You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Ligao City
BICOL REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Tuburan, Ligao City
TEL: (052)7360019 (052)7360031 E-Mail: bicolrshs@yahoo.com Website: brshs.depedligaocity.net

Unang Pamanahonang Pagsusulit


FILIPINO 10

PANGALAN:_______________________________ANTAS AT SEKSYON:_________________________________ISKOR:__________________

I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng salitang mitolohiya?
a. agham o pag-aaral ng epiko b. agham o pag-aaral ng alamat
c. agham o pag-aaral ng tula c. agham o pag-aaral ng awit
2. Ang salitang mito/ myth ay galing sa salitang Latin na ano?
a. muthos b. muthys c. mythos d. Mytho
3. Ang salitang mito/ myth ay galing sa Griyegong muthos na ang kahulugan ay ano?
a. kuwenta b. awit c. tula d. Alamat
4. Ang muthos ay halaw pa sa salitang “mu” na ang ibig sabihin ay ano?
a. paglikha ng tunog sa bibig b. pagkakaroon ng alamat
c. paglikha ng tunog sa ilong c. pagkakaroon ng kuwento mula sa usap-usapan
5-6. Para sa sinaunang tao, ano ang kahalagahan o gamit ng pag-aaral ng mitolohiya?
a. pilosopiya b. misteryo ng mundo
c. relihiyon d. pagpapalit ng puwersa ng kalikasan
7. Alin sa mga sumusunod ang walang kinakitaan ng kakulangang koneksyon sa pag-aaral ng mitolohiya?
a. alamat b. epiko c. awit d. maikling kuwento
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag ng mito sa Pilipinas?
a. Ang mito ay kinabibilangan ng kuwentong bayan.
b. Ito ay naglalahad tungkol sa anito, diyos at diyosa.
c. Kinabibilangan rin ito ng mga kakaibang nilalang at pagkagunaw ng daigdig noon.
d. Ito ay may sukat at tugma na tumatalakay sa paglikha ng tunog sa paligid.
9. Ano ang pamagat ng epiko, ng mga taga-Ifugao, na tumatalakay sa pagkagunaw ng daigdig?
a. Alim b. Biag ni Lam-Ang d. Bukanegan d. Ibalon
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi gamit ng mitolohiya?
a. Ipaliwanag ang pagkalikha ng daigdig.
b. Magpakita ng kahalagahan ng mga kakaibang nilalang.
c. Maikuwento ang sinaunang gawaing panrelihiyon.
d. Magturo ng mabuting aral.
II. Suriing mabuti ang relasyon ng bawat isa upang mapunoan ang salitang hinahanap sa bawat
patlang. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

11-12. hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon.


Greek: ____________ Roman: _________________
13-14. reyna ng mga diyos; tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa
Greek: ____________ Roman: _________________
15-16. kapatid ni Jupiter; hari ng karagatan at Lindol
Greek: ____________ Roman: _________________
17-18. kapatid ni Jupiter; panginoon ng impiyerno
Greek: ____________ Roman: _________________
19-20. diyos ng digmaan
Greek: ____________ Roman: _________________
III. Pagsusunod-sunod ng bawat pangyayari sa kuwentong nabasa. Isulat ang tamang pagkasunod-sunod
na bilang sa inyong sagutang papel.

Para sa 21-26: Cupid at Psyche


_______ Binigyan ng iba’t ibang pagsubok ni Venus si Psyche.
_______ Sinasamba ng lahat ng lalaki si Psyche dahil siya ang pinakamagandang anak na babae ng hari.
_______ Humingi ng tulong kay Jupiter sina Cupid at Psyche para sa kanilang kasal.
_______ Itinakdang ipakasal si Pyche sa isang halimaw ayon sa payo ni Apollo.
_______ Umibig si Cupid kay Psyche.
_______ Tumira si Psyche sa isang palasyo kasama ang isang lalaking hindi pa niya nakikita ang mukha.
Para sa 27-32: Ang Mabuting Samaritano
________ Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya
at nagpatuloy sa kanyang paglakad.
________ May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan,
hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
_______ Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at
nagpatuloy sa kanyang paglakad.
_______ Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y
naawa
________ Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at
sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’
________ Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan.

Para sa 28-33: Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga


_______ Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan.
_______ Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis.
_______ Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay.
_______ May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal.
_______ Nawalan ng langis ang mga hangal kaya’t bumili muna sila sa tindahan.
_______ Ang mga hangal ay hindi na pinapasok ng Panginoon dahil sa huli na silang dumating.

IV. Tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang nasa pangungusap.


34. Tumawa si Bummabakker sa balak ni Bugan na wakasan ang kaniyang buhay. Ano ang gamit ng pandiwa
sa pangungusap?

35. Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Ano ang gamit ng
pandiwa sa pangungusap?

36. Naglakbay ang haring ama ni Psyche dahil hihingi siya ng payo kay Apollo. Ano ang gamit ng pandiwa sa
pangungusap?

37. Inilipad si Psyche ng hanging si Zephyr hanggang sa makarating siya sa damuhan na may mababangong
bulaklak. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?

38. "Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at kumain ka sa piging na nakahanda"
wika ng boses kay Psyche. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?

39. Nais ni Psyche na ibsan ang kalungkutan at patahanin sa pag-iyak ang kanyang mga kapatid subalit,
maging siya ay umiiyak na rin. Ano ang salitang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang karanasan?

40. Nainggit ang mga nakatatandang kapatid ni Psyche sa magandang buhay na kanyang natatamasa. Ano
ang salitang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang karanasan?

41. "Halika muna sa aking tahanan. Kumain ka, bago mo ipagpatuloy ang iyong pagtungo sa tahanan ng mga
diyos." wika ng pating kay Bugan. Anong salita ang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang Aksiyon?

42. Naglakad patungong silangan si Bugan matapos niyang kumain. Ano ang gamit ng pandiwang
nakasalungguhit sa pangungusap?

43. Nagdiwang sina Bugan dahil mayroon nang buhay na tumitibok sa kanyang sinapupunan. Ano ang gamit
ng pandiwang nakasalungguhit sa pangungusap?

V. Bigyang hinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng parabulang mapapakinggan. Gawing


gabay ang nasa ibaba upang mahanap ang mga kasagutan. Isulat ang inyong mga kasagutan ayon sa
estratehiyang tren
44. Pamagat
45-46. a. Nilalaman – Tungkol saan ang parabola?
47-48. b. Elemento – Nagtataglay ba ang bawat pangyayari ng pamantayang moral, at makatotohanang
pangyayari? Ano-ano ang mga ito? Maghanap ng dalawa.
49-50. c. Kakanyahan – Ano ang mensahe at aral na ipinahahatid gamit ang talinghagang pahayag?

Estratehiyang Tren:

Pamagat Nilalaman Elemento Kakanyahan


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Ligao City
BICOL REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Tuburan, Ligao City
TEL: (052)7360019 (052)7360031 E-Mail: bicolrshs@yahoo.com Website: brshs.depedligaocity.net

Unang Semestre- 2019-2020


FILIPINO SA PILING LARANG │12

I. Piliin sa loob ng kahon ang mga batayang tao na nagsabi ng iba’t ibang pahayag.

Royo 2001 Philip Koopman 1997 Edwin Mabini 2012

Cecilia Austera 2009 Henry Gleason Duenas at Suanz 2012

1. Ayon sa kanya ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng
tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
2. Sa Akademikong Filipino (2012), ang pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental.
3. Ayon sa kanya, bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahag
ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at
konklusyon.
4. Ayon sa kanila ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic
career na madalas ay makikita sa mga journal, aklat, abstrak, ng mga sulating papel, web sites atbp.
5. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-
agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam.

II. Isulat kung anong uri ng pagsulat nabibilang ang mga mga sumusunod na sulatin. Isulat kung ito ay
akademikong pagsulat, jornalistik, referensyal, korespondensyal, propesyonal, o malikhaing
pagsulat.

6. ulat panlaboratoryo 11. thesis o disertasyon


7. Bibliografi 12. Liham pangangalakal
8. lathalain 13. Indeks at notecards
9. pamanahong papel 14. banghay aralin o lesson plan
10. memorandum 15. jornal notebook

III. Punan ng angkop na mga/salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Walang
labis o kulang at kailangan sakto sapagkat ito ang pahayag na sinaad.

Para kay Henry Gleason, ang wika ay 16. __________________, na sinasalitang tunog, na
pinipili at isinasaayos sa paraang 17. _________________ upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang 18.________.

Ayon sa Saligang Batas ng 19. ________, artikulo 14 seksyon 6, Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay 20. ______________. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

IV. Suriin ang bawat pangungusap. Hanapin ang salitang nagpapamali dito ayon sa tuntunin ng ortograpiyang
Filipino. Isulat ang wastong salita upang maging tama ang pahayag.

21. Para sakin ang wastong pag-uugali ay mahalaga sa isang tao.


22. Kunin mo ang mga laptops sa mesa.
23. Konti lang ang mga dumalo sa palihan nang umagang iyon.
24. Kaysarap ng may minamahal.
25. Responsibilidad ni Anjo at Anna ang pagpapalaki sa kanilang anak.
26. Ang mga paru-paro ay mistulang mga ala-ala sa isipan ni Neil.
27. Ako ay isang tao na may pananalig sa Diyos.
28. Kusang pumunta ang mga kalalakihan sa palikuran.
29. “Ang imahe ay nabuo sa isipan ng mambabasa”, wika niya.
30. Kumanta, sumayaw at naglalaro ang mga magkakaibigan.
V. Isulat ang salitang MASAYA kung tama ang sinasaad ng pangugusap. Isulat naman ang MALUNGKOT
kung taliwas ito at palitan ng tamang salita ang salitang may salungguhit.

31. Ang abstrak ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang pag-aaral.
32. Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
33. Ang abstrak ay isang mahalagang bahagi ng isang panukalang proyekto.
34. Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang ibuod ang unang talata lamang ng binasang akda gamit ang sariling
salita.
35. Kapag tapos na ang isinagawang pananaliksik, sinusulat ang abstrak sa pandiwang nasa aspetong
nagdaan o past tense.
36. Gumamit ng unang panauhan sa pagsulat ng sinopsis.
37. Ang layunin ng abstrak ay tumatalakay sa kung kalian, paano at at saan nagmula ang suliranin
38. Sa pagsulat ng sinopsis mahalagang isaalang-alang ang kasalukuyang trabaho ng may akda.
39. Bagamat huling sinusulat ang abstrak, ito rin ay nasa huling bahagi ng kabuoang pananaliksik.
40. Sa pagbuo ng isang deskriptibong abstrak, hindi na isinasama ang metodolohiya, konklusyon, resulta at
rekomendasyon.

VI. Suriing mabuti ang mga impormasyon ng isang kilalang personalidad sa ibaba. Sumulat ng isang
bionote ayon sa mga binigay na impormasyon. Nasa ibaba ang pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka:
 Bumuo ng bionote na may limang pangungusap. Mahalagang isama lamang ang mahahalagang
impormasyong kinakailangan. (3 puntos)
 Ang ayos ng talata ay naayon sa bigat ng bawat impormasyon. Pinakamataas na nakamit hanggang
sa kasalukuyang trabaho. (3 puntos)
 Huwag kakaligtaang ang tamang bantas at tatas ng pagkakabuo sa bawat pangungusap. (2 puntos)
 Ang kalinisan ng pagkakasulat ay bibigyan ng puntos. (1 puntos)
 Ang kagandahan ng sulat kamay ay bibigyan rin ng karampatang punto. (1 puntos)

ANNA PATRICIA A. NABUTEL


 Mount Carmel College-Baler, 3rd honorable mention (Elementary)
 Aurora National Science High School (junior high school)
 Aurora National Science High School, may karangalan (senior high school, STEM)
 Veterinary Medicine sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna (present school)
 The Nucleus, kontribyutor ng The Nucleus bilang tagasulat ng balita
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Ligao City
BICOL REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Tuburan, Ligao City
TEL: (052)7360019 (052)7360031 E-Mail: bicolrshs@yahoo.com Website: brshs.depedligaocity.net

TALAHANAYAN NG NILALAMAN
Filipino 10

KASANAYAN BILANG BIGAT BILANG PAGKAKAKAHATI NG MGA KINALA KABU


NG NG AYTEM LAGYAN UAN
ARAW AYTEM Madali Katamta Mahirap NG
60% man 30% 10% AYTEM
Nalalaman ang mga iba’t
ibang diyos at diyosa na 6 20% 10 10 11-20 10
mababasa sa silid-aklatan
(F10EP-la-b-27)

Naiuugnay ang mga


kaisipang nakapaloob sa 6 20% 10 5 3 2 1-10 10
akda sa nangyari sa sarili,
pamilya, pamayanan, lipunan
at daigdig (F10PT-1a-b-62)

Nasusuri ang tiyak na bahagi


ng napakinggang parabola na 8 26% 13 13 21-33 13
naglalahad ng katotohanan,
kabutihan, at kagandahang
asal (F10PN-lb-c-63)

Nagagamit ang angkop na


pandiwa bilang aksiyon, 6 20% 10 10 34-43 10
pangyayari, at karanasan
(F10WG-la-b7)

Naipapahayag ang
mahalagang kaisipan sa 4 14% 7 1 6 44-50 7
napakinggan (F10PN-lab-62)

Nasusuri ang nilalaman,


elemento, at kakanyahan ng
akda gamit ang mga ibinigay
na tanong (F10PB-lb-c-63)

KABUUAN 30 100% 50 29 13 8 50 50

Inihanda:

G. Jefferson V. Torres
Filipino 10, BRSHS

Binigyang pansin:

Gng. Cristina B. Relleve


Punongguro II, BRSHS
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Ligao City
BICOL REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Tuburan, Ligao City
TEL: (052)7360019 (052)7360031 E-Mail: bicolrshs@yahoo.com Website: brshs.depedligaocity.net

TALAHANAYAN NG NILALAMAN
Filipino 12

KASANAYAN BILANG BIGAT BILANG PAGKAKAKAHATI NG MGA KINALA KABU


NG NG AYTEM LAGYAN UAN
ARAW AYTEM Madali Katamta Mahirap NG
60% man 30% 10% AYTEM
Nabibigyang-kahulugan ang
akademikong pagsulat (CS- 6 20% 10 10 1-5 10
FA11/12PB-0a-c-101) 16-20

Nakikilala ang iba’t ibang


akademikong sulatin ayon 6 20% 10 10 6-15 10
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
Katangian (d) Anyo (CS-
F11/12PN-0a-c-90)

Nakasusunod sa istilo at
teknikal na pangangailangan 6 20% 10 10 21-30 10
ng akademikong sulatin (CS-
F11/12PU-0d-f-93)

Naisasagawa nang mataman


ang mga hakbang sa 6 20% 10 10 31-40 10
pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin (CS-
F11/12PU-0d-f-92)

Nakasusulat ng organisado,
malikhain, at kapani- 6 20% 10 10 41-50 10
paniwalang sulatin
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)

KABUUAN 30 100% 50 10 20 20 50 50

Inihanda:

G. Jefferson V. Torres
Filipino 12, BRSHS

Binigyang pansin:

Gng. Cristina B. Relleve


Punongguro II, BRSHS

You might also like