You are on page 1of 3

PAGGANAP SA TUNGKULIN

KINDER – FILIPINO
UNANG TRIMESTER, T.A. 2022-2023

ARALIN: PAGPAPAKILALA SA SARILI


MGA MAGAGALANG NA PAGBATI AT SALITA
PAGSUNOD SA MGA PANUTO

Goal  Gumawa ng isang maikling video na nagpapakilala sa sarili.


 Gumamit ng mga magagalang na pagbati at pananalita sa
video.

Role Pinuno o lider sa isang pangkatang gawain sa klase

Audience Guro at mga kaklase

Situation Ikaw ay naatasang maging pinuno o lider sa isang pangkatang


gawain ngunit isa kang bagong mag-aaral sa Kinder kaya
kailangan mo munang ipakilala ang iyong sarili sa iyong mga
kaklase upang lubusan ka nilang makilala.

Product Video ng Pagpapakilala sa Sarili

Standard Ang iyong Pagganap sa Tungkulin ay susukatin sa pamamagitan


ng rubric sa ibaba.

MGA PAMANTAYAN 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1
1. Naibigay ang mga hinihinging
impormasyon tungkol sa sarili
alinsunod sa script (scaffold activity)
na ipinasa.

2. Gumamit ng mga magagalang na pagbati at pananalita


umpisa at katapusan ng video.

3. Maayos at malinaw na nasabi ang mga pangungusap at


impormasyong tungkol sa sarili.

4. Gumamit ng tamang lakas ng boses.

5. Natapos at naipasa ang video sa takdang-oras.

Kabuoang Marka: / 20 puntos


1
Mga Panuto:

1. Gumawa ng isang maikling video na nagpapakilala ng iyong sarili.

2. Ibigay ang mga tamang impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sundin ang
ipinasang script (scaffold activity).

3. Tiyaking gumamit ng mga magagalang na pagbati at pananalita umpisa


at katapusan ng video.

4. Magsuot nang maayos na damit at maaaring gumamit ng mga props kung


kinakailangan.

5. Bigkasin ang mga salita nang malakas at malinaw.

6. I-upload ang iyong video sa iyong google drive. Kopyahin ang shareable
link at ilagay ito sa textbox ng submission folder sa Ranger360. (Copy and
paste the link).
*** Basahin ang Helpful Tips sa Kinder Fletch Guide sa Homeroom folder sa Ranger360
para sa mga hakbangin ng pag-upload ng video link sa Google Drive at pagpapasa
ng video link sa Ranger360.

7. Ipasa rin ang pahina 3 - Sariling Repleksyon (PDF format) kasama ng video
link sa parehong submission folder Ranger360.

8. Maaaring ipasa ang iyong video at pahina 3 – Sariling Repleksyon


hanggang Oktubre 14, 2022.

Tandaan: Ipinapakita ng isang tunay na lasalyano


ang kanyang kahusayan sa lahat ng oras. Kaya mo iyan,
magtiwala lamang sa iyong sarili!

2
KINDER – FILIPINO
UNANG TRIMESTER
2022-2023
SARILING REPLEKSYON SA
PAGGANAP SA TUNGKULIN

BLG PANGALAN

KINDER - GURO

Sariling Repleksyon:

Produkto: Video ng Pagpapakilala sa Sarili

Panuto: Kulayan ang mukha na nagpapakita ng iyong nararamdaman tungkol


sa ating naging gawain.

1. Naipakilala ko nang maayos ang aking sarili.

2. Gumamit ako ng mga magagalang na


pananalita at pagbati sa pagpapakilala ng
ang aking sarili.

3. Sinunod ko ang mga panutong ibinigay ng


aking guro at learning partner.

4. Ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya


upang magtagumpay sa gawain.

5. Nagustuhan ko ang gawain sa Pagganap sa


Tungkulin.

You might also like