You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

NORTHERN SAMAR COLLEGES INC.


Catarman, Northern Samar

Inihanda ni: JONATHAN P. ESPELEMBERGO


Degree Program: BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION Major in Filipino
Kurso: Fil. M3- Panimulang Lingwistika
Instraktor: G. RONALD N. VERANO
Petsa: 10 Marso 2023

Layunin:
Naitutukoy ang mga bagong likha na salita gamit ang ating wika.
Nauunawaan at napapahalagahan ang mga bokabularyong nabubuo sa ating wika.
Nasusuri ang tamang pagsasalin ng wika.

Paksa: LEKSIKON

Nilalaman:

KAHULUGAN NG LEKSIKON

 Ito ay ang mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito.
 Tinatawag din itong ‘vokabularyo’ ng isang wika.
 Ito ay koleksyon ng mga salita ng isang particular na lenggwahe o propesyon.

1
MGA PARAAN SA PAG-BUO NG MGA SALITA

1. PAGBABAWAS O CLIPPING - Ang prosesong ito ay ang pagpapaikli ng mga salita


na kadalasang ginagamit sa pasalitang paraan.
2. PAGDARAGDAG - May mga salitang binabawasan ngunit may mga salitang
dinaragdagan din.
3. AKRONIM - Hango ito mula sa mga inisyal o mga unang pantig ng mga salita.
4. PAGTATAMBAL - Marami na ring mga salita ang nabuo sa pamamagitan ng
pagtatambal ng mga morfema na naging bahagi na ng wikang filipino dahil tinatanggap
ito ng masa.
5. PAGHAHALO O BLENDING - Ang paraang ito ay ang pagbabawas at pagtatambal
ng mga salita.
6. MGA SALITA SA MGA PANGALAN - Sa pagiging malikhain sa pagbuo ng mga
salita may mga pangalan ng produkto o brand na pagiging pandiwa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA LEKSIKON:

Sa Panlinggwistika - Ang kasanayang panglinggwistika ay kakayahang umunawa at


makabuo ng mga istraktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika.
Ang isang wika ay may katumbas sa isa pang wika, na kung saan iba-iba ang kahulugan.
Narito ang mga gabay sa isang leksikon at gramatika ng wika.

 Isa-sa-isang katumbas – dito ang isang tagapagsalin ay dapat na gumamit ng


diksyunaryong bilinggwal.
 Marami – sa- iisang katumbas – Ang katumbas na ito ay marami sa iisang katumbas,
na kung saan ang isang wika ay may katumbas ng maraming salita.
 Isa- sa- maraming katumbas - Ang katumbas na ito ay iba baligtad sa naunang
halimbawa, sapagkat dito naman ay ang wikang Filipino ay isa lamang ang
kahulugan, samantalang pag ito ay isasalin na sa wikang Ingles marami ang
magiging kahulugan.

Pagsasalingwika - Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,
pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Ang pagsasalingwika ay muling
paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang

2
mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo. (E. Nida,
1959/1966)
MGA GABAY SA PAGSASALINGWIKA :

 Mga Pamantayan - Ang mga salita at ideya ng orihinal ay nararapat na nasa isang salin,
kaya’t kapag ang isang salin ay binasa, kinakailangang ito’y maging salamin ng orihinal
na sinulat tulad din ng pagiging salamin ng isang salin.
 Ang Estilo - Ang estilo ng orihinal ay dapat na naipakikita ng isang salin at dapat ding
aralin ng isang slain ang estilo ng tagapagsalin.
 Pang-esktralinggwistika - Ito’y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural tulad ng mga
sawikain, matalinghangang pananalita atbp. Halimbawa: English; He is stubborn.
Filipino: Matigas ang ulo niya. Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay kailangang
magkakaugnay sa isa’t isa. Kalakip dito ang layunin ng may-akda at kung paano ito
magiging epektibo sa mga mambabasa.
 Paliwanag - Ang pagiging mabisa sa salin ay nakasalalay sa lkahusayan ng tagapagsalin
mula sa orihinal. Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang tagapagsalin ay mahusay sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang mabuting pagpapakahulugan sa W1 ay
nagbubunga ng kahusayan sa pagbibigay ng ideya o kaisipan sa W2. At Kung mahusay
ang kanyang pagkakasuri sa nilalaman ng W1, ang bawat bahagi sa W1 ay nagkakaroon
ng mabisang kabuuan.

Mga Sanggunian:
Leksikon-at-Gramatika1.- Fil103 Pdf. Date Uploaded March 19, 2022. Retrived from
https://www.coursehero.com/u/file/136655830/433724969-Leksikon-at-Gramatika1pdf/ March
09, 2023.
LEKSIKON, JusticeHawkPerson5514-Central Escolar University, Date Uploaded August 18,
2019. Retrieved from https://www.coursehero.com/u/file/44834077/LEKSIKONpptx/ March 9,
2023

You might also like