You are on page 1of 19

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4
Maikling Kuwento
Unang Markahan-Modyul 4: Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Mary Ann R. Maru, Janice M. Racoma


Tagasuri : Ruel C. Arranchado
Tagaguhit : Mary Ann R. Maru, Janice M. Racoma
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas 2020


Department of Education- Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

ii
Filipino 10
Unang Markahan – Modyul 4
Maikling Kuwento

iii
Paunang Salita

Para sa mga Guro o Facilitator:


Magandang Buhay! Isang mainit na pagbati sa buong pusong pagtanggap sa asignaturang
Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Magkasingkahulugan o
Magkaugnay na Salita.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang magsilbing tanglaw at gabay sa gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan ng ating lipunan sa panahon
ng Covid-19 pandemya.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Magkasingkahulugan o Magkaugnay na Salita.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa susunod na pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Pakibalik ang modyul na ito nang maayos, malinis at kompleto sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang magtanong at makipag – ugnayan sa inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas makatutulong sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Ang modyul ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo
Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian paglinang ng modyul na ito.

v
Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:
Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media (F10PN-Ic-d-64)
a. nakatutukoy sa pangunahing paksa ng napapakinggan, napapanood at nababasa
b. nakabubuo ng mga pantulong na ideya mula sa paksang napapakinggan, napapanood
at nababasa
c. naiuugnay ang mga pahayag sa kasalukuyang kalagayan/sitwasyon na dinaranas ng
mundo (COVID-19)
Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento (F10PB-Ic-d-64)
Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10Pt-Ic-d-63)

Pahina 5

SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!

Masaya ako dahil umabot ka na sa araling ito. Ngayon


ay handa ka ng madagdagan pa ang iyong kaalaman.

Marahil, iniisip mo na madali lang ang paksa ng modyul na ito, dahil bahagi na ng ating
pang-araw-araw ang maghanap at matuto ng mga bagong kaalaman. Kung kaya’t bibigyan muna
kita ng panimulang pagsubok upang malaman ko ang iyong kaalaman tungkol dito. Simulan mo
na! Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

1
I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang tamang letra ng
sagot.
Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang
bagong virus. May mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na ito araw-araw dahil ito ay
bago.
Nakikipagtulungan kami sa mga kasosyo upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19,
ngunit ang bawat isa sa estado ay may bahaging gagampanan upang maisakatuparan ito.
Sinuman sa anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasait
nang mas malala kaysa sa iba. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring
makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus kaya’t
iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may sakit.
Para sa bilang 1 at 2, basahin ang talata sa itaas.
1. Ano ang pangunahing paksa sa talatang binasa?
a. Ang sakit na korona Coronavirus 2019.
b. Ang nalalaman sa virus na ito.
c. Sinuman ay maaaring magkasakit.
d. Ito ay sanhi ng isang bagong virus.
2. Ang mga sumusunod ay mga pantulong ideya mula sa talatang binasa, MALIBAN sa isa ____.
a. Sinuman sa anumang edad ay maaaring magkasakit.
b. Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino
ang sa tingin ninyo ang may sakit.
c. Ito ay sanhi ng isang bagong virus.
d. Hindi apektado ang bansang Pransya sa sakit na Coronavirus.
Ang Coronavirus sa Pransya ay nakakatakot ayon sa mga dalubhasa at pamahalaan.
Araw-araw ay may mga bagong nahawaang tao ang iniulat at ikinatakot nila na ang senaryo na
magiging tulad ng Tsina at Italya. Iyon ang dahilan kung bakit naglunsad si Emmanuel Macron,
ang Punong Ministro ng Pransya ng isang matatag na pamatayan ng pag-iingat.
Ngunit ang mga mamamayan ng Pransya ay tila hindi natatakot sa COVID-19. Dahil
marami pa rin sa mga mamamayan ang gumugol ng maraming oras sa mga lansangan at
lumabas sa gabi para magsaya at pumunta sa mga bar at pub.
Para sa bilang 3 at 4, basahin ang talata sa itaas.
3. Ngunit ang mga mamamayan ng Pransya ay tila hindi natatakot sa COVID-19, ay isang _____.
a. pangunahing paksa c. paliwanag
b. pantulong na ideya d. ekspresyon
2
4. Ang Coronavirus ay nakakatakot ayon sa mga dalubhasa at pamahalaan, ay isang _______.
a. pangunahing paksa
b. pantulong na ideya
c. paliwanag
d. ekspresyon
5. Ang bansang Pransya ay isang malayang bansa sa Kanlurang Europa. Ang pahayag na ito ay
isang _______.
a. makatotohanan
b. di-makatotohanan
c. nagbabasakali
d. hindi sigurado.
II. Hanapin sa Hanay B ang mga salitang may kasingkahulugan sa Hanay A.
A. B.
1. makunat a. maliksi
2. malinamnam b. makipot
3. magiting c. masarap
4. masigla d. kuripot
5. masikip e. matapang

MAALALA MO KAYA!
Balikan natin ang mga nakaraang aralin kung lubos mo ba itong naunawaan. Isulat ang
tamang sagot sa inyong papel.
Siya ang may-
Ang pamagat
akda ng
1. ng kuwento. 2. kuwentong “
__________ Ang Kuwintas.

Ang
3. Ang pangunahing 4.
pinagmulan ng
tauhan sa
kuwentong
kuwentong “Ang
“Ang Kuwintas”.
Kuwintas”.
____________.
_____________.

3
ANONG ALAM KO?
I. Panuto: Tukuyin kung aling bansa ang nagmamay-ari ng sumusunod na larawan ng kasuotan.
Piliin ang iyong sagoy mula sa mga bansang nakasulat sa loob ng kahon sa ibaba ng larawan.

1. ______________ 2. _____________ 3. _____________


Pahina 8

4.______________ 5. _____________ 6. _____________

Spain Thailand Greece India


Korea France Malaysia

4
II. Ngayong alam mo na ang bansang kanilang pinanggalingan, ilarawan mo ang kanilang kultura
batay sa kanilang kasuotan. (2-3 pangungusap)

1. ______________ = ___________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.

2. _____________ = ____________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
3. _____________ = ____________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
4. _____________= ____________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. ____________= _____________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
6. ____________= _____________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Mula sa mga naging sagot mo:
1. Magbigay ng halimbawa ng pangunahing paksa? ____________________________________
_____________________________________________________________________________.

2. Magbigay ng halimbawa ng pantulong na ideya? _____________________________________


_____________________________________________________________________________.

5
Sa makabagong panahon, ang mga gadget kagaya ng celfon, laptop at kompyuter ay mahalagang
tulay sa pagkatuto, pagpapalaganap ng komunikasyon, balita at iba pang impormasyon sa
larangan ng edukasyon at komersyo. Sumunod ang telebisyon, mga pahayagan, magasin at iba
pang babasahin at ang radyo.
Ang radyo ay masasabi man nating makaluma na pero mahalaga ito sa larangan ng pagkatuto
dahil hinuhubog nito ang ating kakayahan sa pakikinig. Mula sa ating mga naririnig ay nakabubuo
tayo ng mga ideya tungkol sa paksang tinalakay o sa sitwasyong kinakaharap ng ating lipunan o
paligid. Nakabubuo rin tayo ng sariling pananaw, ideya at kaisipan mula sa ating mga naririnig.
Pangunahing Paksa
• ang tawag sa sentro o pangunahing tema.
• pokus ng pinag-uusapan
• . tinatawag din itong main idea sa Ingles.
Pantulong na Ideya
• ang tawag sa mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan
sa pangunahing paksa.
• Tinatawag din itong supporting details sa Ingles.

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa gawain. Nagpapatunay ito na handa ka na sa


bagong aralin.

Sa bahaging ito, basahin at lubos na unawain ang aralin upang masagutan nang wasto
ang sumusunod na mga gawain.

Ang Kuwintas
Maikling Kuwento mula sa France ni Guy de Maupassant

Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahalihalina,ngunit


sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na angkan.Siya ay nagpakasal
lamang sa isang lalaking may mahirap din na pamumuhay na ang pinagkakaitaan ay tagasulat
lamang sa isang instruksyon na pampubliko.Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang
pinapangarap sapagkat ayon sa kaniyang paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng
maganda at kahalihalina ay hindi bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan.

6
Isang araw ng dumating ang kanyang asawa na si G. Loisel at ibinalita nito sa kanya na sila
ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau.Ngunit ito ay hindi ikinatuwa ni
Matheldi sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na magandang damit para sa
kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay binigyan siya nito ng pambili ng isang
bestida.

Gayon man si Matheldi ay hindi parin nasiyahan sapagkat wala man lamang daw siyang
alahas o hiyas na maisusuot, kaya naisipan niya na humiram ng isang magandang kwentas sa
kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Mme. Forestier. Hindi naman siya hinindian nito at
agad din na nakahiram. Naging lubos ang kaligayahan ni Matheldi ng gabing iyon sapagkat
naging angat ang kanyang kagandahan sa mga babaeng nanduon at marami ang humanga sa
kanya.

Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa masayang masaya si


Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na nawawala ang kwentas
na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Mme.Forestier. Kaya naman naisipan nila na bumili ng
katulad ng alahas na iyon upang maisauli kay Mme.Forestier kahit pa nga ito ay may kamahalan
ang halaga. Dahilan upang sila ay maghirap ng dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang
upang mabili lamang ang kwintas na iyon.

Pagkalipas ng sampung taon natapos na nilang bayaran ang kanilang mga pagkakautang
sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan n si Mme. Forestier, nagulat pa ito
at nagtaka ng sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na ang pinag iba nito. Nasabi ni Matheldi na kaya
sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng kwintas na hiniram niya dito. At napilitan sila na bumili na
kapalit nito kahit sa mahal na halaga. Ngunit ayon kay Mme.Forestier na ang kwentas na
ipinahiram niya kay Matheldi ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang
prangko lamang.

CONCEPT MAP
Gawain 1: Buuin ang organizer upang malaman ang konsepto ng araling tinalakay.
Kopyahin ang concept map sa inyong papel at sagutan.

(Pamagat ng Kuwento)
Tauhan Tauhan

Tauhan Tauhan

Katangian Katangian

Katangian Katangian

7
Gawain 2: Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit hindi masaya si Matilde sa piling ng kanyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa kasayahang idaraos
ng kagawaran?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa kanyang buhay? Natupad ba ito?
4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap?
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid ba ay may mga Mathilde kang nakikita? Ilarawan.

Gawain 3: Lagyan ng Tsek (/) kung ang pahayag ay nangyayari sa tunay na buhay at
ekis naman (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______1. Labis ang pagdurusa at paghihianagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan sa buhay na
magdudulot ng salapi.
______2. Pinagsikapan ni G. Loisel na makakuha ng paanyaya para sa kasayahan ng Ministro
ng Instruksyon Publiko upang sila’y makadalo. Subalit hindi natuwa ang asawa sa halip
inihagis ang sobre dahil wala siyang bagong damit na maisusuot sa kasayahan.
______3. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni G. Loisel ang naipong pera na pambili sana
ng baril kay Mathilde upang makabili ng bagong bestida.
______4. Nakahanda ng bagong bestida si Mathilde ngunit malungkot pa rin siya. Nais niya ng
isang hiyas na maisusuot upang hindi siya magmukhang kahiya-hiya sa mayayamang
babae sa kasayahan kaya’t nanghiram siya ng kuwintas sa kaibigan nito na si Madame
Forestier.
______5. Sampung taon naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang mga utang.
Dito’y naranasan ni Mathilde ang lahat ng hirap subalit napagtanto niya ang kahulugan
ng tunay na buhay ay kakatwa at mahiwaga.

A. Paglinang ng Talasalitaan. Piliin mula sa panaklong ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
Ang (1.) sakit (karamdaman, nararamdaman) na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa

8
(2.) palahingahan (naghihinga, baga). Ito ay (3.) sanhi (dahilan, sapagkat) ng isang bagong virus.
May mga bagong (4.) kaalaman (karunungan, may alam) tungkol sa virus na ito araw-araw.
Nakikipagtulungan ang pamahalaan sa lahat ng ahensiya upang mapabagal ang pagkalat ng
COVID-19, ngunit ang bawat isa sa estado ay may bahaging gagampanan upang (5.)
maisakatuparan (maisagawa, may gawa) ito. Sinuman sa anumang (6.) edad (kasarian, gulang)
ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasakit nang mas malala kaysa sa iba.
Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan
parang wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay
tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may sakit. Ang ilang taong may impeksyon na
COVID-19 ay hindi masyadong nagkasakit. Ang iba ay (7.) malubhang (matindi, magaan)
nagkasakit. Ilan sa mga sintomas ay: Ubo, pangangapos ng paghinga, lagnat, panginginig,
pananakit ng ulo, pananakit ng ulo, pananakit ng kaalaman, pananakit ng lalamunan, pagkawala
ng panlasa o pang-amoy. Ang mga tao ay maaaring sumakit ang tiyan, magsusuka, o magtae. (8.)
Magpasuri (magpatingin, tumitingin) kung mayroon kang mga sintomas. Tumawag sa iyong (9.)
doktor (manggagamot, manananggol) o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan
tungkol sa pagpapasuri. Tumawag sa kanila kung mayroon kang mga sintomas o (10.)
nababahala (nababagabag, nasiyahan) sa iyong mga sintomas.

B. Dugtungan ang pahayag ayon sa mahahalagang natutunan sa paksa. Isulat sa papel ang
tamang sagot.

Ang tao ang nagtatakda ng (1.) ______________niyang tadhana kaya dapat na maging
(2.) ______________sa pagpili ng (3.) ____________ na tatahakin.
Ang tunay na buhay ay tunay na nakakatuwa at (4.) ___________.
Dapat (5.) _______________ kung anong mayroon ang bawat isa upang matamo
ang tunay na kaligayahan.

Ang gawaing ito ay iyong irerecord at ipadala sa guro sa pamamagitan ng messenger, email, o
anumang online application na maaring gamitin. Ikaw ay naatasan sa PAGKUKWENTO na
maaaring hango sa tunay na karanasan o larawan ng isang babaeng Pilipina. Ang iyong kuwento
ay tatayain sa sumusunod na pamantayan.
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos
A. kaalaman sa kwento 50%
B. tinig 30%
C. pag-arte 20%
KABUUAN 100%

9
ISULAT NATIN!
I. Panuto: Ang mga pangungusap sa kahon ay nagtataglay ng pangunahing paksa at mga
pantulong na ideya. Isaayos ito para makabuo ng isang talata. Isulat sa sagutang papel.

Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahalihalina.


Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat siya ay nagdurusa
sa kahirapan.
Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking mahirap din ang pamumuhay.
Ngunit siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na angkan.

II. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita at isulat sa sagutang


papel.
1. umiwas = ______________
2. palusugin = ______________
3. nakalulumbay = ______________
4. manatili = ______________
5. Pagsasaliksik = ______________

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ang kuwentong tinalakay na nagmula sa bansang Pransya.
a. Ang Butil ng Kape c. Ang Alahas
b. Ang Kuwintas d. Ang Patatas
2. Siya ang pangunahing tauhan sa kuwento _________.
a. G. Loisel c. Mathilde
b. Madame Forestier d. Mrs. Eloisel
3. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?
a. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde ng alahas.
b. Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman.
c. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas.
d. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng kapahamakan.

10
4. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?
a. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda
b. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas
c. Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali
d. Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba
5. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?
a. Ang paghahangad nang labis sa buhay ay nagdudulot ng kapahamakan.
b. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
c. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
d. Laging nasa huli ang pagsisisi.
II. Tukuyin kung TAMA O MALI ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.
_________ 6. Tinatawag na main idea sa Ingles ang pangunahing paksa.
_________ 7. Ang Coronavirus ay isang sakit na hindi nakamamatay.
_________ 8. Si Mathilde ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Ang Kuwintas”.
_________ 9. Nakapangasawa si Mathilde ng isang mayamang lalaki.
_________ 10. Pantulong na ideya ang tawag sa sumusporta sa pangunahing paksa.

ENDING – AN MO!
Panuto: Buuin ang AKROSTIK. Bigyan ng maikling pahayag o linyang magsisimula
sa mga letra ng salitang kuwintas.
K
U
W
I
N
T
A
S

11
12
Sanggunian

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pdf

https://www.emergency-live.com/tl/balita/coronavirus-in-france-a-very-concerning-scenario-
but-citizens-are-not-worried-of-covid-19/

https://www.google.com/search?q=the+necklace+by+guy+de+maupassant&source=lnms&tbm=i
sch&sa=X&ved=2ahUKEwi9z-
3nxonrAhXEL6YKHR1bDPAQ_AUoAXoECB0QAw&biw=1366&bih=625#imgrc=fGtVuVBv

https://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-pantulong-na-detalye

https://www.google.com/search?q=national+dress+of++korea&tbm=isch&ved=2ahUKEwj_l7-
_0YnrAhWhJaYKHfSTAiMQ2-
cCegQIABAA&oq=national+dress+of++korea&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAcQHjIGCAAQB
xAeUNJIWNJIYJ1KaABwAHgAgAGCAYgBggGSAQMwLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABA
Q&sclient=img&ei=7ZEtX7_tJKHLmAX0p4qYAg&bih=625&biw=1366#imgrc=Bm-qVvUzwpOamM
– korea

https://www.google.com/search?q=national+dress+of+thailand&tbm=isch&ved=2ahUKEwjb0IC3
0onrAhUEUJQKHZQBCocQ2-
cCegQIABAA&oq=national+dress+of+thailand&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6BAgAEBg6BggAEAU
QHjoGCAAQCBAeUIKEBljPuAdg8r4HaAVwAHgAgAGhAYgBrA-
SAQQwLjE1mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=6JItX9u8DoSg0QSUg6i4C
A&bih=625&biw=1366#imgrc=b2GgXKehn4b2GM- Thailand
https://www.google.com/search?q=national+dress+of+france&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ve
d=2ahUKEwjSyo3NuYnrAhX5yosBHeYxB50Q_AUoAXoECBEQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=aj
gcQTH0f8w5QM – France

https://www.google.com/search?q=national+dress+of+malaysia&tbm=isch&ved=2ahUKEwjzl8_E
0YnrAhUE7JQKHUTRCfUQ2-
cCegQIABAA&oq=national+dress+of++mala&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADoGCAAQBRAeOgYIA
BAIEB46BAgAEBhQlLEOWLe7DmCHyw5oAHAAeACAAYwBiAGXBJIBAzAuNJgBAKABAaoBC2d3
cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=-
JEtX_O7FYTY0wTEoqeoDw&bih=625&biw=1366#imgrc=dtX0sPGHR3A1kM- Malaysia

https://www.google.com/search?q=national+dress+of+spain&tbm=isch&ved=2ahUKEwiLtPW20
4nrAhUFHKYKHcP4Cf0Q2-
cCegQIABAA&oq=national+dress+of+spain&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzoCCABQo5UHWIWjB
2DzrQdoAHAAeACAAagBiAHRBZIBAzAuNZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img
&ei=9JMtX4vqHYW4mAXD8afoDw&bih=625&biw=1366#imgrc=E0PYDUfCoyYuqM – Spain
https://www.google.com/search?q=national+dress+of+greece&tbm=isch&ved=2ahUKEwjzz4ny0o
nrAhWGAqYKHZlcDYcQ2-
cCegQIABAA&oq=national+dress+of+greece&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzoCCAA6BggAEAgQH
lCKvAhY2tcIYLveCGgAcAB4AIABmAGIAagGkgEDMC42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE
&sclient=img&ei=ZJMtX_ONB4aFmAWZubW4CA&bih=625&biw=1366#imgrc=SBLtr7W7BO4V6
M – Greece

13
https://brainly.ph/question/384579#readmore

https://drive.google.com/drive/folders/1A7KYB7WSejuLCw5xlXKn0aL5nkVSCeOZ?fbclid=IwAR
3Hz7VmrCPkVdMOvBdatD_EM6sAff6NnSw5JOlf5dabmd47h_VCmo-6ni4

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education: DepEd-Cebu Province


Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

14

You might also like