You are on page 1of 16

8

Self-Learning Kit in
Filipino
Quarter 2 - Week 1

MILANIE B. CAÑAS
Manunulat
Filipino – Grade 8
Self-Learning Kit
Quarter 2 – Week 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Kit


Manunulat: Milanie B. Cañas
Editor: Andrew Perminoff/Melonie C. Almerez
Tagasuri: Belinda G. Casona
Tagaguhit: John Orven V. Saldaña
Tagalapat: Joel R. Capuyan
Tagapamahala: Leah P. Noveras, Ed.D., CESO VI
Bernadette A. Susvilla, Ed.D., CESO VI
Lilia R. Ybañez
Belinda G. Casona
Reynilda G. Ramoneda
Raymond L. Ceniza
Joel R. Capuyan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Danao City

Office Address: Sitio Upland, National Road, Danao City, Cebu


Telephone No. (032) 262-6211
Telefax: danao.city@deped.gov.ph
E-mail Address: depeddanaocity.com

i
Paalaala sa Mag-aaral

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong kakayahan batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Filipino 8, Quarter 2, Week 1. Ito ay ginawa sa
simpleng paraan para madali mong maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo ng mga
sumusunod na bahagi:

Nakapaloob dito ang gawain na naglalayon na alamin ang


Aking Nalaman iyo nang mga nalalaman sa araling ito

Aking Kasama rito ang mga gawain para mabalikan ang mga
Madudugtong nakaraang aralin at mahanda ka sa bago

Nakabahagi rito ang paglalahad at pagtatalakay sa mga


Aking
konsepto na kailangan mong malaman sa bagong aralin na
Malalaman
ito

Kabilang dito ang mga gawain para sa pansariling


Aking
pagsasanay upang malaman ang iyong natutunan sa bagong
Masusubukan
konsepto

Aking Nakapaloob dito ang kasanayan para masukat ang iyong


Tatayahin kaalaman at pagkaintindi sa mga konseptong nalalaman

Aking
Kasama rito ang mga gawain at pagsasanay na kailangan
Karagdagang
mong gawin para lalo pang mapahusay ang iyong kaalaman
Magagawa

Susi sa Nakapaloob dito ang tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto pagsasanay

Nabahagi rito ang mga pinagkukunan sa paglikha ng Self-


Sanggunian
Learning Kit (SLK) na ito

ii
Lesson Title Talata: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
Learning Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad
Competency sa binasa.
MELC Code F8PB-IIa-b-24

Aking Nalaman

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at Mali naman
kapag hindi. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Ang talata ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay.
2. Ang Pangunahing kaisipan ay kadalasang makikita sa unang pangungusap at
huling pangungusap.
3. Ang pantulong na detalye ay ang mga mahahalagang kaisipan o mga susing
pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
4. Ang pangunahing paksa ay ang sentro o pangunahing tema sa talata.
5. Binubuo ng pangunahing kaisipan at pantulong na detalye ang isang talata.
6. Ang pantulong na detalye ay binubuo ng isang pangungusap na tinatawag na
Paksang Pangungusap.
7. Ang pangunahing kaisipan ay matatagpuan lamang sa unang bahagi ng talata.
8. Taglay ng pantulong na detalye ang mensaheng nais iparating sa talata.
9. Ang pangunahing kaisipan ay nagbibigay linaw sa mensahe o nagsasaad ng
detalye upang higit na maunawaan ng mambabasa ang talata.
10. Sa pagsusulat ng talata kailangang may pangunahing kaisipan o ideya na
nais iparating sa mambabasa.

B. Panuto: Tukuyin kung ang sinalungguhitan ay isang halimbawa ng


Pangunahing Kaisipan o Pantulong na Detalye. Isulat sa patlang ang
konseptong isinasaad ng mga halimbawa.
_________________ 1. Narito ang ilang simpleng hakbang upang matulungan ang
pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan
ang ating sarili, pamilya at mga komunidad. Una, maghugas ng
iyong mga kamay nang madalas gamit ang simpleng sabon at
tubig. Pangalawa, takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang
pantakip sa mukha na gawa sa tela o non-surgical mask kapag
nasa paligid ng iba at panghuli ay iwasan ang matataong lugar
at magsanay ng pagitan mula sa kapwa-tao.
_________________ 2. Ang pagsusuot sa publiko ng mga tela na pantakip sa mukha
o mga non-surgical mask ay makakatulong upang mapabagal
ang pagkalat ng virus. Maaari silang makatulong na
mapanatiling ligtas ang mga tao na maaaring carrier ng virus at
hindi alam na napapasalin na ito sa iba. Inirerekomenda ang
mga tela na pantakip sa mukha bilang isang simpleng hadlang
upang makatulong na maiwasan ang mga patak o pagtalsik ng
paghinga mula sa paglalakbay nito sa hangin papunta sa
ibang tao kapag ikaw ay umubo, bumahing o nakipag-usap
1
________________ 3. Ang Cebu City ay isinailalim sa Enhanced Community
Quarantine. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid
19 sa lungsod.

Aking Madudugtong

Naalala mo pa ba ang huling paksa na pinag-aralan sa nakaraang quarter? Halina’t


basahin at suriin muli ang konsepto ng Pananaliksik.

Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Mas madali ang isang pananaliksik kung alam mo
ang bawat hakbang nito.

Pag-aayos ng mga Datos


 Karamihan sa mga naisusulat o pag-aaral na bunga ng pananaliksik ay tao ang malimit
gamiting paksa. Dahil dito, kung gagamit ang mananaliksik para makakuha o
makapangalap ng mahahalagang impormasyon ay dapat siyang makapaghanda ng mga
tanong para sa kaniyang isasagawang pag-aaral. Ngunit bago siya maghanda ng mga
tanong ay dapat tanungin muniya ang kanyang sarili:
1. Ano ang layunin ng pag-aaral?
2. Ano ang inaasahan kong matutuklasan sa aking pag-aaral?
3. Gaano kalaki ang kapakinabangang makukuha ko sa aking pag aaral?
 Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na nakabuo nang ideya ang mananaliksik kung
saan at paano siya makapangangalap ng mga datos. Isinasaalang-alang dito ang mga
natapos ng tesis at disertasyon, mga aklat, manwal, brochure, pamphlet, dyaryo,
magasin, teyp, video, at iba pa. Maaari rin namang tuwirang interbyu sa mga taong
malaki ang naiaambag sa ikahuhusay ng isinasagawang pananaliksik.
 Ang isang pananaliksik ay nangangailangan din ng estadistika o haypotesis na
patutunayan o kaugnay na mga pag-aaral, dapat itong ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagsusuri at pag-iinterpret ng mga datos.

2
 Kailangang makapangalap ng maraming datos ang isang manunulat kaugnay ng
paksang kanyang isusulat. Magiging kapani-paniwala ang isang akda o sulatin kung ito
ay nakabatay sa mga awtentikong datos.

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik


 Ipinahahayag sa bahaging ito ang kongkretong ibinunga at mga natuklasan sa pag-
aaral batay sa mga impormasyon o datos na nakalap sa pananaliksik nang sa ganoon
ay makapagmungkahi at makagaw pa ng mas malalim na pag-aaral.
 Sa pagsusulat ng resulta ng pananaliksik, dapat ding tandaan at isaalangalang ang
paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos. May mga panandang naghuhudyat ng
pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag. Ilan sa mga panandang
magagamit sa pag-aayos ng mga datos ay ang una, sunod/sumunod, saka, bilang
pagtatapos, wakas o sa dakong huli.

Narito ang mga pananda na nagpapahiwatig sa pag-aayos ng datos:


sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una
sa gitna: ikalawa, ikatlo, ..., sumunod, pagkatapos, saka
sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
Pagbabagong-lahad: sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
Pagbibigay-pokus: bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa
Pagdaragdag muli: kasunod, din/rin
Paglalahat: bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatawid
Pagtitiyak o pagpapasidhi: siyang tunay, walang duda, talaga

Aking Malalaman

Talata: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Ang talata ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay. Binubuo ito ng
pangunahing kaisipan at mga pantulong na detalye.
Ang pangunahing kaisipan (main idea) ay nakapaloob sa isang pangungusap na paksang
pangungusap. Ang pangunahing paksa ay ang bahaging sumasagot sa tanong na: “Tungkol saan ang
talata?” o “Ano ang paksa o mensaheng gustong ipaabot nito?” (Ang pangunahing kaisipan ang
sagot sa tanong na ito).

Mahalaga ang pagtukoy sa pangunahing kaisipan ng isang babasahin para sa lubusang pag-
unawa nito. Taglay ng pangunahing kaisipan ang mensaheng nais iparating ng talata.

Ang pangunahing kaisipan ay makikita sa una, gitna at huling pangungusap. Kapag sa unahan
ng talata makikita ang pangunahing kaisipan ito ay nagpapahayag ng nilalaman ng talata. Kapag ito
naman ay nasa hulihan ito ay nagpapahayag ng paglalagom (recapitulation).

3
Ang pantulong na detalye (supporting details) naman ay nagbibigay linaw sa mensahe o
nagsasaad ng mga detalye upang higit itong maunawaan ng mga mambabasa. Madalas, ang pantulong
na ideya ay pinangunguhan ng mga salitang naghuhudyat ng pagkasusunod tulad ng mga salitang una,
kasunod, pagkatapos at sa wakas o panghuli. Maayos o lohikal dapat ang pagkasunodsunod ng mga
pantulong na ideya upang mas madaling maunawaan ang mensaheng inilahad ng mga ito.

Ang mga pantulong na detalye ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong


sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa. Gayundin nagtataglay ito ng
mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang
pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos,
istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing ideya.

Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa pangunahing


kaisipan dahil sa:

 ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya / kaisipan.


 nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang impormasyon sa
binasang teksto/ talata.
 makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang babasahin.

Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing kaisipan at mga pansuportang


detalye ng isang babasahin ay isang magandang simula upang ikaw ay maging epektibong
mambabasa.
Naging malinaw ba sa iyo ang mga ipinaliwanag? Subukan natin ang iyong kaalaman. Basahin
mong mabuti ang talata at tukuyin ang pangunahing ideya / kaisipan at pantulong na detalye nito,
pagkatapos.

(1) Ang tao ay may kakaibang kapangyarihang isipin ang hinaharap at mga kaganapan
bago pa sila maganap. (2) Ang maagang pag-iisip tungkol sa hinaharap ay nagbibigay sa
atin ng kakayahang makita ang di-inaasahang mga hadlang at suliranin, at nagbibigay din
ng pagkakataong maghanda ng kalutasan.(3) Halimbawa, ang paghuhugas ng kamay at
social distancing, o ang pagtatalaga ng sapat na pagitan sa bawat mamamayan, ay mga
bagay na ginagawa natin upang maiwasan ang pagkalat ng virus. (4) Gayunpaman, ang
pag-aalala ay isang uri ng maagang pag-iisip na madalas ay nagbibigay satin ng
pagkabalisa, o kaya’y pagkabahala. (5) Kadalasan, kapag tayo’y laging nag-aalala, naiisip
natin kung ano ang pinakamasamang maaring mangyari, at natatakot tayong di natin ito
kakayanin.
https://www.psychologytools.com/assets/covid19/guide_to_living_with_worry_and_anxiety_amidst_global_uncertainty_tl.pdf

Ihambing ang iyong sagot:

Ang bilang (1) ay ang pangunahing kaisipan at ang bilang (2,3,4,5) ay ang mga
pansuportang ideya/ kaisipan.

Madali mong mauunawaan ang iyong binabasa kung susundin mo ang dayagram na
nasa ibaba.

4
Aking Masusubukan

Subukan mo!

Panuto: Basahin at unawain ang tektso. Tukuyin ang pangunahing kaisipan at pantulong na detalye.
Isulat ang tsek (/) sa patlang kung ito ay ang pangunahing kaisipan, ekis (x) kung ito
naman ay pantulong na kaisipan at bilog (O) kung hindi pangunahing kaisipan o pantulong
na kaisipan/detalye.

Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew mula ika-10 ng


gabihanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim na distrito ng Maynila sa mga
kabataang 17 taong gulang pababa batay sa City Ordinance No.8046 na itinakda ni manila 6 th
District Councilor Julio Logarta.
Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang
elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot at mga marahas na
pangkat na gumagala sa lansangan tuwing gabi. Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito-
ang pangalagaan ang mga kabataan at maiiwas sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot,
pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa maimpluwensiyang barkada at lalo’t
higit sa lumalalang karahasan sa bansa na karaniwang nagaganap tuwing gabi.
Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may mga kaparusahan sa mga mahuhuling kabataang
nasa labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi.
Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa ng bayan.
Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang makapagpapaunlad sa
kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa.

_____1. Mapapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at


pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot at mga marahas na pangkat na gumagala sa
lansangan tuwing gabi.
_____2. Mababawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye.
_____3. Maiiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan.
_____4. Mailalayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada.
_____5. Mapapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo.
_____6. Ipatutupad ang curfew sa 897 barangays sa anim na distrito ng Maynila.
5
_____7. Ang curfew ay para lamang sa mga kabataan sa mga baranggay na sakop ng ika-anim na
distrito ng Maynila.
_____8. Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew sa lungsod ng Maynila.
_____9. Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang makapagpapaunlad sa
kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa.
_____10. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa.

Aking Tatayahin

A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot upang
mabuo ang nais ipahayag nito. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay-ugnay.


A. Paksa C. Pansuportang detalye
B. Pangunahing ideya D. Talata
2. Bakit mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa
pangunahing ideya / kaisipan. Ito ay dahil sa ________________.
A. ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya
B. nakatutulong ito para madaling matandaan ang mahalagang impormasyon sa binasa
C. makatutulong ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang babasahin.
D. Lahat na nabanggit
3. Ito ay nagbibigay linaw sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong maunawaan ng
mga mambabasa.
A. Paksa C. Pansuportang detalye
B. Pangunahing ideya D. Talata
4. Sinasagot nito ang katanungan na “Tungkol saan ang talata?” o “Ano ang paksa o mensaheng
gustong ipaabot nito?”
A. Paksa C. Pansuportang detalye
B. Pangunahing ideya D. Talata
5. Saang bahagi ng talata makikita ang pangunahing kaisipan?
A. Unang pangungusap C. Gitnang pangungusap
B. Huling pangungusap D. Lahat ng nabanggit

B. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na talata. Isulat sa patlang kung anong bilang ang
pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.
C.

1.
(1) Mahalaga ang mga hayop sa buhay ng tao. Marami silang pakinabang sa atin. (2)
Sa kanila tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne. (3 Ang kanilang balat ay
nagagamit natin sa paggawa ng damit at sapatos. (4) Nakatutulong din sila sa ating
mga gawain.

Pangunahing Kaisipan: _______________________________


Pansuportang Detalye: _______________________________

6
2. (1) Kung wala kang pera at gusto mong bumili, maaari mong gamitin ang credit card.
(2) Kung gusto mo naman magwidrow ngunit sarado ang bangko o malayo ito,
maaari ka namang gumamit ng ATM card. (3) Kapag ikaw naman ay nasa ospital,
hindi mo na kailangan ng malaking pera. Makababawas sa kung mayroon kang health
card. (4) Tunay ngang kailangan natin ang plastik na kard.

Pangunahing Kaisipan: _______________________________


Pansuportang Detalye: _______________________________

3.
(1) Saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang
naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. (2) Marami ang nagsasabi
na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng “berry” ang puno nito ay itinuturing
na isang uri ng “herb”. (3) Nagtataglay rin ito ng mga sustansyang tumutulong sa
pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu sa ating katawan. (4) Nakakatulong ito
upang makaiwas sa kanser sa tiyan.

Pangunahing Kaisipan: _______________________________


Pansuportang Detalye: _______________________________

4.
(1) Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba’t ibang kaalaman. (2)
Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. (3) Ang
pagbabasa araw araw ay nakatutulong din sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao.
(4) Nalilinang din nito ang bokabolaryo ng mambabasa. (5) Mas maraming salita
kang matututunan kung ikaw ay magbabasa. (6) Napakarami talagang benepisyong
makukuha ang isang tao kung siya ay palaging magbabasa.

Pangunahing Kaisipan: _______________________________


Pansuportang Detalye: _______________________________

5.

(1) Madaling araw palang ay handang handa na si Alex para sa unang pasukan sa
klase. (2) Pagkatapos maihanda lahat ng gamit ay agad siyang pumunta sa paaralan.
(3) Sabik na sabik siyang makita ang mga kamag-aral at matuto ng bagong
kaalaman. (4) Sa pagsisimula sa klase agad niyang ipinakita ang kanyang galing at
katalinohan. (5) Ang batang si Alex ay mapursige sa pag-aaral at dapat tularan.

Pangunahing Kaisipan: _______________________________


Pansuportang Detalye: _______________________________
D. Panuto: Tingnan nang mabuti ang larawan at gawan ng talata na may limang
pangungusap o higit pa. Pagkatapos, salungguhitan ang pangunahing kaisipan
nito. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba. (20 pts.)

7
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

RUBRIK Sa Pagtataya ng Talata


Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
Kraytirya
4 pts. 3 pts 2 pts 1pt

May ilang kakulangan sa


Kumpleto at wasto ang lahat
Wasto ang detalye na nilalaman ng talata. May Maraming kakulangan sa
Nilalaman ng detalye na nakasaad sa
nakasaad sa talata. ilang maling impormasyon sa nilalaman ng talata.
talata.
nabanggit

Malikhaing nailahad ang Hindi gaanong maayos na


Maayos na nailahad ang Hindi maayos na nailahad
nilalaman ng talata. Maayos nailahad ang talata. Hindi
Presentasyon talata. Nauunawaan ang ang talata. Hindi gaanong
ang daloy. Nauunawaan ang gaanong nauunawaan ang
nilalaman nauunawaan ang nilalaman.
nilalaman talata. nilalaman.

Organisado, malinaw, simple


at may tamang Hindi maayos ang
Malinaw at maayos ang Maayos ang presentasyon ng
pagkakasunud-sunod ang presentasyon ng mga ideya.
presentasyon ng mga ideya mga pangyayari at ideya.
Organisasyon presentasyon ng ideya sa Maraming bahagi ang hindi
sa sulat. Malinaw ang daloy May bahaging di gaanong
talata. Malinaw ang daloy at malinaw sa paglalahad ng
ng paglalahad ng kaisipan. malinaw.
organisado ang paglalahad kaisipan.
ng kaisipan.

Baybay ng mga Maayos ang pagbabaybay ng


Malinaw, maayos at tama
salita at grammar, Tama ang baybay ng mga mga salita subalit may
ang baybay ng mga salita, Hindi maayos ang grammar
capitalization at salita, grammar, kaunting kamalian sa
grammar, capitalization at at pagbabantas. Hindi
pagbabantas at capitalization at pagbabantas. grammar at pagbabantas.
pagbabantas. Maayos ang maayos ang pagkakasulat
gawing Maayos ang pagkakasulat Hindi gaanong maayos ang
pagkakasulat.
pagkakasulat pagkakasulat

Malinaw na nasunod lahat ng


May isa o dalawang Hindi nasunod ang
pamantayan o kraytirya sa May tatlong pamantayan na
pamatayan na hindi nasunod. pamantayan sa paggawa ng
pagsusulat ng talata. hindi nasunod.
Kabuuan Natutukoy ng tama ang talata.
Natutukoy ng tama ang Hindi tiyak ang pagtukoy sa
pangunahing kaisipan sa Hindi alam ang pangunahing
pangunahing kaisipan sa pangunahing kaisipan.
ginawang talata. kaisipan sa ginawang talata.
ginawang talata.
Kabuuang Iskor
20

Aking Karagdagang Magagawa

8
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata at piliin angpangunahing kaisipan at pantulong na
detalye. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

Marami akong kilalang magulang na marami ang anak. Lagi nilang reklamo ang hirap ng
buhay. Madalas ay isang malaking problema sa kanila ang paghahanap ng pagkain sa araw-araw.
Dagdag pa dito ang malaking gastusin sa paaralan. Kung kaya’t kailangan nilang isubsob ang sarili
sa trabaho. Bunga nito, hindi nila nababantayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Magandang
magkaroon ng maliit na pamilya.
Pangunahing Kaisipan Pantulong na Detalye

B. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat talata. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Bilang 1-3: Piliin ang Pangunahing Kaisipan.


1. May iba’t ibang kahulugan ang kulay. Ang asul ay Kalayaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig
naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganahan naman ang berde at
kalungkutan naman ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.

A Kasaganahan ang berde at kalungkutan


May iba’t ibang kahulugan ang kulay.
. C naman ang itim.

Pag-ibig ang kahulugan ng rosas at Marami pang kulay ang may kahulugan.
B D
panibugho naman ang dilaw.
2. Ang wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto. Una, nakasaad ito sa
Konstitusyong 1987. Bukod dito, may mga pananaliksik na nagpapatunay na madaling matuto ang
mga mag-aaral kung wikang Filipino ang ginagamit.

Ang wikang Filipino ang dapat na maging


A wika sa pagtuturo at pagkatuto.
Ang Wikang Filipino ay ang ating wika C
.

Bukod dito, may mga pananaliksik na


nagpapatunay na madaling matuto ang mga
B Una, nakasaad ito sa Konstitusyong 1987. 9 D mag-aaral kung wikang Filipino ang
ginagamit.
3. Maraming tao ang naging abala sa paghahanda sa araw ng pasko. Paghahanda ng pagkain na
pagsasaluhan at mga regalong ibibigay sa inaanak at mahal sa buhay. Kinasasabikan ng bawat isa
lalong lalo na ng mga paslit ang mga bagong laruan, damit at sapatos na matataggap. Sa okasyong
ito nagsasamasama ang pamilya para sa kasiyahan at pagdarasal. Ang pasko ay isang pagdiriwang
na pinakahihintay ng karamihan.

A Paghahanda ng pagkain na pagsasaluhan at


Maraming tao ang naging abala sa C mga regalong ibibigay sa inaanak at mahal sa
. paghahanda sa araw ng pasko.
buhay.

B Sa okasyong ito nagsasamasama ang pamilya D Ang pasko ay isang pagdiriwang na


para sa kasiyahan at pagdarasal. pinakahihintay ng karamihan.

Bilang 4-6: Piliin ang Pansuportang Detalye.

4. Ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay doctor, manunulat, siyentipiko, o
ano paman, nananatili siyang ama, anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay
iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa
kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.

A Ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang
pamilya. C pagkakakilala sa kanya.
.

Kahit siya ay doctor, manunulat, siyentipiko, Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang
o ano paman, nananatili siyang ama, anak, kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang
B D
pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya.
pamilya.

5. Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang bisyo. Ilan sa mga ito ay ang paninigarilyo, pag-
iinom ng alak, paggamit ng pinagbabawal na gamot. Marami sa kanila ang nahuhumaling sa
gawaing ito na tila ba ito ay isang pampalipas oras at solusyon sa kanilang problema. Nakakagulat
ang mga pangyayaring ito at nakakalungkot isipin na maraming kabataan na ang nalululong sa
mga bisyong ito.

Ilan sa mga ito ay ang paninigarilyo, pag- Marami sa kanila ang nahuhumaling sa
A. iinom ng alak, paggamit ng pinagbabawal C
gawaing ito na tila ba ito ay isang pampalipas
na gamot. oras at solusyon sa kanilang problema.

Nakakagulat ang mga pangyayaring ito at


B D Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t
nakakalungkot isipin na maraming kabataan
ibang bisyo.
na ang nalululong sa mga bisyong ito.

6. Kung wala ang edukasyon, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon
ng isang matibay at matatag na pundasyon nito, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang edukasyon ang daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa.

10

Kung wala ang edukasyon, at kung ang mga Marapat lamang na maintindihan na ang
A mamamayan ng isang lipunan ay hindi edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
magkakaroon ng isang matibay at matatag C kanilang mga inaasam na mga mithiin.
sa kanila na abutin ang pag-unlad.

Ang edukasyon ang daan tungo sa isang Ang Edukasyon ay ang solusyon sa paglutas
B D sa problema sa lipunan.
matagumpay na hinaharap ng isang bansa.

Susi sa Pagwawasto

11
AkingNalalaman
Aking
Aking Karagdagang
Masusubukan
Magagawa
A.1. x
2.1. O TAMA
A. x
3.
2. x TAMA kaisipan:
Pangunahing
4.
5.3.O MALI
Magandang magkaroon ng
6.4. TAMAx
maliit na pamilya.
7.5. TAMA
O
8.6. MALI/
Pantulong
9. X na detalye:
7. MALI
10.X
8. MALI
Marami akong kilalang
magulang na marami ang
9. MALI
anak.
10. TAMA
 Lagi nilang reklamo ang
B. hirap ng buhay.
1. Madalas
Pangunahing
ay isangkaisipan
malaking
2. problema
Pantulong na ang
sa kanila
paghahanap ng pagkain sa
kaisipan/detalye
araw-araw.
3. Pangunahing kaisipan
 Dagdag pa dito ang
malaking gastusin sa
paaralan.
 Kung kaya’t kailangan
nilang isubsob ang sarili sa
trabaho.
 Bunga nito, hindi nila
nababantayan ang paglaki
ng kanilang mga anak.

B.
1. A
2. C
3. D
4. B, C, D
5. A, B, C
6. A, C

12
Sanggunian

 https://www.psychologytools.com/assets/covid19/guide_to_living_with
worry_and_anxiety_amidst_global_uncertainty_tl.pdf
 https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf
 https://www.youtube.com/watch?v=f_unK0BxbC8
 https://www.youtube.com/watch?v=S8kJOqUtYu0
 https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-4.pdf
 https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/tumulong-upang-mapahinto-ang-pagkalat-ng-
coronavirus-protektahan-ang-iyong-pamilya
 http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2016/01/filipino-pangunahing-kaisipan.html
 https://www.nordcollective.com/
 https://alleap.weebly.com/iba-pang-mga-halimbawa-ng-sanaysay-sa-filipino.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


DepEd – Danao City Division –Curriculum Implementation Division
Sitio Upland, National Road, Poblacion, Danao City, Cebu
Email Address: danao.city@deped.gov.ph
Website: depeddanaocity.com
Telephone No.: (032) 262-6211

13

You might also like