You are on page 1of 3

Region XII

Division of Sarangani
Central Glan District
GLAN

ROQUE ADARNA INTEGRATED SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino Grade XI


Petsa: Agosto 16, 2017
Titulo ng Kurso: Filipino sa Piling Larangan
Nilalaman: Pagsulat ng piling anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
 Deskripsyon ng Produkto

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at angkop


na pagsulat sa piling anyo ng sulatin.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng demo sa piniling anyo bilang
pagsasakatuparan ng nabuong sulatin.
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo. CS_FTV1/12PT-0g-i-94
Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino. CS_FTV11/12PS-0j-I-93

I. Layunin ng Pagkatuto

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng teknikal at


bokasyunal na sulatin.tulad ng deskripsyon ng produkto.
2. Naibibigay ang mga bagay na kadalasang matatagpuan sa
deskripsyon ng produkto.
3. Nakakagawa ng sariling bersyon ng mga sulatin sa teknikal at
bokasyunal tulad ng product description.

II. Paksa ng Pagkatuto:

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc


Oras: 1 oras (60 minuto)

Sanggunian:
Curriculum Guide sa Filipino sa Piling Larang Tech-Voc
CS_FTV11/12PB-0g-l-94 at CS_FTV11/12PS-0j-I-93
Belvez, Paz M. et.al , Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina
Kagamitan:
Slides Laptop Colored Paper
Manila Paper Marker Crayons

III. Paraan ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pamukaw - Sigla
1. Panalangin
2. Checking of Attendance
3. Pagbabalik-tanaw ng leksyon
B. Dril

ILARAWAN MO!
Isa-isang maglalagay ng mga kataga na sagot sa katanungan,

Ano ang pinakahuling bagay na binili ninyo?


Maaari niyo bang ilarawan kung ano ito?

Itala ang mga katangiang mangingibabaw sa ginawang paglalarawan.

C. Presentasyon

Paglinang ng Gawain
THINK GROUP SHARE
Mula sa aktibidades na “ILARAWAN MO!”, ang klase ay bubuo ng tatlong grupo kung saan pag-
uusapan nila ang paglalarawan na ginamit nila. Pagkatapos ay gagawa sila ng konseptong
mapa tungkol sa PRODUCT DESCRIPTION.
Mag-isip ng mga impormasyong maaaring nakapaloob sa isang deskripsyon ng produkto.
Oras na ilalaan 5 mins: 3 mins para sa pangkatang gawain at 2 mins pagsasagawa.
Pagnilayan at Unawain
1. Ano ang natutunan mo sa ginawang aktibidades?

Paano niyo iuugnay ang konsepto ng PRODUCT DESCRIPTION sa halaga nito sa iba’t-ibang
trabaho at larangan?

Laman ng Diskusyon
Deskripsyon ng Produkto
Kahalagahan ng pagbibigay deskripsyon sa isang produkto
 Naipapahayag ang mga katangian ng isang produkto gamit ang mga salitang
naglalarawan
 Nakapagbibigay ng biswal na paglalarawan sa isang produkto na nakakatulong upang
maging pamilyar ang mga gagamit nito.

Mga kalimitang nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto:


 Detalyadong paglalarawan ng produkto na nakabatay sa mga pandama
 Espisikong pagbanggit sa mga katangian ng mga produkto
APLIKASYON “Gawaing Pangkatan”
Mula sa topiko ngayong araw, ang 3 na grupo ay gagawa ng sariling bersyon ng product
description.
 Magbrainstorming ang grupo at ilalarawan nila sa klase.

Ilalaang oras 7 mins (5 mins paghahanda & 2 mins presentasyon)

Ebalwasyon
Sagutin ang mga tanong:
Ano ang kahalagahan ng isang deskripsyon ng produkto para sa isang indibidwal?
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Wikang ginagamit sa pagsulat 5 puntos
Organisasyon ng sanaysay 5 puntos

Takdang-aralin
Maghanap ng iba pang halimbawa ng deskripsyon ng produkto.
Isulat ang Bibliyograpiya/sanggunian ng pinagkuhanan ng impormasyon.
Basahin ang mga sumusnod na babasahing matatagpuan sa reader at itatala ng mga mag-
aaral ang mga obserbasyon hinggil sa mga katangian kung paano isinulat ang mga binasang
deskripsyon ng produkto.
a. Isang Espesyal na Durian (pp. 175-176)
b. Mga Makina sa Pag-ani (pp. 181-185)
c. Mga Uri ng Binhi sa Organikong Panggugulayan (pp. 177-180)

Repleksyon ng Pagkatuto: Naiuugnay ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng product


description sa isang indibidwal.

Inihanda ni:

FERNANDO S. AMISOLA, JR.


Teacher II

You might also like