You are on page 1of 2

SHEET NG AKTIBIDAD SA PAGKATUTO 2

FILIPINO SA PILING LARANG – TECHVOC

MELCS:
1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal- bokasyunal
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.
3. Naisaalang-alang ang etika sa binubuong tenikalbokasyunal na sulatin

Layunin: Sa araling ito, malalaman ang mga batayang kaalaman sa pagsusulat ng deskripsyon ng produkto

ARALIN: Batayan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto

Mga Paunang Katanungan:

1. Ano ang pinakahuling bagay ang binili nyo para sa sarili nyo?
2. Anu – anong katangian ang nangibabaw sa bagay na binili nyo?

Sa paglalarawan ng produktong binili ninyo , kayo ay nagbibigay ng isang deskripsyon nito. SA pagbibigay ng
deskripsyon, kalimitang gumagamit ng mga pandama upang higit na maipahayag ang paglalarawan sa epektibong paraan.

DESKRIPSYON NG PRODUKTO

 Ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang produkto.


 Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa mga katangiang ilalahad sa
deskripsyon.
 Karaniwang maikling talata lamang. Maaaring gumamit ng bulleted list ng deskripsyon lalo na kung sa online
stores.
 Mahalagang panatilihin ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan at akma sa aktuwal na produkto ang
pagkakabuo ng deskripsyon nito upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.
 Kalimitang binubuo ang deskripsyon ng produkto ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa mga produktong
inaasahan ng mga ibig bumili at gagamit nito. Maaring gumamit ng kaakit- akit na larawan ng produkto.
 Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng deskripsyon at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na
kinakailangan sa isang particular na trabaho o larangan.
 Ang kahalagahan ng deskripsiyon ng produkto sa parte ng mga mamimili at magnenegosyo ay upang maipaalam
sa kanila ang nilalaman, kahalagahan, gamit, presyo at dapat o angkop na paglagyan ng partikular na produkto.

GAWAIN:
1. Sa isang maikling bond paper, lumika ng isang poster ng patalastas ng iyong napiling produkto batay sa iyong
interes.
2. Maaring tunay o piksyunal ang produkto. Iguhit ito na maging kaakit – akit sa mamimili.
3. Sumulat ng maikling deskripsyon bilang pagganyak o pang- engganyo sa mga posibleng bumili ng iyong
produkto.
4. Maaring mag hanap sa internet ng mga hlimbawa ng deskripsyon ng produkto upang magkaroon ng ideya sa
paggawa.

RUBRIK SA PAGGAWA NG DESKRIPSYON NG PRODUKTO


( 3 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa)
3 2 1
Malinaw, mahusay at angkop at kaakit-akit ang deskripsyon.
Mahusay ang paggamit ng wika.
Malikhain at makulay ang larawan ng produkto.
Malinis ang pagkakagawa.

Inihanda ni :

MARIA CHARMAINE M. ANDES


Guro
Sanggunian:

Filipino sa Piling Larang (TechVoc). Patnubay ng Guro. Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

You might also like