You are on page 1of 1

AKTIBIDAD SA SELEBRASYON NG BUWAN NG WIKA 2022

LIKHA
Layunin:
Ang aktibidad na ito ay para sa mga estyudante galing sa unang
baitang, pangalawang baitang at ikatlong baitang ng kolehiyo sa Lipa City
Colleges. Ito ay ginawa upang maipakita ng mga estyudante ang kanilang mga
talento sa pagguhit na lilikha ng isang obra gamit ang imahinasyon at galing sa
sining. Isa itong paraan para maidaos ang selebrasyon ng Buwan ng Wika 2022 sa
pamamagitan ng paggawa ng isang obra na may patungkol sa tema na ibinigay ng
komisyon sa wikang filipino para sa pagdiriwang ng buwan ng wika ngayong
taong 2022.
Alituntunin:
1. Ito ay para sa mga estyudante galing sa unang baitang, pangalawang baitang
at ikatlong baitang ng kolehiyo sa Lipa City Colleges. Isang kalahok lamang
sa bawat departamento ang hinihiling na sumali sa aktibidad na ito bilang
pagsama at pagrespeto sa selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Pilipinas.
2. Ang mga ipapasang obra ay dapat nasa estadong digital. Maaari itong
isagawa sa kahit anong aplikasyon.
3. Ang mga obrang lilikhain ay dapat mayroong tema patungkol sa tema ng
Buwan ng Wika na “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa
Pagtuklas at Paglikha.”
4. Ang obrang ipapasa ay marapat lamang na orihinal at hindi nagpapakita ng
maseselang litrato at mga hindi kaaya-ayang imahe o kahit anong simbolo
na kukutya at tutuligsa sa isang imahe ng tao, bagay o hayop.
5. Ang lahat ng obra ng kalahok ay ipapasa bilang .jpeg o .png file. Ipapasa ito
sa opisyal na email address ng Central Student Government
(centralstudentgovernmentlcc@gmail.com) (Paalala: Ang file name format
ng dokumento na dapat sundin ay LIKHA_BuongPangalan_Departamento;
Hal. LIKHA_JuanDelaCruz_COC)
6. Ang huling araw ng pagpapasa ay sa Agosto 29, 2022.
7. Ang lahat ng kalahok ay makakatanggap ng sertipiko bilang pagkilala sa
paglahok sa Buwan ng Wika.
8. Ang mga obrang ipapasa ay ipapakita at ipapaskil sa Facebook page ng Lipa
City Colleges at sa Central Student Government.

You might also like