You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
Philippine Indigenous Communities

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


TABLE OF SPECIFICATION in PHILIPPINE INDIGENOUS COMMUNITY
1st Semester, A.Y.2022-2023

Midterm Exam – Wika Bilang Behikulo ng Kultura


Rationale. Sa maraming pagkakataon ay nabigyan ng diin ang kaugnayan
ng wika at kultura, maging ang kahalagahan nito sa pagkakakilanlan ng
katutubong lipunan. Ang pagbibigay diin ay makikita sa paggamit at
pagpapakilala ng ilang katutubong wika sa mga usapin at sa nilalaman ng
aralin – concepts of culture at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Sa
katunayan ang susunod na tala ng mga wika na hango sa “Peralta wordlist”
ay ang istrumentong ginagamit ng KWF sa kanilang pambansang proyekto
na Lingguwistikong Etnograpiya ng Filipinas (LEF) na kung saan ang NVSU
ay naging kaagapay sa dalawang natapos na pag-aaral sa wikang Isinay at
Gaddang. Ang susunod na wikang pag-aaralan ay ang wikang
Ilongot/Bugkalot subalit ito ay pansamantalang naantala dahil sa pandemya.
Ang hangarin ng LEF project ay upang sagipin ang mga wikang katutubo
na nangnganib nang mawala. Ito rin ang siyang batayang inspirasyon ng
gawaing ito. Ang humubog ng mga indibidwal na may pagpapahalaga
sa pamanang wika at kultura. Nawa’y ang karanasang ito ay magbigay
daan sa pagsilang ng kamalayan at interes sa inyong wika at kultura at
matuto ng ibang wika at kultura. PAALALA: Isagawa ang gawain ng may
ibayong pag-iingat!
MGA GABAY AT PANUTO
1. Magsagawa ng pakikipanayam sa miyembro ng pamilya o lipunan na
maalam sa wika at kultura, higit hinihikayat na ang matatanda sa lipunan
ang makakapanayam. Upang ang gawain ay balido marapat na magkaroon
ng hindi bababa sa apat (4) na kapanayam. Huwag kalimutang kunin ang
mga sumusund na impormasyon sa mga taong makakapanayam: Ang
Pangalan, Edad, Pangkat Etniko, Adres, Katungkulan sa Lipunan (kung
meron), at dokumentasyon kung maaari. Ang dokumentasyon ay maaring
“iprint” at ilakip sa gawain o ipadala online sa pamamagitan ng “gcr”.

2. Ibigay ang mga katumbas ng mga salita sa tala (tignan ang tala sa ibaba)
sa inyong sariling katutubo o pamanang wika. Ilagay lahat ng katumbas na
salita.

3. Ang tala ay nagtataglay ng dalawang wika: Ingles at Tagalog.


3.a. ang mga Tagalog ay pinapayuhang magtala sa ibang wika,
halimbawa sa Ilokano. Paghambingin ang sariling wika (Tagalog) at
napiling wika. Tignan ang halimbawa.

ENGLISH FILIPINO ILOKANO ______________ Halimbawa ng PAGSUSURI


1. Five lima Lima Magkatulad
2. Water tubig danum Magkaiba
3. Pig Baboy Babuy Hawig ( o>u) – ilagay ang pagpapalit ng
(ba//boy) (ba//buy) tunog o baybay

3.b. ang mga Ilokano ay magtatala sa sariling wika at ihambing sa


napiling katutubong wika na nais paghambingan. Tignan ang
halimbawa.

ENGLISH FILIPINO ILOKANO ISINAY PAGSUSURI


1. Five lima Lima lima Magkatulad

ENGLISH FILIPINO ILOKANO ILONGOT PAGSUSURI


1. Five lima lima tambiyang Magkaiba

3.d. ang mga katutubo ay magtatala sa sariling wika at ihambing


ito sa sa ibang katutubong wika na nais paghambingan. Tignan ang
halimbawa.

ENGLISH FILIPINO ISINAY Tuwali PAGSUSURI


1. One Isa Osá (o//sa) Oha (o//ha) Hawig (s>h)

ENGLISH FILIPINO Tuwali Hanglulo PAGSUSURI


1. None Wala Maid Ondi Magkaiba

4. Suriin ang sariling wika at wikang napili. Suriin kung ito ay


“magkatulad”, “magkaiba”, o “hawig.” Kung ang mga salita ay
“hawig” ilagay ang pagpapalit ng tunog o baybay.Tignan ang
gabay sa pagsusuri sa halimbawang naibigay sa gabay 3.a
(tagalog).
5. Higit minumungkahi ang pagpili sa wikang malapit sa puso
tulad ng mga wika ng mga magulang o ninuno o ang tinatawag
na mga pamanang wika upang pag-aralan. Higit ding
minumungkahi ang pag-dodokumento at pag-aaral sa
varyante ng isang wika. Ang varyante ng isang wika ay
tumutukoy sa pagkakaiba o pagpapalit ng tunog at bigkas ng
isang wika kaugnay sa lugar o pangkat na gumagamit nito.

ENGLISH FILIPINO ISI. (Aritao) ISI. (Bambang) PAGSUSURI


1. None Wala Mawes Mebbet Hawig (w>bb) (s>t)

6. Ang gawaing ito ay “Indibidwal” ngunit upang mapadali ang


pangangalap sa ibang wika ay maaring kumuha ng “kapareha”
sa mga kaklase o “kasection” lamang sa asignaturang ito. Sa
gawaing Lapagan ng Lahi maaaring gamitin itong sanggunian
upang makahanap ng kapareha. Ang kapareha ay dapat kabilang
sa ibang katutubong pangkat, o ibang wika.
7. Dahil sa sadyang dami ng mga mag-aaral na Ilokano, ang mga
mag-aaral na katutubo ay hinohimok na tulungan ang mga
kamag-aral na Ilokano sa pamamagitan ng pakikipareha ng higit
sa dalawa ngunit hindi hihigit sa lima. Sa ganitong pagkakataon,
banggitin ang mga kamag-aral na Ilokano na naging kapareha
para sa pagtatala.
8. Maglakip ng pagbubuod at may laman na “reflection” sa
isinagawang gawain.
Note: Tignan ang kalalip na detalyadong pagpapaliwanag at
halimbawa.

Batayan sa Pagpupuntos:
Batayan Kaukulang Distribusyon at Gabay sa Pagbibigay ng Puntos
Puntos
21-30 11-20 5-10
Tala 30 Kumpleto o halos kumpleto 25% sa tala ng wika ang May 50% sa tala ng wika
ang tala. Liban sa mga hindi nabigyan ng ang hindi nabigyan ng
wikang walang katumbas sa katumbas katumbas
katutubong wika.
36-50 25-35 10-24
Pagsusuri 50 Tama at maayos ang May iilang kakulangan at Marami sa mga wika ang
ginawang pagsusuri. mali sa pagsusuri may kakulangan at mali sa
pagsusuri.
25-30 15-25 5-14
Pagmumuni 30 Malalim at makabuluhan ang May kakulangan sa lalim Hindi binigyan ng lalim at
pagmumunimuni. Ibat-ibang at pagsusuri ang pansin ang
aspekto ang sinuri. ginawang pagmumunimuni. Walang
pagmumunimuni. natutunan sa gawai.
21-30 11-20 5-10
Bilang at 30 Nakipanayam sa tatlo o higit Dalawang tao lamang Wala o isang tao lamang
Katangian pang respondent na may ang kinapanayam. O ang ang kinapanayam. O
ng sapat na kaalaman sa wika at mga kinapanayam ay walang sapat na katangian
Nakapanay katangian. hindi sapat ang ang taong kinapanayam.
am katangian.
16-20 11-15 5-10
Dokumenta 20 Sapat at kapanipaniwala ang May limitadong Wala o kulang ang
syon dokumentasyon. Ibat-ibang dokumentasyon at hindi isinumiteng patunay o
paraan ng dokumentasyon gumamit ng ibat-ibang dokumentasyon.
ang isinumite. paraan.
16-20 11-15 5-10
Agap ng 20 Isinumite ang gawain sa Nahuli nang isang lingo Nahuli ng higit sa isang
Pagsusumit takdang oras o mas maaga. ang pagsusumite ng lingo ang pagsusumite ng
e gawain. gawain.
16-20 11-15 5-10
Kabuuan at 20 Maayos at kaayaaya ang May kahirapan sa pag- Magulo at hindi kaayaaya
Kaayusan pagkakasulat at intindi sa sulat at ang gawain.
pagkakagawa ng gawain. pagkakaayos ng gawain.
Kabuuang 200
Puntos
ENGLISH FILIPINO PAGSUSURI
1. one isa
2. Two dalawá
3. three tatló
4. four ápat
5. Five limá
6. Six ánim
7. seven pitó
8. eight waló
9. nine siyám
10. ten sampû
11. twenty dalawampû
12. hundred sandaán
13. thousand líbo
14. none walâ
15. all lahát
16. count (v.) magbiláng
17. animal háyop
18. bird (generic) ibon
19. crow (bird) uwák
20. chicken manók
21. wing (n.) pakpák
22. feather (n.) balahíbo
23. crocodile buwáya
24. eel ígat
25. frog palakâ
26. snake (n.) áhas
27. pig (n.) báboy
28. dog (n.) áso
29. monkey unggóy/matsíng
30. carabao kalabáw
31. deer usá
32. rat (n.) dagâ
33. tail (n. animal) buntót
34. turtle pagóng
35. worm (earth) buláte
36. mosquito lamók
37. louse (n.) kúto
38. spider gagambá
39. termite (white ant) ánay
40. lice (insect) kúto
41. butterfly paruparó
42. cook (v.) maglutò
43. cooking pot palayók
44. ladle (n.) kutsarón/sandók
45. swallow (v.) lumunók /nilunók
46. eat (v.) káin / kumáin
47. egg (n.) itlóg
48. salt (n.) asín
49. sweet potato kamóte
50. meat karné
51. soup sabáw
52. breakfast almusál/agáhan
53. sour maásim
54. sweet (adj.) tamís /matamís
55. bitter mapaít
56. full (sated) busóg
57. hunger (n.) gútom
58. drink (v.) inumín
59. thirst (n.) úhaw
60. wine (n.) álak
61. rotten bulók
62. mortar (rice) lúsong
63. coconut (mature) niyóg
64. coconut (young) búko
65. ginger lúya
66. grass damó
67. nipa nípa
68. peanut manî
69. rice (husked) bigás
70. husk (of rice) ipá
71. pound (v. rice) magbayó
72. pestle (rice) pambayó
73. rice (cooked) kánin
74. rice (unhusked) pálay
75. ricefield palayán
76. sugarcane tubó
77. swidden (kaingin) kaingín
78. forest gúbat
79. plant (n.) taním
80. tree punò
81. root (n.) ugát
82. bark (tree) balát ng káhoy
83. leaf (n.) dáhon
84. flower (n.) bulaklák
85. thorn tiník
86. fruit prútas
87. seed (n.) butó
88. banana (generic) ságing
89. rattan yantók
90. abaca abaká
91. cotton (not kapok) búlak
92. eggplant talóng
93. areca nut Búnga ng
ngangà
94. betel leaf ikmó
95. betel/nut chew ngangà
96. lime (cao) ápog
97. now ngayón
98. morning umága
99. noon tanghalì
100. afternoon hápon
101. day (not night) áraw
102. night gabí
103. today ngayón
104. tomorrow búkas
105. yesterday kahápon
106. year taón
107. moon buwán
108. star (n.) bituín
109. sun áraw
110. sky himpapawíd
111. cloud (n.) úlap
112. thunder (n.) kulóg
113. lightning kidlát
114. rain (n.) ulán
115. rainbow bahaghári
116. cold (weather) malamíg
117. warm (weather) ínit/maínit
118. hot (weather) maínit
119. dwell (v.) manáhan/tumirá
120. fence (n.) bákod
121. floor (n.) sahíg
122. house (n.) báhay
123. roof (n.) bubóng/atíp
124. space (under sílong
house)
125. window (v.) bintanà
126. wall (n.) dingding
127. return (v. home) uwî
128. live (v. life) mabúhay
129. ankle búkungbúkong
130. body katawán
131. leg (n.) hità
132. foot (n.) paá
133. heel (n.) sákong
134. sole (of foot) talampakan
135. knee (n.) túhod
136. toe (n.) dalirì ng paá
137. vagina puwérta, pukì
138. penis titì
139. anus tumbóng
140. buttocks pigî
141. shoulder (n.) balikat
142. palm (of hand) pálad
143. finger (n.) dalirì
144. elbow (n.) síko
145. arm (body part) bráso
146. span (armspread) dipá
147. hand (n.) kamáy
148. span (hand) dangkál
149. chest (body) dibdíb
150. breast (mammary) súso
151. back (of person) likód
152. belly tiyán
153. heart pusò
154. intestines bitúka
155. liver atáy
156. lungs bagà
157. rib (n.) tadyáng
158. vein ugát
159. blood dugô
160. bone butó
161. fat (n.) tabâ
162. head (n.) úlo
163. hair buhók
164. brain útak
165. face (n.) mukhâ
166. forehead noó
167. cheek pisngí
168. chin babà
169. mouth (n.) bibíg
170. lip (n.) labì
171. tongue (n.) dilà
172. tooth ngípin
173. ear taínga
174. eye (n.) matá
175. eyebrow kílay
176. eyelashes pilikmatá
177. nose (n.) ilóng
178. neck (entire) leég
179. throat (neck front) lalamúnan
180. skin (n.) balát
181. scar (n.) pílat /péklat
182. weave (v. cloth) tahî, tahîn, hinabî
183. weave (v. mat) lála
184. mat (n.) baníg
185. sew (v.) Tahî/ itahî
/manahî
186. needle (n.) karáyom
187. blanket kúmot
188. pillow (n.) únan
189. trousers pantalón
190. loincloth bahág
191. wash (v. clothes) labá/máglaba
192. rope (n.) lúbid
193. north hilagà
194. east silángan
195. west kanlúran
196. south tímog
197. near (adv.) malápit
198. far malayò
199. right (not left) kánan
200. left (not right) kaliwâ
201. narrow makítid/makípot
202. wide maluwáng
203. deep lálim / malálim
204. under ilálim
205. full punô
206. short (height) mababà
207. short (length) maiklî
208. large malakí
209. long (adj.) mahabà
210. straight derétso/tuwíd
211. afraid tákot
212. anger gálit
213. ashamed nahiyâ
214. cry (v.) (weep) iyák / umiyák
215. fear (v.) matákot
216. fight (n.) áway
217. lonely malungkót
218. pain (n.) sakít/kirót
219. laugh (v.) tawá/tumáwa
220. climb (v.) akyát / umakyát
221. float (v.) lumútang
222. fly (v.) lumipád
223. fall (v.) húlog
224. pull (v.) hiláhin
225. push (v.) itúlak
226. run (v.) takbó
227. quick (adv.) bilís / mabilís
228. walk (n.) lákad/maglakád
229. turn paikútin
230. stand (v.) tayô /tumayô
231. sit (v.) upô / umupô
232. throw (v.) itsá, ihágis
233. throw away (v.) ibasúra
234. companion kasáma
235. friend kaibígan
236. woman babáe
237. man (n.) laláki
238. old (man) matandáng laláki
239. old (woman) matandáng
babáe
240. person táo
241. household sámbahayán
242. family pamílya
243. father (n.) tatay
244. mother (n.) nánay
245. sibling kapatíd
246. offspring anák
247. spouse (n.) asáwa
248. wife asáwang babáe
249. child anák
250. slave (n.) alípin
251. widow bálo
252. name (n.) pangálan
253. blind (adj.) bulág
254. deaf bingí
255. sick maysakít
256. dead patáy
257. die (v.) mamatáy
258. boil (infection) pigsâ
259. cough (n.) ubó
260. skinny napakapayát
261. itch (n.) katí
262. medicine gamót
263. defecate (v.) dumumí/tumáe
264. excrement ipòt/dumí
265. spit (v.) dumurâ
266. urine ihì
267. vomit (v.) nagsuká/súka
268. sweat (n.) páwis
269. sea dágat
270. lake lawà
271. water (n.) túbig
272. waterfalls talón
273. river ílog
274. flow (n.) ágos
275. boat bangkâ
276. paddel (n.boat) pansagwán
277. raft balsá
278. swim (v.) langóy
/lumangóy
279. fish (n. generic) isdâ
280. wet (adj.) basâ
281. dry (not wet) tuyô
282. dry (in the sun) ibilád
283. boil (v.) kulô
284. bathe (v.) maligò
285. comb (n.) sukláy
286. fragrant mabangó
287. rub (v.) ikuskós
288. smooth (adj.) kínis / makínis
289. squeeze (v.) pigâ /pigaín
290. wash (v. hands) húgas/naghúgas
291. wipe (v.) páhid, punásan
292. dirty (clothes) marumí
293. bad (not good) masamâ
294. bite (v.) kagát
295. burn (v.) súnog / sunúgin
296. cut (v. slice meat) hiwà/ magputól
297. kick (v.) sipáin
298. kill (v.) patayín
299. lie (v. tell untruth) magsinungalíng
300. scratch (v.) kalmutín
301. steal (v.) nákaw
/magnákaw
302. strong lakás /malakás
303. weak (adj.) mahinà
304. sharp (knife) tálas/matálas
305. sheath (bolo) kalúban,
suksúkan
306. split (v. wood) sibák
307. stab (v.) saksák
/saksakín
308. dull (knife edge) mapuról
309. dream (n.) panagínip
310. forget (v.) makalímot
311. remember (v.) tandaán
312. know (v. a fact) alám
313. know (v. a person) kilála
314. learn (v.) matutúhan
315. repeat (v.) ulítin
316. play (v.) maglarò/laruin
317. sing (v.) umáwit
318. sleep (v.) matúlog
319. awake (adj.) gisíng
320. hold (v.) hawákan
321. smell (v.) amóy
322. see (v.) tingnán
323. say (v.) sábi
324. answer (n.) sagót
325. call (v.) tawágin
326. story kuwénto
327. word salitâ
328. yes óo
329. no hindî
330. fire (n.) súnog
331. smoke (n.) úsok
332. ash abó
333. charcoal (not uling
ember)
334. wind (n.) hángin
335. dust (n.) alikabók
336. mud pútik
337. sand (n.) buhángin
338. wood (n.) káhoy
339. road daán
340. earth (soil) lúpa
341. earthquake lindól
342. stone (n.) bató
343. trail (n.) landás
344. mountain bundók
345. summit tuktók
346. pay (v.) báyad
347. sell (v.) ibénta, ipagbilí
348. buy (v.) bilí / bumilí
349. work (v.) magtrabáho
350. debt útang
351. poor (not rich) maralita
352. rich mayáman
353. cheap múra
354. expensive Mahál (na
presyo)
355. give (v.) ibigay
356. white putî
357. black itím
358. red pulá
359. yellow diláw
360. green luntî
361. beautiful magandá
362. big malakí
363. blow (v.) íhip / híhip
364. breathe hiningá
365. bury (inter) ilibíng
366. difficult mahírap
367. dig (v.) hukáy / humúkay
368. good (adj.) mabúti/mabaít
369. hard (not soft) matigás
370. heavy mabigát
371. hide (v.) magtagò
372. how (many) ilán
373. hunt (v.) mangáso
374. light (not heavy) magaán
375. lose (v.) nawalà
376. new bágo
377. old (object) lumà
378. other (different) ibá
379. ring singsíng
380. shadow (n.) aníno
381. small (adj.) maliít
382. stick (adhere) dikít /dumikít
383. suck (v.) sumúso
384. tear (n.) luhà
385. tie (v.) tinalì
386. wait (v.) maghintáy
387. string talì

ILANG TALA
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
Philippine Indigenous Communities

_________________

Ginoo / Ginang,

Pagbati!

Ang gawaing ito ay isang pagsasanay para sa aming mga mag-aaral ng Nueva Vizcaya
State University na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang GE Indi. Philippine
Indigenous Communities upang mahubog sa kasanayan sa pagsasagawa ng fildwork,
pakikipanayam at pagdodokumento ng wika.

Bilang bahagi ng aming paglilikom ng datos, nais naming hingin ang inyong pahintulot
upang kayo ay aming maging katuwang na impormante. Sa inyong pagpayag kami ay
magsasagawa ng pakikipanayam / ginabayang talakayan upang makalap ang mga
katumbas na mga salitang naibigay sa tala. Bilang aming katuwang na impormante,
nais naming ipabatid ang inyong mga karapatang tumigil o umayaw sa panayam at ang
karapatang magtanong, gayundin ang inyong karapatang magbigay ng mungkahi tungo
sa higit na ikabububuti ng pagsisikap na ito.

Ang gawain ay pawang pagsasanay lámang at ang anumang awtput ay laan lamang sa
akademikong layunin para sa asignaturang ito, hindi ito ililimbag o gagamitin sa
anumang presentasyon. Ang lahat ng impormasyon ay pag-iingatan at mananatiling
kompidensyal.

Nawa’y kayo ay maging instrumento para sa paghubog ng mga indibidwal na may


pagpapahalaga sa pamanang wika at kultura.

Aming ipanapaabot ang lubos na paggalang at pasasalamat!

Gumagalang,

________________________

---------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa pagpirma ng pahintulot na ito ay aking lubos naiintindihan ang mga layunin,
kalikasan, kondisyon, at saligan ng gawain at maging ang proseso ng panayam. Nang
walang pasubali aking ibinibigay ang aking pagpapahintulot.

You might also like