You are on page 1of 4

HILLCREST SCHOOL, INC.

Academic Year 2021-2022


United Nation: Post Activity Proposal

Theme: “Recovering Better for an Equitable and Sustainable World”


Tema: “Pagpapanatili ng Mahusay at Makatarungang Daigdig”

Malayang Pagguhit (Pre-School)


a.1. Ang mga mag-aaral mula sa preschool ay ang inaasahang kalahok sa malayang pagguhit.
a.2. Inaanyayahan ang kanilang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa
nasabing gawain at patimpalak.
a.3. Ang petsa at araw ng pagsumite ng natapos na gawain ay sa:

NOBYEMBRE 15, 2021 Lunes, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang mga mag-aaral na magsusumite ng lagpas sa nasabing oras ay hindi na tatanggapin pa.
a.4. Ang paksa para sa malayang pagguhit ay: “Pagpapanatili ng Mahusay at Makatarungang
Daigdig”
a.5. Ang gawain at patimpalak na ito ay naglalayon upang bigyang pagkakataon na maipahayag
ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin tungkol sa “Pagpapanatili ng Mahusay at
Makatarungang Daigdig”
a.6. Ang mga kagamitan na maaring gamitin ay ang mga sumusunod:

Oslo paper o long bond paper


Lapis
Pambura
Kagamitang pangkulay

a.7. Ang mga mag-aaral na makikilahok ay inaasahang magpadala ng kanilang video habang
ito ay ginagawa at larawan ng natapos na iginuhit.
a.8. Ito ay ipapadala sa kanilang gurong-tagapayo bilang personal na mensahe (personal
message/pm) gamit ang messenger app.
a.9. Ang batayan sa malayang pagguhit ay ang sumusunod:
Pagkamalikhain, Organisayon, Kaangkupan sa Paksa, Gawang Bata.
Bibigyan ng karampatang puntos ang bawat isa.

5 puntos – Napakahusay
4 puntos – Mahusay
3 puntos – Katamtamang Husay
2 puntos – Di-gaanong mahusay

Patimpalak sa Pagguhit ng Poster


b.1. Ang mga mag-aaral mula baitang 1 hanggang baitang 10 ay ang inaasahang mga kalahok
sa pagguhit ng poster.
b.2. Inaanyayahan ang kanilang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa
nasabing gawain at patimpalak.
b.3. Ang petsa at araw ng pagsumite ng natapos na gawain ay sa:

NOBYEMBRE 15, 2021 Lunes, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang mga mag-aaral na magsusumite ng lagpas sa nasabing oras ay hindi na tatanggapin pa.
b.4. Ang paksa para sa pagguhit ng poster ay: “Pagpapanatili ng Mahusay at Makatarungang
Daigdig”
b.5. Ang gawain at patimpalak na ito ay naglalayon upang bigyang pagkakataon na
maisalarawan ng mga mag-aaral ang kanilang malikhaing pag-iisip sa pamamagitan ng poster.
b.6. Ang mga kagamitan na maaring gamitin ay ang mga sumusunod:

Oslo paper o long bond paper


Lapis
Pambura
Kagamitang pangkulay

b.7. Ang mga mag-aaral na makikilahok ay inaasahang magpadala ng kanilang video habang
ito ay ginagawa at larawan ng natapos na iginuhit.
b.8. Ito ay ipapadala sa kanilang gurong-tagapayo bilang personal na mensahe (personal
message/pm) gamit ang messenger app.
b.9. Ang batayan sa malayang pagguhit ay ang sumusunod:
Nilalaman, Pagkamapanlikha (Originality), Kaangkupan sa Paksa, Kabuuang, Presentasyon,
Pagkamalikhain.
Bibigyan ng karampatang puntos ang bawat isa.

5 puntos – Napakahusay
4 puntos – Mahusay
3 puntos – Katamtamang Husay
2 puntos – Di-gaanong mahusay

Tagisan ng Talino (Quizbee)


c.1. Ang mga mag-aaral mula baitang 1 hanggang baitang 10 ay ang inaasahang mga kalahok
sa tagisan ng talino.
c.2. Ito ay gaganapin sa klase ng NOBYEMBRE 16, 2021 MARTES Filipino at Araling
Panlipunan.
c.3. Ito ay pangungunahan ng mga guro sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.
c.4. Ang gawain na ito ay naglalayon upang malaman ang katatasan ng kaalaman ng bawat
mag-aaral sa asignaturang Filipino at mga impormasyon patungkol sa pagdiriwang ng United
Nations.
c.5. Ang mga kagamitan na dapat ihanda at gagamitin ay:

White board
White board marker
Pambura

c.6. Magkakaroon ng 3 bahagi ang quizbee:

Madali (easy round)


10 tanong na may pagpipilian
1 puntos sa bawat tamang sagot

Katamtaman (avarage round)


5 tanong na may pagpipilian
2 puntos sa bawat tamang sagot

Mahirap (difficult round)


5 tanong na may pagpipilian
3 puntos sa bawat tamang sagot

Clincher o Tie breaker


5 tanong na may pagpipilian
1 puntos sa bawat tamang sagot

d.7. Babanggitin ng guro ang mga tanong ng 2 beses at mayroong 10 segundo ang mga mag-
aaral upang mamili ng kanilang sagot. Ang mag-aaral na magkakaroon ng pinakamaraming
puntos ang siyang mananalo.
Pagsusuot ng Kasuotan mula sa Ibat-Ibang Bansa (Dress Up Your Doll)
d.1. Ang mga mag-aaral mula preschool hanggang baitang 10 ay ang inaasahang makikilahok
sa pagsusuot ng ibat-ibang bansa.
d.2. Ang gawain ay gaganapin sa NOBYEMBRE 16, 2021 MARTES sa klase ng Filipino o
Araling Panlipunan.
d.3. Ang gawain na ito ay naglalayon upang maipakita at alalahanin ang mayamang kultura ng
ibat-ibang lahi sa pamamagitan ng pagdadamit ng mga kasuotang mula sa ibat-ibang bansa.
d.4. Ang mga mag-aaral at guro ng Paaralang Hillcrest ay makikiisa at makikibahagi sa gawaing
ito.
Dress Up Your Doll
e.1 Ang mga mag-aaral mula preschool hanggang baitang 6 ay ang inaasahang mga kalahok
sa gawaing dress up your doll.
e.2. Ang petsa at araw ng pagsumite ng picture para dress up your doll ay:

NOBYEMBRE 17, 2021 Miyerkules, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
e.3. Ang mga mag-aaral na magsusumite ng lagpas sa nasabing oras ay hindi na tatanggapin
pa.
e.4. Ang mga kagamitan na maaring ihanda ay:
UN costume
Art Materials para sa paggawa ng Doll

e.5. Ang mga mag-aaral na makikilahok ay inaasahang magpadala ng kanilang video habang
ito ay ginagawa at larawan ng natapos na doll.
e.6. Ito ay ipapadala sa kanilang gurong-tagapayo bilang personal na mensahe (personal
message/pm) gamit ang messenger app.

World Fashion Galore


f.1 Ang mga mag-aaral mula baiting 7 hanggang baitang 10 ay ang inaasahang mga kalahok sa
gawaing world fashion galore.
f.2. Ang petsa at araw ng pagsumite ng picture para world fashion galore ay:

NOBYEMBRE 17, 2021 Miyerkules, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
f.3. Ang mga mag-aaral na magsusumite ng lagpas sa nasabing oras ay hindi na tatanggapin
pa.
f.4. Ang mga kagamitan na maaring ihanda ay:
UN costume
Video introduction sa napiling bansa (Miss Universe Peg)

Pagbigkas ng Tula
g.1 Ang mga mag-aaral mula baitang 4 hanggang baitang 6 ay ang inaasahang mga kalahok sa
patimpalak ng pagbigkas ng tula
g.2. Ang petsa at araw ng pagsumite ng video para sa pagbigkas nh tula ay sa:

NOBYEMBRE 17, 2021 Miyerkules, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang mga mag-aaral na magsusumite ng lagpas sa nasabing oras ay hindi na tatanggapin pa.
g.3. Ang gawain na ito ay naglalayon upang maipamalas ang talento sa pagbigkas ng tula ng
bawat mag-aaral na lalahok.
g.4. Ang piyesa na gagamitin sa pagbigkas ng tula ay ibibigay ng guro sa AP.
g.5. Ang mga mag-aaral na makikilahok ay inaasahang magpadala ng kanilang video ng
kanilang pagbigas ng tula.
g.6. Ito ay ipapadala sa kanilang gurong-tagapayo bilang personal na mensahe (personal
message/pm) gamit ang messenger app.

Spoken Poetry
h.1 Ang mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang baitang 10 ay ang inaasahang mga kalahok
sa patimpalak ng pagbigkas ng tula
h.2. Ang petsa at araw ng pagsumite ng video para sa spoken poetry ay sa:

NOBYEMBRE 17, 2021 Miyerkules, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang mga mag-aaral na magsusumite ng lagpas sa nasabing oras ay hindi na tatanggapin pa.
h.3. Ang gawain na ito ay naglalayon upang maipamalas ang talento sa pagbigkas ng tula ng
bawat mag-aaral na lalahok.
h.4. Ang piyesa na gagamitin sa spoken poetry ay isusulat ng mag-aaral na kalahok.
h.5. Ang mga mag-aaral na makikilahok ay inaasahang magpadala ng kanilang video ng
kanilang spoken words.
h.6. Ito ay ipapadala sa kanilang gurong-tagapayo bilang personal na mensahe (personal
message/pm) gamit ang messenger app.
Newscasting
i.1. Ang mga mag-aaral sa Senior High School ang inaasahang kalahok sa gawaing ito.
i.2. Ito ay gaganapin sa oras ni G. Wilson Gomez.
i.3. Ang newscasting ay isang kumpetisyon kung saan ang mga kalahok ay gayahin ang
paghahatid ng balita bilang mga propesyonal na anchor sa telebisyon.
i.4. Ang kompetisyong ito ay may 3 (tatlong) round na may iba't ibang nilalaman sa bawat round
(Pagbasa ng Balita sa Preliminary Round, Live Report sa Semi-final Round at Talk Show sa
Final Round).
i.5. Ang maximum na tagal ng pagganap ng bawat kalahok ay 3 (tatlong) minuto para sa
Preliminary Round, 5 (limang) minuto para sa Semi-final Round at 15 (labinlimang) minuto para
sa Final round (kabilang ang pambungad at pangwakas na pangungusap).
i.6. Ang pagpili sa mananalo ay ibabatay sa pamantayan o rubriks ng toast master.

Impromptu Speech
j.1. Ang mga mag-aaral sa Senior High School ang inaasahang kalahok sa gawaing ito.
j.2. Ito ay gaganapin sa oras ni G. Wilson Gomez.
j.3. Ang pagsasalita ay dapat nasa pagitan ng 2 at 3 minuto ang haba.
j.4. Walang mga materyales sa pananaliksik ang maaaring gamitin. Ang tagapagsalita ay dapat
kusang maglahad ng kanilang talumpati. Ang pananalita ay maaaring nasa anumang istilo:
nakakaaliw, nagbibigay-kaalaman, o mapanghikayat.
j.5. Ang toast master ang siyang magbibigay ng paksa para sa impromptu speech at siya ring
magdedesisyon kung sino ang mananalo.

You might also like