Professional Documents
Culture Documents
Grade 8 Week 2 Module Oct 12-16
Grade 8 Week 2 Module Oct 12-16
Grade level: 8 1
Subject: Filipino 2
Module no.: 2 3
Date: Oktubre 12-16, 2020 4
No. of Pages: 7 5
c Synchronous Distance Learning (students learn with the teacher real time)
Asynchronous Distance Learning (students learn/work on their task at different
times)
c Both
Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng isang tradisyunal na tulang may
anim na saknong na may paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan gamit ang masining na
antas ng wika at naitatanghal ito nang malinaw at madamdamin gamit ang teknolohiya
Karapatang-ari © 2020: Ipinagbabawal na sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito nang walang
pahintulot mula sa may-akda o tagapaglathala. Ang lalabag ay ipinagsasakdal sang-ayon sa batas sa
karapatang-ari, tatak-pangkalakal at iba pang kaugnay na batas.
MGA LAYUNIN:
Pagpapahalaga: “Be Proactive– the habit of choice” (7 Habits of Highly Effective People) She is a
woman of faith and a seeker of truth with a strong sense of mission; She is self-directed,
compassionate and life-giving in her relationships. (Markings of a Theresian)
Daloy ng Aralin
LUSONG-KAALAMAN
Magandang umaga! Tingnan ang ibinigay na modyul noong nakaraang linggo. Ang
gagamitin sa araw na ito ay ang modyul na may petsang Oktubre 06, 2020 na may
paksang: Ang kahulugan ng Tula at ang mga Elemento Nito. Halina’t ipagpatuloy
mo ang pagsasagawa ng mga gawain sa araw na ito.
MGA LAYUNIN:
Pagpapahalaga: “Be Proactive– the habit of choice” (7 Habits of Highly Effective People), She is a
woman of faith and a seeker of truth with a strong sense of mission; She is critically aware of the
environment and of current events. (Markings of a Theresian)
Daloy ng Aralin
LUSONG-KAALAMAN
Magandang umaga! Tingnan ang ibinigay na modyul noong nakaraang linggo. Ang
gagamitin sa araw na ito ay ang modyul na may petsang Oktubre 08, 2020 na may
paksang: Isang Punongkahoy (tula) at Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo
ng Tula. Tapusin ang nasimulang gawain. Magkita tayong muli sa susunod na
linggo.
MGA LAYUNIN:
Daloy ng Aralin
LUSONG-KAALAMAN
Magandang umaga! Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang isang pang halimbawa
ng akdang pampanitikang lumaganap sa panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng
pananakop ng mga Amerikano – ang Balagtasan. Isa itong uri ng tulang patnigan
na may masining na pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa
pangalan ni Francisco Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang
kaarawan ang tawag sa Balagtasan.
Lapis ka
ba?
Bakit
?
GABAY-KAISIPAN
Ang balagtasan, gaya ng ibang akdang pampanitikan ay nagtataglay ng
mahahalagang elemento. Bawat isa sa mga elementong ito’y nararapat malinang
nang husto sa kabuoan ng akda upang higit itong mapahalagahan ng mga
mambabasa o manonood. Pag-aralan mo ang mga Elemento ng Balagtasan sa
pahina 186-188 ng iyong aklat na Pluma.
ONLINE TASK
Panuto: Magtungo sa iyong CLE account at buksan ang folder na may pamagat na Gawain 2:
Pagpapalawak ng Kaalaman. Buksan ito at sundin ang panutong nakapaloob dito.
OFFLINE TASK
Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
1. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Filipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang
kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
SINTESIS
Ngayong napag-aralan mo na ang mahahalagahang impormasyon tungkol sa
ating paksa, masasabi nating patuloy na umuunlad ang ating panitikan mula sa
panahon kung kailan nakilala at umusbong ang Balagtasan. Mamamalas pa rin sa
kasalukuyan ang mga ganitong uri ng panitikan subalit ito’y napalitan na rin ng
makabagong pamamaraan ng pagpapahayag. Gayunman, hindi pa rin mawawala
ang pinakadiwa ng Balagtasan – ang pagtatagisan ng katwiran sa isang matulain
at masining na pamamaraan.
Muli na namang nadagdagan ang iyong kaalaman sa araw na ito. Batid kong
naunawaan mo ang ating paksa at magamit mo nawa ang mga ito sa pagpapatuloy
ng ating aralin bukas. Muli, maligayang pag-aaral!
KARAGDAGANG GAWAIN
Bilang paghahanda sa ating susunod na sesyon, basahin at pag-aralan ang mga impormasyon
tungkol sa Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon na makikita sa pahina
192-193 ng inyong aklat na Pluma.