Professional Documents
Culture Documents
CBLE - Cayabyab
CBLE - Cayabyab
Lesson Exemplar sa
Filipino sa Piling Larang
(Teknikal-Bokasyonal)
DOKUMENTASYON NG PRODUKTO
nina
Sesyon: 4
Pamantayang Pangnilalaman:
• Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at angkop na pagsulat ng piling anyo ng
sulatin
Pamantayang Pagganap:
• Nakasusulat ng piling sulating teknikal-bokasyunal
• Nakapagsasagawa ng demo sa piniling anyo bilang pagsasakatuparan ng nabuong sulatin
Mga Layunin:
Unang Araw
• Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng
iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)
Ikalawang Araw
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal-bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
Ikatlong Araw
• Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay sa piniling anyo (CS_FTV11/12PT-0g-i-
94)
Ikaapat na Araw
• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
Aklat
Alauig, Heidilynn M. 2020. Filipino sa Piling Larang- Teknikal-Bokasyunal: Ikalawang Markahan
– Ikatlong Linggo: Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto. Lungsod Quezon:
SDO Caloocan.
Mga Kagamitan:
Mga Larawan
Unang Araw
Pangkalahatang Layunin
• Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng
iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)
Tiyak na Layunin
• Natutukoy ang paksa, layunin at estruktura ng tekstong binasa.
• Nakasusulat ng sintesis ng mga nasaliksik na impormasyon.
• Naipapaliwanag ang awtput na naisagawa.
A. Panimulang Gawain
Basahin ang teksto sa ibaba pagkatapos ay sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Mga Kagamitan:
1. gunting
2. lumang Magazine
3. retaso ng tela
4. makinang panahi
Mga Hakbang:
B. Pagsusuri
Detalye Paglalarawan
Dokumentasyon ng Produkto
Kahulugan Katangian
C. Pagtalakay
Ang Dokumentasyon ng Produkto ay tumutukoy sa isang sulatin na masinop na inilahad
ang mga hakbang sa paggawa ng isang produkto na nagsisilbing gabay ng mambabasa.
D. Pagsasanay
A. Papangkatin ang mga mag-aaral na binubuo ang bawat pangkat ng limang miyembro.
Magsaliksik ng kahulugan ng dokumentasyon ng produkto mula sa tatlong sangguninn na
isusulat sa talaan. Pagkatapos ay gumawa ng sintesis ng mga ito upang makabuo ng
pangkalahatang kahulugan ng isang dokumentasyon ng produkto.
E. Presentasyon ng Awtput
Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang mga awtput. Mamarkahan ito ayon sa pamantayang
nasa ibaba
I. Lagyan ng tsek ang angkop na iskor sa pamantayan gamit ang batayang nasa ibaba:
3 – Napakagaling
2 – Magaling
1 – Katamtatan
0 – Nangangailangan pa ng pagsasanay
PUNTOS
PAMANTAYAN
0 1 2 3
1. Nakapagbigay ng tatlong sanggunian.
2. Wasto ang mga impormasyon na nakalap.
3. Angkop ang detalye ng sintesis na isinagawa mula sa
tatlong sanggunian.
4. Angkop ang gramatika at baybay ng isinulat na
kahulugan at katangian.
5. Naipaliwanag ang awtput na isinagawa.
KABUOAN
Pangkalahatang Layunin
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal-bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
Tiyak na Layunin
• Nasusuri ang tekstong binasa.
• Naisasaayos ang mga hakbang sa paggawa ng bigao.
A. Panimulang Gawain
Tara alamin natin ang pinanggalingan ng mga Sityo sa isang barangay sa Lungsod San Carlos
Pangasinan. Basahin ang teksto na nasa ibaba pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na
katanungan.
Ang Barangay Agdao ay isa sa 86 na barangay ng Lungsod San Carlos, Pangasinan. Ito ay
makikita sa kanlurang bahagi ng lungsod, sa daan patungong Bayan ng Urbiztondo.
Mula ang pangalan ng barangay sa isang puno na may ngalang siyensiya na premma odorata
na kung saan mayaman ang lugar na ito. Madalas ginagamit ito sa pugad ng mga manok upang mailayo
ang mga manok sa umog; mabisa rin itong pampababa ng kolesterol at sirkulasyon ng dugo; ginagamit
din ito na banyos o pampaligo ng mga bagong panganak na ina; ang talbos din nito ay ginagamit na
gagal o nganga at ginagamit na pampaasim sa sinigang.
Binubuo ang Agdao ng pitong sityo: Centro I, Centro II, Centro III at Nansangaan (matatagpuan
sa haywey) Tokok, Riverside, at Andangit (sa loob ng barangay). Nagtalaga ang Kapitan ng bawat
Kagawad ng Barangay na mamamahala at magpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at pagkakaisa.
Sityo Nansangaan
Nasangaan (sangandaan) ay galing sa saitang Pangasinan na nansasangaan na
nangangahulugang “nagsanga-sanga”. Ang Nansangaan ay mayroong mga kalsada na nagkrus na
parang mga sanga. Isang daan papuntang Brgy. Baldog, ang isa ay sa Brgy. San Juan, at ang isa ay
papunta sa sentro ng Brgy. Agdao. Sa interseksiyon ng mga kalsada ay mayroong malaking puno ng
Banaba na makikita rito. Sa paglipas ng panahon, ang puno ay pinutol at pinatayuan ng waiting shed.
Grade 12 Lesson Exemplar sa
Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Dokumentasyon ng Produkto
Sityo Tokok
Mayroon namang kakatuwang paliwanag kung saan nanggaling ang Tokok. Sabi ng ilang
residente ito raw ay galing sa katagang “2-cook” na nagsasabing dalawang beses lang sa isang araw
kung makapagluto ang mga naninirahan dito upang makabawas sa gastusin sa araw-araw. Mayroon
din namang mga iba ang nagsabi na ang mga tao rito ay tukong – mga taong may maling gawi. Ito
naman din daw ay galing sa hayop na “tuko” na paulit-ulit na sinasambit ng hayop tuwing gabi.
Sityo Riverside
Ang sityong ito ay matatagpuan malapit sa ilog na kumokonekta sa Ilog ng San Juan. Ang dating
pangalan nito ay Kaniyogan dahil marami ang puno ng niyog na nakatanim dito hanggang sa pinalitan
ito ng Gilig na Ilog (Gilid ng Ilog). Muling pinalitan ito ng “Riverside”
Sityo Nibaliw
Ito’y bahagi lamang ng sityo Riverside subalit inaakalang isa pang sityo dahil sa pagkakaroon
nito ng hiwalay na tawag ng lugar at karatula. Mula ang pangalan ng sityo sa salitang Pangasinan na
baliw na nangangahulugang tumawid sa ilog. Ang mga lokal dito ay tinatawag din nila itong “Hongkong”
dahil ang pakiramdam ng pagtawid ay parang pumunta sa ibang bansa. Mayroon din ditong matanda
na nagngangalang Pedro Gutierrez o Laki Pero (lolo Pero) na pinaniniwalaang unang nanirahan dito
noong nakalipas na 1990 na may palayaw na Intsik.
Sityo Andangit
Sabi ng mga naninirahan sa Agdao, kung wala kang pangaran (palayaw), hindi ka mahahanap
sa lugar na ito. Sa sityo na ito, ang unang pamilya na nanirahan dito ay ang mga De Guzman partikular
sa pamilya ni Felipe de Guzman na mayroong bugtong na anak na Narciso. Ang ama at anak ay
parehong kilala sa palayaw na mambolangit at mambongitngit hanggang sa umikli bilang andangit.
Kung hahanapin sila ay sasabihin nilang “Iner so abung nen Felipe Andangit?” (Saan ang bahay ni
Felipeng Andangit) sa halip na “Iner so abung nen Felipe de Guzman?” (Saan ang bahay ni Felipe de
Guzman?). Matatagpuan dito ang pinakamagandang kalidad ng bilao sa buong lungsod ng San Carlos.
“Ang pag-unawa sa sarili ay ang simula ng lahat ng karunungan.” Ang pahayag na ito ni Aristotle
ay implikasyon ng pagiging mulat sa pag-alam ng kanyang ugat. Ang kasaysayan ng ating bawat lugar
ay makulay at kaakit-akit para sa lahat na kinakailangang linangin. Sa kaso ng Agdao, ang kasaysayan
nito kasama ang kanyang mga sityo ay nag-ugat mula sa puno.
B. Pagsusuri
1. Tukuyin ang hinihinging detalye kaugnay sa larawang nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
talaan.
Detalye Sagot
Pangalan ng produkto
C. Pagpapayaman
Alam mo ba kung paano ginagawa ang isang bigao o bilao? Tara alamin mo ito sa
pamamagitan ng pagbasa ng tekstong nasa ibaba.
Kahulugan
Ang bigaô ay terminong Pangasinan sa bilao na isang lapad na basket na ginagamit sa pantahip
ng palay o sisidlan ng mga prutas oi gulay. Ginagamit din ito sa komersiyo bilang sisidlan ng pansit.
Mga Hakbang
1. Panagtubong
3. Panagbanban
4. Panagtalik
6. Panagkalaba
7. Panagsegunda
8. Panagduwera
10. Panagpaklit
12. Panagbatkag
14. Panagsiil
15. Panaggepet
16. Panagtaker
Ngayong alam mo na kung paano gumawa ng Bigao ay narito pa ang mga dapat isaalang-
alang sa paggawa ng dokumentasyon ng produkto.
E. Pagsasanay
Isaayos ang mga hakbang ng paggawa ng bigao sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1
hanggang 16.
_____ Panagbalsig
_____ Panagbalsig ed batkag
_____ Panagbanban
_____ Panagbangon o Panagpeket
_____ Panagbatkag
_____ Panagduwera
_____ Panaggepet
_____ Panagkalaba
_____ Panagkatli
_____ Panagpaagew
_____ Panagpaklit
_____ Panagsegunda
_____ Panagsiil
_____ Panagtaker
_____ Panagtalik
_____ Panagtubong
Pangkalahatang Layunin
• Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay sa piniling anyo (CS_FTV11/12PT-0g-i-
94)
A. Presentasyon
Ngayong alam mo na ang paggawa ng bilao ay ating balikan ang mga terminolohiya na ginagamit sa
paggawa nito.
I. Intoduksiyon
Sa artikulo na Rediscovering Pangasinan: A Brief Tour de Force , binaggit ni Ma. Crisanta Nelmida
Flores na ang Pangasinan noon ay nahahati sa dalawang lugar ang Panag-asinan at ang Cabolóan. Ang
Panag-asinan ay mga mga bayan na malapit sa dalampasigan kung saan nanggagaling ang asin
samantalang ang Cabolóan ay ang lugar sa gitnang bahagi ng probinsya kung saan maraming bolô na
isang uri ng kawayan.
Sinasabing ang bolô ay mas manipis sa karaniwang kawayan kaya’t mainam ito na gamitin sa
paghahabi ng mga basket, paggawa ng kubo at iba pang kagamitan sa tahanan. Sa isang ulat ng
National Cottage Industries Development Authority o NACIDA noong 1985, ang gawaing pangkawayan
ay isa sa mga pangunahing idustriya sa Pangasinan. Ang mga Munisipalidad ng Basista, Malasiqui,
Urbiztondo, Calasiao at Sta. Barbara at Lungsod ng San Carlos ang karaniwang pinanggagalingan ng
mga mangangalakal ng kagamitang gawa sa kawayan. Ang mga nabanggit na bayan at lungsod ay
pawang bahagi ng Caboloan na noon pa man ay kilala na sa paggawa ng mga kagamitang gawa sa
kawayan (Flores, 2015).
Gaya ng nabangit, isa ang Lungsod San Carlos sa bumubuo sa Caboloon at pinagmumulan ng
mga kagamitang gawa sa kawayan. Ang lungsod ay hitik sa mga kawayan kaya’t naging buhay ang
industriya ng gawaing-kawayan sa lungsod na ito. Nagkaroon ng mga karabana na pinapatakbo ng
mga tinatawag na viajero. Ang karabana ay karaniwang isang kariton na mayroong bubong na gawa
sa tambobong na hinihila ng kalabaw na sa ilalim nito ay mayroong puwesto na maaaring pagpahingaan
kung napagod ang mga viajero sa paglalakbay. Mula sa San Carlos patungong Metro Manila upang
ipagbili ang mga produktong gawa sa kawayan at ratan tulad ng bigao (bilao), anduyan (duyan),
paypay (pamaypay), bangkito (maliit na upuan).
Ang karabana ay nagbigay ng negosyo sa loob ng maraming taon para sa mga manlilikha ng
kagamitan at viajero sa Lungsod San Carlos. Nag-umpisa itong makilala sa mga kalsada ng Maynila
noong 1950 hanggang sa nanaluktok ito noong 1970 at early 1990. Subalit dahil sa teknolohiya unti-
II. Layunin
Sa saliksik na ito ay sinikap magakroon ng panimulang pagtatala sa mga kagamitan, proseso at
mga terminolohiyang ginagamit sa kalakalan ng pagbibilao sa Barangay Agdao ng Sityo Andangit,
Lungsod San Carlos, Pangasinan.
III. Metodolohiya
Ang saliksik na ito ay gumamit ng pamaraang leksikograpiya na kung saan ay kinapanayam ang
20 na mga manghahabi ng bigao sa Sityo Andangit, Agdao Pangasinan kaugnay sa mga terminong
ginagamit sa mga kagamitan, proseso at pangangalakal ng bigao. Pagkatapos makalap ang mga salita
ay nilapatan ito ng kahulugan at inilatag sa paraang alpabetikal. Pinabalido ito sa mga kinapanayam
na manghahabi kung tama ang pagpapakahulugang ginawa sa mga termino sa pagbibigao.
IV. Resulta
Agdao
Sa 86 na barangay ng lungsod, isa ang Brgy. Agdao sa patuloy na gumagawa ng bigao. Ito ay
makikita sa kanlurang bahagi ng lungsod, sa daan patungong Bayan ng Urbiztondo.
Mula ang pangalan ng barangay sa isang puno na may ngalang siyensiya na premma odorata
na kung saan mayaman ang lugar na ito. Madalas ginagamit ito sa pugad ng mga manok upang mailayo
ang mga manok sa umog; mabisa rin itong pampababa ng kolesterol at sirkulasyon ng dugo; ginagamit
din ito na banyos o pampaligo ng mga bagong panganak na ina; ang talbos din nito ay ginagamit na
gagal o nganga at ginagamit na pampaasim sa sinigang.
Binubuo ang Agdao ng pitong sityo: Centro I, Centro II, Centro III at Nansangaan (matatagpuan
sa haywey) Tokok, Riverside, at Andangit (sa loob ng barangay).
Sityo Andangit
Sabi ng mga naninirahan sa Agdao, kung wala kang pangaran (palayaw), hindi ka mahahanap
sa lugar na ito. Sa sityo na ito, ang unang pamilya na nanirahan dito ay ang mga De Guzman partikular
sa pamilya ni Felipe de Guzman na mayroong bugtong na anak na Narciso. Ang ama at anak ay
parehong kilala sa palayaw na mambolangit at mambongitngit hanggang sa umikli bilang andangit.
Kung hahanapin sila ay sasabihin nilang “Iner so abung nen Felipe Andangit?” (Saan ang bahay ni
Felipeng Andangit) sa halip na “Iner so abung nen Felipe de Guzman?” (Saan ang bahay ni Felipe de
V. Kongklusyon at Rekomendasyon
Ang pagbibilao sa Sityo, Andangit, Lungsod San Carlos, Pangasinan ay mayaman sa mga
katutubong salita na ginagamit sa paggawa nito. Makakatulong sa leksikon sa lungsod kung
magkakaroon pa ng pananaliksik sa iba pang barangay sa Lungsod San Carlos na mayroong industriya
ng pagbibilao upang maihambing o makakalap pa ng ibang mga terminong sa pagbibigao.
B. Pagsasanay
Mula sa nabasang teksto ay humanap ng limang salita na hindi pamilyar sa iyo. Isulat ito sa
talaan pagkatapos ay saliksikin sa diksiyonaryo ang kahulugan nito.
C. Takda
Ikaapat na Araw
Paksa: Pagsulat ng Dokumentasyon ng Produkto
Pangkalahatang Layunin
• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
B. Takda
Tatapusin ng bawat pangkat ang kanilang isinagawang dokumentasyon at ipapasa sa
itatakdang panahon ng guro. Mamarkahan ito ayon sa pamantayang nasa ibaba:
I. Lagyan ng tsek ang angkop na iskor sa pamantayan gamit ang batayang nasa ibaba:
3 – Napakagaling
2 – Magaling
1 – Katamtaman
0 – Nangangailangan pa ng pagsasanay
PUNTOS
PAMANTAYAN
0 1 2 3
1. Kakikitaan ng mataas na antas ng pananaliksik ang
isinagawang awtput.
2. Malinaw na naipaliwanag ang bawat hakbang.
3. Ang larawan ay nagtutugma sa kapsiyon.
4. Angkop ang gramatika at baybay ng isinulat na
kahulugan at katangian.
5. Maayos ang lay-out sa isinagawang powerpoint.
KABUOAN