You are on page 1of 25

8

FILIPINO 8
Unang Markahan – Modyul 6:

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG


PANANALIKSIK
Filipino – Baitang 8
Alternative Delivery
Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang akdang pampanitikan tulad ng awit,kwento.tula at iba pa ay ginamit sa


modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng
EdukasyonKalihim: Leonor
Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MYLENE F.TANILONG
Editor: RODOLFO F. DE JESUS
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIARTE , JOVITA T. OCAMPO
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office – Quezon City Department of Education –

National Capital Region


Office Address: 43 Nueva Ecija St. Bago Bantay, Quezon
CityTelephone No. : 8352-6806/6809
Telefax: 3456-03-43
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Unang Markahan–Modyul 6:

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG


PANANALIKSIK
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Hakbang sa Paggawa
ng Pananaliksik

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyulukol sa Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring
matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-
aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at
kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
Tuklasin maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin


ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
Isaisip
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isagawa Tayahin
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
Karagdagan g natutuhan mo mula sa aralin.
Gawain
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Susi sa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
Pagwawasto na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan lahat ng mga pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay para sa iyo. Naglalayon itong imulat ang


iyong isipan sa mga kaalaman sa pananaliksik. Makatutulong din
ito upang maliwanagan ka sa mga pamamaraan na makatutulong
sa pagbuo nito.Lilinangin din sa modyul na ito ang mga kaalaman
sa gramatika na tatasa sa iyong kakayahan upang makalikha ng
maayos na kasanayang pangkomunikatibo sa pamamagitan ng
mga gawain na nakapaloob dito.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:

Aralin 6- Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito,


inaasahang ikaw ay:

1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos
2. Nakikilala ang mga pangatnig bilang paglilipat-diwa sa
pananaliksik
3. Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video
clip na napanood sa youtube o iba pang pahatid pangmadla.

1
Subukin

Panuto: Hanapin sa kahon ang tinutukoy sa sumusunod.Isulat


sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Internet

B. Kaugnay na Literatura

C. Pananaliksik

D. Sarbey
E. Pagtukoy sa Problema

F. Panimula

1.Isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu, konsepto


o anumang bagay na nangangailangan ng ganap na
paglilinaw

2. Ito ang unang hakbang sa proseso ng pananaliksik


3. Pinakamabilis at pinakamadaling paghanguan ng

paksa dahil malawak ang sakop o saklaw.


4. Paraan ng pangangalap ng datos sa sistematikong paraan.
5. Hakbang na magbibigay sa mananaliksik ng mga
batayang kaalaman hinggil sa paksa.

2
Aralin MGA HAKBANG SA
6 PAGGAWA NG
PANANALIKSIK

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Isulat ang


mga pahayag na ginamit sa paglalahad ng opinyon sa sagutang
papel.

1. Sumasang-ayon ako, na kailangan laging maghugas ng kamay


at magsuot ng face mask upang maiwasan ang pagkapit ng
virus.
2. Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ang mga LGU sa
pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine ang ang ilan
dito ay hindi ako sumasang- ayon.
3. Lubos akong naniniwala na ang tunay na lakas at yaman ng
bansa ay nasa kanyang mamamayan.
4. Para sa akin, walang maghihirap kung ang lahat ay matututong
magsikap at magtiyaga sa buhay.
5. Ayon sa mga guro, epektibo pa rin ang face to face kaysa on line
learning,

3
Tuklasin

Gawain1:
Panuto: Pagmasdan ang larawan.Isa-isahin ang mga katutubong
kulturang Pilipino na makikita sa mga larawan.Ilagay ang sagot sa
linya .

Pokus na Tanong

1. Bakit kailangang matutuhan ang mga hakbang


sa paggawa ng pananaliksik batay sa binasang
datos?

2. Gaano kahalaga ang pagpili ng paksa sa pagbuo ng


pananaliksik?

4
Suriin

Nararapat mo lamang tandaan na ang Kasingkahulugan ay


tumutukoy sa kaparis, katulad o kawangis na kahulugan ng
isang salita .

Talasalitaan

Panuto: Salungguhitan ang salitang magkasingkahulugan


na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Noon, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton

Isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang


paroroonan.

2. Ang bawat paghakbang ay may

patutunguhan ang bawat

paghakbang ay may mararating

3. Ang kultura’y pinagyabong

ng may halong sigla at tuwa


nang may kasalong pagsubok at paghamon

4. Kulturang sinusuyod ng kapuri-

puring ugali at marangal na kilos

5. Kulturang gagalang sa mga bata’t

matanda kulturang rerespeto sa mga


babae’t may kapansanan

5
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula ni Ginoong
Pat Villafuerte

KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay


ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo gaano man ito kakitid, gaano
man ito kalawak kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy ang bawat
paghakbang ay may patutunguhan. ang bawat paghakbang ay may
mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha paghakbang na
kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,

6
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon kulturang
sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan kulturang pinaaawit ng
pasyon at pagsasabuhay ng Poon kulturang patuloy na sumisibol at
ipinapupunla ng tradisyon: pampamilya, pang-eskuwela,
pampolitika, panrehiyon at pambansa na dinilig ng maraming
pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay
na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan kulturang gagalang sa
mga bata’t matanda kulturang rerespeto sa mga babae’t may
kapansanan kulturang luluklok ng pagbabayanihan at
pagkakapatiran kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri

ng lahing marangal.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


katanungan. Itala ang iyong kasagutan sa nakalaang
patlang.
1. Tungkol saan ang binasa?
2. Anong kaisipan ang nilalaman ng tula?
3. Batay sa tulang binasa isa-isahin ang katutubong kaugalian
na nabanggit
4. Anong problema ang maaring mabuo sa iyong isipan habang
binabasa angtula?
5. Sa iyong palagay,makabubuo ka ba ng pananaliksik batay sa
mensaheng ipinaabot ng tula?Ano ang maaring maging paksa ng
iyong pananaliksik?

7
Notasyon: Maaring ipanood sa mga mag-aaral ang video clips para sa lubusan
nilang pag-unawa.
https://youtu.be/7EcIcxi0BVw

ALAM MO BA?
Ang Pananaliksik ay isang akademikong sulatin na
nangangailangan ng kritikal,masukal,at lohikal na pag-iisip.Ayon kay
Vizcarra(2003) ang pananaliksik ay isang
sistematiko,kontrolado,empiriko at kritikal na pag-iimbestiga sa
haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural
na penomenon.
Hakbang sa mga Pananaliksik

1. Pumili ng Paksa

Pumili ng paksang kinagigiliwan at humahamon


ng isangmalalim na pagsusuri.
Magpokus sa tiyak o hindi malawak na paksain.
Tandaan lamang na paksang pipiliin ay alam na alam mo.
Iwasan ang paksang masyadong teknikal o
nangangailangan ng mahabang pag-aaral.

2. Kumalap ng Impormasyon

Maaaring kumuha ng mga ideya at impormasyon mula


sa Internet. Habang kumakalap ng impormasyon
kailangang isulat ang buong impormasyon tungkol sa
bibliyograpiya.
Tandaan na walang halaga ang anumang
datos kung hindi binabanggit ang
pinaghanguan.

3. Bumuo ng Tesis na Pahayag

Ilahad ang iyong tesis sa isang buong pangungusap.


Gamitin ang tesis na pahayag bilang lunsaran sa
pagpapaunlad ng argumento.
Kailangang ang tesis na pahayag ay tiyak-
kailangang sakupin lamang nito ang mga bagay na
tatalakayin sa iyong papel at sinusuportahan ng
katotohanan at katibayan.

4. Gumawa ng Isang Tentatibong Balangkas

Ang layunin sa pagbubuo ng isang balangkas ay upang


makagawa ng isang lohikal at kongretong pagkakasunod-
sunod ng mga ideya sabubuuing sulatin.
Tiyakin na naisali ang mahahalagang datos upang
mapagtibay Kailangang ilakip sa balangkas ang tatlong
pangunahing bahagi ng isang sulatin:
Introduksyon,Katawan at Konklusyon.

8
5. Pagsasaayos ng mga Tala
Ayusin ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap
ayon sa pagkakasunod-sunod.
Suriin kung ang datos ay wasto,tiyak at napapanahon.
Tiyaking naitala ang lahat ng mga datos sa sariling
pananalita.

6. Isulat ang Unang Burador


Simulan sa unang paksa ayon sa ginawang tentatibong
balangkas. Markahan ang mahahalagang tala ayon sa
pagkakasunod-sunodng kaisipan.
Gumawa ng buod,hawig o sipi para sa bawat ideyang gagamitin sa
sanaysay.

7. Rebisahin ang Balangkas at ang Burador


Basahing muli ang iyong papel.
Suriin kung may makikita pang pagkakamali
Ayusin ang mga ideya ayon sa pagkakasunod-sunod sa
balangkas Kailangan lamang na laging isaalang-alang ang iyong
layunin at ang
mga mambabasa.

8. Pagsulat ng Pinal na Papel


Ganap nang ginamit ng mga mananaliksik ang batayang
kaalaman sa pagsulat ng pananaliksik.
Isinasaalang-alang na rito ang pinal na kabuuan ng sulatin
katulad ng paglalagay ng pahina,pamagat,paglalagay ng
margin at ang tamang balangkas ng isang sulating pananalisik

Mga Bahagi ng Pananaliksik

1. Suliranin at Kaligiran Nito


Nagsisilbing introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa
konteksto o kaligiran nito. Nagbibigay ng mga layunin ng pananaliksik .
2. Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral
Dito ipinapakita ang mga pagsusuri, pag-aaral, literatura na may
kaugnayan at halaga sa kasalukuyang salik na gagawin.
3. Metodolohiya / Pamamaraan
Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang
instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos.
4. Paglalahad at Pagpapakahulugan
Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng
datos .
5. Konklusyon at Rekomendasyon
Lagom ng pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik.
Ang rekomendasyon ay binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon
ng pag-aaral

9
Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Pangatnig bilang Paglilipat-diwa

Ang datos ang pinakamahalagang bahagi ng


pananaliksik.Inilalahad ang mga ito,sinusuri at inihahambing sa mga
nauna nangkaugnay na pananaliksik at binibigyan ng
interpretasyon.

Kailangang mailahad ang mga datos nang naaayon sa maayos


napagkakasunod-sunod ng mga ito upang maging magaan at
madaling maunawaan ng mga babasa ang isinasagawang
pananaliksik.

Makakatulong ang pangatnig bilang paglilipat-diwa sa pagbuo ng


mga datos sa pananaliksik.Ang pangatnig bilang paglilipat-diwa o
transisyon ay naghuhudyat ng mga kaugnayan o nagpapakita ng
pagpapalit ng kahulugan, ideya, o paksa. Ginagamit dito ang
pagsusunod-sunod ng ideya, konsepto o pangyayari. Karaniwang
ginagamit dito sa paglilipat-diwa o transisyon ang mga salitang una,
ikalawa, ikatlo, pinakahuli, sumunod , bago, pagkaraan, pagkatapos, at
sa dakong huli.

10
Pagsasanay 1

Panuto:Isa-isahin ang mga bahagi ng


pananaliksik ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Step ladder. 5

Pagsasanay 2

Panuto: Hanapin sa kahon ang bahagi ng pananaliksik


na tinutukoy sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat
sa patlang

A. Metodolohiya
B. Konklusyon/Rekomendasyon
C. Suliranin at Kaligiran nito
D. Paglalahad at Pagpapakahulugan
E. Mga Kaugnay na Literatura o Pag-aaral

1. Lagom ng pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng


pananaliksik.
2. Nagsisilbing introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng akda
batay sa konteksto o kaligiran nito.
3. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng
datos.

4. Dito ipinapakita ang mga pagsusuri, pag-aaral, lietratura na may


kaugnayan at halaga sa kasalukuyang salik na gawain.

5. Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraaan ng pananaliksik at ang


instrumenting ginamit sa pangangalap ng datos.

11
Gawain 1:

Panuto: Bumuo ng talata batay sa kronolohikal na ayos ayon


sa hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
Gumamit ng mga pangatnig bilang paglilipat-diwa.

Paano Sumulat ng Pananaliksik?

Gawain 2:
Sagutin ang Pokus na Tanong!
1. Bakit kailangang matutuhan ang mga
hakbang sa paggawa ng pananaliksik batay sa
binasang datos?

2. Gaano kahalaga ang pagpili ng paksa sa pagbuo ng pananaliksik

12
Isaisip

Panuto: Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang


diwa.

Natuklasan ko na upang makabuo ng pananaliksik dapat

Nalaman ko na sa pagpapahayag dapat

Isagawa

Tayo ay Magsulat!

Bilang paghahanda sa panghuling gawain para sa modyul na ito’


ay manood ng isang video clip sa youtube o iba pang pahatid pangmadlang
mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa pananaliksik

Itala ang mahahalagang bagay na iyong nakuha tungkol sa


pananaliksik at kasama ang tiyak na sanggunian nito.Gumamit ng mga pangatnig
na paglilipat-diwa sa pagbuo ng mga pahayag. Isulat o ilagay sa isang malinis na
bond paper. Humandang isalaysay sa klase ang masasaliksik na impormasyon.

13
Pamantayan sa Pagsulat

Maayos na naiisa-isa ang mga hakbang sa pananaliksik 10

May organisasyon ang pagbuo ng pahayag 10

Paggamit ng youtube bilang batayan sa paghango ng datos 10

Paggamit ng mga pangatnig bilang paglilipat-diwa 10

Sa pag-aayos ng datos 10

Kabuoan 50

14
Tayahin

PANUTO: Tukuyin kung saang bahagi ng paggawa ng


pananaliksik nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.
Hanapin sa kahon ang kasagutan at isulat ang letra ng tamang
sagot.

A. Pumili ng paksa
B. Kumalap ng impormasyon
C. Bumuo ng tesis na pahayag
D. Pagsasaayos ng mga tala
E. Isulat ang Unang Burador
F. Rebisahin ang Balangkas at Burador
G. Pagsulat ng Pinal na Papel
H. Pagsasaayos ng mga Tala

1. Isinasaalang-alang dito ang paglalagay ng pamagat, paglalagay ng


margin, at ang tamang balangkas ng isang sulatin sa pananaliksik.
2. Ayusin ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa
pagkakasunod-sunod.
3. Gumawa ng buod, hawig o sipi para sa bawat ideyang gagamitin.
4. Maaring kumuha ng mga ideya at impormasyon mula sa Internet.
5. Pumili ng paksang kinagigiliwan at humahamon sa isang malalim na
pag-iisip.
6. Ilahad ang tesis sa isang buong pangungusap.
7. Iwasan ang paksang masyadong teknikal
8. Basahing muli ang iyong papel at suriin ang ilang makikitang
pagkakamali.
9. Ayusin ang mga ideya ayon sa pagkakasunod-sunod sa balangkas.
10. Suriin kung ang datos ay wasto at tiyak at napapanahon.Tiyakin na
naitala ang lahat ng mga datos sa sariling pananalita.

16
Karagdagang Gawain

Panuto: Isa sa mahalagang elemento para makagawa ng isang


makabuluhang pananaliksik ay makahanap ng problema na
mabibigyan ng isang solusyon. Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
Tukuyin at isulat mo ang mabubuo mong problema.

17
Sanggunian
1. Atanacio,Lingat,Morales et.Al.(2019)Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.C&E Publishing Inc.
2. Blanca,Garado,Maggay,Gemenano,. PITAK 8. Quezon City. Educational
Learning Resource Publication
3. Julian-Lontoc-Del Rosario (2017) Pinagyamang PLUMA 8-Phoenix Publishing
House
4. https://cdn.slidesharecdn.com/ss_thumbnails/kultura-140321205409-phpapp01-
thumbnail-4.jpg?cb=1395435500
5. https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik
6. http://padillojenifer.blogspot.com/2013/02/blog-post_11.html
7. Pinagyamang wika at Panitikan

You might also like