You are on page 1of 10

lOMoARcPSD|18269771

RO-LAS-SHS- -Filipino-sa-Piling-Larang-Akademik- -Q2


-MELC-2- -WK-3
Accountancy (Western Philippines University)

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


lOMoARcPSD|18269771

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


Senior High School

Activity Sheet sa Filipino


sa Piling Larang-Akademik
Kuwarter 2 – MELC 2
Pagtukoy sa Katangian ng Isang Sulating
Akademiko

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


Filipino sa Piling Larang Akademik-12
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 3
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na <Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.=

Ang (Filipino sa Piling Larang Akademik-12) Filipino 12 Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6-Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang (Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng
Schools Division of Sipalay City at Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 –
Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan
ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kanikanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang- alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga
magaaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila
ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pagunlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet na


ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala
ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka
ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


Kuwarter 2, Linggo 3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3

Pangalan ng Mag-aaral: _ Grado at Seksiyon: _ _


Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK 12


Replektibong Sanaysay

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko CS_FA11/12PB0m-o-102

II. Panimula

Susing Konsepto

Ano ang Replektibong Sanaysay?


Ang replektibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang sanaysay sa
pagbubulay-bulay. Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip,
damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano
naapektuhan ng mga ito. Bukod dito, ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay
isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-iisip. Ang sulating ito ay maaring
nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong papel, o
learning log.

Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay


Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, tayo ay nagpapahayag ng
damdamin, at dito ay may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapuwa, at sa
kapaligiran. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay proseso rin ng pagtuklas.
Sa pamamagitan din nito, natutukoy natin ang ating mga kalakasan at kahinaan,
at nakaiisip tayo ng mga solusyon sa mga problemang kinahaharap natin.
Hinahasa rin ng pagsulat ng replektibong sanaysay ang karanasan sa
metacognition o ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip.

Katangian ng Replektibong Sanaysay


Ang replektibong sanaysay ay personal. Sa sulating ito, sinasagot ng
manunulat ang mga replektibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng
manunulat sa kaniyang paksa. Halimbawa: Ano ang iyong naging reaksiyon sa
hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19? Ano ang paborito mong
asignatura sa paaralan at bakit? Paano mo iuugnay ang sarili sa pangunahing
tauhan ng binasa mong nobela? Ano ang kalakasan at kahinaan mo sa
pagsulat?

Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa


paglalarawan ng kuwento. Nangangailangan din ito ng mas mataas na

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


kasaysayan ng pag-iisip, gaya ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa.
Kapag nagsusulat nito, nagsasagawa rin ng pagsusuri (Ano-ano ang mga sanhi
at bunga ng kahirapan?), bumuo ng sintesis (Ano-ano ang mga natutuhan mo sa
mga naobserbahan), at nagsusuri at nagpapasya (Ano-anong mga kaisipan ang
tanggap o hindi mo tanggap?).

Sa pagsulat ng akademikong replektibong papel, mahalagang gumamit


ng deskriptibong wika. Sa pamamagitan nito, maipababatid sa mga mambabasa
na nauunawan at lubos na pinag-iisipan ang paksa. Dahil ito ay nakabatay sa
karanasan, inaasahang magsusulat dito tungkol sa sarili, mga ideya, at opinyon.
Kaya naman hindi problema ang paggamit ng mga panghalip na <ako= sa replektibong
sanaysay.

II. Mga Sanggunian

Concepcion. Gerard P., et.al. 2016. "Replektibong Sanaysay." In Filipino sa


Piling Larang-Akademik- Gabay ng Guro, by Concepcion. Gerard P. et.al., 85-
93. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon.
Santos, Corazon L. et.al. 2016. "Replektibong Sanaysay." In Filipino sa Piling
Larang Akademik - Patnubay ng Guro, by Corazon L. et.al. Santos, 85-94.
Meralco Avenue, Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR).

III. Mga Gawain

1. Mga Panuto

Pagsasanay 1:

Panuto: Basahin ang halimbawang replektibong sanaysay na <Bakit Ako


naging Manunulat?= ni Rene Villanueva sa iyong libro sa Filipino sa
Piling Larang-Akademik, pahina 134-149. Pagkatapos, sagutin ang
worksheet na matatagpuan sa Pagsasanay 1 sa iyong sagutang
papel.

Pagsasanay 2:

Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang <Anak= ni Freddie Aguilar


at sumulat ng isang replektibong sanaysay gamit ang mga
katanungan sa Pagsasanay 2. Pagkatapos, tukuyin ang mga
katangiang ginamit sa pagbuo ng sulatin gamit ang worksheet.
Isulat ito sa iyong kuwaderno. Bigyang-pansin ang rubrik para sa
pagpupuntos ng sulatin.

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


Karagdagang Kaalaman:

Ang replektibong sanaysay ay hindi lamang pagsasanay sa pagdidili-dili,


kundi sa pagsusuri at pag-unawa sa sariling pag-iisip, damdamin o kilos.
Personal at subhetibo ang sanaysay ngunit hindi ibig sabihin maaari nang
isulat ang lahat ng pumasok sa isipan. Kinakailangang sumunod pa rin ito sa
mga kumbensiyon ng akademikong pagsulat.

2. Pagsasanay/

Aktibidad

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang halimbawang replektibong sanaysay na <Bakit Ako


naging Manunulat?= ni Rene Villanueva. Pagkatapos, tukuyin ang katangian
ng halimbawang replektibong sanaysay sa pamamagitan ng pagsagot sa
worksheet sa iyong sagutang papel.

Pamagat ng Sanaysay
Ang replektibong sanaysay ba ay naglalarawan ng personal
na karanasan ng may akda?
Paano inilarawan ng may-akda ang kaniyang personal na
karanasan?
Naging mapanuri ba at mapagmuni ang may akda sa pagbuo
ng kaniyang sanaysay? Patunayan.
Gumamit ba ang may-akda ng deskriptibong wika? Magbigay
ng halimbawa

Pagsasanay 2

Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang <Anak= ni Freddie Aguilar at


sumulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa tumatakbo sa iyong
kaisipan habang pinakikinggan ang awit at anong bahagi ng kanta ang
tumangay sa iyong damdamin. Pagkatapos, tukuyin ang katangian ng
replektibong sanaysay na iyong isinulat gamit ang worksheet sa ibaba. Isulat
sa kuwaderno ang iyong sagot.

Pamagat ng Sanaysay
Ang replektibong sanaysay mo ba ay naglalarawan ng iyong
personal na karanasan?
Paano mo inilarawan ang iyong sulatin?
Naging mapanuri ka ba at mapagmuni pagbuo ng kaniyang
sanaysay? Patunayan.
Gumamit ka ba ng deskriptibong wika sa pagbuo ng
sanaysay? Magbigay ng halimbawa.

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


3. Mga Batayang Tanong

1. Ano ang replektibong sanaysay?


2. Ano ang kahalagahan ng sanaysay?
3. Ano ang katangian ng isang replektibong sanaysay?
4. Bakit maiuuri ang replektibong sanaysay bilang isang personal na
sanaysay?
5. Bilang mag-aaral sa senior high, paano nakatutulong ang replektibong
sanaysay sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kasanayan?

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Puntos
Pamantayan
10 7 5 3

Pangkasana Natukoy ang Natukoy ang Natukoy ang Hindi natukoy


yan katangian ng katangian ng katangian ng ang katangian
akademikong akademikong akademikong ng
sulatin sa sulating ngunit sulatin ngunit akademikong
isinulat na may kulang na maraming sulating sa
replektibong isa o dalawang kulang na isinulat na
sanaysay katangian sa katangian sa sanaysay
isinulat na isinulat na
sanaysay sanaysay

Nilalaman Nagtataglay ng May kulang na Maraming Walang


kumpletong impormasyon kulang na kaugnayan ang
impormasyon ang impormasyon impormasyon
ang replektibong ang sa isinulat na
replektibong sanaysay replektibong replektibong
sanaysay sanaysay sanaysay

Gramatika Wasto ang Kakaunti ang May ilang mali Karamihan ay


at Gaamit baybay at mali sa baybay, sa baybay, mali ang
ng Wika maayos ang pangungusap, pangungusap, baybay at di
mga at gamit ng at gamit ng maayos ang
pangungusap, wika wika mga
at angkop ang pangungusap,
gamit ng wika at di angkop
ang gamit ng
wika

V. Repleksiyon

Natutuhan ko na

Gusto ko pang matuto sa bahaging araling ito dahil

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)


VI. Susi sa Pagwawasto

Downloaded by JAIRAH PALCONIT (russiel.dagohoy@gmail.com)

You might also like