You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN
A. Pamantayang PANITIKAN: Popular na Babasahin
Pangnilalaman WIKA AT GRAMATIKA: Impormal na Wika
B. Pamantayan sa Pagganap Nakikilala ang kauna-unahan at dakilang likhang panitikan
ng Mesopotamia.
C. Mga Kasanayan sa Nabibigyang kahulugan ang mga lingo/termino na
Pagkatuto ginagamit sa mundo ng multimedia (F8PT- IIIa-c-30)
Nabibigyang kahulugan ang mga lingo/termino na
ginagamit sa mundo ng multimedia (F8PT- IIIa-c-30)
Nagagamit ang iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang
ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga. lalawiganin) .
( F8WG-IIIa-c-30)
II. Mga Tiyak na
Layunin
1. Pangkaisipan Nakikilala ang mga popular na babasahin bilang daan sa
malikhaing gamit ng wika.
2. Pangkasanayan Nakapagbibigay halimbawa ng mga popular na babasahing
tanyag sa bansa.
3. Pandamdamin Napahahalagahan ang paggamit ng multimedia sa
pagkalap ng impormasyon at balita.

I
I. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Popular na Babasahin at Impormal na Wika
B. Sanggunian: Filipino 8 Pinagyamang Wika at Panitikan
C. Kagamitan: Powerpoint presentation/Googlemeet, Laptop, Headphones

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Balik-aral
Balikan ang mga iilang tinalakay sa una hanggang ikalawang markahan.

b. Pagganyak

WHAT’S APP?
Panuto: Hulaan kung anong application software o social media platform ang mga
ipapakitang LOGO.

Para sa pagsagot, paunahan sa pagcomment.

B. Pagtalakay

Talakayin ang Kulturang Popular at kung ano ang kaugnayan nito sa talakayin sa
araw na ito.
Isa-isahin ang pagtalakay ng Popular na Babasahin sa pamamagitan ng PIC-A-
BOO.
PIC-A-BOO – Pagsama-samahin ang katawagan ng bawat isa sa larawan upang
makabuo ng isang popular na babasahin.
Ibigay ang kahulugan ng pahayagan gayundin ang pagkakaiba ng Broadsheet sa
Tabloid.
Isunod ang pagtalakay sa mga impormal na salita na ginagamit bilang
komunikasyon sa pahayagan katulad ng mga nasa Tabloid.
Magpakita ng mga tanyag na pahayagan sa bansa at tanungin ang mga mag-aaral
kung sila ay pamilyar sa mga ito. (Gamitin ang raise hand sa googlemeet)
Isa-isahin ang mga multimedia jargon o lingo.
Isunod ang Komiks, bago talakayin ipahula muna ito gamit ang PIC-A-BOO
Ibigay ang bahagi ng Komiks at mga tanyag na halimbawa nito sa bansa.
Upang ang komiks ay maging bahagi ng kulturan popular sa kasalukuyan,
talakayin ang tungkol sa Manga.
Magpakita ng mga larawan ng karakter sa Manga at ipahula ang pamagat nito.
(Itype sa comment box ang mga sagot)
Talakayin ang Magasin (Ipahula muli gamit ang PIC-A-BOO)
Isa-isahin ang mga tanyag na magasin sa Pilipinas.
C. Paglalapat
WHEEL OF FORTUNE
Panuto: Gamit ang spinning wheel. Pipili ang guro ng mga mag-aaral na sasagot
sa mga katanungan na may kaugnayan sa tinalakay.
1. Ano ang pagkakaiba ng Tabloid at Broadsheet?
2. Ito ay tumutukoy sa mga salitang slang o mga salitang kalye.
3. Magbigay ng dalawang halimbawa ng Broadsheet.
4. Ibigay ang bahagi ng Komiks
5. Magbigay ng tatlong nagungunang magasin sa bansa.
6. Paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong pagkatao?

I. PAGTATAYA
A. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
____________1. Tinatawag na pinakamakulay na popular na babasahin sa kasalukuyan o
kuwento.
____________2. Siya ang kauna-unahang sumulat ng Komiks sa Pilipinas.
____________3. Sa bahagi ng Komiks, ito ay naglalaman ng isang tagpo sa kuwento
(frame).
____________4. Sa bahagi ng Komiks, Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa
tagpo
____________5.Pahayagan na malaki sa pisikal na anyo, mas detalyado at karaniwan ay
Ingles ang ginagamit na wika.
B. Magbigay ng limang halimbawang salita sa bawat isa:
BALBAL KOLOKYAL BANYAGANG LALAWIGANIN
SALITA
V. TAKDANG ARALIN
Republika ng Pilipinas
PADAPADA HIGH SCHOOL
Padapada Sta. Ignacia, Tarlac

Mala-masusing
Banghay-aralin
sa
Filipino 8

Inihanda ni:

JANAH A. BALLO-ALLO

Ika-2 ng Marso, 2021

You might also like