You are on page 1of 3

Group work

Activity 1 Link

https://padlet.com/lorestohubert/2p5y1dl7rt8uatix

1. Choosing from the 21st-century skills, rank them base on importance to your discipline.

Ang pagsasaayos ng ranggo ay isinaalang-alang base sa disiplina, mithiin ng mga guro, layunin at kurikulum ng
Filipino.

Rank 1
Information, Media, and Technology Skills

Rank 2
Learning and Innovation Skills

Rank 3
Life and Career Skills

Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring
pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at
teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto
upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang mga natatanging guro sa ika-apat na grupo (Filipino Major) ay napagpasyahang iluklok sa kataas-taasang
puwesto ang 'Information, Media, & Technology Skills' na siyang pinaka-kailangan ng mga mag-aaral bago
tumungo sa inobasyon sapagkat aming napagnilayan na ito ay nahahalaw sa makabagong panahon (21st
century) kung saan ay marapat lamang na lumawak ang kanilang kaalaman upang makaagapay sa tinatawag na
“concept of a new beautiful”.

Samantalang, ang una at ikalawang ranggo naman ay humuhubog ng kaalaman, ideya at kakayahan ng mag-
aaral na siyang dapat na maisakatuparan.

2. What intended learning competencies are required for each year level (Choose at least 1 for each grade
level)

Grade 7
Sa ika-pitong baiang ng pagkatuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasalaysay ng maayos at wasto ang
buod, pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento, mito, almat at mga kwentong bayan.

Sa pamamagitan nito nahuhubog ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo gamit ang pagsasalaysay ng
panitikan.

Grade 8
Sa ika-pitong baitang ng pagkatuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiintindihan at naisusulat ang sariling
bugtong, sawikain, salawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan.

Dito masusukat ang pagbibigay halaga ng isang mag-aaral sa ating panitikan upang lubos na makilala at
mapayabong ang Panitikang Pilipino.

Grade 9
Sa ika-siyam na baitang ng pagkatuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalahad ang sariling pananaw at
naihahambing ito sa pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa mga tulang Asyano.

Sa makatuwid, nalilinang ng isang mag-aaral ang kakayahang replektibo o mapanuring pag-iisip sa


pamamagitan ng pagsuri sa iba't ibang pananaw at pagkakaiba-iba ng tulang Asyano.

Grdae 10
Sa ika-sampung baitang ng pagkatuto, ang mag-aaral ay inaasahang naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa
anekdotang inihanda ng guro.

Dito, nahahasa ang pag-iisip ng mag-aral at mapagyayaman ang panitikan.

3. Of which, choose only one competency for each level, you think is suitable for ICT Integration.

Grade 7
Naiilarawan ang konsepto ng panitikang rehiyunal at naipapakita ang iba't ibang pagkakakilanlan ng mga ito.

Ang mag-aaral ay magsasagawa pangkatang gawain. Bawat grupo ay magsasaliksik tungkol sa panitikang
rehiyunal upang ilathala ang pagkakakilanlan ng mga ito sa pamamagitan ng video.

Itatanghal ang paniniwala at pag-uugali ng mga Pilipino sa rehiyon ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Ipapasa
ang "video project" sa nakalaang google drive na ibibigay ng guro.

Grade 8
Inaasahan maipapakita ang iba't ibang pampanitikang pambansa tulad ng salawikain, pabula at iba pa.

Ang mga mag-aaral ay maaaring gumamit ng iba't ibang plataporma sa internet. Maaaring youtube, dito
iuupload ng mga estudyante ang kanilang gawain upang mas marami pa ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa
panitakang pambansa. Maaari rin naman gumawa ng animation upang mas maging kaakit-akit ang proyekto.

Grade 9
Makakagawa ng sariling Tula at dramatikong tuluyan at mabibigyan buhay sa tulong ng teknolohiya

Malaki ang naitutulong ng social media sa kasalukuyang panahon, kaya maaaring ito ang gamitin ng mag-aaral
upang mapayabong at maipakilala sa nakararami ang mga ito.

Gaya na lamang sa Facebook, ang sariling tula ay maaaring ibahagi sa facebook at ang dramatikong tuluyan
naman ay maaring gawin sa 'educational tools' gaya ng zoom.

Grade 10
Maipapamalas at mapapakita ang tamang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino depende sa sitwasyon gamit ang
teknolohiya.

Ang mga mag-aaral ay maaring magkaroon ng group report. Maaaring ipakita ang pakikipag-ugnayan ng mga
Pilipino gamit ang power point presentation.
Members

Josh Macalla
Jason Romaguerra
Romelia Bermio Cabello
Danica Ner
Trixie Baltazar
Gwyneth Talampas

You might also like