You are on page 1of 2

SPOKWENTO

MGA ALITUNTUNIN
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng guro sa Baitang 7 na magmumula sa Distrito 1 hanggang
Distrito 6 ng mga Paaralang Sangay ng Maynila.

2. Ang bawat indibiduwal na kalahok ay lilikha ng sariling kuwentong nakabatay sa napiling


Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)na may kaugnayan sa tema ng Buwan ng
Wikang Pambansa 2022 na “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas
at Paglikha.”

3. Pipili ng isang genre ang bawat kalahok mula sa MELC para sa maikling kuwento, epiko,
mito, kuwentong-bayan o alamat na gagawing batayan sa paglikha ng sariling kuwento.

4. Ang nilikhang kuwento ay ilalagay sa PowerPoint Presentation at ire-record bilang video


lesson. Voice over o boses lamang ang ilalapat sa pagbasa ng kalahok sa nilikhang kuwento
na tatalakayin na may isa o dalawang maiikling gawain at/o ng 5 aytem na pagsusulit.

5. Ang SPOKWENTO o Kuwentong Pasalita ay nasusulat sa Filipino na dapat itanghal sa loob


lamang ng 30 minuto na orihinal ang komposisyon, maging ang mga piktograpikong
presentasyong gagamitin sa pagtalakay.

6. Hindi dapat kakitaan ng anumang pagkakakilanlan ang kalahok tulad ng mukha, pangalan ng
kalahok, pangalan o logo ng paaralan ang mismong nilalaman ng video lesson para sa
pagtatangal ng SPOKWENTO. Tanging bilang ng kalahok na magmumula sa tagapangulo
ang ilalagay sa “file name” at distrito. Halimbawa: Kahalok 1- SPOKWENTO Distrito 1.

7. Ipadadala o ia-upalod ang lahok o entry ng bawat paaralan sa itatakdang Google drive link ng
tagapangulo ng paligsahan na si Gng. Julie T. Wong ng Mataas na Paaralang V. Mapa sa
pakikipagtulungan ng mga nakatalagang tagapag-ugnay sa bawat distrito. Ito ay magaganap
sa Agosto 22, 2022, araw ng Lunes na sasailalim sa paunang “screening” o eliminasyon para
sa bawat distrito. Nasa ibaba ang talaan ng mga tagapag-ugnay.

Mga Paaralang Kalahok Pagpapasahang District Coordinator


Distrito 1 B. Lucelma O. Carpio
Distrito 2 Gng. Julie DG. Madera
Distrito 3 Gng. Catalina C. Manongsong
Distrito 4 Bb. Ruth R. Hernandez
Distrito 5 Bb. Maria Fe E. Patanao
Distrito 6 Gng. Rowena G. Tudoc

8. Matapos ang pandistritong eliminasyon, ang mapipiling kampeon sa bawat distrito ang
magiging lahok o entry ng distrito para sa pandibisiyong patimpalak. Ihahayag ang mga
nagwagi sa Pampinid na Palatuntunan sa Agosto 31, 2022.

9. Makatatanggap ng medalya at sertipiko ang unang tatlong kalahok na makapagtatamo ng


pinakamalalaking puntos at sertipiko naman ng partisipasyon para sa iba pang lumahok.

10. Ang kapasiyahan ng lupon ng inampalan ay pinal at hindi mababago pa.

MGA PAMANTAYAN

Nilalaman/Organisasyon (40%)
- Ang nilalaman ng video lesson para sa SPOKWENTO ay may kaugnayan sa tema sa
pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2022.
- Mabisa ang pagkakabuo sa banghay at detalye ng nilikhang akda
- May kaisahan sa layunin, nilalaman, at pagtalakay sa akda
- Organisadong naisaayos ang mga kaisipan na may maayos na daloy ng presentasyon ng
slide o video

Pagtalakay(25%)
- Mabisa ang estilo at paraan ng pagkukuwento.
- Mabisang naisanib ang mga gabay na tanong, maikling gawain o pagsusulit upang
maging interaktibo ang video lesson sa SPOKWENTO.
- Ang pagtalakay ay nakasandig sa napiling kasanayan na may mabisang pagtatasa sa
araling batay sa MELC.
- May nabubuong koneksyon sa madlang tagapanood o mag-aaral sa baitang 7.
- Napananatili ang atensyon at interes ng mga tagapanood sa kabuuan ng pagtatanghal.

Pagkamasining at Orihinalidad (20%)


- Pagkamalikhain ng nabuong SPOKWENTO.
- Malinaw at wasto ang bigkas, tono, diin, hinto, bilis ng pagsasalita at pagpapalit ng boses
- May angkop na paglalapat ng kinakailangang emosyon
- Masining ang naging presentasyon sa kabuuan ng paggamit ng SPOKWENTO bilang
video lesson.
- Napalutang ang pagkamasining sa paggamit ng musika, sound effects, transisyon, at voice
over

Gamit (15%)
- Mainam at kasiya-siya ang pagkakamit ng mga kasanayang (MELC) inilapat sa video
lesson para sa SPOKWENTO.
- Kinakitaan ng potensyal at kahalagahan upang magamit bilang karagdagang kagamitang
sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino baitang 7.

You might also like