You are on page 1of 25

8

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon n
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan na pamahalaan na
naghahanda ng akda kung ito ay pagkakaitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand, name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may- akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtulis Briones
Pangalawang Kalihim: Disodado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juvelyn I. Puzon


Tagasuri: Dr. Eugenia M. Solon
Tagaguhit: Juvelyn I. Puzon
Tagapag-ugnay: Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province Division
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino

Department of Education – Region V11-Division of Cebu Province


Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu province@deped.gov.ph

ii
iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Bidasari (Epiko ng Mindanao).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


Bidasari (Epiko ng Mindanao).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan .

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
Balikan leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
Tuklasin pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

v
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
Suriin ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
Isagawa
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
Karagdagang
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain
natutuhang aralin.

vi
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
ALAMIN

Ang modyul na ito ay maingat at mabusising binuo para lamang sa iyo dahil
ang iyong kaalaman ay ang aming unang pinapahalagahan. Binuo ito upang maging
madali at organisado ang iyong pagkatuto. Ang mga gawain sa modyul na ito ay
angkop sa lebel ng iyong kaalaman bilang mag-aaral ng ikawalong baiting sa
mataas na paaralan. Bagamat hindi sa loob ng silid-aralan mo ito gagawin ay
asahan mong sa tulong ng mudyol na ito ay malinang ang inaasam mong kaalaman.
Ang bawat gawain, ebalwasyon at pagsasanay ay nakatuon sa iisang layunin na
malinang ang iyong kaalam upang iyong nailalahad ang layunin ng napakinggan
o nabasa, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22). Ito ang ating
pangunahing tuon sa linggong ito.
Gawing gabay ang kagamitang pampagkatutu na ito sa pamamagitan ng
maingat, pa isa-isang pagsagot at paggawa sa mga gawain mula sa panimulang
gawain hanggang sa karagdagang gawain sa kadahilanang ang kaalamang ito ay
naaayon sa K-12 Most Essential Learning Competencies na mahalagang iyong
malinang.

Inaasahang sa huling bahagi ng modyul na ito ay iyong matamo ang


kaalaman sa mga sumusunod na layunin:

A. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa binasang akda


B. naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayari sa kasalukuyan
sa pamamagitan ng pagtukoy sa dahilan at resulta ng mga pangyayari; at
C. nakapagmumungkahi ng mga alternatibong solusyon upang mapanatili ang
kaayusan at kaligtasan sa sitwasyong kinaharap.

1
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain.
Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga
sagot sa mga gawain. lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa
sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

Aralin 5: BIDASARI EPIKO NG MINDANAO

SUBUKIN

Ang pagiging mulat sa mga pangyayari sa ating paligid ay nagsisilbing daan


upang maging responsable tayong mamamayan. Sa pakikinig mas madagdagan
ang iyong kaalaman. Tingnan natin kung ikaw ba ay nakikinig din. Halina’t ating
subukin.

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari na narinig. Piliin ang titik ng napiling sagot at
isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ang pandemya ay nagdulot ng ___________________________.
a. Trabaho b. kaginhawaan sa buhay c. krisis
2. Inutos ng DOH na ang bawat isa ay magsuot ng facemask sa tuwing nasa
pampublikong lugar para _________________.
a. malimitahan ang paglabas ng mga tao
b. madagdagan ang kita ng mga nagtitinda ng facemask
c. mapigilan ang pagkalat ng covid 19
3. Mas lalong dumami ang kaso ng covid 19 sa bansa dahil __________.
a. nakiisa ang mga tao
b. nasunod ang mga panuntunang pangkalusugan
c. hindi pagsunod sa panuntunang pangkalusugan

2
4. Dahil sa pagsara ng mga pagawaan at kompanya dulot ng lockdown
_______.
a. maraming mga tao ang nahihirapan sa pang-araw-araw na
pangangailangan
b. nagkaisa ang mga pilipino
c. umusbong ang ekonomiya ng bansa
5. Dahil sa pandemya, nakita ng pamahalaan ang kahihinatnan ng mga
mamamayan kaya naman
a. pansamantalang inalis nila ang buwis na babayaran
b. hinayaang makalabas ang mga tao para magnegosyo
c. binigyan ng ayuda ang lahat lalong-lalo na ang mga mahihirap
II. Batay sa iyong narinig na akdang Bidasari, sagutin ang sumusunod na
pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit iniwan ng mag-asawang sultan at
sultana ng Kembayat ang kanilang bagong silang na anak sa bangka.
a. upang makatakas sa mga dayuhang nais sumakop sa kanilang lupain
b. upang sila’y makaligtas sa pamumuksa ng higanteng ibong sumalakay
sa kanilang kaharian
c. upang iligtas ang kanilang anak sa nagaganap na digmaang sibil sa
kanilang kaharian
7. Ito ang pangyayari kung bakit napunta sa mag-asawang Diyuhara ang
sanggol na babaeng pinangalanan nilang Bidasari
a. narinig nila ang iyak ng sanggol habang sila’y namamasyal sa tabing
ilog
b. habang sila’y nangingisda ay nakita nila ang isnag bangkang may
lamang sanggol na inaanod sa ilog
c. napulot ng kanilang katulong ang sanggol na nakalagay sa bangkang
nasa tabing- ilog
8. Ang dahilan kung bakit inutusan ni Lila Sari ang mga kawal na tumungo sa
lahat ng dako ng kaharian
a. upang malaman kung may babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa
kanya

3
b. upang malaman ang pangangailangan ng mga taong kanilang
nasasakupan
c. upang ipamalita sa lahat ng dako ang nalalapit na pagdiriwang na
gagawin sa kanilang kaharian
9. Ang ginawa ni Diyuhara sa takot niyang baka tuluyang patayin ni Sultana
Lila Sari si Bidasari.
a. kumuha siya ng maraming kawal na magbabantay kay Bidasari araw at
gabi
b. binawi kay Lila Sari ang gintong isdang nagbibigay-buhay kay Bidasari
c. nagpatayo siya ng isang magandang palasyo sa isang gubat na
malayo sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si Bidasari
10. Ito ang dahilan kung bakit kinaibigan ng anak na lalaki ni Diyuhara si
Sinapati.
a. dahil may natatangi siyang pagtingin para kay Sinapati
b. dahil si Sinapati ay kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid
c. dahil si Sinapati ay anak ng Sultan ng Kembayat kung kaya’t nais
niyang mapalapit dito

BALIKAN

Ang nakaraan ay bahagi ng kasalukuyan kaya dapat lamang balikan.

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Tukuyin ang mga eupemistikong
pahayag na ginagamit sa pangungusap at isulat sa loob ng kahon ang
iyong sagot.
1. Balingkinitan ang katawang ng sikat na modelong si Cristine.

2. Pagkatapos kung manganak sa aking panganay ay naging malusog na ang aking


pangangatawan

4
3. Hindi ko mapigilan ang tawag ng kalikasan habang kami ay naglalakbay patungo
sa probinsya kaya inutusan ko ang driver na ihinto muna ang sasakyan.

4. Limang taon na pala ang nakakalipas simula ng sumakabilang bahay ang


kanyang asawa.

5.Matalim ang dila kung magsalita ang isang Donya sa aming lugar.

II. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang eupemistikong pahayag na tinutukoy ng


larawan na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang
bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

___1. a. balat sibuyas

___2. b. butas ang bulsa

___3. c. halang ang bituka

___4. d. mahaba ang kamay

___5. e. pantay na ang paa

5
TUKLASIN

Ating kaalaman ay madadagdagan kung tayo’y makinig sa pangyayari sa


ating lipunan. Halina’t ating buksan ang nakahanda nating isipan.

Tukuyin Mo Nga

Panuto: Isulat sa concept map ang tatlong pangyayaring napakinggan sa


kasalukuyan at magbigay ng iyong opinyon batay dito.

Mga Pangyayaring Napakinggan

Opinyon Ko Opinyon Ko
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ Opinyon Ko ________________
________________ ________________ ________________
__________ ________________ __________
________________
________________
________________
__________

Natukoy mo na ang mahahalagang pangyayari sa kasalukuyan. Nakapagbigay ka na


ng opinyon tungkol dito. Sa tingin mo kaya ay matutukoy mo ang mahalagang
pangyayari sa akdang tatalakayin?
6
SURIIN

Ang akda ay magiging makabuluhan kung tayo ay may matutunan. Tayo na at


ating alamin ang mahahalagang pangyayari sa akda. Unawain upang ang aral nito’y
magamit mo din.

Panuto: Basahin ang epikong Bidasari at gawin ang mga gawain sa ibaba.

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang


ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito
ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan
ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda
pagka’t ito’y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng


Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay
naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at
pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

Nang araw na iyon, namasyal sa tabing-ilog si Diyuhara, ang pinakamayamang


mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura kasama ang kanyang asawa nang
nakarinig sila ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing
pagkaganda-ganda, kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring
niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si

7
Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang
nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mogindra ay dalawang taon pa lamang kasal
kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae
ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya’y mahal nito na
sasagutin naman ng sultan ng, “Mahal na mahal ka sa akin”.

Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na


minsan sa sultan, “hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin?”

Ang naging tugon ng Sultan ay, “Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat.”
Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng
sultan. Kaya’t karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kawal na
saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa
sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay
Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama


ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa
isang silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang
kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y
ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si
Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at
pinauwi na niya si Bidasari.

8
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig
kung gabi. Kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.
Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng
isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mogindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang
magandang palasyo. Ito’y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya
ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si
Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mogindra na hindi
nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang
gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mogindra.
Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan
niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na
ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari


ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang
supling. Ito’y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay
nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at


ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati.
Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa
kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si
Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si
Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari
ay isa palang tunay na prinsesa.

https://pinoycollection.com/bidasari/

9
Pag-unawa sa Binasa

Gawain 1
Panuto: Saguting ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang dahilan at nawalay ang sanggol sa piling ng tunay niyang


magulang na sultana at sultan ng Kembayat?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________
2. Sino ang nakakuha ng sanggol?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________
3. Ano ang turing ng nakapulot sa bata?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________
4. Kailan nagsimulang magbago ang magandang buhay ni Bidasari?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Makatarungan ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang ito
ay patirahin niya sa palasyo?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
6. Anong negatibong pag-uugali ang naghari sa puso ni Lila Sari?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
7. Mayroon din bang ganitong uri ng tao sa tunay na buhay? Patunayan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

10
8. Naranasan mo bang kainggitan ka ng ibang tao? Kung oo, ano ang ginawa
mo sa mga taong naiinggit sa iyo?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
9. Paano makakahadlang ang pagiging mainggitin sa pagtatagumpay?

10. Ano sa tingin mo ang layunin ng akdang nabasa?


___________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 2:
Mula sa binasang epiko, itala ang mga mahahalagang pangyayari at tukuyin ang
dahilan at resulta ng mga pangyayari.

Mga Mahahalagang Dahilan ng Pangyayari Resulta ng Pangyayari


Pangyayari sa akda

11
PAGYAMANIN

Tandaan:
Mula sa mga naganap na pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan
na ating napakinggan hanggang sa pangyayari sa akdang binasa,
makikita na ang lahat ay may kadahilanan. Maging mapanuri sa
pagbibigay ng iyong saloobin. Tiyakin muna ang kabuoang
katotohanan at mas maiging malaman mo ang sanhi at bunga nito
bago magbigay ng komento. Maging responsableng mamamayan.

Dugtungan Mo

Panuto: Dugtungan ang bawat pahayag upang mabuo ang diwa gamit ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari sa akda.

1. Iniwan ng mag-asawang sultan at sultana ng Kembayat ang kanilang bagong


silang na sanggol upang _____________________________.

2. Nakuha ni Lila Sari ang isda sa hardin kaya


_______________________________

3. Nagalit si Sultan Mogindra kay Lila Sari dahil


______________________________.

4. Dahil sa labis na pagseselos ni Lila Sari


__________________________________.

5. Upang malaman kung may babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa kay Lila
Sari _________.

12
ISAISIP

Ang akdang inyong nabasa ay tinatawag na epiko. Ito ay


isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit at binibigkas na
nagsasaad ng kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan na karaniwang nagtataglay ng lakas na
nakahihigit sa karaniwang tao.
Ang Bidasari ay isang epikong romansang Malay na
nasasalig sa matandang paniniwalang napatatagal ang buhay
kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o
punongkahoy. Ang Bidasari, bagama’t laganap sa mga Muslim sa
Mindanao ay hindi katha ng mga Muslim kundi hiram sa mga
Malay. Ang orihinal na Bidasari ay nasulat sa wikang Malay. Ito
ay isinalin sa Ingles ni Chauncey C. Starkweather mula sa
orihinal na bersiyon nito sa Malay. Gayunpama’y walang
nakaaalam kung sino ang nagsalin nito sa wikang Mẽranao

13
ISAGAWA

Bumuo ng alternatibong solusyon upang mapanatili ang


kaayusan at kaligtasan sa sitwasyong kinakaharap sa
kasalukuyan. Piliin ang gawain na sa tingin mo ay
angkop sa iyong talento upang maipalabas mo ang iyong
saloobin: sanaysay, slogan, hugot lines at iba pa.

Alin kaya ang


pipiliin ko?

Hugot Lines Poster

________________

________________

________________

sanaysay

14
TAYAHIN

Iugnay Mo

Panuto: Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nangyayari
sa ating lipunan. Isa-isahin ang mga pangyayari sa akda na may kaugnayan sa
mga pangyayaring naganap sa lipunan. Isulat ang iyong sagot sa talahanayan.

Pangyayari sa Kaugnay na Paliwanag sa Sanhi Bunga


akda Pangyayari sa Pagkakaugnay ng
Lipunan mga Pangyayari

15
KARAGDAGANG GAWAIN

Bumuo ng maikling talata tungkol sa “Krisis Dulot ng


Pandemya”. Gamitin ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari.

Krisis Dulot ng Pandemya

16
SUSI SA PAGWAWASTO

17
Sanggunian

Aklat

Baisa-Julian, Ailene G., et al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix


Publishing House, Inc., 2015

Enrijo, Willita A. et.al. Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa mga Mag – aaral. 21-E.
Boni Serrano Ave., Q.C. Book Media Press, Inc., Unang Edisyon, 2013

Most Essential Learning Competencies (MELCS)

Internet

https://brainly.ph/question/367940

https://pinoycollection.com/bidasari/

Google Internet Pictures/Icons

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education: DepEd-Cebu Province


Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu province@deped.gov.ph

18

You might also like