You are on page 1of 1

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City

Kalinisan: 2
Pangalan: _____________________________________________________ Kompleto: 3
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Malikhain: 2
Petsa: ________________________________________________________ Nilalaman: 8
Guro: ________________________________________________________ Kabuuan 15

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Tech-Voc Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa Piling Larangan
Paksa: Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto Uri ng Gawain: Concept Notes
Gawain Bilang: 6
Layunin:
- Natutukoy ang kahalagahan ng deskripsiyon ng produkto;
- Nagagamit ang mga paraan sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto; at
- Nakasusulat ng isang malikhaing deskripsiyon ng produkto.

Panimula
Ang deskripsiyon ng produkto ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa
isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga target na
awdiyens o mamimili.

Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto


 Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pang
produktong nais ibenta
 Para maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang mga pangangailangan.
 Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil sa napakalakas ang kompetensya ng iba't ibang kompanya

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto


1. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto
2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili
3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo
4. Iwasan ang mga gasgas na pahayag
5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo
6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa
7. Magkwento mula sa pinanggalingan ng produkto
8. Gumamit ng salitang umaapela sa pandama
9. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media
10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan
11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan sa produkto

Gawain Blg. 1 (Indibidwal na Gawain)


Panuto: Lumikha ng isang poster ng isang patalastas para sa isang produktong batay sa iyong interes o hilig. Maaaring tunay o
piksiyunal ang produkto. Iguhit ito sa short bondpaper at gawing kaakit-akit sa paningin ng inyong mamimili. Sumulat ng
maikling deskripsyon bilang pangganyak o pan-engganyo sa mga posibleng mamimili ng iyong produkto. Kung hindi kayang
gumuhit, maaaring computerized. Ang deskripsyon ng produkto ay nakasulat sa wikang Filipino matapos maisagawa ang isang
poster ay gawan ito ng isang patalastas upang makaakit sa mamimili.

Pamantayan sa paggagrado:

Pamantayan Puntos
1. Malinaw, mahusay, angkop at kaakit-akit ang deskripsyon 30
2. Makulay at malikhain ang disenyo maging ang patalastas 30
3. Tama ang gamit ng wika 20
4. Maayos na presentasyon 20
Kabuuan 100

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nakatutulong ang deskripyon ng produkto sa iyong larangan? Pangatwiranan.
2. Magbigay ng tatlong pahayag o tagline ng isang sikat na produkto.
3. Bakit kinakailangan ng patunay o testimonya sa iyong ginawang produkto sa social
media?

You might also like