYA NG BANSA, ANO ANG
HIGIT NA KAILANGAN – INGLES O WIKANG PAMBANSA (FILIPINO)? ” at patunayan ng bawat
kalahok kung ano ang mas higit na kailangan na lingwahe upang umunlad ang ekonomiya ng
bansa. Narito po ang dalawang mag dedebate: Sa panig ng wikang Ingles ay si Bb. Jasmine
Robredillo, sa panig naman ng wikang Pambansa (Filipino) ay si Bb. Maria Nicol Orsal. Simulant
na ang debate! Simulan natin sa Wikang Pambansa (Filipino).

Unang Kalahok (Nicol): Para sa akin ang wikang Pambansa pa rin ang mas higit na kailangan
upang umunlad ang ekonomiya ng ating bansa dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan
bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating
sariling wika lamang ang ating gamitin. Katulad ng ating mga karatig bansa na Japan, Korea,
China at iba na mas pinapahalagahan nila ang kanilang sariling wika kaysa sa wikang Ingles.
Pangalawang Kalahok (Jasmin): Sa aking opinyon mas higit na kailangan ang wikang Ingles sa
pagpapaunlad ng ekonomiya dahil sa kasalukuyang panahon, Hindi natin maipagwawalang
saysay ang kahalagahan ng karunungan sa pagsasalita at pagsusulat ng wikang Ingles dahil
itinuturing itong lingwahe ng globalisasyon o ang lingua franca ng buong mundo. Karaniwan sa
ating mga kapwa Pilipino tumitingin sa angking kagalingan ng iba sa pagsasalita ng Ingles. Para
sa kanila mas matalino at mas nakakamangha ka pakinggan kapag magaling ka sa pagsasalita o
pag gamit ng wikang Ingles.
Unang Kalahok (Nicol): Kahit na Ang Ingles ay “lingua Franca” ng buong mundo, kailangan parin
natin ang pambansang wika. Ang sariling wika lamang ang makapagpapahayag ng tunay na
niloloob at mga emosyon natin. Halimbawa iba na ang magiging resulta kung ang isang
katatawang istorya sa orihinal na wikang sarili ay isasalin at bibigkasin sa Ingles. Dagdag pa, ang
pambansang wika ay makatutulong sa paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na “sense of
belongingness”. Ang mga intsik at hapon ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at
pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ng kanilang wika. At sila ang mas
maunlad na mga bansa kahit na hindi sila marunong ng Ingles.
Pangalawang Kalahok (Jasmin): Mismo ang ating pamahalaan ang nagsasabing kahalagahan ng
mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay maging competitive sa buong mundo. Ginagawa
natin ito sa pagitan ng patuloy na pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lingwahe ng
pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan. Maging ang ating makabagong alabeto ay ibinase
sa Ingles pati ang agham at teknolohiya ay Ingles ang pangunahing wikang ginagamit. Ang
kahalagahan ng wikang Ingles sa pilipinas ay ginagamit sa pakikipag komunika sa iba’t ibang
bansa.
Unang Kalahok (Nicol): Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin sa Ingles, libo-libong
kababayan natin ang nakahanap ng trabaho sa labas ng bansa. Kaya lang, karamihan sa mga
gawain ng mga Pilipino doon ay iyong paninilbihan sa mga dayuhan. Domistic helper, caregiver,
entertainers at mga Nars. Ito ba ang ideya natin sa “competitiveness?” sa aking pananaw ang
tunay na pagiging competitive ay kung tayo ang magiging negosyante, kapitalista,
mangangalakal, teknisyan, may-ari ng paaralan at tindahan at taga pagbenta ng ating mga
produkto sa ibang bansa.
Pangalawang Kalahok (Jasmin): Ngunit hindi rin natin maitatanggi na ang ating mga OFW
maging ang industriya ng BPO o call center sa ating bansa ay ang mga pangunahing industriyang
nag-bibigay ng malaking kita sa ating bansa. Dahil sa maraming Pilipino ang nakakaintindi at
nakakapagsalita ng Ingles marami din ang mga dayuhan na nagkakainteres mamuhunan sa ating
bansa. Maging ang ating torismo ay malago dahil na rin sa wikang Ingles.
Unang Kalahok (Nicol): Sa mahal kong katungali na kapwa ko Pilipino huwag mating kalimutan,
dapat nating isapuso ang ating wikang kinagisnan, ang wikang Filipino. Gamitin nating sandigan
sa pag-unlad at pag asenso.
Pangalawang Kalahok (Jasmin): Hindi ko nakakalimutan na ako ay Pilipino. Mahalaga rin ang
Ingles at yan ay nababatid mo lalo na kung may balak kang magtungo sa ibang bansa. Ang
pangdaigdig na wika ay dapat mong pag aralan.
Lakandiwa: Tama na, sukat na, kayo ay mahuhusay! Ang inyong pagtatalo ay huwag nang
palawakin pa. Sa madlang nanonood ngayon kayo na po ang humusga at magpasiya kung alin
ang mas higit na kailangan na lingwahe upang umunlad ang ekonomiya ng bansa, Ingles ba o
Wikang Pambansa (Filipino)? Kami po ay nag papasalamat sa inyong pakikinig. Muli magandang
hapon sa inyong lahat!

You might also like