You are on page 1of 32

Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (TECH-VOC)

Nina: Patricia James R. Estrada


Sa inyong mga naisagawang resipe at menu,
paano ninyo mailalarawan ang inyong pagkain o
produkto?
BUOIN ANG MGA GINULONG
SALITA SA BAWAT
LARAWANG IPAPAKITA
FSAH ACELID
FACE SHIELD
MFAA KSCE
FACE MASK
UONDTONIFA
FOUNDATION
QAUF KALSA
AQUA FLASK
❖ Sa tingin ninyo ay marami kayang tao ang
bumili ng ganitong uri ng gadyet? Bakit?

❖ Ano ang mga kagandahang nakita sa


produkto?
LAYUNIN

1. Nalalaman ang kahulugan ng deskripsyon ng


produkto.
2. Nakasusulat ng isang deskripyon ng produkto
gamit ang mga hakbang sa pagsulat nito.
3. Nakakagawa ng sariling poster tungkol sa
deskripsyon ng napiling produkto.
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO
- ay isang maikling sulatin sa label o lakip na leaflet nito na
nagpapaliwanag sa kkatangian,, komponent o gamit ng produkto.
- ibinibigay nito ang pinakamahalagang impormasyon na kinakailangan
ng mamimili o kokonsumo nito.
- nakapanghihikayat din ang mismong desripsyon ng produkto upang
ibenta sa mga target na kostumer.
Deskripsiyon ng Produkto, Alam
niyo ba yun? Kinakailangan ang
paglalarawan sa produkto
upang maging kaakit-akit at
maibenta ito sa mga target
na awdiyens o mamimili,
MAHALAGANG ISAALANG-ALANG ANG
MAHAHALAGANG MUNGKAHI
NI MACDONALD (2013) SA PAGBUO NG
PRODUKTO O SERBISYO.
1. PAGTUUNAN ANG INAASAHANG MAMIMILI
- Mahalagang malinaw sa isipan ng sino mang sumusulat ng isang
deskripsyon ng produkto kung para kanino ang sulating ito.
- Kailangang kilalanin ang target na mamimili ng produkto o serbisyo.

2. MANGHIKAYAT SA PAMAMAGITAN NG BENEPISYO


- Ilahad ang mga benepisyong makukuha mula sa produkto at i-highlight
ang kaibahan nito sa iba.
3. BUHAYIN ANG IMAHINASYON NG MAMBABASA
- Mahusay na gumamit ng Biswal na salita upang buhayin ang
imahinasyon ng nagbabasa. Tandaang kailangang ilahad ang
deskripsyon sa paraang kaakit-akit sa mambabasa.
4. MANGHIKAYAT SA PAMAMAGITAN NG KATIBAYAN
- Mabisang paraan ng panghihikayat ang pagsasaad ng mga
testimonya ng mga taong gumagamit ng produkto o ng
siyentipikong katibayan sa bisa nito
5. TIYAKING MADALING BASAHIN ANG DESKRIPSYON
- Panatilihing simple at direkta ang deskripsyon.
- Iwasan ang mahahaba at maligoy na pananalita
upang mas madali ang pagbasa nito.
AYON NAMAN SA ARTIKULONG
7 SIMPLE STEPS TO WRITING PRODUCT
DESCRIPTIONS THAT SELL
1. I-DEFINE ANG PERSONA NG IYONG MAMIMILI
✓ Tiyakin ang iyong target audience, higit pa sa malabong
deskripsyon ng demographics
✓ Kung malinaw na ang persona ng bibili ng produkto, magkaroon
ng sapat na impormasyon upang magawa mo ang deskripsyon
ng produkto mula sa product-centric tungo sa customer-centric.
2. GUMAWA NG KOMPREHENSIBONG TALA NG FEATURES
AT BENEPISYO
✓ Ilista ang features and specs ng produkto, matapos ay isalin ang
mga iyon sa benepisyo.
✓ FEATURES – isang katotohanan tungkol sa produkto
✓ BENEPISYO – isang pagpapaliwanag ng nagagawa ng feature
sa konsyumer.
3. PILIIN ANG TONO NG IYONG TINIG

✓ Ipinakikita ng tono sa pagsulat kung sino ka at kung paano mo


pakitunguhan ang iyong mga kliyente.
✓ Mahalaga ang pagpili ng mga salita sa tono ng pagsulat
Ang ARABASHI FLAT IRON ay garantisadong matibay. Mayroon tong
6-level regulator para maiakma sa iba’t ibang uri ng tela ayon sa inyong
pangangailangan. Hindi tulad ng ibang plantsa, mayroon itong spray
outlet upang mas kumbinyente ang paggamit. Makatitipid ng kuryente sa
paggamit nito sapagkat energy efficient din ito. Sa katunayan, 75 watts
lamang ang konsumo nito kada oras. Mahigit kahalahati ang tipid ninyo sa
paggamit nito kaysa sa ibang brand ng plantsa.
Sa Japan, 80% ng mga tahanan ay gumagamit ng Arabashi flat iron.
MGA TANONG:
1.Ano ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto?
2.Bakit kinakailangang maging maikli lamang ang
deskripsyon ng produkto?
3.Bakit kinakailangang isaalang-alang ang katangian ng
target na mamimili sa gamit ng wika sa isang deskripsyon
ng produkto?
1. Ano-ano pa ang nararapat isaalang-alang sa pagsulat ng
deskripsyon ng produkto?
2. Bukod sa mga napag-aralan mong impormasyon na
nararapat isaalang-alang sa pagsulat ng deskripsyon ng
produkto, ano pa ang maimumungkahi mong ideya na
nararapat isaalang-alang?
GAWAIN
• Sa isang long coupon bond, lumikha ng isang poster ng
isang patalastas para sa isang produktong batay sa iyong
interes o hilig.
• Maaring tunay o piksiyunal ang produkto.Iguhit ito at
maging kaakit-akit sa paningin ng inyong mamimili.
• Sumulat ng maikling deskripsiyon bilang pangganyak o
pang-engganyo sa mga posibleng mamimili ng iyong
produkto.
Takdang Aralin

Papangkatin ang klase sa apat (4)


lumikha ng maikling video ng isang patalastas
para sa produktong nais itanghal at ibenta.
Tiyaking makikita sa video ang deskripsiyong
teksto na kaugnay ng produkto. Gawing
malikhain at angkop sa uri ng produkto ang estilo
ng presentasyon.
Rubrik ng Gawain
Pamantayan Puntos Iskor
1. Malinaw, mahusay, angkop at kaakit-akit ang 10
deskripsyon
2. Malikhain at makulay ang video 10
3. Mahusay ang paggamit ng wika 10
4. Nakawiwili ang presentasyon 10
5. Malinis ang pagkakagawa 10
Kabuuan 50
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG

You might also like